nagising ako ng bandang alas-syete to find out that i am alone in the room. nakaalis na pala si Jigs, at hindi pa rin yata umuuwi yung mga kasama ko. so natulog na lang ulit ako.
paggising ko ng bandang alas-diyes, nandun at nag-iimpake na si B1 at si B2. alis na rin kasi sila. si Kyle, nasa sala, nanonood ng tv. si Chino, missing in action pa rin... or currently in action, hindi ko alam. natulog lang ulit ako.
tanghali na ng nagising ako. wala na si B1 at si B2, si Kyle naman ay tulog sa kabilang kama. nanood na lang muna ako ng tv ng saktong dumating si Chino. nag-breakfast daw sya.
"breakfast? eh kaninang alas-syete, paggising ko, wala ka na."
"kaya nga. nagbreakfast nga."
"ang haba ng breakfast mo ha!"
"ganun talaga!"
and with that... dagdag puntos na naman si Chino.
nagising na rin maya-maya si Kyle at pinag-usapan na namin ang plano for our last day. nakausap na namin ang may-ari ng bahay na inuupahan namin, at bagsak presyo na sila! as in 50% off! so, okay... tipid na talaga kahit tatlo na lang kami. pero mas nakatipid pa ng may na-receive akong confirmation message.
"hey! papunta na kami dyan."
si Mario! kasama si Luigi!
reader ng blog ko si Mario at kaibigan nya naman si Luigi. kaya nung nalaman nyang mag-ga-galera ako, naisipan nyang itext ako dahil pinaplano nga rin niyang pumunta pero sunday lang daw sya pwede.
laking tuwa naming tatlong bugok dahil mas malaki ang matitipid namin sa bayad sa bahay, at least we can allocate our money sa mga mas importanteng bagay kagaya ng... er... mindoro sling!
kahit gusto kong matulog muna, hindi ko magawa dahil kailangan kong hintayin na dumating si Mario at si Luigi. si Kyle at si Chino naman, ayun at naka-hilata. nagtext rin si Yuan at tinatanong kung nasaan ako, they want to have lunch-slash-chitchat with me bago sila bumalik ng manila that day. pero dahil sa mga paparating na bisita, i just declined and told them na sa manila na lang kami magkita-kita.
maya-maya pa ay nagtext na si Mario at nasa white beach na daw sila. nagpaalam ako sa dalawang natutulog (yup, kahit tulog sila, nagpaalam ako!) at sinundo ang dalawang replacements nina B1 at B2. dahil blog reader ko si Mario, kailangang maging hospitable ako sa kanya. ewan ko ba. ganun yung mindset ko. syempre, ayoko namang sabihin nya na attitude pala ako. so habang naglalakad, i have to let go of all the negativisms na nasa utak ko. pagsalubong, kailangan friendly and perky!
"dito na ako, san kayo nakaupo?" text ko kay Mario.
"dito sa mga lamesa katapat ng tent ng coke. naka-red shirt ako, green yung kasama ko."
ampotah! sakto pa yung damit sa code names! hahaha!
at pumunta nga ako sa nasabing mga lamesa, at nakita ko na ang dalawang mokong. in fairness, pogi si Mario! ayus! hahaha!
"hey! kumusta?" bati ko sa kanila in my friendliest smile.
"ayus naman, nakakapagod ang byahe. ikaw, naka-maikling shorts talaga dapat?"
oo nga pala... hindi pa ako nagpapalit ng damit from last night! natawa na lang ako at napuna nila ang shorts ko. nag-aya sila ng lunch pero i asked them if we can go home na muna para maipakilala ko na sila kay Kyle at Chino at sabay-sabay na kaming mag-lunch.
lakad lakad kaunti at dumating na nga kami sa bahay kung saan gising na gising na ang dalawa. pakilala portion at pagkatapos ay pinag-ayos ko na sila ng mga gamit nila. magpapahinga sana ako pero dahil nagkaayaan na magtampisaw sa dalampasigan, ayun at sumama na lang ako.
more play dead. more paandar. more search sa mga lamok dagat at langgam pantubig. more kwentuhan. sa aming lima, si Mario lang ang maputi, halatang bagong dating. si Luigi naman, mukha lang ang maputi, at hindi ko alam kung bakit. kulitan as normal lang. nothing really exciting. pero habang tumatagal, hindi ko maiwasang mapansin si Mario... ang cute nya talaga!
sumapit na ang gabi at naisipan na naming bumalik ng bahay para magluto ng dinner. pagkatapos ay pahinga saglit, and then ay gigimik na for our last night. after dinner, nagkaroon kami ng chance ni Mario na magkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay ng bigla nya akong natanong tungkol sa lovelife ko.
"magulo. magulong-magulo."
"bakit naman?"
at parang batang nagsusumbong sa nanay, naikwento ko lahat kay Mario ang mga nangyayari sa lovelife ko noon. lahat. lahat-lahat. dire-diretsong lumabas sa bibig ko ang mga pag-asa, panghihinayang, sakit, excitement, expectations, at lahat ng elemento tungkol sa buhay pag-ibig ko. hindi ko maiwasang malungkot, at nahalata ni Mario yun. tinapik nya ako sa balikat sabay banat ng
"okay lang yan, wag mo na lang isipin masyado."
"tama! let's just enjoy the last night here in galera."
"oo nga. yan ang hirap sa lovelife eh. kaya ako, ayoko ng ganyan."
at yun ang pasakalye ni Mario para sya naman ang magkwento ng tungkol sa buhay pag-ibig nya... or lack thereof. ako naman ay nakikinig lang habang minsanang humihithit ng yosi (oo, sa bigat ng conversation, napayosi na rin ako! haha!). naputol ang emo conversation namin ng bigla kaming tawagin ni Chino at tinanong kung hindi pa ba kami magbibihis para pumunta ng tabing dagat.
nagbihis at pumunta ng tabing-dagat para magpakalasing at i-enjoy ang huling gabi. kapansin-pansin ang laki ng nabawas sa dami ng tao. mas maluwag na ang beach, mas kalmado ang paligid, pero nandun pa rin ang party-by-the-beach vibe. pumwesto kami sa isang bar para magsimulang uminom, magkatabi kami ni Mario. inom inom inom, kulit kulit kulit. si Luigi,. lumalabas na ang pagiging kengkoy. si Chino, paandar pa rin sa kulitan, habang si Kyle naman ay nakakaloko pa rin ang tawa. masaya kaming nakakatawa ni Mario, pero hindi ko matanggal sa utak ko yung mga napag-usapan namin kanina.
"uy, okay ka lang?" bulong ni Mario sa akin. nahalata nya yatang may iniisip ako.
"yup. i'm okay. sige lang."
"ano bang iniisip mo? yung partner mo? wag mo isipin yun. just enjoy."
"haha! tama."
"diba dapat pag nasa galera, nagrerelax at nag-eenjoy? so wag na malungkot."
"yup. thanks!"
at tinapik nya ako sa hita as a sign of assurance that things will be okay. tuloy tuloy pa kami sa pag-inom ng napansin kong nagkakaroon na ng kaunting saltik ang bawat isa. kaya habang nasa katinuan pa ako, nag-presenta na akong kunin ang mga valuables namin at iuuwi ko na muna sa bahay. mahirap na at baka kung saan na naman mapunta ang mga gamit namin. malugod namang nag-oblige ang mga kasama ko, at si Chino na ang pinaghawak ko ng mga pera namin.
"uuwi ka?" tanong ni Mario.
"yup. ihahatid ko lang itong mga gamit. mahirap na, baka mawalan pa tayo! hehe."
"sama ako, natatae ako eh."
"sige. tara."
at naglakad kaming dalawa papunta sa bahay. kung nung mga naunang araw, parang ang lapit lang ng bahay namin mula sa beach, this time parang masyadong malayo.
"sure ka bang okay ka lang?" tanong ni Mario.
"yup. i'll be okay."
"so hindi ka nga okay?"
"eh hindi ko maiwasang maisip yung partner ko eh."
"hay naku... tigilan na nga yan. wag nang malungkot. ipasan mo na lang ako."
at parang maliit na bata, agad na sumukbit si Mario sa likuran ko. at wala na rin akong choice, nakaakyat na sya eh! and besides... i actually miss carrying someone on my back.
naglakad habang buhat buhat sya at nakarating kami sa bahay. ipinasok ko na sa kwarto ang mga gamit at sinabihan ko syang gumamit na ng banyo.
"nawala na eh. okay na ako."
"hahaha! o, tara na. balik na tayo."
"hindi ka talaga okay."
"okay na ako, don't worry."
"come on, what's bothering you?"
nahuli na nya ako... kaya umamin na rin ako...
"i think it's over..." at napaupo lang ako sa kama. "haaaayyy..."
lumapit sa akin si Mario at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"it's going to be fine. he's not worth it anyways."
"thanks."
at mula sa mahigpit na pagkapit sa kamay ko, binigyan ako ni Mario ng isang malambing at matamis na halik.
*to be continued*
Bitin na naman! Hahaha!
ReplyDeleteOne!
ReplyDeletenakakainis naman. bitin!
ReplyDeleteohmygod! kaninis! marunong ka talaga magpasakit ng puson boyshiatsu! argh! okay fine. abangan. then. dapat maganda ha! haha! mwah!
ReplyDeleteHMMM napakomment tuloy ako,silent reader mo kasi ako,ano na next? nakakabitin-buendiaboy.wordpress.com
ReplyDeleteHOMAYGAWD!! nkklk.
ReplyDeletelandi..hahahah
ReplyDelete