21 April 2012

Dude, Where's Your Car?!

"dude, i must inform you that i don't really do this thing. nakakadiri. pero umandar lang ang topak ko kaya i decided to text you. how much do you offer ba?"

yan ang bungad na text sa akin ni Sir Ashton. putangina lang! punong-puno na agad ng kayabangan at panlalait. mas mayabang pa dun sa kaklase ko nung elementary. pero, kailangang i-isangtabi ang emotional impacts at kailangang mag-focus sa business. ipinadala ko ang template sa kanya.

"i'm from makati dude. ikaw ba?"
 "pasig."
"oh... okay... but dude, we can't do it in my pad. i don't want to bring boys for hire at home. mahirap na."
"we can check in." *medyo iritado na, pero composed pa rin*
"really? is that safe dude?"
"yeah. it is naman. you decide which hotel/motel."
"okay dude. is cubao area good? ayoko ng malapit dito sa bahay. baka may makakilala sa akin. mahirap na. i'm a professional, so i have to protect my identity."
"okay."
"tsaka discreet ako. and, actually, okay ang looks ko. may iba ngang nag-ooffer sa akin na bayaran ako eh. but i reject. i'm not that low dude.

hindi ako nagreply. namangha lang ako sa kanya, kasi bawat sentence nya, may "dude."
 
"dude, you're clean ha? and hindi nakakasuka itsura mo? it would be a waste of money if you're ugly."

ayan na naman... bumanat na naman ng panlalait itong si Sir Ashton.

"don't worry. i'm good. see you later."

tinapos ko na agad ang conversation at baka madurog pa lalo ang pagkatao ko sa mga pinagsasabi nya. or worse, baka di pa ako makapagtimpi at maaway ko syang bigla.

ilang oras pa ay nagtext sya that he's driving na daw on his way to cubao. hindi na ako nagtaka na may kotse sya. kung maka-ingles, akala mo champion sa oratorical speech contest... malamang mayaman to.

"if you want, you can check in first, then just text me the hotel and the room number."
"okay. it's better that way. baka may makakita sa aking may kasamang kung sinu-sinong guy lang."

mataas naman ang araw nun, pero tila may ipu-ipo talaga akong nararamdaman. hinayaan ko na lang. hanggang sa maya-maya pa ay nagtext na sya.

"crest hotel. room 3***"

hindi ko maiwasang matawa! makapag-inarte itong si Sir Ashton na mayaman, tapos crest hotel?!?!?! haller?!?!? may kabayan hotel naman sa cubao. or spring hotel. or mariposa. or kahit sogo. pero crest? hahaha!

teka... baka naman kasi walang bakante dun sa mga maayus-ayos na motel kaya dun bumagsak si Sir Ashton. or walang parking. sige, benefit of the doubt.

pumunta ako sa nasabi motel at kwarto at kumatok. bumukas ang pinto, at bumungad sa akin ang driver ni Sir Ashton... ng bigla kong naalala na wala nga pala s'yang driver. so ito na pala sya... ito na pala si Sir Ashton.

ayoko na lang magsalita at baka lalo pang dumami ang mga haters ko. pero... pucha!! hindi ko mapigilang hindi magsalita!

mukhang probinsyano si Sir Ashton. hindi yung probinsyano na inosente pero sexy ang dating ha. yung probinsyanong parang pakiramdam mo eh walang inaatupag sa buhay kundi magsabong or mangolekta ng gagamba! ni hindi ko makita kung saang anggulo yung sinasabi nya na "okay ang looks nya." well, may kaunti syang katawan, pero kahit na... kahit may kaunti syang katawan, hindi mo na mapapansin kasi sa mukha ka mapapatingin... at mapapangiwi ka na lang!

"hello!" bati ko kay Sir Ashton, with some thwang. gusto ko lang ipagyabang na hindi lang ako sa text magaling mag-ingles.
"oy! haleka, pasuk ka."

AMPUTA!!! MAY ACCENT DIN SI SIR ASHTON!!! hahahahahaha! nawalan tuloy ako lalo ng gana kausapin sya. matapos ang basic conversation scripts sa client like "kumusta po?" "saan po kayo sa *insert location here*?" "ano pong work nyo?" ay pinapwesto ko na sya sa kama para masimulan ang service. habang nagseservice, panay ang dakdak ni Sir Ashton. and para hindi ako mahirapan, ita-type ko na lang dito in normal spelling. kayo na ang bahalang maglagay ng accent.

"you know, this is actually my first time to hire. tinopak lang talaga ako."

"grabe ang work ko. it's really really stressful. i'm on call kasi, and i'm handling a big group of people, so i really have to be in my best form everytime. buti nga at naisingit ko sa schedule ko ang massage."

"when i was in thailand, grabe, the massage boys there are really good."

at dahil inborn na yata sa akin ang maging fluid sa conversation, itinanong ko kung saan sa thailand sya nagpunta.

"oh. jakarta."

ANO DAW?!?! hindi ko alam kung nagkamali ako ng rinig, pero jakarta ba talaga yung sinabi nya? hindi ako bobo to realize that jakarta is not in thailand... sa south korea yun diba? (hahaha! tanga-tangahan. yup, i know, it's in indonesia.)

"jakarta?" pag-confirm ko.

"yup. ang ganda nung masahe. sobrang swabe. tapos mga gwapo at lean pa."

hindi na lang ako nagcomment.natawa na lang ako. at least, kahit masahista ako, alam ko naman ang basic asian geography.

tinapos ang masahe at extra, at iniabot na ni Sir Ashton ang bayad. parang gusto nya pang makipagkwentuhan, kaya pumayag ako. (dating gawi, kayo na maglagay ng accent sa mga lines nya)

"dude, why did you enter in this business"
"mahabang kwento. hehehe..."
"okay. don't you feel dirty about yourself?"

kumunot ang noo ko sa statement nya... ang gulo ng sentence construction! pero na-gets ko naman yung tanong, kaya sumagot na lang ako.

"nope. i'm used to this. matagal na ako naka-move-on sa self-esteem issues na ganyan."
"oh. good for you. at least, for me, i have no issues with that."

yeah right. iba kasi yung issue nya eh! haha!

maya-maya pa ay nagpaalam na ako kay Sir Ashton. nagbilin pa sya na wag daw akong magtetext dahil baka daw may makabasa ng message ko. he decided na mauna nang lumabas dahil medyo malayo pa daw ang parking slot nya at tsaka baka daw mamaya ay wala na sya sa mood mag-drive, eh hindi naman nya pwedeng kontakin ang driver nya. okay. fine. whatever.

mag-stay pa sana ako ng matagal sa kwarto (may one hour pang natitira) ng magtext ang kaibigan ko na puntahan ko daw sya sa glorietta. sayang, sana nakisabay na ako kay Sir Ashton para naman nakatipid ako sa pamasahe. pero, dahil wala na ang kliyente, wala na akong choice kundi mag-commute. nag-mrt na lang ako...

at nandoon sa mrt na nasakyan ko, kasama sa mga nakasiksik at nag-aabang ng couch... si Sir Ashton!

natawa na lang ako. ang yaman nga talaga ni Sir Ashton! yung kotse nya palang sinasabi nya... tren pala! at eto, nag-aya pa sya ng mga makakasabay sa pagda-drive nya pauwi!

ang tindi nya, dude! bagay nga sa kanya yung name na Ashton... Ashton Kutchero!

16 comments:

  1. hi ken..naaliw naman ako sa experience mo. ang kapal naman ng sir ashton na yan...btw jakarta is definitely not in thailand. it's not even in malaysia..it's actually the capital and largest city of indonesia. hehehe. cheers!

    ReplyDelete
  2. hahaha!

    sana binati mo sa loob ng tren si ashton poke.

    ReplyDelete
  3. hehehe... jakarta, indonesia... :)

    ReplyDelete
  4. Jakarta is in Indonesia. :)

    ReplyDelete
  5. ser, indonesia po ang jakarta.
    Nakakatawa naman tong si sir ashton. kala mo kung sino. :p

    ReplyDelete
  6. hahaha nice one bro. ashton kutchero nga. you really have the knack for writing bro. keep up! ey, jakarta is in indonesia though hehe.

    ReplyDelete
  7. boss, wala sa Malaysia ang Jakarta.

    It's the capital of INDONESIA! =)

    ReplyDelete
  8. Jakarta, Indonesia.

    ReplyDelete
  9. Jakarta is in Indonesia... Lakas ang topak ng sir mo, wahahaha. You finally met your match!

    ReplyDelete
  10. putangina! i just made a joke out of myself! makapanita ako na mali si Sir Ashton, ako rin pala mali! bwahahahaha!!!

    pasensya na. lutang na lutang pa! hahahaha!

    ReplyDelete
  11. ayan! i edited it na! para naman hindi nakakahiya sa mga susunod na babasa! ahahahahahaha!

    ReplyDelete
  12. @Boy Shiatsu: hahaha! put*ngina nya.. :P andame kong tawa.. mga 12.. ganyan.. lol

    ReplyDelete
  13. my fave is your reaction when he opened the door. patok! er pala ang fez. this is the best post. tnx.

    ReplyDelete
  14. hahaha katawa naman tong story mo BS dami ko tawa tumitingin tuloy sakin si boss akala nya nababaliw na ko sa dami ng pinagagawa nya ang di niya alam e tapos ko na kanina po ung mga pinpagwa nya petiks muna malapit na nmn ng maguwian hehehe.

    ReplyDelete
  15. Now ko lng nbasa peo natawA tlga ako ng sobra...hehe

    ReplyDelete