* * * * *
malaking pasabog agad ang binitawan ni B1 at B2 pagkagising namin ng tanghali. instead of staying for two days sa bahay na inuupahan namin, one day na lang daw. may kaibigan daw kasi silang naka-check-in sa may beach front at dun na lang daw sila titira. putah! malaking problema ito para sa aming maiiwang apat. ibig kasi sabihin nun, mas lalaki ang sharing namin! kung kailan naman planado na ang budget ng mga gipit na wallet, tsaka magkakaroon ng ganitong changes. mabuti na lang at nadaan ko sa sales talk, at ayun, naconvince ko yung dalawa na mag-stay for one more night. yung for sunday, hindi na problema yun, kasi nakahanap na kami ng replacements. so, issue is done. umalis na si B1 at B2 para puntahan ang mga kaibigan nila.
matutulog sana ulit kami ng tinopak si Kyle na maglanguy-langoy naman daw kami sa beach. hindi naman daw kami pumunta ng puerto galera para matulog o manood ng tv. kumampi naman ang punggok na si Chino. and, sige na... pumayag na rin ako. kanya-kanyang ayos at maya-maya pa ay naglalakad na kami papunta ng beach. hindi ko maiwasang mapansin ang mga suot namin...
si Chino, naka-maikling shorts. yung tipong kaunting usog na lang, pekpek shorts na.
si Kyle, naka-beach shorts naman... pero topless!
si Jigs, body-fit na shirt.
ako... pambahay!
hindi ako na-inform... simula na pala ng paandaran! tanghaling tapat pa lang! at tama nga ako... habang naglalakad kami sa tabing-dagat... maraming mga paandar kaming nakita!
* may dalawang babaeng naka-bathing suit, nakalublob sa dagat... pero nakapayong!
* meron ding isang baklitang nakalublob ang kalahating katawan sa dagat, naka-headset, pero nakataas ang kamay... baka kasi mabasa ang telepono!
* may isang lalaki na nakahiga sa buhanginan at nagbabasa ng libro... NURSING BOOK!
* meron namang nakasuot ng magandang sando... nakasulat, "i love boracay." (ewan, di ko mapigilang matawa dito)
kasama na rin syempre sa mga eksenadora sa galera ang mga grupo-grupong baklaking (baklang lalaki) na kung makasuot ng swimming trunks eh parang kinapos sa tela, pero kung makalakad... isang hakbang, limang kembot!
matapos maglakad ng ilang milya, nakarating rin kami sa dulo ng galera... yung jurassic area. pero since tanghaling tapat yun, walang eksenang nagaganap... bukod sa ahas! at matapos magkagulo ng bahagya ang mga tao, may naglakas-loob na i-agitate yung ahas at nahawi naman sya pabalik sa mga halamanan... good luck na lang sa mga mag-ju-jurassic ng gabing yun!
magsisimula na kaming lumangoy ng inilabas ko na ang paandar ko... hinubad ang t-shirt at ang suot na beach shorts...
naglangoy lang kami ng naglangoy sa dagat hanggang sa ma-bore kami, kaya naisipan namin na mag-mini-snorkeling! renta ng life jacket at goggles kay manong na nakatambay dun, nagsisid-sisiran kami sa dalampasigan at gamit ang mga goggles ay sinilip namin ang ilalim... puro buhangin, bato, at iba't ibang uri ng basura! wala man lang kaming nakitang isda! hahaha! sinubukan din naming maghanap ng mga lamok-dagat (alam mo yun? yung parang bigla ka na lang kinagat ng langgam at mangangati ka habang nasa tubig ka? lamok-dagat pala ang may kagagawan nun!) pero hindi kami nagtagumpay.
at parang mga batang maraming stress sa buhay, maya-maya ay naisipan lang naming humiga sa dalampasigan at mag-emote ala-Adele. ng biglang nagtanong si Chino.
Chino: anong gagawin nyo pag bigla na lang kayong may nakitang tsunami?
BoyShiatsu: mga tanong ha! ano ba yan!
Chino: syempre dagat! malamang pwede magka-tsunami!
Kyle: hahanap ako ng life jacket, agad agad.
BoyShiatsu: ako... siguro, tatakbo sa pinakamalapit na pwedeng kapitan ng mahigpit.
Jigs: ... (NR... lagi naman syang ganun! hahaha!)
Chino: wala pala kayo eh... korni.
Kyle: bakit, ikaw ba?
Chino: pag may tsunami... play dead!
dyan! dyan magaling si Chino! sa mga punchlines na walang logic pero nakakatawa! at, wag ka! effective daw yan sa kahit anong natural calamities!
pag may earthquake... play dead!
pag may sunog... play dead!
pag may tornado... play dead!
daig pa namin ang mga nakahithit ng ilang litro ng laughing gas sa kakatawa dahil sa mga sunod-sunod na paandar jokes namin ni Chino, ang patay-na-bata laugh ni Jigs, at ang hindi-mo-alam-kung-natatawa-ba-o-nang-aasar-lang na tawa ni Kyle.
medyo sumasapit na ang gabi ng naisipan na naming umuwi, mag-dinner (nagluto na lang kami, para tipid), at magprepare para sa mas paandar na gabi. at tama, paandaran nga! naka-muscle shirt si Jigs, habang si Kyle naman ay naka-sandong fit. si Chino, naka-shirt na medyo see-through. ako, simple lang yung t-shirt ko... pero naka-pekpek shorts... na glittery yung print! hahahaha!
pumunta na kami sa mga bars sa tabing dagat... at di nga kami nagkamali! sobrang dami ng tao... 80 percent bakla! and out of the 80 percent na bakla... 79.5 percent, may kanya-kanyang paandar! may de-kolores ang buhok, may naka-bowtie pero topless, may baklang may bitbit na malaking lv pouch (na halata namang peke), meron namang two inches lang ang suot na damit (tinalo ako!). may pa-suplado effect, meron namang mr congeniality ang peg. kanya-kanyang emote, kanya-kanyang pacute. it's a marketplace of gay guys. there's one for everyone.
which is a good sign... so, malamang makakapuntos ako tonight!
dahil sa trauma sa nangyari ng naunang gabi, naisipan namin na pitcher na lang at hindi tower ng mindoro sling ang orderin namin. para at least, chillax lang. maya-maya pa, dumating na si Janzen at Oyah. kumpleto na naman kaming anim. light lang ang inuman, light lang ang kwentuhan, kahit parang agit na agit ang paligid sa dami ng tao.
"nasaan ka?"
may nagtext... si Yuri. sinabi ko kung nasaan ako, at sinabi nya kung nasaan sila ni Jason. iniwan ko muna ang mga ka-tropa saglit at pinuntahan ang dalawang hot na magjowa. nakaupo sila sa may dalampasigan, may kanya-kanyang hawak na bote ng beer.
"uy, kumusta?" bati nila sa akin.
"eto, hindi na wasted. haha!"
"oo nga eh. mukha kang maayos ngayon."
"bakit, kahapon ba hindi?"
"maayos naman... pero mas maayos ka ngayon. hindi ka nakakatakot kausapin."
lalo akong natawa sa sinabi nilang iyon... ganun talaga ka-traumatic yung nangyari sa akin. umupo ako sa tabi nila at nagkwentuhan lang kami. kung kahapon, puro landian ang kwento, ngayon... maraming sense ang usapan! maraming na-cover na topics. syempre, may kaunting landian portion pa rin (baka sakaling itong dalawang ito na ang two points ko for the night!), pero karamihan eh mga seryosong bagay.
hindi ko namalayan na tumagal na pala ang usapan. humiwalay muna ako sa kanila saglit at bumalik sa lamesa namin... to find out na wala na dun ang mga kasama ko! hindi ko alam kung anong nangyari at kung nasaan sila. tinanong ko yung waitress, bayad na daw kami. safe! sinubukan kong bumalik sa pwesto nina Yuri... pero wala na sila dun. so i guess, the night is all mine! pagkakataon nang pumuntos!
ikot-ikot at sayaw sayaw lang sa kahabaan ng galera. marami-raming mukha akong kilala at binabati, kaunting kwentuhan, at pagkatapos ay kakalas na agad. repeat till fade. natapos ang gabi ng puro ganun lang ang nagawa ko. one word... boo!
mabuti na lang at nakakita ako ng grupo ng mga kaibigan ko dito sa manila, kaya pinili ko na lang na makiupo at makiinom sa kanila. masaya ang kwentuhan. chillax na chillax. hanggang sa inabot kami ng madaling araw... oras na para umuwi.
dahan-dahang naglakad pauwi... at kahit madaling araw na, marami pa ring paandar at eksenadora. pero hindi ko na pinansin yun. hindi ko na rin inisip kung nasaan pa ang mga kasama ko. basta umuwi na lang ako agad dahil pagod na ako... pagod ako sa magdamag na paghahanap ng pwedeng "gawin" pero ang ending, wala pa rin akong "nagawa." si Chino at si Kyle, naka-dalawang gawain... and so, to update the list...
Chino -- 4
Kyle -- 3
BoyShiatsu -- 0 pa rin!
Wawa ka naman. Baka naman sa dulo eh nakasampu ka pala. LOL!
ReplyDeleteHehehe astig ka sarap pa...
ReplyDelete