galing sa trabaho at medyo pagod, naisipan ko munang mag-check-in sa sogo trinoma para makapagpahinga. executive room sa 4th floor, para may hair dryer since medyo mahaba ang buhok ko, mahirap patuyuin.
pumasok ako sa kwarto, nag-shower saglit, at nagpahinga, pero hindi ako makatulog. binuksan ko ang tv at nagpalipat-lipat ng channel, hanggang sa may maisip akong gawin...
agad ko syang itinext.
"pwede ka ba ngayon?"
"sure! saan?"
"sa sogo trinoma."
"okay. text mo sa akin ang room number" na agad ko namang ginawa.
nakakatuwa sya. laging available. kahit ngayon na alas-sais ng umaga, on-the-go pa rin. talagang maaasahan sa oras ng kalibugan, ika nga!
ilang minuto pa, nag-ring na ang telepono sa kwarto.
"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."
at maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell at nakatayo na nga sya sa harap ng pintuan... matipuno at masarap tignan kahit may kaunting tiyan.
sinundan ito ng halos dalawang oras ng umaatikabong aksyon.
naligo, nagbihis, nagkwentuhan saglit, at iniabot ko na sa kanya ang bayad.
"sir, aalis po ang kasama nyo?"
"oo"
"okay sir." at ibinaba ng receptionist ang telepono, na sya naman sinabayan ko ng paghiga sa kama at pagtulog.
* * * * *
galing sa trabaho at medyo pagod, naisipan ko munang mag-check-in sa sogo trinoma para makapagpahinga. premiere room sa 3rd floor, medyo tipid sa budget at matagal pa ang sweldo.
pagpasok ko sa kwarto, agad ko syang tinext.
"asan ka?"
"having breakfast malapit sa sm north."
"good! available ka ba?"
"yes."
"sige, puntahan ko ako dito sa sogo trinoma, room 3**"
"okay. tapusin ko lang breakfast ko ha."
hindi ko na kailangang tanungin ang rates nya dahil napag-usapan na namin yun last week. pero ngayon ko pa lang sya susubukan, sana naman eh sulit ang bayad ko.
ilang minuto pa, nag-ring na ang telepono sa kwarto.
"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."
at maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell at nakatayo na nga sya sa harap ng pintuan. mas gwapo pa pala sya in person kaysa sa picture, pero may kaunting tiyan lang, pero nasabi nya naman sa akin yun, and wala rin naman akong pakialam.
"kumusta po?"
"okay naman. eto, medyo pagod."
"ayus lang yan! tatanggalin natin pagod mo."
naligo muna ako, pagkatapos ay siya naman, at sinundan na ito ng langit na matagal-tagal ko ring hinintay. panalong-panalo! sulit nga!
naligo, nagbihis, nagkwentuhan saglit, at iniabot ko na sa kanya ang bayad.
"sir, aalis po ang kasama nyo?"
"oo"
"okay sir." at ibinaba ng receptionist ang telepono, na sya namang sinabayan ko ng paghiga sa kama at pagtulog, may kasamang ngiti sa labi at maliit na boses na nagbubulong sa akin na nagsasabing paniguruhan eh iha-hire ko sya ulit.
* * * * *
dahil wala akong magawa at rest day ko naman, naisipan ko syang itext.
"uy, musta?"
"okay naman po. eto, gala-gala sa trinoma."
"available ka ba?"
"when ba?"
"mamaya, mga 2pm. dyan na lang sa sogo trinoma para di ka na malayuan."
"okay."
ala-una ng hapon noon. naligo na ako at pumunta sa sogo trinoma. 4th floor, executive room. tinext ko na sya ng room number at maya-maya pa ay nag-ring na ang telepono.
"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."
at maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell at nakatayo na nga sya sa harap ng pintuan. may bitbit na paper bag, mukhang nag-shopping pa ang mokong. at tila bagong gupit pa! pero, kahit ano pang suot nya o buhok nya, para sa akin okay na okay yung features nya.
pumasok sya ng room at nagkwentuhan muna kami. matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita at nagkakakwentuhan. wala pa rin syang pinagbago. when he opens his mouth, his charm exudes. nakakatuwang makinig sa random stories nya. pag yung iba ang nagkuwento ng kung anu-ano, maiirita ka. pero sya, you'll get hooked.
matapos pa ang kwentuhan, pinaligo ko na sya tutal bagong ligo naman ako. pagkatapos nun ay sinimulan na nya ang masahe.
"parang medyo nanlalambot ka ngayon."
"pasensya na sir. medyo pagod."
"it's okay."
pero kahit medyo pagod, maganda pa rin ang kalidad ng masahe nya... medyo kulang lang sa pressure that day. pero sa extra, as always, performance level pa rin talaga.
nakahiga lang kami sa kama pagkatapos, nagpahinga saglit.
"san ka pupunta after?"
"baka balik muna ako ng trinoma, kain muna bago umuwi."
"ah. sayang, i can't join you. have to go somewhere eh."
"okay lang."
naligo, nagbihis, nagkwentuhan saglit, at iniabot ko na sa kanya ang bayad.
"sir, aalis po ang kasama nyo?"
"oo"
"okay sir." at ibinaba ng receptionist ang telepono, na sya naman sinabayan ko ng paghiga sa kama dahil napagod ako sa ginawa namin.
* * * * *
"ma'am, may expected guest po kayo?"
"..."
"sige po, paakyatin ko na."
nakakasawa na. araw-araw na lang na ginawa ng diyos na binabanggit ko ang mga salitang yan. walang magagawa. part of the job. nakakatamad, pero ayus lang. ang importante, may trabaho. may naipapakain ako sa mga kapatid ko at nakakatulong ako sa gastusin sa bahay, para hindi masyadong mahirapan si mama at papa. mabuti na lang at mababait ang mga kasama ko dito sa trabaho, kaya kahit bago lang ako dito, hindi ako na-o-op.
mahilig na kaming mag-observe ng mga pumapasok at lumalabas sa hotel. and, hindi ko alam kung bakit, pero medyo malakas ang memory ko sa mukha ng tao. tsaka nakasanayan na rin sa trabaho na ginagawan namin ng istorya yung mga dumarating at umaalis.
madaling araw, sa gitna ng katahimikan sa lobby, may pumasok na isang lalaking naka-black fit shirt. medyo matipuno naman ang katawan nya, pero may kaunting tyan.
"miss, expected visitor, room 4**"
"sandali lang po."
tapos ay idinial ko ang numero ng nasabing kwarto.
"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."
"okay na po sir." sabi ko kay kuyang naka-black pagkababa ng telepono. pagkatapos nun ay tuloy lang ang kwentuhan namin ng kasama ko tungkol sa mga teleseryeng napanood namin kagabi.
ilang oras pa, bumaba na si sir na nakaitim, mag-isa.
"miss, nandun pa yung kasama ko sa room 4**"
"sandali lang po sir"
at muli kong idinial ang number ng nasabing kwarto.
"sir, aalis po ang kasama nyo?"
"oo"
"okay sir."
"okay na po sir." at umalis na nga si sir.
hmmm... ano kayang kwento ang magandang gawin tungkol dito? siguro kaibigan si sir nung naka-check in, at dumalaw lang. baka. ewan.
tuloy tuloy lang ang routine. paulit-ulit. hanggang sa bandang alas-nuwebe ng umaga ay may pumasok... si sir na naka-itim na naman!
"um... miss... guest, room 3**" sabi nya, na parang medyo nahihiya.
"sandali lang po."
tapos ay idinial ko ang numero ng nasabing kwarto.
"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."
"okay na po sir."
"thanks" at umakyat na si sir na naka-itim. sya na naman? nagkatinginan kami nung kasama ko. pero tinawanan na lang namin. na-gets ko na. sa trabaho naming ito, sanay na kami sa mga ganung klaseng visitors.
ilang oras pa ay bumaba na si sir na naka-itim, mag-isa as expected. same old routine, at umalis na sya.
...
...
ayan! malapit nang matapos ang oras ng shift ko. hanggang alas-tres lang ako, at isang oras na lang eh time out na. inaantok na ako. pero nawala ang antok ko sa isang guest na dumating... si sir na naka-itim na naman! pero hindi na sya naka-itim ngayon. naka-printed na polo-shirt sya, at bagong tabas pa ang buhok!
"miss, room 4**, expected guest"
"sandali lang po sir."
tapos ay idinial ko ang numero ng nasabing kwarto.
"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."
"okay na po sir."
"salamat" at umakyat na si sir... tsaka ko lang napansin na may bitbit pala syang paper bag. ahhhh...
sumapit ang alas-tres at nag-time-out na ako. ano na kaya nangyari kay sir na naka-itim? ah, ewan... basta, uuwi na ako at inaantok na ako. magpapakwento na lang ako sa mga naiwan dun.
* * * * *
umalis ako sa bahay ng naka-itim na shirt, at umuwi akong naka-polo shirt, may bagong haircut, at may ilang libong nadagdag sa wallet, pero kapalit nito ay nanlulupaypay na katawan.
natulog agad ako pagdating sa bahay... at nagising 12 hours pagkatapos!
ano work mo ngayon boy shiatsu? if you dnt mind...
ReplyDeletebago pa lang akong tagasubaybay ng iyong blog, pero nabasa ko na lahat ng entries, as i did a reading marathon at ilang gabing pinagpuyatan ko. nakakatuwa, nakakaaliw, nakakalungkot ang mga kwento and reading your blog has become a habit.
ReplyDeleteerik
Ikaw lang pala si mamang naka-itim eh...hehe...medyo naguluhan ako sa kwento mo ngayon ah... Nagpa-check up knb or HIV test, baka nman sa dami ng adventures mo, di mo nmamalayan may sakit kna pala. Concern lang ako sayo boy shiatsu.
ReplyDeletewow. one of your best entries yet! :)
ReplyDeleteI love the twist...
ReplyDeleteah so bale short hair kana ngayon... clean cut ba?
Ganda. Parang nakablack shirt lang.
ReplyDeletei sooo love this entry Kenneth just because Vantage Point was one of my fave movies. I knew already from the start how this story would end. Galing. A very nice read. Keep 'em coming. I'll forever be a fan of BoyShiatsu.
ReplyDeleteCheers,
Your friend from Dublin (hope u still remember.)
Astig 'tong post na to! Hehehe. Good job!
ReplyDeleteakoangdramaking.blogspot.com
one story from 3 angles.. nice.. :)
ReplyDelete-popoy
Mr. Work, well, i'm a Boy Shiatsu po! that's my work! hahaha!
ReplyDeleteErik, salamat salamat po! sana tuloy tuloy lang.
Mr. Concern, salamat po sa, er, concern. don't worry, i'm very safe and clean! magulo ba yung kwento? read again. and again. and again.
Horcrux, salamat. kahit ako natuwa sa kinalabasan ng entry na ito.
Brian, thanks! mahaba na nga hair ko ngayon eh. this story happened months ago po.
Kiks, mabuhay ang black shirt!
Dublin friend, of course i remember you! i'm happy that you liked the entry.
Drama King, apir! followed your blog. :-)
Popoy, five angles po! hehehehehe...
analytical tong istoryang toh pero madali naman intindihin hehehe 10 thumbs up
ReplyDeletehey. medyo hilaw yung POV ng receptionist. could have been your best write-up.
ReplyDeletekeep 'it' up!
resilience
very safe? how sure, kelan k ba ngpatest ng HIV?... Nabahala lang kasi ako don sa nabasa ko sa isang article, lumaki daw ngayon ang bilang ng mga hiv infected and 70 percent of those are sex workers, especially those who are engaging in man to man sex... Mr. concern hir,,,,
ReplyDeletekaya nga minsan kahit gsto ko ng aliw with a sex worker, nppaisip ako and in the end sbi ko wag nlng.. Bka ksi yung isang orasm dlawa, tatlo o higit pa n kaligayahang yun ay habambuhay ko nang pagsisihan. Sorry ha, point of view ko lang to,
ReplyDeleteMr. Concern again....
hehe...Ask ko lang bakit, SOGO Trinoma ang featured hotel sa kwento mo kenneth? Mrmi nman diyan iba, cgro iniba mo na rin yung original settings ng story mo db,,,, DAN
ReplyDeletegaling mo talaga.....boy of bats.
ReplyDeleteMr. 10 Thumbs, analytical talaga? hindi nga eh! it's a giveaway! hahahaha!
ReplyDeleteResilience, bakit naman naging hilaw yung pov ng receptionist? btw, which pov?
Mr. Concerned, i'd rather keep that one private. and, btw, i do respect your opinion of not engaging with sex workers.
Dan, sa sogo trinoma kasi talaga to nangyari.
Boy of Bats, salamats!
i really like the way you tell stories,how you write, and how you always make me thirst for more,from waiting and expecting what would happen next. two thumbs up sir!!!
ReplyDeleteYeah, you should... Keep it private na lang lalo na pag 1, 2, or 3 years ago na pala ang nkalipas since you had your HIV test... KKtakot yan, be safe and be responsible, i know you always do!!!
ReplyDeleteIt's never too late to change. Sana wag na nating hintayin pa na maging "too late" na talaga.
ReplyDeleteRedfucks,
huwaw naman, may ganung writing style ka na ha! talent mo nga talaga ang pagsusulat. keep it up! maybe you could pursue a career out of this talent?
ReplyDelete-virgintween
Nice... Rashomon effect... parang trip ko syang gawing mini-movie sa isang film project sa school. In that case, pwede ba? Pagnatuloy I'll send you the details then maybe we can brainstorm and send you a copy of the finished product? ☺
ReplyDeleteGo on Boy, keep on indulging us!
-Lawrence
mr concern, medyo low IQ ka yata noh, when 2 people engaged in sex, whether he is as clean as a priest, you ALWAYS TAKE precaution, kahit isampal sa mukha mo ang HIV negative result done EVERYDAY,TANGA ka kung yan eh paniniwalaan mo ERGO 1st- abstain, if you cannot follow # 1 then 2nd practice safe sex, if you cannot follow # 1 and # 2 then do whatever please you, para kang baliw tanong ng tanong about hiv status- YOU ONLY ASK THAT QUESTION IF YOU WILL BELIEVE THE ANSWER THE PERSON WILL GIVE YOU - kuha mo? my gosh, saan ka nag college?? super low as in low IQ
ReplyDeletenaku basta po practice safe sex nlng kasi di naman sasabihin ng mga sex worker na hiv positive sila kasi napakaconfidetnial na un nasa kanila nlng kung gusto nila sabihin or maybe di din nila alam na positve sila....kaya nga hire at youre own risk talaga.. from mr thumbs up 10 hehehe
ReplyDeletekaya nga eh, asan si mr concern, i am very concerned sa state ng IQ nya ha, super low, masamang combination yan, beki na , bobo pa
ReplyDeletehahahah... nairita ke mr. concern! oo nga paulit-ulit ng lang ng tanong. nasagot na ni kenneth sa ibang entries nya, eto na naman ask ulit. baka me memory lapses na. hahahah :D
ReplyDeleteJay1612, salamat po! keep waiting lang ha! marami pang darating na stories.
ReplyDeleteMr. 1-2-3, salamat po! don't worry, alwasy safe here.
Mr. Too Late, are you talking about me changing my profession?
Virgintween, haha! paiba-iba ang style of writing. para naman hindi nakakasawa! haha!
Lawrence, omg! you're the second person who mentioned rashomon! i MUST really watch that movie na talaga! as for the film... i will be VERY VERY interested to work with you. hands on pa if you want. email me.
sa mga galit kay Mr. Concern, there's no reason to be mad po. i think his intention about asking it is very sincere. it's just that i am not really confident talking about that stuff publicly. i'll admit, medyo na-offend lang ako dun sa wording nya na "very safe? how sure?" pero, other than that, i think maganda naman yung intention nya for asking. so, enough of the hating na po. good vibes lang!
ibig sabihin that the blogger himself is at 100 percent risk pgdating sa HIV...He might already have the infection and yet continue having sex with his clients... Tama si Mr. Mad yung galit kay Mr. Concern. It takes a lot of guts para alamin kng ikaw nga ba ay negative o positive sa sakit na yan.
ReplyDeletemabuhay si mr.concern! pinag-iinitan siya kasi siya lang nman ang parang hindi nagpapakita ng appeciation kay boyshiatsu. ala nmang masama sa sinasabi niya eh, hindi lang siguro ma-grasp nung iba yung pinupunto niya. it's just sa hiv issue lang niya nai-express. Naunawaan xa ni kenneth bcoz he is a good writer. if you are a good writer, malawak ang pang-unawa mo sa mga nababasa mo... wag n tyo magalit kay mr.concern, wawa nman xa....hehe
ReplyDeleteoo kenneth, it's never too late to change your profession. Sayang nga eh, magaling ka nga magsulat kaso mga kapwa beki mo lang nman nkkbasa ng mga articles mo.hehe...peace mga sisters! I'm sure hindi lang nman need sa pera ang dahilan kaya ka napasok sa ganitong job eh, kundi dahil na rin sa H-I-L-I-G mo sa sex at L-i-b-o-g sa katawan db...hehe... parang hayop lang....
ReplyDeleteang pinakamababang level daw ng uri ng tao sa lipunan ay hindi mga pulubi o mga taong mahihirap pa sa daga, kundi mga taong ang ikinabubuhay at ipinambubuhay sa pamilya ay pakikipagtalik sa iba-iba!!!!
ReplyDeleteokay na sana yung comment eh... nilagyan pa ng "parang hayop lang"... ouch!
ReplyDeletepinakamababang level daw ng uri ng tao ang gumamit ng pera sa pakikipagtalik sa iba... so mas mababa pa ako kaysa sa mga magnanakaw, manloloko, at mamamatay-tao?
points to ponder... mapag-isipan nga.
naku ako yung nag post about mr concern, di ako galit sa kanya , kaya lang kulang talaga sya sa common sense, when u ride plane, pwde sya mag crash, tumawid ka pwde ka mabangga, kumain ka pwde ka ma choke, there is RISK in everything, there is no such thing as no risk, put ur money in banco filipino and see what happens, meaning whether me sakit o wala ang sex partner mo, ikaw pa rin ang responsible YUN ANG POINT
ReplyDeletewell i do not agree with the above , the lowest form of low life are people who takes advantage of others- politicians- nagnanakaw, which by itself is a sin, ninanakaw ang pera na dapat para sa iba - ergo worst sin, coz u deprive others the money intended for health , education etc,- and because of that they die, lack education and become thief and criminal---- so you see how many lives are affected because ONE politician STEALS whereas, 2 consenting adults having paid sex ???? so??? am i missing anything??? neurons pls ( accdg to miriam santiago)
so sa nag comment?? u need to have a better perspective of what is lesser evil--- ALL ARE EVIL, but there is always a lesser one
yes, pinakamababang uri ng tao, separate na natin ung mga nbangggit mo na magnanakaw, mamamatay-tao, at manloloko. Iisa lang naman common sa inyo eh, ang pagiging DESPERADO...hehe... Parang HAYOP lang din sabi nung isang nagcomment, wala kyong pinagkaiba sa hayop...
ReplyDeletedi daw galit kay Mr. Concern oh...Defensive ka teh! Basahin mo nga ulit yung unang comment mo, yan ba ang di galit, kung makapanglait ka kala mo kung sino kang mautak. Kaw nga ata tong may kulang-kulang eh, eh thread lang nman to...
ReplyDeleteteh , totoo nga di ako galit, bat naman ako magagalit eh di ko pa naman naka sex si shiatsu nor kilala ko sya, mr concern, ateh, ipad na noh, google mo lang lahat ng info about hiv andun na at yung comment ko di dahil mautak ako, kung hindi yun ang tamang logic/rationale sa tanong ni mr concern, kumbaga sa exam na multiple choice, lahat naman eh correct choice pero isa lang ang BEST choice, eh ikaw ateh 1 31 PM anony-- mali ba ang sinabi ko? paikot ikutin mo man ang sinabi ko yun pa rin ang tama, siguro malakas lang ang dating , kumbaga sa food, yun pa rin yun, nagkakatalo na lang sa presentation, also, daming pinoy hiv pos na blog, me nabasa ka na sinisi ang taong nag infect sa kanila???? NO, why?? kasi fault din nila yun since it was consensual, kuha mo??
ReplyDeleteBeen reading your blog entries for quite awhile..and this is definitely your best entry..you can actually earn a living out of writing, you know.Kahit kasi masahista ka and you are writing about your adventures and misadventures, hindi bastos basahin yung blog entries. A refreshing change indeed.
ReplyDeletejust keep them posts coming.who knows you just might end up compiling your entries and publishing it! :)
Astig! PM me interesado ko sayo :)
ReplyDeleteSayang, ngayon ko lang nabasa ito. Naghahanap pa naman ako ng concept for a short film involving the number 5 noong December. Sakto sana ito! Lalo na yung iniisip ko na story told five ways. (Parang Rashomon nga. Napanood mo na?) :D
ReplyDeleteOh, well. Natuwa pa rin ako ng lubus-lubusan sa pagsusulat mo. Sobra. ^_^