10 August 2011

Love Yourself

times ten ang gutom ko paggising ko kanina. kaya bumangon ako sa pagkakahiga at nagbihis ng maayus-ayos na damit para makakain kina Aling Banang. nag-crave ako ng menudo. pagbaba ko sa sala... shala!!! nawawala ang kaliwang tsinela ko! (walang -s, isa lang naman kasi yung nawawala eh. nakita ko naman yung kanan). hinanap ko kung saan sya posible nakalagay pero hindi ko makita. agad kong tinawagan ang best friend ko para sabihin ko sa kanyang "salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan bes. ikaw na lang ang magsabi sa pamilya ko tungkol sa nangyari." nag-group message ako sa mga kaibigan ko at nagpasalamat sa kanila. eto na yun... this is the sign na... dahil hindi ko makita ang kaliwang tsinela ko, hindi ako makakalabas para makakain. at pag hindi ako nakakain, magugutom ako. pag nagutom ako, mawawalan ako ng energy para mag-text at makipag-communicate sa mga mahal ko sa buhay. bababa ang immune system ko. magiging sakitin ako. hanggang sa bumigay na ang katawan ko at tuluyan na akong mamaalam sa mundong ito! natakot ako. hindi pa ako handang mamatay! at ayokong mamatay sa ganung paraan! habang aligaga sa kung anong mangyayari sa akin, naihi ako... at nandun lang pala sa cr ang kaliwang tsinela! whew! extended pa ang buhay ko! ayus!

pero, paano nga kaya kung ganun no? paano kung bigla mo na lang malaman na may kondisyon ka na alam mong anytime eh pwede kang kunin sa mundong ito? pano mo ito paghahandaan? ano ang mga dapat mong gawin? paano ka magpapatuloy sa buhay?

nitong mga nakaraang linggo eh madalas nating makita sa mga gay blogs ang "The Love Yourself Project" (website can be viewed here) at ang adhikain nito na makatulong sa msm (men having sex with men) community at sa kabataan na maging aware tungkol sa panganib na dala ng aids. alam nating lahat na hanggang ngayon ay wala pa ring lunas ang aids, at alam rin natin ang posibleng mangyari sa atin kung meron man tayo nito. kung wala naman, hindi nating TALAGANG alam ang mga tamang gawin para maiwasan ito. at yan ang layunin ng The Love Yourself Project... ang maipalaganap ang impormasyon na kinakailangan ng bawat isa sa atin.

the group is composed of individuals from different backgrounds who decided to create the group for one sole purpose of helping spreading the knowledge we need. as i read their website, nakita ko dun na they also have people who are trained and certified hiv counselors. nice! kamakailan lang ay nagdaos ang The Love Yourself Project ng isang event kung saan nagkaroon ng hiv testing at confidential counseling na naging very successful. umpisa pa lang ito, at para sa isang non-government organization na may magandang layunin, i'm sure they will soar higher grounds. and let's do our share to support this advocacy.

this sunday, august 14, The Love Yourself Project will host an open photoshoot to raise funds for their upcoming projects. sa halagang 1, 000.00 pesos lang, you will get a photoshoot with renowned photographer Ian Felix Alquiros, basic grooming services, and a free shirt! but, it's not about the price, right? it's about the miles of help that this small amount of money can give. if it's not enough to boost you... let these guys do the talking.


they are just some of the lovers of The Love Yourself project. may isa akong crush dyan! whee!!! (weh? isa lang?)... o sya, sige na nga! tatlo ang crush ko dyan! ahahahaha! or... fine fine... eto, totoo na... apat! apat sa walong yan, crush ko! (wala nang pilitan, maximum na yan! ahahaha!). and that's how your picture will look like. diba? advocate na advocate? nakakatuwa!

isa pa sa mga fund-raising projects nila ay ang special screening ng dalawang magandang pelikula -- "ang sayaw ng dalawang kaliwang paa" at "zombadings: patayin sa shokot si remington". ang film showing ay gagawin sa sm megamall cinema 9 on august 23. 300 pesos lang for one movie, and 500 pesos naman kung both movies. 7pm ang "sayaw" at 9pm naman ang "zombadings"

details and registration can be found on their website. see you on the shoot and on the film showing guys! it's not just going to be fun.. it's going to be life-changing!

hmmmm... magbigay kaya ako ng discount sa mga magpaparticipate sa The Love Yourself Project? ahahahahaha!

13 comments:

  1. hahahaha... pero bago mo ibigay ang discount... dapat may proof of reservation na sila.... hehehehe... ibang klase rin ang support mo BS... hehehe

    ReplyDelete
  2. Juan, of course! kailangan may proof! ahehehehe...

    ReplyDelete
  3. pwede na bang enough proof yung picture together with Migs at yung shirt? :D

    so nice to see na active karin sa mga ganito :)

    -Lawrence

    ReplyDelete
  4. angmahal 1000 pesos lng hahaha

    ReplyDelete
  5. Maraming salamat sa pagsulat tungkol sa TLY project! See you on Sunday!

    ReplyDelete
  6. crush ko si jonas gruet, yung naka-cap, gwapo nya, laki pa notes nya...boy of bats

    ReplyDelete
  7. Lawrence, i'm thinking na ang proof is yung mismong photo na nung participant. pag yung shirt lang kasi, pwedeng hiramin lang eh, or binili yung shirt lang pero di nagparticipate sa shoot! ahehehehe...

    SF, yes, i am attending the shoot. and the film showing.

    Mr. Angmahal, think not of the price, think of the help it could give. :-)

    LY, my pleasure. see you on sunday. i'm so excited to see *toot* and *toot*, wheeee!! haha!

    Boy of Bats, nice pick!

    ReplyDelete
  8. hmm aling banang???? may aling banang ba sa pasig???

    ReplyDelete
  9. B. Shiatsu: Ako din a-attend ng photoshoot. Saka yung special screening. Pero Zombadings lang kasi napanood ko na yung Sayaw sa Dalawang Kaliwang Paa nung Cinemalaya.

    ReplyDelete
  10. sinu k dun sa mga pix? curious ksi ako sa itsura mo eh simula ng narinig ko yung boses mo sa Fabcast.

    ReplyDelete
  11. ang aling banang alam ko sa tanay, rizal lang o kay malapit kalang sa tanay nakatira. hind iako magpapamasahe sayo baka kilala mo ako.LOL

    Stay safe kabayan!

    ReplyDelete
  12. BS,

    kaw ba ung RN dito sa pics? un kac ung nsa twitter acct mo..cut ung face..pero the eyes..similar..hehe. :)

    --TANAYBOI--

    ReplyDelete