Linggo
lulugo-lugo ang katawan pero mapayapa namang nakauwi ng maynila galing sa galera. hindi ko alam kung dahil sa pagbababad sa dagat, o dahil sa walang tigil na pagpapaikot ng poi, o sa walang prenong pagsayaw, o kakulangan sa tulog, o kakulangan sa masustansiyang pagkain, or dahil sa lubak lubak na dagat... basta alam kong hindi tama ang kondisyon ng katawan ko noon. pagdating sa bahay, salampak agad ako sa kama... at nagising ko 12 hours after.
Lunes
nagising ako na hindi maganda ang pakiramdam ko. this is it. ang matagal ko nang best friend... trangkaso! nananakit ang buong katawan ko bagama't mahaba ang tulog ko. medyo may lagnat din ako. at dahil nga bestfriend ko na ang ganitong sakit, alam ko na kung anong sagot dito. pumunta ng the generics pharmacy (mabisa na, at matipid pa!) para bumili ng isang banig ng phenylpropanolamine at ascorbic acid, pagkatapos ay bumili na rin ng isang malaking fit and right at tsaka dumiretso pauwi. inom gamot, pagkatapos ay umidlip. paggising ko, ayos na ang pakiramdam ko. kaya, nung may nagpa-book na client nung gabi, pinatos ko na agad. medyo naubos ang funds ko sa galera kaya kailangang kumayod agad.
Martes
pagkagising ko, hindi lang sakit ng katawan at lagnat ang nararamdaman ko... this time, may kasama nang sore throat! at medyo sumasakit na rin ng bahagya ang lower body ko. pero, naisip ko, malamang napagod lang kagabi. kailangan ko lang mag-rest pa lalo. kaya tuloy tuloy lang ang pagtulog. hanggang sa talagang sumuko na ang katawan ko. naging mahirap para sa akin ang pagtulog buong gabi.
Miyerkules
alas-siyete ng umaga, naisipan kong pumunta ng malapit na ospital para magpatingin sa espesyalista. hindi ko alam kung dahil ba masyado pang maaga o talagang tinatamad lang yung doktor, pero mas matagal pa ata ang pinaghintay ko kaysa sa consultation ko. pagpasok sa office nya, tinanong nya lang kung gaano katagal na ako nilalagnat (gaano katagal ka na nilalagnat?), tapos eh pinakinggan (kuno) yung likod ko (hingang malalim... hingang malalim... hingang malalim...) at inilawan ang lalamunan ko. tapos ay nagreseta na sya ng gamot. acute tonsillopharingitis daw yung sakit ko. tinatrangkaso ako dahil sa kissing tonsils ko. ilang beses ko ipinapahiwatig sa kanya na nauna yung fever ko kaysa sa sore throat pero hindi nya ako pinansin. at pagkareseta ng gamot, nauna pa syang lumabas ng clinic nya! pakiramdam ko kinotongan nya lang ako ng 400 pesos. nagbayad ako ng 400 pesos para sa isang diagnosis na hindi ako kampante. pweh! binili ko pa rin yung gamot na nirekomenda nya... 210 pesos ang isa kapag branded, 135 pesos kapag generic. potah! pero, kailangan gumaling. bumili ng tatlong piraso sa generic, 3 days ko lang naman daw kailangan at siguradong tanggal ang bacteria sa lalamunan ko. sige na nga.
gabi ng naisipan kong magpamasahe. pakiramdam ko dahil lang sa fatigue kaya sumasakit katawan ko. may malapit na spa-spahan sa amin. pumunta ako at nagtanong... female masseurs lang daw ang meron sila. palpak na agad! hindi sa minamaliit ko ang mga babaeng masahista, pero kasi kadalasan maliliit ang kamay nila, at medyo mahina sila mag-press. sa laki ng katawan kong ito, baka magsayang lang ulit ako ng pera sa female masseur. pero dahil hinahanap-hanap na rin ng katawan ko, pumayag na ako. kahit medyo giniginaw, pumwesto na ako sa massage table. maya-maya pa, dumating na ang masahista ko... aysus! super petite! nbagduda na talaga ako na kaya ako ni ate.
"light po ba o medium"
naku! walang "hard" sa options, yun pa naman ang kailangan ko. pero, out of respect, sumagot na lang ako ng "medium" at nag-mindset na makakatulong din ito kahit papaano. dun ako nagkamali...
unang pindot pa lang ni ate sa likod ko, ramdam ko na agad ang bigat ng kamay nya! ayus! alam nya ang ginagawa nya! nagtuloy-tuloy ang "medium" na masahe na sobrang bigat, pakiramdam ko tanggal ultimo sakit ng bone marrows ko! sa bawat hagod ni ate sa likod ko, hindi ko maiwasang mapaaray sa sakit at sa sarap. para bang alam na alam nya kung saan nagtatago ang sakit sa katawan ko. makalipas pa ang isang oras, narinig ko na lang ang sarili ko na naghihilik sa massage table. tila lantang gulay, pero ang laki ng iginaan ng pakiramdam ko. maya-maya pa ay umuwi na ako.
Huwebes
tama ang hinala ko... hindi ang sore throat ang dahilan ng flu ko, kundi body pains! maganda ang naging gising ko ng thursday. walang sakit ng katawan, pero medyo masakit pa rin ang lalamunan ko... and may dalawang bago pa! kung anong gaan ng pakiramdam ng katawan ko, syang bigat ng ulo ko! at tsaka, napansin ko pa na puro red spots ako sa leeg at sa upper body. eto, nagtaka na talaga ako kung saan nanggaling. tuloy lang ako sa pag-inom ng erithromycin na rekomendado ni doc kahapon para sa throat ko, plus dinagdagan ko na ng mefenamic para sa sakit ng ulo. napagdaanan ko ang araw... thank god.
Biyernes
same fucking feeling. masakit na lalamunan, masakit na ulo, at tsaka mala-measles na tuldok tuldok sa leeg at sa upper body. i decided to just rest the whole day and go home to my mum kinabukasan.
Sabado
umuwi ako ng rizal para kung ano man ang maging sakit ko ay maaalagaan ako ng mama ko, at tsaka para makapagpahinga na rin ako ng mabuti dahil alam kong wala namang pakialam sa akin ang mga hausmates ko. sinalubong ako ng mama ng mainit na sermon... ano daw ba nangyari sa akin. pero nung nakita nya naman na medyo okay na ako, natahimik na rin sya. pero, as expected, napuna nya yung mga dots sa leeg ko. kaya nag-suggest sya ng isang bagay na hindi ko rin alam kung bakit nakalimutan ko... magpatingin sa albularyo. dahil laking probinsya, naniniwala kami pareho ni mama sa mga ganito. wala namang masama kung maniwala diba?
Linggo
pinuntahan namin ni mama ang isang kilala naming albularyo malapit sa bahay. si Ka Kurne. makwento pa rin si manong. bago kami nakapagsimula, inabot ata kami ng kalahating oras sa kwentuhan. pagkakita nya pa lang daw sa akin, alam nya daw agad na may mali. at bilang panggamot, kailangan nya daw ako itawas. nagkadkad ng kandila sa isang bakal na kutsara, tinunaw ito sa pamamagitan ng natitirang kandila, at nag-orasyon. dahan-dahan pa nyang iniikot sa katawan ko ang kutsara habang tuloy tuloy ang kanyang orasyon na hindi ko maintindihan. pero bigla akong natawa sa isang banat nya, buti na lang talaga at nagawa ko pang pigilan ang pagtawa ko.
"nawa ay makahanap ang binatang ito ng dalagang magpapasaya sa kanya habang buhay."
langyang albularyo to! matchmaker pa ata! pero... dalaga?!?! EEEEEEEEWWWWW!!!!
maya maya pa ay ibinuhos ni Ka Kurne ang natunaw na kandila sa kutsara sa isang mangkok na may tubig... at talagang kahit ako ay nagulat sa linaw ng imahe na nabuo sa tunaw na kandila.
kinhua ni Ka Kurne ang nasabing wax at ipinaliwanag sa akin.
"ayan, hijo, may puno ng sampalok (at kita talaga yung hitsura ng puno!) tapos may dalawang engkantadang nakatingin, ibig sabihin nagkakagusto sila sayo." itinuro nya kung saan sa nabuong wax yung dalawang engkantada, at nakita ko nga. "kaya sumasama pakiramdam mo, kasi pag ang engkantada nagkagusto sa tao, ganun yung nagiging effect."
langya naman... engkantada pa nagkagusto sa akin. hindi ba pwedeng si Xian Lim na lang?
"pero, tignan mo naman kasi. pag nakaharap, kamukha mo si Jake Anderson (sino yun?!?!?!). pag nakatagilid, Rudy Fernandez. pag nakatalikod, si FPJ."
oo na lang manong, oo na lang.
pagkatapos pa ay minasahe naman ako ni Ka Kurne gamit ang combination nya ng holy oil (daw) at omega pain killer. in fairness, ang sarap nung langis sa katawan. makalipas pa ang ilang minuto, tapos na ang session. medyo mabigat pa rin pakiramdam ko at nangangalumata pa rin, pero sinigurado naman ni Ka Kurne na dahil naitaboy na nya ang mga engkantada (itago na lang natin sa pangalang Paris at Nicole), siguradong magiging maayos na ang pakiramdam ko.
Lunes
tama si Ka Kurne!
at ngayon, Martes, ay tuloy-tuloy lang akong nagpapagaling. sinong mag-aakala na walang binatbat ang 400 pesos na subida ko sa doktor at daan-daang nagastos ko sa gamot sa sikwenta pesos na donasyon ko kay Ka Kurne.
salamat nga pala sa mga nagdasal at sa mga laging nangungumusta. BoyShiatsu will be back in business very very soon!!! (kailangan ko na rin kasi)
ngayon
korni man ang joke ni mang Kurne, at least magaling ka na, and life goes on.
ReplyDeleteerik
si Ka Kurne, maaasahan kasama ang langis na nagbibigay buhay.
ReplyDeletenawa'y matikman ko rin ang nakakabuhay mong langis. :-)
di mo sinabi sa text mo na nagpa mang Kurne ka pala..... sometimes faith can move mountains(remove pestering sickness)
ReplyDeletehope tuloy na ang recovery mo... but whats the red spots daw?
ako nga pala si anton..... :)
good to know ur ok now, ingat ka lagi boy....boy of bats...
ReplyDeleteSi Ka Kurne na! Siya na talaga! :)
ReplyDeletehahaha nakakatuwa si ka kurne atleast showbiz ba din sya!!
ReplyDeleteGlad to hear that you are better! Thanks for the email you sent in response to my queries.
ReplyDeleteTake care. When I have things arranged.. will contact you.
Glad to know you're well on the way to recovery. I missed your blog updates for a week!
ReplyDeleteNakakatuwa nga si Ka Kurne - mahilig din pala sa chika minute, ehehehe...
But what's with the red spots? Ingat ka pa rin, Kenneth. My nephew was recently diagnosed with dengue fever when red spots came out on his upper body accompanied by body pains, fever and sore throat symptoms. He got a clean bill of health after a few days of hospitalization. Just a word of caution - not meant to scare you. I most certainly hope your case is not anything like that. Nagsilisan na nga sana sina Paris at Nicole. :-D
At any rate, will definitely get in touch with you very soon when you are back in the pink of health. And keep them blog posts coming!
sobra naman si Doc at Erythromycin talaga? pwede naman atang co-amoxiclav lang...
ReplyDeletena stress ka lang nyan... di ka ata nag warm up before ka nagparty-party sa Galera eh...
boost your immune system, take some vitamins :)
Ayush!!! The Ka Kune Experience.... Chika, Tawas at me extra massage pa. ;)... T.C.
ReplyDeletesounds like a viral infection with some exanthem
ReplyDeleteErik, hahaha! nakornihan nga din ako eh!
ReplyDeleteKiks, gusto mo matikman ang langis ko? email me! :-)
Anton, hi9ndi ko ba nasabi? the red spots, i think, are allergic reactions to erithromycin. when i stopped taking the meds, nawala na rin ang spots.
Boy of Bats, salamat po.
P3rishable, kurek! inagaw n'ya sa akin ang korona! haha!
Milktea, kaya nga eh! lakas maka-showbiz ni Ka Kurne. hindi ko pa nga naikwento dito sa blog yung tungkol sa asawa nya eh. kesyo nagayuma lang daw sya! ahahahahaha!
Mr. Arranged, will wait for your text/call. :-)
T-Rex, i'm in great health na today. so contact me na, bilis! haha!
Brian, kainis yung doctor no? hindi ginagawa ng maayos yung trabaho nya!
Mr Avid Fan, kurek! natalo ng The Ka Kurne Experience ang The BoyShiatsu Experience! waaaaahhhh!!!!
Mr Exanthem... um... what's exanthem?
Pa-check ka for blood test sa laboratory to make sure that you don't have dengue fever.A few hundred pesos would help a lot.Ok, then I'll avail of your service before I leave abroad.-Los Angeles
ReplyDeletei like!
ReplyDeleteexanthem - Greek "exanthema", a breaking out; translation: rash... (nosebleed term nya lang 'to nyahahaha) pero seriously Boy, if you think it was caused by erythromycin stop taking them it could really harm you know?
ReplyDeleterecommend ko rin mag pa allergy screening ka pagnakaluwag-luwag it's somewhat pricey but it'll do you a lot of good ☺
Good to know you're feeling okay :) BTW, may albularyo pa ba sa Manila? Baka kaya di mo naisip agad kasi extinct na species nila sa NCR :P
ReplyDeletebuti naman ok ka na kuya kenneth! take vutamins din kc
ReplyDelete-masterbaker
hi boy shiatsu. Been reading your posts.. Nakakainggit kc ikaw very open sa sexuality mo.. D kc aq mkapagcome out.. hope someday we'll meet. here lng naman aq sa buendia eh..
ReplyDeleteby d way I'm Harhar.. :)
Its good to know your ok now! Nakakatakot lang kasi if one reads your past blog entries...sunod sunod sakit mo....am not scaring anyone pero its better na for you to check for the sake of others and yourself as well...lalo na at "service" ang work mo, alam mo na un...we have to take responsibility diba? di lang puro kita. i know u get what i mean ;)
ReplyDeleteDi ako masyado naniniwala sa albularyo, if u ask me...dapat talaga doctor pa din...if ur not kampante sa doctor...go to another one, its ur right! but i think ur meds(if u finished it talaga ah) was the one that did help u, wala namang mabilisan na cure diba? pwera na lang kung tlagang allergic reaction lang ung spots mo, medication is still better..lets wish allergy lang tlaga and nothing more. :)
keep safe and i wish u good health! :)
tama! magaling ka na ng lunes dahil natapos na ang course ng sakit mo. at dahil din nakatulong ang gamot na binigay sayo. nxt time tapusin mong inumin lalo na antibiotics para mas madali kng gumaling.take care! :)
ReplyDeleteboy, pareho tayo. was not feeling well din, thought tonsillitis pero sabi ng doctor hindi naman daw malaki yun tonsils kaya nag suggest sya na magpablood test ako and it turned out na meron akong bacterial infection and co-amoxiclav lang recommend ni doc. okay na agad ako after 1 day.
ReplyDeletepwede magpamassage?
ReplyDeleteyou may find this comment off beat your post. can't find any source for your number kasi kaya i decided to hit you up here. i'm interested sa kuwento and massage mo. i'm a serious taker, no frills, no hard-beaten queries and worry not, normal po ako kausap. =)
ReplyDeletehope you bump on me via email or text.
P.S. God is good, he granted your recovery. Stay good and well. =)
Dave Ricky