pagpasok namin sa mini-theater, hindi entablado ang sumalubong sa amin kundi interior ng isang bahay probinsya... yung gawa sa kawayan yung sahig, with silong. may lamesang kainan na may thermos at radyo katabi ng lalagyan ng kape at asukal, at may lababong walang gripo pero may katabing tapayan na lalagyan ng tubig... at may mga manok pa! now this is interesting, pero wala pa rin akong ideya kung tungkol saan ang palabas.
namatay ang ilaw bilang hudyat ng simula, at sa muling pagbukas nito ay sumalubong ang isang tulian session, probinsya-style! mga binatilyong naka-palda at nag-tutulakan, mga dahon ng bayabas, upuang kahoy na may itak, at mga kalalakihang naka-katipunero outfit (sorry, i can't find the right word to describe it!) na nang-aasar at nangangantiyaw... at may mga manok pa! now i get it... rite of passage... probinsya... tuli... sabungero...
pero saglit lang ang "tulian" scene, at agad na nag-shift sa loob ng bahay kung saan may isang medyo binatang lalaki na nakatago sa ilalim ng kumot at "naglalaro." maya-maya pa, lumabas mula sa kwarto ang isang may katandaang babae. at sa mismong simula ng pagsasalita nya, pakiramdam ko talaga eh nag-transport ako mula sa ateneo papunta sa isang probinsya kung saan ang mga nakikita at naririnig ko ay automatic na nata-translate sa english with a probinsyano accent. ganun ang ginawang atake sa script. english with an accent na may panaka-nakang local dialect na hindi ko alam. kung ang goal ng director ay talagang dalhin kami sa realidad... at may mga manok pa... it paid off!
pero nalito na naman ako, at yung inaakala kong na-gets ko na na synopsis ng istorya at naglahong parang bula ng mga labada ng mga naglalabang nanay sa tabing-batis. kaya tumigil na lang ako sa pag-iisip at sumabay na lang sa daloy ng batis ng palabas hanggang sa dulo.
umikot ang kwento kay Isoy (yung medyo binatang nasa ilalim ng kumot) at sa araw-araw nya'ng pamumuhay kasama si Tiyay Susing (yung matandang babae). pero hindi tulad ng mga binatang probinsya na abala sa pagka-cutting classes, basketball, sabong, at panliligaw, si Isoy ay abala sa pagsasaing, paglilinis ng bahay, pagluluto, at pag-aalaga ng manok sa silong... hindi dahil sa ito ang gusto n'ya, kundi dahil ito ang ginagawang trato sa kanya ni Tiyay Susing. at bilang isang teenager, sinimulang kuwestiyunin ni Isoy ang kanyang sarili, ang kanyang kasalukuyan, at ang kanyang hinaharap. dito pumapasok ang ikatlong pangunahing karakter, si Tiyoy Berting. bilang kapwa lalaki, naiintindihan ni Tiyoy Berting ang pinagdadaanan ni Isoy... or naiintindihan n'ya nga bang talaga? sa mundong napapaligiran ng kawayan, lumang tunog ng radyo, katahimikan, lumang pamahiin, kawalan ng pag-asa, at may mga manok pa, paano nga ba haharapin ni Isoy ang kanyang kasalukuyang kalagayan para tuklasin ang posibleng magandang kinabukasan na naghihintay sa kanya?
puberty. ang panahon na unti-unti tayong tumatalikod sa pagiging bata upang harapin ang adulthood. ang panahon na puno tayo ng pangarap at panaginip pero tila wala tayong magawa dahil nakatali tayo (i hope not literally!) ang panahon na marami tayong gustong malaman pero hindi natin alam kung kanino at paano natin ito itatanong. ang panahon na nalilito tayo dahil may mga bagay tayong dapat hindi na natin ginagawa dahil matanda na tayo pero may mga bagay na hindi nating pwedeng gawin dahil bata pa tayo. ano ba talaga, bata pa o matanda na? we have all been to this awkward stage... and Rite of Passage gladly (??) brought us back to that time and the memories that we'd rather forget: paninilip sa banyo ng kapitbahay. mga pinunit na pages ng magazine, mga ninja moves sa pagbababa at pagtataas ng shorts... titigil na ako, natatawa na akong sobra sa mga naaalala kong flashbacks! pero higit sa lahat, itinanong sa akin ng palabas ang isang tanong... naiintindihan ba talaga natin ang takbo ng utak ng kabataan?
adolescence is complicated in its own form, at bilang isang kabataang puno ng tanong sa mundong ayaw magbigay ng paliwanag, katulad ni Isoy, the complexity just multiplies exponentially. bilang mga taong nakalagpas na sa stage na yun, natural lang na ang mga nakatatanda ang tanungin nila. pero dahil iba ang teenage years noon sa teenage years ngayon, appropriate pa ba ang mga payong matatanggap nila? at kadalasan pa, the conversations end in a "just don't do this because i told you so" which is never helpful for a volatile teenage mind. haaayyy... buti na lang tapos na ako sa adolesence... or am i? when does adolescence really end nga ba? what makes a person say na graduate na s'ya dun? what if we are already adults based on age and society standards, but our minds are still thirsty for answers to questions that we are either too shy to ask or too mundane to worry about, just like Tiyay Susing and Tiyoy Berting? sa panahon ng teknolohiya, modernisasyon, at pag-asenso, masasabi mo bang ang patuloy na pagiging adolescent ng isang tao ay maituturing na stepback? one thing's for sure though, we are not what DOH claims us to be... Gaga Girls and Bobo Boys!
what? hindi mo alam yung GaBo?! eto o, watch (at your own risk! hahahaha!)
i wonder kung gawing probinsya ang setting ng video, na instead na cheerleaders eh mga dalagang naka-saya at mga lalaking naka-kamisichino ang sumasayaw. at sasayaw sila sa kawayan-ala-tinikling or sa bangko instead of lifts and pyramids. at hindi sa gym ang location... sa bukid, with heaps of palay and a few coconut trees... at may mga manok pa! para swak na swak dun sa message nung kanta... makaluma! hehehe...
* * * * *
for details on how you can catch Rite of Passage, check Tanghalang Ateneo's Facebook Page.