07 November 2013

Ikapito Ng Nobyembre

ikapito ng nobyembre. isang espesyal na araw para sa dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

ma, alam kong hindi ko masasabing naging mabuting anak ako. pero gusto kong malaman mo na sa bawat araw na nabubuhay ako ay hindi ko tinatanggal sa akin ang mga asal na itinuro mo sa akin. ang pakikisama. ang pagpapakumbaba. ang paggalang sa kapwa. salamat sa lahat ng sakripisyo mo para lamang maitayo ang pamilyang minsan na nating inakalang tutumba at hindi na makakabangon. isa kang malakas at matatag na babae, at ipinagmamalaki kita.

jack frost ko, sa tagal ng relasyon natin ay marami na tayong napagdaanan. alam kong hindi pa titigil ang mga pagsubok at ang mga problema, pero sabi nga sa kanta, "i'd rather have bad times with you  than good times with someone else." salamat sa pagpaparamdam sa akin na bagamat hindi palaging masaya, palagi namang masarap ang umibig. salamat sa hindi pagsuko sa relasyon natin, and i can't wait to spend more months and years with you. mahal na mahal na mahal kita.

maligayang kaarawan sa dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko, mula sa isang tao na ang tanging hiling ay maging masaya kayo.


Posted via Blogaway

1 comment:

  1. Marami ka ng sinulat dito na puro kalokohan o kaya naman kalungkutan. Pero for the past months, parang may pag-asa na ang mga ikwinekwento mo. I'm happy for you Boy Shiatsu! :)

    ReplyDelete