30 August 2011

The Undertaker

"magtaxi ka na lang papunta dito, bayaran ko na lang." text ni sir ng nag-alinlangan akong puntahan sya kasi masyadong malayo ang bahay nya. pumayag na ako, at biniro ko na lang na picturan ko na lang yung metro ng taxi para patunay na hindi ko sya dadayain sa pag-refund ng pambayad sa taxi.

ilang oras pa at nakarating na nga ako sa bahay ni Sir John Cena. malayo nga! ni hindi ako sigurado kung nakakaintindi pa ng tagalog ang mga tao dito. buti nga at may signal pa ang globe dito. pero, in fairness, maganda ang bahay ni Sir John Cena. halatang pang-mayaman! may 2-car parking, maganda ang garden, at ang lakas maka-magazine ng design ng kabuuan ng bahay! tinext ko si sir at maya-maya pa ay pinagbuksan na ako ng gate ng katulong nila. sinalubong ako ni Sir John Cena sa sala... at tama nga ang codename ko sa kanya! brusko si sir. bukol bukol ang katawan, halatang inuubos ang spare time nya sa gym at lahat ng isinusubo nya ay nilalagyan nya ng whey protein. pero sa kabila ng mala-bouncer na katawan ni sir ay maamo naman ang mukha nya.

"mauna ka na sa kwarto. take a shower if you want." sabay turo kung paano papunta sa kwarto nya. "may ibibilin lang ako kay manang."

pumasok ako sa kwarto... ang ganda! halatang mayaman na mayaman si Sir John Cena. pero may isa pa akong napansin... two separate closets. too much shoes for one person, and magkakaiba ang sizes. pagpasok ko ng cr para mag-shower, tuloy-tuloy lang ang observation. and i think tama nga ang observation ko... hindi nag-iisa si Sir John Cena sa kwartong ito.

"yes, i have a partner, pero kakaalis nya lang papuntang work." sagot ni Sir John Cena ng magkwentuhan kami saglit pagkatapos kong maligo.

nag-wash lang saglit si Sir John Cena at pagkatapos ay sinimulan ko na ang pagmamasahe. kahit bukol bukol ang katawan ni Sir John Cena, gusto nya eh light lang ang masahe. ayus! hindi nakakapagod! at mukhang nag-eenjoy naman si Sir John Cena sa ginagawa ko sa kanya... ng bigla na lang kaming nagulat ng may marinig kaming busina mula sa gate ng bahay nila.

"pucha! boyfriend ko yan!"

agad na napatayo si Sir John Cena at halatang-halata sa kilos nya na talagang kinakabahan sya. pati tuloy ako kinabahan na rin. ano nga naman kasi ang pwedeng mangyari kung makita ng boyfriend nya na may isang poging (ehem) bata na nakahubad sa kama nilang mag-asawa diba? at ano ang gagawin ko kung John Cena Number 2 si sir, samantalang ako naman ay crossbreed ni Mojacko at ni Doraemon? patay-patay na ito... RIP BoyShiatsu kung sakali! pero tila mabilis ang thinking ni Sir John Cena, at salamat sa napaka-bright nyang idea, madedelay pa ng kaunti ang RIP ko.

"tago ka sa ilalim ng kama... bilis!"

at parang sunud-sunurang aso, agad ko namang isiniksik ang sarili ko sa ilalim ng kama, at isa-isang sumunod ang sapatos ko, bag ko, at iba pang paraphernalia ko sa pagmamasahe. sa loob ng sampung segundo, auto-evacuate ako mula sa ibabaw ng kama papunta sa ilalim. at saktong pasok ng huling gamit ko sa ilalim ng kama (face towel) ay sya namang bukas ng pinto ng kwarto.

"naiwan ko yung files na kailangan ko iforward kay Mr. ***" sabi ng isang boses na mas malalim ng kaunti sa boses ni Sir John Cena. tantya ko sa boses nya, mukhang mas malaki ang katawan nya. hindi ko naman masilip kasi saktong-sakto lang ang space sa ilalim ng kama nila ang katawan ko ang a slight movement can shake the bed... and RIP BoyShiatsu ang mangyayari kung sakali. kaya steady lang ako sa kama, nakikiramdam ng mga susunod na pangyayari, walang idea kung hanggang anong oras akong nakasiksik sa ilalim ng kama kasama ang mga anay, gagamba, at kung anu-ano pang creepy creatures (sadako, is that you?).

nagpatuloy lang ang kwentuhan ng mag-jowa, at nakakatuwa kasi casual na casual lang si Sir John Cena sa pakikipag-usap, parang walang itinatagong poging (ehem) lalaki sa ilalim ng kama, kumpleto with his apparel and his stuff. nag-cr pa saglit ang boyfriend ni Sir John Cena, may kinuha sa cabinet, at tsaka lumabas ng kwarto. pero minabuti ko nang wag muna umalis sa ilalim ng kama, mas mabuti nang makakuha ng go signal kay Sir John Cena. mabuti na lang pala hindi ako sa cr o sa closet nagtago, or else... yes, you know it... RIP BoyShiatsu.

narinig kong nag-start ang kotse at bumukas ang gate. hinintay ko munang umandar ang kotse, sumara ang gate, at maglakad si manang papasok sa kung saan man ang kwarto nya bago ako lumabas sa ilalim ng kama. hanggang sa kinalabit na nga ako ni Sir John Cena.

"sige, labas ka na dyan. whew!"

at agad-agad akong lumabas mula sa ilalim ng kama, literally looking like a zombie. sa dami ng agiw sa ilalim ng kama nina Sir John Cena, nabalutan ng sangkatutak na dumi ang katawan ng poging (ehem) masahista. isama pa natin ang maalikabok na sapatos, maalikabok na damit, at maalikabok na bag at gamit... pakiramdam ko eh naggaling ako 6 feet from the ground... buti na lang at hindi naman ako amoy zombie. natawa na lang kami ni Sir John Cena ng nakita ko sa salamin ang hitsura ko.

matapos maligo, siniguro ko muna kay Sir John Cena na hindi na ulit babalik ang boyfriend nya para naman hindi na ako mabitin sa performance ko. he assured me naman na wala nang ibang naiwan ang boyfriend nya, at sa totoo nga daw ay first time mangyari na may naiwang importanteng papeles ang boyfriend nya sa bahay (whatta timing diba?). ipinagpatuloy ko na ang naudlot na masahe, at pagkatapos ay nasundan na ito ng royal rumble wrestling -- John Cena versus the Undertaker.

11 comments:

  1. nyahahaha comical fun is an understatement, sorry I cannot help but laugh after reading this ☺ Parang gusto ko syang gawing mini-flick, it's really comical ☺

    ReplyDelete
  2. antindi ng ehem na yan. inom na ng cough syrup, bs.

    ReplyDelete
  3. kawawa naman si boyfriend; John Cena's a cheater.

    ReplyDelete
  4. @ joseph- ano ba namang comment yan??? 98% percent ng beki cheater hello???

    ReplyDelete
  5. ai, ganun??!! pag beki, cheater? i belong to the small 2%. pathetic bekilandia!

    erik

    ReplyDelete
  6. @ anonymous.. i agree.... 98% talaga is cheater... pero kasama ako sa 2 % na hindi.. lols...

    @ kenneth.. galing.. parang pelikula... pwede ka ng gumawa ng sariling indi film! lols...

    Rob

    ReplyDelete
  7. napaghahalataang mahilig ka sa korean movie, boy shitsu este shiatsu.

    pang'pelikula ang drama mo. ipagpatuloy mo pa ang paggawa ng mas magagandang kwento. aliw yan.

    ReplyDelete
  8. shet nakakatawa. parang pelikula lang. haha. buti hindi ka nahuli! kundi, RIP boy shiatsu! haha. :)

    ReplyDelete
  9. well, strictly speaking if emotion ang gagamitin mo yes, cheater nga 98% , but kung ang criteria is just na gusto lang makatikim ng ibang putahe/ libog lang / fling lang, tapos balik ka na naman sa partner mo, eh i wont say na cheater yan, eh ganyan naman ang mga beki, basta me pogi , taas titi na hahaha

    ReplyDelete
  10. gusto ko ang idea ni Brian, pwedeng-pwede to gawing comedy flick!!!

    pano kaya kung dumating si boyfriend during the royal rumble? Naman! Randy Orton vs John Cena vs Undertaker!!!

    -Lawrence

    ReplyDelete