asan ka?
yan ang text message na bumungad sa akin pagkagising ko mula sa mahaba-habang siesta. galing sa kaibigan ko, itago na lang natin sa pangalang Popoy.
bahay, kakagising lang
ligo ka bilis, punta ka pedro gil, may client tayo
pupungas-pungas, naligo ako at agad na nagbyahe papuntang pedro gil. sakto talaga si Popoy. kung kailan kailangan ko ng pera, tsaka magtetext. ayus!
matapos ang nakakapagod na byahe, dumating ako sa 7-11 sa pedro gil at nakitang naghihintay si Popoy.
bili ka muna lube, ala ako extra dito eh
bumili naman ako. naglakad kami papunta ni Popoy sa hotel kung saan naka-check-in ang client. excited si Popoy sa pagpunta namin. sobrang galante daw yung kliyente. walang masahe, sex lang, pero tig-2k ang ibibigay sa amin. ang maganda pa dun... kaming dalawa ni Popoy ang magsesex, manonood lang ang kliyente. eh, aaminin ko, maganda katawan ni Popoy. gaganahan ka talaga kung ganun ang tipo ng ka-sex mo. natuwa naman ako. walang kahirap-hirap, kikita ng dalawang libo!
at parang hindi pa natapos ang magandang balita, may dalawa pa daw na callboy na nandun na sa hotel. bale orgy ang magaganap, tapos manonood lang ang client!
ayus! ang sarap ng trabaho ko!
habang naglalakad kami (medyo malayo yung hotel), kinukwento ni Popoy yung mga karanasan n'ya sa client. kumpara sa mga typical na clients, iba yung client namin ngayon. effem. ay, hindi daw pala... transexual daw! may boobs na daw talaga! kinabahan naman akong bigla dun. unang beses ko magkakaroon ng ganung klaseng kliyente. buti na lang naalala ko, manonood nga lang pala s'ya habang nagsesex kaming apat na callboy na hinire nya. panalo! tapos, sabi pa ni Popoy, pag nagustuhan daw ako ni sir (ma'am?), baka daw minsan eh papuntahin pa ako sa bahay n'ya sa hindi kalayuang probinsya. pag ganun daw, mababa na ang limang libo! libreng sex ka pa sa isang hot na callboy!
napressure ako! at na-excite din. kailangan makuha ko ang karisma ni sir. medyo confident naman ako sa "charm" ko. kumbaga, kahit hindi ako kagwapuhan, pag nagsimula na akong magsalita, tunaw na ang mga kliyente.
matapos ang ilang minuto pang lakaran, dumating kami sa hotel. dahil medyo late na rin, hindi na namin naisip ni Popoy na magpagwapo at dumiretso na agad kami sa suite.
tok tok tok
bumukas ang pinto at natuwa agad ako sa nakita ko. isa siguro sa dalawang callboy. gwapo, maganda katawan, at mukhang artista talaga (pero medyo maliit). pumasok kami sa loob at nakita ko pa ang ikalawang callboy... kung 10 out of 10 na ang score nung una, itong pangalawa, twenty out of 10!!! matangkad. makinis. gwapo talaga. malinis tignan. maganda katawan.
naimagine ko na agad ang orgy. libreng sex na sa tatlong matipunong lalake, may dalawang libo pa! panalong panalo na talaga!
lumabas galing sa banyo ang client... kahit sinabi sa akin ni Popoy na transexual nga si sir, medyo magulat pa rin ako. medyo mukha ngang babae si sir, mga mid-30s siguro, at malaki ang boobs.
magandang gabi po
napabati ako. ngumiti naman si sir. pumunta ng cr si Popoy para maghilamos, at sumunod si sir. umupo lang ako sa isang bakanteng upuan, hindi nagsasalita ang dalawang callboy. matapos ang ilang minuto, lumabas na sila.
ay, bakit ka pala naka-shorts? pano tayo pupunta dun sa gimikan? hindi ka papapasukin
naka-shorts kasi nun si Popoy. inabutan ng 500 ni sir si Popoy, pangtaxi daw para makauwi s'ya at magpalit ng pantalon. bumaba kami ng hotel.
may napansin lang ako... parang hindi ako kinakausap o kinilala man lang ni sir... anyway...
pagdating sa lobby, nagpaalam na si Popoy na magtataxi. pero may sinabi si sir na medyo ikinagulat ko (pero inasahan ko na rin)
isama mo na yung kaibigan mo
tulala pa, sumabay ako paglalakad kay Popoy habang si sir, kasama ang dalawang callboy, eh sa ibang direksyon nagpunta.
pinipilit ko pang lokohin ang sarili ko nun na baka kaya lang ako pinasama ni sir kay Popoy eh dahil baka ma-op ako kung isasama nila ako ng hindi kasama si Popoy. pero wala pang ilang segundo, na-confirm ko na yung hinala ko. tumingin sa akin si Popoy ng nakakunot ang noo.
may problema
ano yun?
hindi ka trip ni sir eh
pagkabanggit nun ni Popoy, napatigil ako sa paglalakad, medyo natawa ng kaunti, at napaupo sa gilid.
uy, ok ka lang?
eheheheh... ganun talaga sa trabaho natin Popoy eh. narereject talaga tayo paminsan-minsan, ang nakakainis pa eh kung kailan ang dami mong effort papunta sa place, tsaka ka marereject. kung kailan kailangan mo ng pera, tsaka ka marereject. badtrip
kumuha ako ng yosi sa bag at napahithit (matagal-tagal na rin akong hindi nagyoyosi, nung gabing yun lang ulit). umupo si Popoy sa tabi ko at nag-sorry. sabi ko hindi n'ya kailangan gawin yun dahil wala naman s'ya kasalanan. tinanong ko kung paano yung pagkakasabi sa kanya ni sir na hindi n'ya ako gusto.
nung nag-cr pala sya at sumunod si sir, ang sinabi agad sa kanya eh "bakit naman ganun yung dinala mo? mukhang basura lang yan pag itinabi dun sa dalawa."
basura... i like the term.
pero, sa bagay. inaamin ko, sobrang high class talaga yung dalawang callboy. parang wala silang pores sa mukha at parang wala silang ginagawa sa buhay kundi magpaganda ng katawan. mukha nga naman talaga akong basura pag itinabi sa kanila. may point si sir, at masakit yung point n'ya.
matagal tagal kaming nakaupo ni Popoy dun sa gilid, at tila nagkataon pa na malapit kami sa simbahan. dahil na rin siguro sa pagkabadtrip, naikwento ko kay Popoy yung mga frustrations na nararanasan ko dahil sa pagiging masahista. naikwento ko kung paanong ako mismo sa sarili ko eh hindi kampante sa hitsura ko, at hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa ibang pokpok na nakikilala ko.
ganun naman kasi talaga sa trabahong ito. kung sa normal na trabaho, gawin mo lang ang dapat mo gawin, aasenso ka na, dito hindi. kailangan lagi kang in the lookout. kailangan alam mo kung sino mga kalaban mo. know not just the territory, but know the enemy. kailangan alam mong hindi ka napag-iiwanan sa kahit anong aspeto... hitsura, ganda ng katawan, sex appeal, porma, at kung ano pang mga physical attributes. higit sa lahat, kailangan meron ka laging edge. at hangga't maaari, keep your edge, dahil kapag nakopya na yan... wala na. white flag ka na.
hindi ko na lang napansin na medyo napapaluha na pala ako. oo, ganun katindi yung effect ng pagkakareject sa akin.
kaysa ipangtaxi, ibinigay sa akin ni Popoy yung 500 na bigay sa kanya ni sir. tinanong nya ako kung ano gusto kong gawin. sabi ko, hindi ko alam. sabi ko sya na ang bahala sa akin. at, walang abog abog, naglakad kami hanggang sa napainom ng kaunti, kumain, nagkwentuhan, at nagturuan. nagpaturo ako sa kanya ng techniques kung paano maging mas mabenta... at marami akong natutunan. lumalim na ang gabi ang nagpasya na kami ni Popoy na maghiwalay ng landas. umuwi ako na mabigat ang loob, pero determinado na mas lalo pang ayusin ang sarili ko.
masakit yung nangyaring rejection... sobrang sakit na sa totoo lang, hanggang ngayon eh hindi pa rin ako nakaka-move on. pero, may naitulong ba sa akin yun? meron. malaki. kasi dahil sa rejection na yun, mas naging determinado ako na ayusin ang katawan ko, ang kutis ko, ang hitsura ko, ang kabuuan ko... para mas maging mabenta ako sa mga client, at para mas tumaas ang kompiyansa ko sa sarili ko.. kompiyansa na alam kong sa pagtanda ko ay mananatiling kasama ko, kahit dumating ang panahon na iwan na ako ng magandang katawan, mukha, at karisma ko.
napaka ganda ng post mo na ito... it's really hard to be rejected but good thing is that you took this rejection as a challenge to improve yourself..
ReplyDeletemaybe in my next vacation there.. kontakin kita :)
Hi i got to read your blog, And really I am amused at the same time really touched by the honesty. Anyways looking forward to reading more of your blogs...
ReplyDeleteBravo Shiatsu Boy. From a fellow writer, saludo ako sayo. :)
ReplyDeleteI feel sorry dun sa ginawa nung matronang bakla sayo. KApal ng muks ni ateng hayyy feeling girl. Okay lang yan minsan talaga me mga taong physical aspect lang ang tinitignan, actually karamihan. Pero if you know and love yourself the way it is hindi ka maapektohan sa mga sinasabi ng iba. Love your blog pala hope to meet you someday haha
ReplyDeletenalungkot naman ako dito :(
ReplyDeletewag ka pong panghihinaan ng loob :)
alam mo me sense kang mag-sulat. masarap basahin mga sinusulat mo. halatang galing sa puso mga sinusulat mo. hayaan mo kontakin kita pag-uwi ko. pabayaan mo na yung transgender na yun, mas nakakadiri syang tingnan.
ReplyDeleteCorrect mga ateng benilda, esmeralda, evangeline.... Hindi ko in-expect na may depth ang mga sinulat ni Boy Shiatsu... Kaloka... I was expecting mababaw na stories pero naloka ako sa mga underlying chorva ng story na itech... gusto ko tuloy i-hug si Boy at i-console... Echosera!
ReplyDeletethis is really a good read, and your writing style is honest and introspective. got the link from Lexuality, and i was expecting na bastusan/ erotica lang. hindi pala. keep on writing, Boy Shiatsu :)
ReplyDeleteYou write well. Simple and engaging. Im interested to meet with you and your friend Popoy. Please do email me here. jim.mmheadhunter@gmail.com. Let's talk rates there. Thanks.
ReplyDeletei had mixed emotions when I read this post of yours. I can really feel you during those times especially when you were rejected.
ReplyDeleteSad pero may mga times talaga na mararamdaman at mangyayari sa isnag tao ang mareject. Hayaan mo lilipas din yan. Hwag mo na masyado isipin kasi IISANG TAO LANG YAN mas importante ang KARAMIHAN NA NAGAADMIRE SAYO AT MAG AADMIRE PA. Keep safe!
Ei Boy Shiatsu! Long time no post ah. Hope you're OK.
ReplyDeleteito ang hinahanap kong kwento BS. kahit ako sobrang takot na takot ma-reject sa ibang aspeto.
ReplyDeletewow nice post. I just came by to your blog yesterday habang nagsusurf sa net (dahil tapos ko na lahat ng work ko plus na cancel pa ung board meeting, hehehe petiks mode muna!!!!) Noong una I thought na curious lang ako sa name ng blog mo but when I started reading you past post, wow I was amazed!!!
ReplyDeleteYou have experience my worst fear dude REJECTION....
You know dude there are times talaga na we cannot pleased everybody, that is why we need to accept reality. Good thing you have realized that for you not to experience the same thing, change should be done, sa klase kasi ng trabaho mo mahirap makipagsabayan sa mga mas bata, mas gwapo, mas may dating kumbaga you have to have your own package para maging "mabenta" (sorry for the term). Your right kapag hindi ka nakipagsabayan, you will not noticed that you have already raised the white flag.
Kaya dude keep on writing, fighting, never lose hope, live and prosper.
Take care and God Speed.