03 October 2010

Ang Pagbabalik ni Shiatsu!

matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagkwento sa blog na ito. kunyari na lang may nagtanong... kumusta na ba si boy shiatsu? ano na ba nangyari sa kanya? tumigil na ba s'ya sa pagmamasahe? nagpatuloy ba ang pagtaba n'ya? at sino ang ibinoto n'ya nung nakaraang eleksyon?

dahil na rin siguro sa buyo ng mga kaibigan, sa pagdami ng kompetensya at mga gimik (nagulat at natawa na lang ako na may nag-ooffer na rin ng body scrub at, eto malupet, pubic hair trimming!), at sa hindi mapigilang pagkain ng hot shots, natigil ako sa pagmamasahe. naghanap ng matinong trabaho, at muling nabagsak sa industriya na dati ko nang sinumpang tatalikuran ko na

maayos naman ang nasabing kompanya. maganda ang oras ng trabaho (at least hindi ako twilight mode!), magaan ang working environment, at madali lang puntahan ang office, hindi na kailangan mag-cab. ang sweldo, medyo maliit kumpara sa iba, pero hindi na masama. ang workload, exciting, kasi hindi repetitive! halos araw-araw may bago, kaya kahit ilang buwan na ako dun eh pakiramdam ko eh bagong sulpot ako. masaya, hindi nakakasawa. masaya. masaya.

pero... sadya yatang pinanganak akong makati at maparaan!

isang araw ay nagtext ang isang naging client ko, nangangamusta. edi syempre, sabi ko okay lang ako. tinanong n'ya kung nagmamasahe pa daw ako. sa totoo lang, gusto ko sanang sabihin na hindi na. pero, naisip ko... paano naman ang mga taong nangangailangan ng haplos at paglalambing ko? paano naman ang mga mister na hindi na kaya pasayahin ng mga misis nila? paano naman ang mga bading na nagnanais ng yakap at halik ng katulad kong pogi (pasensya na, sa part na ito, kailangan ko kapalan ng kaunti ang mukha ko!)? paano naman ang mga mayayamang dom na namomroblema kung saan nila gagastusin ang pera nila?

naisip ko... mahirap talikuran ang sinumpaan kong propesyon na maging pantasya ng bayan! naks!

binasa ko ang kontratang pinirmahan ko sa kompanya ko ngayon... wala naman sinabi dun na bawal maging masahista habang empleyado nila. nakalagay lang dun eh bawal daw ako magtrabaho sa kaparehong industry ng company. isa lang ang nakikita kong pagkakahawig ng trabaho ko at ng pagmamasahe... minumura ako ng customers. pero sa kompanya ko ngayon, minumura ako sa galit. sa pagmamasahe, minumura ako sa sarap!

kaya ayun... bitbit ang special body oil mixed with aromatherapy massage oil, sumugod ako sa location ng kaibigan ni sir at muli na namang nagpasaya ng isang malungkot na nilalang. at dun ko napagtanto... hindi pa pala tapos ang buhay masahista ko!

kaya, eto, kasabay ng pagbuhay ko ng trabahong deep inside ay mahal ko ay binuhay ko rin ang blog na ito, at umasa kayo na mapupuno na naman ng makukulit, masasaya, malulungkot, nakakadiri, at kung anu-ano pang kwento na kadalasan ay sa indie film lang natin nakikita.

dumating na ang oras... ang pagbabalik ni boy shiatsu!

(kung gusto n'yo na mas marami ako maikwento dito, bigyan n'yo ako ng client referrals! kung sino nakapagbigay ng successful referral, may incentive galing sa akin! naks! parang yung company ko lang rin ngayon!)

4 comments:

  1. ok ang blog mo..tuloy mo lang. madaming nagbabasa sa iyo pero mga silent lang sila.

    ReplyDelete
  2. di ka ba nagtry magDUBAI?

    ReplyDelete
  3. newbie lang ako dito boy, hindi ko alam number mo, pakipost naman, nag-email ako sa u pero wla pa reply...

    ReplyDelete
  4. really like this site, last week ko lng to nkita thru other blogsite pero mas nagustuhan ko xa... nkakatanggal ng problema sa work hehe.. boyshiatsu kung hire ka paano?

    ReplyDelete