22 September 2012

Amnesia

"uy! kumusta ka na? long time no see ah!"

yan agad ang banat sa akin ni Sir Deo pagbukas na pagbukas ng pinto. sobrang friendly at sobrang warm. at dahil sobrang accommodating ang pagbati nya sa akin, bigla tuloy akong napaisip... pucha! kilala nya ako pero di ko sya kilala!

eto yung mga nakakatakot na scenario. medyo mahina kasi talaga ang memory ko pagdating sa tao, lalo na sa names. kung ibabase sa pagka-perky ni Sir Deo, mukhang may kaunting lalim yata ang pinagsamahan namin... pero talagang hindi ko maalala. anyare?!

pero hindi dapat mahalata ni Sir Deo na di ko sya maalala, so ngiti pa rin ako at go with the flow lang.

"ayus naman po. kaw, kumusta?"
"okay naman. grabe no, tagal na since the last time na nagkita tayo."
"kaya nga eh.'
"so, ano nang balita sayo?"
"eto, jobless."
"eh wala ka naman talagang trabaho ah!"

patay! mukhang matagal na nga yata ang pagkikita namin ni Sir Deo. ang huling update nya is wala akong work.

"saan ka nga ba nagwowork dati?" tanong nya.
"sa may manda po."
"diba sa eastwood?"
"sa manda po, sa mag shaw blvd."
"ahhh... tama."

whew! nakahinga ng malalim. kaunting kwentuhan pa at sinabihan ko na sya na maligo. napansin ko na hindi isinara ni Sir Deo ang pinto ng cr.

"oh, ano pang hinihintay mo? tara na!"
"ay... saglit lang po."
"naku! nakalimutan mo na yata na gusto ko sabay tayo naliligo ah."
"hindi po! nagtext lang po ako saglit."

pero ang totoo, hindi ko na talaga naalala. strike 2 na ako.

naligo kami ng sabay at pagkatapos ay humiga na agad sya sa kama. kinuha ko na ang oil para magsimula ng masahe ng bigla nya akong binara.

"you forgot that i want extra first before massage, right?"
"ah... naku... hindi po. ilalagay ko lang dito sa table para madali nang kunin mamaya."
"di mo na ako naaalala ano?"

eto na ang kinakatakot kong tanong. make or break to. pero, syempre, pabibo pa rin.

"ngek! Sir Deo talaga o!"
"sige nga, saan tayo nag-check-in dati?"

at parang isang alaalang gusto mong kalimutan, bigla na lang sumulpot sa utak ko kung sino ang mamang ito. tama! kumpleto, lahat ng detalye. bigla kong naalala. kaya kampante akong sumagot.

"eurotel! sa may cubao!"
"tapos?"
"oo. umorder pa tayo ng chicken after."
"ahehehehe..."

maganda yung tawa ni Sir Deo. pero biglang.

"hindi ako yun."

dedo!

"so, nakalimutan mo na nga kung sino ako?"

wala na akong nagawa... white flag na.

"um... opo. sorry."
"hahahaha! okay lang yun. sana sinabi mo agad. napahiya ka pa tuloy."

tawanan lang kami ng tawanan after, pero that moment, gusto ko nang matunaw na lang at maglahong bigla.

14 September 2012

Bloodbath the Third!


ngayong gabi, magsisimula na ulit ang Battalia 3! (tinanggal na yung word na 'Royale' sa title, hindi ko alam kung bakit.). ngayong gabi, apatnapung estudyante ang mapapabilang sa isang laro at isang sitwayong "life or death"... literally!

kung napanood nyo na ang una at ikalawang leg ng Battalia Royale, i would suggest you go and watch pa rin. ang daming bago. mas exciting. mas detalyado. mas nakakatakot. mas nakakaantig. at Gabe Mercado as Frazer Salamon (the evil teacher)... sobrang menace! as in... panoorin nyo na lang.

umattend ako kahapon ng technical dress rehearsals as one of the "goons"... pero ako mismo, bagamat napanood ko na ng dalawang beses yun play, na-excite pa rin.

sa mga hindi pa nakakanood... anyare?!

go watch Battalia 3 and support independent theater industry!

Battalia 3
Sept 14-16, 2012 (3 out of 9 shows)
Museo Pambata
7pm

click here for more info and ticket reservations.

and for a preview of what's going to happen... watch this. (some spoilers ahead. but since a lot has changed, we're not sure if these scenes are still 'existing" in the new show!)


12 September 2012

Mariposa

matagal na matagal na itong kantang to. dati, di ko sya pinapansin kasi di pa naman ako nakakapasok sa mariposa o sa kahit anong motel. isang araw, napakinggan ko ng buo ang kanta at napanood ang video... at naiyak ako...


sampung taon makalipas ilabas ang kantang ito, nakakatuwang isipin na mula sa pagiging estranghero sa paksa ng kanta ay naging "pucha! akong-ako to ah!" song ko ito. pero ano nga ba para sa akin ang isang motel.

isang bagay na ikinamamangha ko sa motel ay ang pagkakataon na ibinibigay nito para maging totoo ka sa sarili mo. o para maging ano mang karakter na gusto mo. pwede mong ilabas ang tunay na kulay mo, o magpanggap bilang isang tao na pinangarap mo. at lahat ng ito, magagawa mo ng hindi ka natatakot na mahusgahan, pagtawanan, kutyain, irapan, kuwestiyunin, o pasaringan ng ibang tao. maaari kang mabuhay sa isang mundo na gusto mo, ihiwalay ang sarili mo sa totoong mundo, kahit sa loob lamang ng ilang oras.

at iyon ang masakit na part dun. na bagamat papasok ka sa loob ng motel upang makaranas ng masayang mundo na pinapangarap mo, darating at darating ang oras na kailangan mo nang mag-checkout at lisanin ang imahinasyong mundong hinihiling mo na sana ay totoo at harapin ang totoong mundong hinihiling mo na sana ay guni-guni o isang masamang panaginip lang.

ng napanood ko ang video na ito, natawa ako sa mga karakter na ipinakita. pero hindi iyon yung tawang putangina-sobrang-lafftrip-ang-sakit-na-ng-tiyan-ko-at-tutubuan-na-ako-ng-abs na tawa. iyon yung tawang kapiraso lang, yung tipong mga apat na syllable lang, pagkatapos ay bigla kang mapapatahimik kasi may naisip ka. in my case, pagkatapos ng apat na syllable ng tawa, napatahimik ako dahil sa naisip ko... minsan sa buhay ko, naging ako ang mga karakter na ito... all of them.

inosente.
baliw.
pokpok.
bakla.
kabit.
adik
yuppie.
tv junkie.

lahat sila, may kanya-kanyang pakay sa pagpunta sa motel. lahat sila, may kanya-kanyang pinagdadaanan. at lahat yun, napagdaanan ko na. isama pa natin ang iba't ibang karakter na kailangan ko ring bigyan buhay sa loob ng apat na sulok ng kwartong may menu, aircon, porn channels (na kadalasan ay kasunod ng mga church channels), maliit na sabon, discount card, at wifi access na madalas ay hindi gumagana.

stripper.
boyfriend.
kaharutan.
milkman.
estudyante.
artista.
demonyo.
virgin.

at pagkatapos ng bawat engkwentro sa kung sino mang kasama ko sa loob ng motel, palagi akong naiiwan mag-isa. minsan, mauunang lumabas ang kliyente. minsan naman ay ako ang unang lalabas. minsan naman ay sabay kaming lalabas at kakain. pero sa lahat ng pagkakataong ito, naiiwan akong mag-isa. pagkatapos ng palabas, dumarating ang oras na muli naming tatahakin ang kanya-kanyang buhay... at dun ako nagiging mag-isa.

hindi ko na maintindihan kung ano na ba ang totoo at kung ano na ba ang kathang-isip. basta ang alam ko lang, ayoko nang mag-isa. at kung ang tanging paraan para makamtan yun ay mag-extend ng mag-extend sa bayad sa isang maliit na kwarto sa isang apartelle, isusugal ko na siguro ang lahat ng pera ko... maging ang sarili ko, para lang hindi na ako mag-isa, scripted man o totoo.

02 September 2012

Kamalas-malasan

sabado... nasira ang ngipin ko, kaya na-cancel ang isang importanteng lakad

lunes.. umiral ang katigasan ng ulo ko na naging sanhi ng pagkawala ng trabaho ko.

huwebes... pumasok ang sweldo pero sa dami ng mga kailangang bayaran, halos isang libo na lang ang natira sa akin.

sabado... isang hindi makakalimutang pangyayari. naranasan ko ang patikim ng kalawit ni kamatayan. isang magulong encounter sa squatter area, nakorner ng tatlong tao (isa sa kanila, may hawak na malaking bato at nakaambang ihampas sa akin). at mahabang takbuhan sa kahabaan ng taft avenue. near-death experience. pero nakaligtas ako.

at ngayon... nawala ang ipod ko. isa sa mga kakaunting bagay na pinagmamalaki kong meron ako.


walang trabaho. walang pera. walang karamay. walang ideya kung paano ako lalakad ulit pasulong.

ANO NA LANG ANG MANGYAYARI SA AKIN?!?!?!!



























ayoko na. sana pwede na lang tapusin lahat to. lahat lahat. yung tipong isang pitik na lang. or isang kalabit. or isang patak. or isang lundag. basta... yung isa na lang, pagkatapos ay tapos na... tapos na lahat...

25 August 2012

The Witness

matagal ko nang suki si Sir Alex, and maganda naman ang working relationship namin. nakakatuwa kasi sa ganda ng working relationship namin, na-extend ang business ko maging sa ka-relationship nya... si Sir Tom.

hindi ko maiwasang mag-isip ng kakaiba kay Sir Alex at Sir Tom. nasa late 40s na si Sir Alex, at bamagat medyo okay-okay pa rin ang hubog ng katawan nya, hindi na maitatago sa hitsura ni Sir Alex ang edad nya. si Sir Tom naman, on the other hand, is around late 20s lang. maganda ang tindig at hubog ng katawan, makinis at halatang alaga ang kutis, gwapo, at halatang mahilig sa social life. ayoko na lang bigyan ng malisya, pero something is telling me na parang ginagawang sugar daddy ni Sir Tom si Sir Alex. lalo pa ng isang beses ay napagkwentuhan namin ni Sir Alex si Sir Tom (di ko pa sya namimeet nung time na yun.)

mahal na mahal ko si Tom. i gave him the life he wanted. ibinili ko sya ng kotse, his own condo unit, and even a small resthouse with a small ranch,. i bought him a horse kasi yun ang hilig nya. and kahit yung family nya sinusuportahan ko.

confirmed! tama nga yata ang hinala ko. or, baka naman mahal lang talaga ni Sir Alex si Sir Tom kaya balewala na ang mga nagagastos nya. sana mahalin din ako ni Sir Alex, tapos sasabihin ko sa kanya na ang hilig ko ay mag-drive ng eroplano... ibibili nya kaya ako ng private jet? hehe...

tinext ako ni Sir Alex para itanong kung pwede daw ako at kung kaya ko daw na dalawa ang iseservice ko. pumayag ako. and finally, one night, na-meet ko na rin si Sir Tom. gwapo nga. maganda nga katawan. mukha ngang sosyal! kung marami akong pera, hindi malabong mangyari na gastusan ko rin sya! kaso, panggastos nga sa sarili, wala eh. haha!

maayos naman ang naging takbo ng unang joint business ko with the two of them. at naulit nga sya ng naulit. paminsan-minsan, nagha-hire pa si Sir Alex ng isa pang masahista para mas pang-Sean Cody ang mga eksena.

isang araw, pinapunta ako ni Sir Alex sa isang condo sa mandaluyong.... second condo unit ni Sir Tom (hampotah! dalawa pa ang condo unit!). may isa na daw na nandun na, pero gusto nya pa ring pumunta ako.

"huli mo na kasi kiliti ni Tom eh, eh ayun, medyo tinotopak."
"ahhh... sige po."

at pumunta na ga ako. si Sir Tom ang nagbukas ng pinto. pumasok ako at nakita ko sa sala ang macbook ni Sir Tom, katabi ang isang bote ng absolut, baso na may yelo, ice bucket at mga bagay na medyo ikinagulat ko rin... a lighter, a glass tubing and a small container na may whitish powder and crystals... shabu.

"nandun si Alex sa loob. diretso ka na lang." halatang wala sa mood si Sir Tom. pagkasabi, umupo na ulit sya sa sofa at humithit sa glass tube. nakakatakot ang hitsura ni Sir Alex, walang-wala sa friendly aura nya na nakita ko the first time i saw him.

pumasok ako sa kwarto at nakita ko ngang nagpipili-pilipit na si Sir Alex at ang masahistang malaki ang katawan. dahil automatic na, naligo na ako at pagkatapos ay nakisiping na rin ako sa dalawa. ilang halik at dila pa lang ang nagagawa ko ng sinabihan ako ni Sir Alex na lumabas sa sala at lambingin si Sir Tom, and apparently ask him to join us.

i did as i was commanded. pumunta ako sa sala kung saan nakita kong umiinom ng vodka si Sir Tom at tila galit na nagta-type sa macbook nya.

"hey" bati nya sa akin, pero ramdam ko na hindi maganda ang mood nya.
"pwede tumabi?"
"k."

at tumabi lang ako sa kanya. hindi ako tumitingin sa screen ng macbook nya dahil baka kung ano pang makita ko. tahimik lang akong nakaupo sa tabi nya when he asked me to get a glass sa kitchen. kumuha ako ng bass, nilagyan nya ng yelo at binuhusan nya ng vodka. inum-inom lang ng kaunti ng naaalala ko na gusto nga pala ni Sir Tom na malambing ako sa kanya... kaya naisipan kong humiga sa lap nya.

"kaw talaga... balik ka muna dun sa loob."
"hinde. dito na lang ako"
"go inside."

ramdam ko na ang intensity ng utos nyang yun, kaya sumunod na lang ako. bumalik ako sa kwarto at saktong pina-fuck na ng masahista si Sir Alex. hindi ko alam kung paano ako sisingit... kaya hinalikan ko na lang si Sir Alex.

"hey! uhhhh... asan si Tom?"
"nasa labas po eh. may kausap yata."
"uuhhhhh... ahhhh.... ayain mo."
"parang bad mood po eh."
"hindi yan. kaya mo yan."

nag-shower na muna ako saglit bago lumabas ng kwarto. dumiretso ako sa sala at umupo sa tabi ni Sir Tom... na kitang-kita ko that time na talagang galit na. sinubukan kong pakalmanhin si Sir Tom... hinimas ko ang balikat nya... pero hinawi nya ang kamay ko.

"not now." singhal nya sa akin.
"eh kasi sabi po ni Sir Alex."
"putangina! diba sabi ko wag?!"

nagulat at natulala lang ako kay Sir Tom. kaya umalis na lang ako at bumalik sa loob ng kwarto. tuloy pa rin ang fucking session ni Sir Alex at ng laruan nya, iba lang ang posisyon.

"oh, ano na?"
"eh ayaw po talaga eh."
"hahaha! mahina ka pala eh."

natawa ako, pero parang napahiya rin ako sa sinabing yun ni Sir Alex. umupo lang muna ako saglit sa kama. wala pang isang minuto ng pagkaupo ko sa kama ng biglang bumukas ang pinto. si Sir Tom, halatang nag-aapoy sa galit. dire-diretso sya sa cr, naghilamos saglit, at nagpunas. dumiretso sya sa cabinet at may kinuha. at napansin ko kung ano ang hawak-hawak ni Sir Tom na kinuha nya sa cabinet... baril.

tumigil si Sir Alex sa pag-ayuda kay kuyang masahista na that time eh nakahiga sa kama.

"what is it this time, Tom?"
"wala kang pakialam dito."
"iwan mo yang baril."
"fuck! this is mine!"
"gago ka rin talaga ano? ano na naman to?"

galit na si Sir Alex, pero mas galit si Sir Tom. nakakatakot at sobrang nakakakaba na ang paligid. siguro, dala na rin ng takot, pumunta muna si kuyang masahista sa banyo. naunahan ako! at dahil awkward naman kung bigla akong lalabas, nanatili akong nakaupo sa kama.

isinuksok ni Sir Tom ang baril nya sa likuran ng shorts nya... at hinila ito ni Sir Alex at ibinalik sa cabinet.

"Fuck Tom! ano na naman ang problema mo?!?!"
"you have nothing to do with this Alex. and please, i'm not a kid! hayaan mo ako!"
"you're drunk. you're high. you're out of your mind na talaga no."
"bullshit!"
"no... you're bullshit!"

gusto ko na talagang umalis. masyado nang intense ang paligid. dumiretso si Sir Tom at kumatok ng malakas sa pinto ng cr. sya namang labas ni kuyang masahista na halatang naligo at naka-underwear na. pumasok si Sir Tom sa cr.

habang nasa kwarto, kitang aligaga na si Sir Alex. si kuyang masahista naman ay takot na takot at mabilis na nagbihis. ako naman ay nakaupo lang sa kama, hindi alam kung anong dapat gawin.

"sir, una na po muna ako." sabi ni kuyang masahista. at agad syang lumabas ng kwarto at ng bahay.

"i'm sorry." sabi sa akin ni Sir Alex.
"okay lang po. ano pong nangyayari?"
"wala. akong bahala."

makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Sir Tom sa cr. ako naman ang pumasok. at nakita ko sa mismong lababo ang isang maliit na bote ng sterile water, isang maliit na plastic, at isang injection. hindi ko na lang pinansin. umihi ako at lumabas na agad ng banyo. wala na doon si Sir Tom. baka nakaalis na. bukas ang cabinet, wala dun yung baril... at si Sir Alex naman ay nakayuko lang sa kama.

"sir?"

hindi sumasagot si Sir Alex.

"sir, okay kang po kayo?"
"no, i'm not."
"ah... sorry po."

awkward silence... at naisipan ko na lang na magbihis.

"sir, una na po siguro muna ako."
"sige. sorry ha. you're a very nice guy. nakakahiyang ganito pa yung nakita mo. sorry talaga."
"salamat po. ayus lang po yun."
"mag-iingat ka lagi ha. it feels nice to meet someone like you." sabi ni Sir Alex. di ko alam, pero parang puno ng lungkot yung pagkakasabi nya nun. iniabot nya sa akin ang pera at inihatid ako sa pinto.

bumaba ako ng building at naglakad palabas ng area ng biglang may bumusina at nag-flash na headlights sa akin. napatingin ako sa kotse at nakita kong nakasilip sa bintana si Sir Tom. hindi ko alam kung lalapit ako or hindi ko papansinin. pero bumusina ulit sya. kaya lumapit na lang ako.

"bakit umalis ka na agad?"
"ah... eh kasi po."
"san way mo, hatid na kita."
"hindi, okay lang po ako."

humithit muna si Sir Tom ng yosi bago nagsalita.

"saan nga way mo?"
"ah... sa pasig po."
"saan sa pasig?" sabay hithit ulit ng yosi. at tsaka ko lang napansin... nasa passenger's seat pala yung baril. biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"sa ortigas extension po."
"seriously... hatid na kita. dun din ang way ko."
"naku. wag na po sir."
"ayaw mo talaga?" nakakatakot ang mga mata ni Sir Tom.
"opo. okay lang po ako."
"okay then... alis ka na."
"kaya nyo po ba mag-drive?  lasing po yata kayo."
"i'm good. i needed some spirit for tonight."

nakakatakot ang pagkakabanggit ni Sir Tom nung last sentence nya. ramdam kong something bad is going to happen. pero di ko na inusyoso. umalis na lang ako. pero paglingon ko pabalik sa kotse ni Sir Tom... saktong nakita ko syang bumaba ng kotse nya at nagmamadaling naglakad papasok ng condo... parang galit na galit.

hindi ko na alam at hindi ko na rin inalam kung anong sumunod na nangyari. matapos ang gabing yun, hindi na ako nakatanggap ng kahit anong text or tawag mula kay Sir Alex. sinubukan kong tawagan ang number nya... unattended na.

ayokong mag-isip ng masama... pero everytime naaalala ko ang kwentong yun... hindi ko maiwasang kabahan...

12 August 2012

Panapal na Post (sorry!)

pasensya na kung hindi ako naka-blog lately... busy kasi... at may nagpapasaya na kasi sa akin...


sya ang nagpapasaya sa akin lately... panoorin nyo. baka mapasaya nya rin kayo!

i hope everyone is safe despite the inclement weather that has passed. ako, ayus naman. though binaha ang family ko sa rizal, maayos naman ang kalagayan nila ngayon.

kailangan lang kumayod ulit... kailangan ng budget pang-repair ng bahay! so, i am posting a pic of myself here... related sa tag-ulan!



as always... teaser lang ulit! hahahaha!

23 July 2012

The Eruption and the Next

nagising ako kaninang umaga na medyo hihingal-hingal pa dahil sa masamang panaginip. ewan ko ba. pero buong magdamag na paputol-putol ang tulog ko dahil sa masasamang panaginip.

naiihi ako, kaya tumayo ako sa pagkakahiga. napahawak ako sa tagiliran ng shorts ko at naramdamam kong medyo basa ito. teka, nakaihi na naman ba ako habang natutulog? (yes, confession, may ilan ilang beses pa ring nakakaihi ako while sleeping. kadiri no?) pero, kung nakaihi na ako, bakit naiihi pa rin ako? at bakit hindi naman basa si junjun? dun na ako napabangon at napatakbo sa cr, hablot ang bulak na maswerteng katabi lang ng unan ko.

agad kong chineck si Peggy, at tama nga ang hinala ko... pumutok na sya! basang-basa ng pinaghalong abscess (nana, pasosyalin na lang natin ang term para di masyadong nakakadiri) at dugo ang gauze pad na nakatakip dito. sa sobrang basa, nadamay pati ang shorts ko. dahan-dahan kong tinanggal ang gasa at bumulwak na nga ang sangkatutak na lava. punas lang ako ng punas gamit ang bulak pero tuloy tuloy lang sa paglabas ang lava. kaunting-kaunti na lang ang natira sa bulak bago tuluyang tumigil sa paglabas ang lava. good thing! wala na akong bulak at gauze pad, at sarado pa ang bilihan. nilinis kk ng dahan dahan si Peggy, nilagyan muna ng band aid, at tsaka natulog ulit.

nagising ako makalipas ang ilang oras, na-manage kong bumaba at bumili ng gasa at bulak, at tsaka hinarap ulit si Peggy. round 2 ng eruption. tinanggal ang basang band-aid at pinindot ng mahina ang malambot na bahagi malapit sa mata (na naging open wound na). may kaunting lumabas. isa pang medyo madiin na pindot at nagsimula na ulit bumulwak ang abscess at dugo. kaysa pahirin ng bulak, piniga ko lang ng piniga at hinayaang tumulo ng tumulo ang lava. hanggang sa halos tuloy tuloy na ang paglabas, paunti-unti na lang na pindot from time to time. umabot din siguro ng 30 minutes, at sobrang dami ng lumabas na abscess at dugo. di ako makapaniwala na aabot sa ganoong karami ang lalabas. nilinis ang kalat, naligo, at nilinis ang natira kay Peggy (di pa rin sya totally drained, may part pang matigas, and may mga naiwan pang hindi lumabas, kaso hinang-hina na ako) at pagkatapos ay umidlip ako.

pagkagising ilang oras ang lumipas, muli kong nilinis ang sugat, nananghalian (though late na) at pumunta sa doktor ko para, you know it, manghingi ng medcert. pagdating sa clinic nya... wow! wala si doc! ayoko namang bumalik sa putanginang doktor sa makati med, hoholdapin nya lang ulit ako! pero pumunta pa rin ako sa makati med, at hinanap ko yung unang doktor na inirekomenda sa akin ni doktor bait... pangalanan natin silang Doctor Heckyl (yung mabait kong doktor) at Doctor Jeckyl (yung inirekomenda) tapos yung tarantadong doktor naman, si Doctor Mojojojo.

praise the lord! pagtanong ko sa reception, present daw si Doctor Jeckyl! pumunta ako sa clinic nya, nag-fillout ng form, at sinimulan ang konsultasyon.

ibinigay ko muna ang love letter, ah este referral letter na isinulat ni Doctor Heckyl kay Doctor Jeckyl. pagkabasa, pinakwento pa sa akin ni Doctor Jeckyl ang lahat ng nangyari from the time na nagsimula si Peggy hanggang sa kasalukuyan! wow! ibang iba kumpara kay Doctor Mojojojo! tuloy tuloy ako sa kwento at nakikinig naman ang doktor. pati yung masamang experience ko kay Doctor Mojojojo naikwento ko, at nagulat si Doctor Jeckyl sa nangyari.

"ganun? grabe naman yun."
"kaya nga po eh. wala man lang pakialam sa pasyente"
"don't worry, ako nang bahala sayo. pwede ko ba makita yung pigsa?"

at ipinakita ko kay Doctor Jeckyl ang pigsa.

"oh. sugat na pala eh"
"opo. marami-rami na yung lumabas kanina"
"hawakan ko lang ha"

at malumanay at magaan na dinama ni Doctor Jeckyl ang paligid ng pigsa.

"gaano ang threshold mo sa pain?"
"naku doc! sobrang mababa po."
"idrain na natin. marami pang laman sa loob. though may part pa rin na matigas"
"ganun po ba?"
"yes. pwede namang dito na lang eh. pag sa operating room pa yan, around 12k yan!"

napatambling ako sa presyo! 12k?! potcha! pero, kung idedrain, naku! malamang mahal yun.

"ah... nasa magkano po ba king idedrain natin ngayon dok?"
"ganito... usually, pag ganyan, i charge 4000."

natulala na lang ako! saan ako kukuha ng apat na libo agad agad?! though may pera akong hawak kanina (salamat salamat salamat sa mga nag-abot ng tulong!) pero kulang na kulang yun for 4k!

"ganun po ba?"
"hinde, sige, for you... gawin ko na lang dalawang libo!"

nakahinga ako ng maluwag na may kasamang gulat. hindi ko alam kung bakit nya ako binigyan ng malaking discount, pero sobrang laking pasalamat ko.

pinahiga nya ako sa bed at pinatagilid. tinanggal ang nakatakip na gauze pad at pinunasan ng betadine ang buong paligid ng pigsa.

"masakit to ha. pero sabihin mo sa akin kung di mo na kaya"

bago magsimula, inabutan ako ni Doctor Jeckyl ng stress ball at bagong bukas na... drumrolls please... teether! now, alam ko nang magiging madugo ito.

"simulan ko na sa. senyas ka lang pag di mo ma kaya."

unang pisa pa lang ni Doctor Jeckyl at halos mapatayo na ako sa sakit. laking tulong ng stress ball at teether na talagang kagat kagat ko agad dahil talagang hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.

"sorry... sorry..." pagmamatawad naman ni doc sa nangyayari. "sige, pahinga muna saglit."

sa ilang segundong yun, litrong malamig na pawis ang lumabas sa noo ko, at ilang patak ng luha na agad ang tumulo. sinilip ko ang sugat at nagulat sa nakita ko. nope, wala namang piano o kalabaw na lumabas sa pigsa (kagaya ng madalas sabihin ng mattanda) pero sobrang daming abscess ang nakapunas sa ilang tambak ng bulak sa hita ko. ang magaling pa dun, kakaunti lang ang dugo! alam na alam ni Doctor Jeckyl ang ginagawa nya, dahil isang matinding pindot pa lang, ganung karami agad ang lumabas. at puro abscess pa!

"just tell me pag ready ka na ha."
"sige doc, tuloy na po."
"sure na?"
"opo."
"okay. basta tell me pag di na kaya ha."

at inulit ang procedure. at inulit. at inulit. apat na matinding pagpisa. apat na malalakas na paghiyaw at pag-aray mula sa akin. apat na paghahabol ng hininga.

"you're doing a great job!" pag-encourage ni doc.
"parang hindi naman po."
"no, you're doing good! see, apat na beses lang, nasimot na natin! though may part kasi na matigas pa. pero yung mga pwedeng ilabas, nailabas na natin."
"whee! salamat naman po."
"wait ha, i have to do two more procedures."
"okay po"

nagsalin si Doctor Jeckyl ng betadine sa injection tube (walang needle. whew!). ilalagay nya daw sa loob ng sugat ko.

"masakit ulit to ha. sabihin mo lang king di na kayang itolerate para we can stop and rest."

at sinimulan na nga ni doc ang pagsalin ng betadine sa loob ng sugat. masakit na masakit, pero tiniis ko na lang hanggang sa kaya ng mga buto ko.

"good job!" bati ni doc ng naisalin nya ang lahat ng gamot. napatingin ako sa sugat at napansin kong nakatakip ang isang daliri nya sa butas habang dahan dahang pinipisil ang paligid nito. ahhh... gets ko na. parang nililinis yung loob. tinanggal nya ang nakatakip na daliri at nagsimula na ngang umagos ang betadine na may halong abscess sa butas. tuloy tuloy na parang gripo. hanggang sa finally ay nasimot.

"this is the last. may ipapasok tayong gamot sa loob ng sugat mo. yung 3/4, nakabaon, yung 1/4 nakausli lang."

napaisip na ako. gamot? ipapasok? then may nakausli? pano yun? kinuha ni Doctor Jeckyl ang sinasabing gamot at ipinakita sa akin.

mesh. as in parang gauze pad. mga 2 inches in length, one inch thick.

"ipapasok natin to sa loob ng sugat, i'll spread it inside, then nakalabas yung 1/4. tomorrow, pagligo mo, you will pull it out."

just the thought of inserting a mesh inside the wond already psyches me out! tangina! how much pain will this be? baka ito pa ang ikamatay ko! then i remembered... wait, did i hear it right? I WILL PULL IT OUT ON MY OWN?!?! tangina!!! ano to, suicide?!?!

hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. too much excruciating pain from the draining, to the cleaning with betadine. tapos eto?! HANUVANAMANTOH!!! pero, nandito na eh, sige. go na! bahala ma si batman!

"okay, i'll start na ha. hingang malalim."

and huminga ako as deep as i can. sinimulan nang ipasok ni Doctor Jeckyl ang mesh at kung sobrang sakit ng pagpisa at paglagay ng betadine... triple sa sakit ang paglagay ng mesh! sumesenyas na ako kay doc na di ko na kaya, pero kung kanina ay tumitigil kami para magpahinga, ngayon tuloy tuloy si doc habang nag-aapologize. "kaunti na lang hijo, kaunti na lang. kaya mo yan" tuloy tuloy sa pagpapalakas ng loob ko si doc habang ako naman ay talagang sumisigaw at umiiyak na sa sakit. hanggang sa finally... boom!

"there! tapos na! sorry ha!"

sinilip ko ang sugat at nakitang may kapirasong nakausli na pwede kong hilahin kinabukasan. pagkasilip, agad bumagsak ang ulo ko sa unan. daig ko pa ang nagpalabas ng limang beses na sunod sunod. hinang hinang hina talaga ang katawan ko. nararamdaman kong naginginig pa sa sakit ang mga kalamnan ko, at nangingilo pa ang ngipin ko.

makalipas ang ilang minuto, inabutan ako ni Doctor Jeckyl ng isang basong tubig. inibom ko ito at somewhat ay nagkaroon ako ng laka para tumayo sa kama at magsuot ng short.

"pasensya ka na at masakit ha."
"naku! okay lang po dok. ang mahalaga nagamot na."
"oo, bukas, laking ginhawa na nyan. yung mesh, impragnated sya with antibiotic, so nililinis nya pa totally yung loob, kung saan naipon yung abscess, tsaka sisipsipin nya pa yun."
"doc, baka namam sobrang sakit nun paghila."
"no, hindi masakit yan. you will be fine."
"salamat po." although sa kalagayan ko that time, parang hindi ko makita yung sinasabi ni doc na hindi masakit yung paghila ng mesh."
"you did a great job ha!"
"salamat po talaga doc."

at finally ay isinulat na ni doc ang pinaka-importanteng bagay... ang medcert! 2 days na ang inilagay nya paa dae makapagrest pa akp after hilahin ang mesh (which made me think na niloloko nya lang ako nung sinabi nyang hindo masakit yun.)

"no, i'm serious. hindi masakit yung pagtanggal ng mesh." pucha! mind reader pa yata si doc!

at bagama't iika-ika akong lumabas ng clinic at lahat ng mata ng mga tao sa labas ng clinic ay nakatingin sa akin, makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko na ngang gumaan ang pakiramdam ko.

kaunting-kaunti na lang yung matigas ma part, at sabi ni doc baka nga daw kayanin na ng antibiotics na tunawin na lang yun kaysa pahinugin. nakakatuwa na kapag hinahawakan ko yung paligid ng pigsa, nararamdaman ko yung mesh. hindi na rin ako nilagnat sa maghapon.

gustong kong magpasalamat sa lahat ng nagparating ng tulong sa akin. bagamat hindi ko kayo kaanu-ano, you went off your way and decided to help a guy na sa internet nyo lang naman nakakausap. maraming maraming maraming salamat sa inyo. i will promise to repay you in whatever way i can. sa mga nagpaabot ng well wishes, at sa mga nagdasal, sobrang laking pasasalamat ko rin sa inyo. narinig nya yung dasal nyo kaya he made a miracle and touched a doctor to give me a discouny. you will all be blessed. maraming maraming maraming salamat talaga mula sa kaibuturan ng puso ko.

kung bukas ng umaga, mga bandang alas-otso, ay mabulahaw kayo ng isang napakalakas na sigaw... ngayon pa lang ay hihingi na ako ng paumanhin. ibig sabihin, hindi totoong hindi masakit ang pagtanggal ng mesh sa sugat ko!

21 July 2012

Byaheng Impyerno

limang araw na akong nasa impyerno... at tila magtutuloy-tuloy pa ito.

nung lunes. wala pang akong masyadong lagnat, nakayanan ko pang pumasok. pero nung gabi na, naramdaman ko nang unti-unti nang tumataas ang temperatura ko. at nagtuloy-tuloy nga yun hanggang martes. di ako pumasok, pero di ko nagawang magpatingin sa doktor dahil inisip ko na baka overfatigue lang to. bahala na kung anong paliwanag ang gagawin ko kapag hinanapan nila ako ng medcert (yun ang nakakainis sa call center. isang araw na sakit, kailangan medcert agad. as if namang may health card na kami. sa regularization pa daw kami magkakaroon. boo!) ipinahinga ko ang katawan ko maghapon. at dun ko napansin ang posibleng dahilan ng lagnat ko.

sa bandang balakang sa left thigh ko ay may isang nagbabalik na bisita... si Peggy! (sa mga hindi nakakaalam, Peggy = pigsa). sa parteng ito, siguradong nagsisimula ka nang tumawa. ganun naman lagi eh. pag pigsa ang sakit ng isang tao, palaging pinagtatawanan. hindi ko alam kung bakit. pero, ang masasabi ko, this is not a laughing matter.

mapintog at mapula, halatang hindi maganda ang pakay ni Peggy sa akin. nilinis ko agad ang pigsa at uminom na agad ako ng gamot, umaasang kinabukasan ay medyo huhupa sya.

but i was wrong. mas mataas ang lagnat ko paggising ko ng miyerkules ng umaga, at mas dumoble pa ang lapad at kapal ni Peggy, dahilan para di na naman ako makapasok. this time, kahit kapus na kapos na sa pera, kinailangan ko na talagang magpadoktor... hindi para ipagamot ang pigsa, kundi para sa lintek na medcert.

nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan kung saan may murang clinic. ayoko sa makati med. bukod sa mahal, pangit na ang mga naging karanasan ko doon. nakakita ako ng clinic malapit sa amin, nagpatingin. maswerte ako dahil talagang mabait yung doktor. inisa-isa nya talaga lahat ng pwedeng dahilan ng pigsa ko at talagang marami syang advice at check-up na ginawa sa akin. sa halagang 500, kahit medyo mabigat para sa akin, masasabi kong sulit naman ang checkup. niresetahan nya ako ng mga gamot at binili ko naman ito (bawas ng 400 sa budget). at mission accomplished sa medcert.

naging malalim ang tulog ko ng miyerkules kaya magaan ang naging pakiramdam ko ng huwebes. kahit alam kong magang-maga pa rin si Peggy at posible pa ring tumaas ang lagnat ko, pumasok ako, sayang kasi ang kikitain. pero bawat oras sa opisina ay parusa. unti-unting bumibigay ang katawan ko, at parang anytime ay mag-cocollapse ako. pero dahil 2 days akong absent, ayokong mag-complain dahil baka kung ano pang sabihin sa akin ng boss ko. pinilit kong tapusin ang buong araw, at umuwi akong lantang gulay, bagsak, hiluka, at pagod. binat na naman ang sumalubong sa akin sa bahay, at di nya ako nilayuan sa magdamag. may client dapat ako ng gabing iyon, pero kailangan ko syang i-turn down. sira na naman ang image ko.

paggising ko kaninang umaga, mataas pa rin ang lagnat ko, at nagmumura pa rin si Peggy. pero pinipilit kong labanan ang nararamdaman ko at kino-convince ko ang sarili ko na pumasok. dalawang araw na akong absent, masyado nang nakakahiya kung magtatatlo pa. at kung di ako papasok, bawas ang sweldo at kailangan ko na naman ng panibagong medcert. 800 na lang ang pera ko, so 300 na lang ang matitira sa akin. hindi ko naman kayang mag-client dahil nga sa bigat ng pakiramdam ko. pero talagang nakikiusap na sa akin ang katawan ko na magpahinga na lang. minabuti kong hindi pumasok, bahala na si batman. nagpahinga ako saglit, uminom ng gamot, at naglinis ng pigsa bago bumalik kay doc para sa medcert. pagdating kay doc, isinuggest nya na kailangan nang iv ang antibiotic ko instead of oral, or ipa-lacerate na kahit hindi pa hinog kaysa kumalat. kumuha sya ng papel, nagsulat ng referral letter, at sinabi sa akin na kailangan ko daw pumunta sa makati med for this. sila na rin daw ang mag-issue sa akin ng medcert. dun na ako nanlumo. mabuti na lang at di na ako siningil ni dok para sa consultation. at wag daw akong mag-alala dahil considerate naman daw sa budget yung doktor.

bagamat mabigat sa loob ko at sa wallet ko, kinailangan ko pa ring pumunta sa makati med dahil ikakatanggal ko sa trabaho kung wala akong medcert. pagpunta sa nasabing ospital... tough luck! naka-leave ang doktor! so kinailangan kong magtanong kung sinong available na general surgeon dahil nga kailangan ko ng, you know it, medcert. may available daw, at pinuntahan ko nga.

matagal akong naghintay for my turn, hanggang sa finally ay ako na. ang bilin sa akin ni doktor na mabait, ikwento ko daw lahat sa doktor na titingin sa akin para alam niya ang history at mabigyan ako ng nararapat na lunas. nagsisimula pa lang akong magkwento sa bagong doktor when he cut me off and asked to see Peggy. ipinakita ko ang magang-magang pigsa. tinignan nya ito, nagsuot ng gwantes, at paulit-ulit na pinindot-pindot ang maga. naluluha, nanginginig, at nangingilo na ako aa sakit ng bawat pindot nya sa pigsa ko while saying "malaki na to ah. magang-maga na!" putangina dok! kahit grade one maa-identify na malaki at magang-maga yung pigsa. at kailangan ba talagang paulit-ulit na pindutin? ni wala kang pakialam kung nasasaktan na ang pasyente mo o hindi.

matapos ang isang minuto ng torture, pinaupo nya ulit ako, nagbigay ng reseta... and that's it! at ng paglapit ko sa secretary nya para magbayad... 700 pesos!!! pucha! wala na akong nagawa kundi magbayad na lang. lumabas ako ng hospital na iika-ika sa paglalakad, at naiiyak dahil sa biglaang pagtaas ng lagnat ko dahil sa pagpa-powertrip ng doktor ko sa pigsa ko, sa mismong pain kay Peggy, at sa katotohanan na 100 pesos na lang ang pera ko kaya di ko magagawang bilhin ang gamot na inireseta nya. pero wala na akong magagawa.

ngayon, eto ako sa bahay, tila lumpo. sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, kahit ang manatiling nakatayo o nakaupo for more than 5 minutes is already a burden for me. gusto kong bumili ng prutas, pero wala akong pera. nagtiyaga na lang ako sa mga delata. tuloy tuloy sa pagtaas-baba ang lagnat ko, at hindi pa rin nagpapaawat si Peggy. another appointment is cancelled tonight dahil hindi ko na talaga kaya, plus the fact na ang lakas ng ulan. sinubukan kong magtext sa mga kaibigan kung pwede nila akong dalawin, para man lang gumaan-gaan ang pakiramdam ko. walang sumagot sa kanila. hindi ko magawang hindi maawa sa sarili ko.

sa mga ganitong pagkakataon, namimiss ko ang nanay ko. kung nandito lang sana sya ngayon, edi kahit papaano ay makakaramdam ako ng piraso ng langit habang pinagdadaanan ang impyernong dulot ng sakit ko. kung nandito lang sya, hindi papayag yun na makakarinig sya ng daing ng pananakit sa akin, agad-agad akong sasaklolohan nun. kung nandito lang sya, maririnig ko na naman yung classic line nya na "gusto mo bang pumunta na ako sa opisina nyo para ipagpaalam ka na hindi ka makakapasok?" kung nandito lang sya, hindi ko na kakailanganing magtiis sa delata dahil malamang sa malamang ay gagawa at gagawa ng paraan yun para maihain ang gusto kong pagkain. kung nandito lang sya, hindi ko kailangang maawa sa sarili ko.

pero wala sya dito eh, at hindi ko magagawang papuntahin sya dito. ayoko naman na umuwi sa amin dahil bagamat gusto ko ang pag-aalaga sa akin ng nanay ko, ayokong nagiging pabigat sa kanya. kaya eto na lang ako, naiiyak, nalulungkot, at nanlulumo, umaasa sa isang himala na bukas ay magaling na ako. kung saan ako dadalhin ng isangdaang piso ko, hindi ko alam. siguro talagang nakatakda lang na mas mahaba pa ang paglalakbay ko sa byaheng impyerno.

* * * * *

kapalan na to ng mukha, hubaran na ng hiya, pero kung sino man sa inyo ang pwedeng makatulong sa kahit anong paraan, lubos kong ipagpapasalamat at tatanawin na napakalaking utang na loob. tawagin nyo na akong makapal ang mukha, pero wala na akong maisip na paraan kung paano ko itatawid ang sarili ko hanggang sa susunod na sweldo. pasensya na, at maraming salamat.

18 July 2012

5ive

five bad boys with the power to rock you
blowing your mind so you're gonna get into
five!
what'cha waiting
four!
if you wanna
three!
two!
one!
here we go!

sinong nakakaalam ng kantang to?

inatake ako ng nostalgia last week na bitbit ko pa rin hanggang ngayon. isa sa mga paborito kong boybands ang 5ive, kaya nga nakakahinayang na hindi sila masyadong sumikat like backstreet boys at nsync. pero magaling sila.

mairelate lang... naalala ko yung isang naging client ko... ganito ang eksena...

nagtext sa akin si Sir Sixto para itanong kung available daw ako ng gabing yun. pumayag ako, at itinext nya sa akin papunta sa location nya. at makalipas nga ang tatlumpung minuto (nagkataon na malapit lang ako sa area) ay nasa tapat na ako ng gate ng bahay nya.

pinagbuksan ako ng isang boy at pinapasok sa gate. itinuro nya ako sa isang lamesa sa may bandang garden at maghintay daw ako dun. so hintay-hintay lang muna ako... ng lumabas na naman ng gate ang boy... at may kasunod na lalaki! itinuro nya rin sa lalaki ang lamesa kung saan ako nakaupo at sinabihan akong maghintay.

at dalawa na kaming nakaupo sa garden. dahil suplado ako, di ko kinakausap yung guy. haha! pero, di nya rin naman ako kinakausap. pasulyap-sulyap ako sa kanya at napansin kong may hitsura naman si kuya. pero, hiya pa rin ako, kaya di ko sya kinausap,. natuwa lang ako kasi alam ko na ang ibig sabihin nito... DOUBLE KAMI!!! panalo!

at sa kalagitnaan ng walang pansinang pag-upo namin ni kuya sa garden, ayan na naman at dumating ang boy... at may kasunod na namang isa pang lalaki! umupo sa lamesa namin si isa pang kuya. kung si kuya number 1 ay pogi, si kuya number 2 naman ay putok na putok ang katawan... parang puputok na yung t-shirt nyang 3 sizes smaller sa laki ng katawan nya.

teka nga... para di confusing mamaya, pangalanan na natin. si kuya number 1 (yung pogi) si Rich, tapos si kuya number 2 si Abs. okay... proceed!

dahil nagkakailangan siguro, hindi pa rin kami nag-uusap na tatlo. pero super na-e-excite ako. so hindi lang pala kami double ni Rich... threesome pa pala kami kasama si Abs! ayus to!

pero... di pa pala dito natatapos yun. maya-maya pa, ayan na naman ang boy na may kasunod na lalaki. pangalanan natin syang Scott. medyo maliit sya, pero cute. twink na twink ang hitsura. umupo sya sa lamesa namin at nagtext.

naguguluhan na ako. ano to, labu-labo kaming apat kasama si Sir Sixto? talk about kinky! and it's just about to be kinkier!

sa huling pagkakataon, eto na naman si boy at may inihatid na lalaki sa lamesa namin... si Sean na mukhang inosenteng probinsyano!

so, review muna tayo... ang nasa lamesa ay ako, si Rich na pogi, si Abs na borta, si Scott na twink, at si Sean na promdi-looking.

asteg si Sir Sixto! talagang iba-iba ang looks naming lima. hindi nya siguro maintindihan kung anong fetish nya talaga, kaya minabuti nyang pumili ng one of each kind. ayus to! pero, nasaan si Sir Sixto?

"hintay lang po kayo dyan ha." sabi sa amin ng boy, at pumasok na sya sa loob ng bahay. dito na nagsimula ang kwentuhan.

Abs: kilala ko tong client natin. ngayon lang ba kayo nakapunta dito?
Scott: oo eh.
Abs: saang mp ka? (mp = massage parlor)
Scott: sa *insert name of mp here*
Abs: ah, sa may quezon ave. eh ikaw tol?
Sean: dyan lang.
Abs: ikaw?
Rich: sa *insert name of mp 2 here*
Abs: ikaw, tol, saan? *sabay turo sa akin*
BS: ahhh... wala, freelance ako.
Abs: ahhhh... pano yun?
BS: sa internet

tuloy tuloy ang kwentuhan namin ng mapansin naming namatay ang ilaw sa loob ng bahay.

baby when the lights go out
every single word could not express
the love and tenderness

ilang segundo pa bago ko mapansin na may nakasilip sa amin sa may bintana. baka si Sir Sixto na yun. pero hindi ko naaninag ang mukha nya. at ilang segundo pa ay nawala na sya.

lumabas mula sa bahay si boy at lumapit sa amin. tayo daw kami. sumunod naman kami at tumayo.

everybody get up singing (one, two, three four)
five will make you get down now


sumenyas mula sa bintana si Sir Sixto (yata). pumasok ulit sa loob ng bahay si boy, at umupo na ulit kami.

Sean: bakit ganun?
Abs: namimili sya sa atin.

at dun ko na na-realize kung anong ginagawa sa amin... sinisipat yata kami ni Sir Sixto... ginawa nyang aquarium ang garden nya kung saan nandun kaming lima at pipili sya sa amin ng isa! tangina! ang lakas maka-pageant! gumuho ang pantasyang nabubuo sa utak ko noon tungkol sa matinding orgy.

ilang minuto pa ay lumabas ulit si boy... this is it... moment of truth.

and the winner is... Rich!!!

pinapasok ni boy si Rich sa loob ng bahay at sinabihan kaming maghintay muna sa lamesa. pumasok si Rich at umupo kaming apat na thank-you boys.

Abs: ganyan talaga trip ni sir.

lumabas si boy mula sa bahay at inabutan kaming apat ng tig-200. consolation price! at pagkatapos ay sinabihan na kaming lumabas.

kita ko ang pagkadismaya sa mukha nung tatlong kasama ko. pero ako, chill lang. natawa lang ako sa experience. di ko inakala na may ganun pala talagang mga pangyayari. okay lang yun... kung tinurn-down ni client, wag paapekto. sabi nga ng kanta...

get on up, when you're down
baby take a good look around
i know it's not much but it's okay
keep on moving anyway


pwede na yung 200, pamasahe at pambili ng siopao. and then move on na lang sa next client.

14 July 2012

Gigil, Oh!

nagising na lang ako na basa na ng laway ang unan ko (nakakahiya!). wala na si Sir Josh sa tabi ko. inat-inat ng kaunti at pagkatapos ay bumangon para i-check ang telepono na kagabi pa naka-off.

maraming new messages. pero tinamad pa akong magbasa. umupo lang muna ako sa bangko malapit sa bintana at nilasap ang magandang view ng makati. maya-maya pa ay narinig ko na si Sir Josh na pumasok sa pinto.

"good morning. gising ka na pala."
"opo."
"quick shower ka muna. let's have light breakfast. mag-shorts ka na lang muna at nakakahiya kay manang."

sumunod ako sa utos ni Sir Josh. pagkatapos maligo, isinuot ang kyut na shorts na naka-prepare na. ang ganda pa ng print ng boxer shorts... spongebob! at pagkatapos nga ay pumunta na ako sa dining area, pero sinalubong ako ni manang kasi hindi daw kami doon kakain.

eh diba dining area yun? saan kami kakain... sa bathroom?

pero sumunod na lang ako... papunta dun sa maliit na room na hindi ko nasilip kagabi. pagpasok sa loob... naka-setup na ang breakfast sa isang maliit pero magandang dining table sa gitna ng maliit na room na puno ng mga books, trophies, at mga souvenir items mula sa iba't ibang bansa. may piano rin sa gilid, pero halatang hindi ginagamit kasi ultimo yung cover ng keys, inookupa ng mga angels, elephants, merlions, kakeshi dolls, at maliliit na items. pero wala ako masyadong atensyon dun, kasi napako ang mata ko sa light breakfast na nasa dining table.

nasa isang plato ang iba't ibang uri ng mga tinapay... at hindi basta mumurahing tinapay ha! yung mala-french baker na tinapay. nasa anim na piraso siguro, iba-iba. katabi nito ang maliliit na pakete ng butter, jam, at jelly. iba't ibang flavors, may unsalted at may extra tasty pa. sa isang sulok naman ay may fruit slices sa isang platter... pakwan, mangga, saging, papaya, apples, at pinya. may mga cold cuts, yung ilan fried, na nasa center platter. meron ding soft-scrambled eggs. then may small servings pa ng pasta sa dalawang pinggan. may pitsel ng orange juice, four seasons juice, at tubig sa isang maliit na patungan katabi ng lamesa (wala na kasing space for the pitchers). nakahilera na din dun ang mga daily paper, at binabasa na ni Sir Josh ang isa.

"good morning. upo ka na."
"light breakfast ba to? ang dami!"
"hindi ko kasi natanong sayo kung anong gusto mo eh. so, there. you want rice ba?"
"opo... di ako nakakain ng matino kagabi eh."
"sige. manang, padala naman ng rice."

at lumabas si manang. sinimulan ko nang lantakan ang mga cold cuts at tinapay.

"nagtext na ba si Philip?"

which reminded me... marami nga pala akong message sa phone. nagpaalam muna ako saglit para kunin ang telepono sa kwarto. bumalik ako sa mini-dining area bitbit ang telepono at binasa ang mga message. kalahati ng new messages, galing kay Sir Philip.

"opo."
"sabi ko sayo eh. he likes you."

napangiti lang ako sa sinabi ni Sir Josh.

"so, here's what's going to happen."

napakunot ang noo ko sa statement na yun ni Sir Josh, pero dire-diretso sya sa pagsasalita.

"makikipagkita ka kay Philip later. kayo na ang mag-usap kung saan."
"am... okay po."
"and he will ask you for lunch, i'm sure about that. tapos magtatanong yan kung anong ginawa natin last night."

parang alam ko na ang gusto palabasin ni Sir Josh... pero nakinig pa rin ako sa kung anong gusto nyang ikwento ko kay Sir Philip... habang busy sa pagkain ng rice na finally ay dumating na -- with matching refill sa cold cuts na naubos ko na pala ng hindi ko namamalayan.

"you must tell him that we had wild sex all night."

hindi na ako nagulat, actually. sa pasakalye pa lang ni Sir Josh, alam kong gusto nya akong magpanggap kay Sir Philip.

"and i want you to be very detailed ha. tell him you fucked me."
"okay po."
"siguro naman marunong ka na sa ganyan diba?"
"kakayanin po."
"dapat may gigil yung kwento mo, para maniwala talaga sya."
"sige po."

tuloy lang ako sa pagkain, habang si Sir Josh naman ay patuloy sa pagbasa ng dyaryo at umiinom ng kape na pinatimpla nya kay manang.

"sir?"
"yup?"
"may tanong lang po ako."
"ano yun?"
"si Sir Philip po... bakit nyo po sya inaasar?"
"ahhh... mahabang kwento."

sa pagkakasabi pa lang nya ng "mahabang kwento," halata kong ayaw na pag-usapan ni Sir Josh ang tungkol dito.

"sorry po."
"it's okay. you're a very nice guy."
"salamat po."
"bakit ka ba napasok sa ganitong trabaho?"

at naikwento ko sa kanya ang life story ko bilang masahista. kwento lang ng kwento, at refill ng refill si manang ng mga pagkain sa lamesa. hanggang sa maya-maya ay nadighay na ako... at natapos na ang kwento.

"okay. he will like you more."
"hindi naman po siguro."
"i just have one more favor... please don't fall in love with him."
"okay po. tsaka bawal po sa amin ang ma-in-love, kasi nasasaktan kami lagi."
"not Philip. i'm very sure he will like you. but please don't fall in love with him. please."
"opo."
"promise?"
"promise."

natapos ang breakfast at nag-prepare na kami palabas ng bahay ni Sir Josh. napapaisip pa rin ako kung ano nga ba talaga itong napasok ko at ano ang magiging impact ng pagsisinungaling na gagawin ko mamaya kay Sir Philip.

nasa kotse na kami ng tumawag si Sir Philip sa akin. at tama nga si Sir Josh... inaya ako ni Sir Philip for lunch sa gateway. at dahil dun na rin naman daw ang way nya, nagpresenta na si Sir Josh na ihatid ako. dumating ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Sir Philip makalipas ang ilang minuto, at nandun na nga sya, nakaupo sa isang lamesa sa bandang sulok.

"good morning po." bati ko.
"uy, hello! upo. order ka na muna. nauna na ako."

at umorder ako ng pagkaing hindi ko alam kung tama ang pagkaka-pronounce ko.

"kumusta?" tanong ni Sir Philip, nagpapanggap na walang alam sa kung anong nangyari sa akin kagabi.
"okay lang po."
"did you sleep at Josh's place?"

eto na... simula na ng teatro.

"yes."
"okay... did you massage him."
"opo."
"did you have sex?"

ngumiti lang ako.

"seriously?"
"um... opo."

nagsisimula na akong ma-wirduhan sa usapan. iba na rin kasi ang nararamdaman ko kay Sir Philip.

"anong ginawa nyo?"
"secret na po yun! hehehehe..."
"kaw talaga. ano nga?"

and then, parang bigla na lang bumulong sa akin ang guni-guni ni Sir Josh. dapat may gigil yung kwento mo, para maniwala talaga sya. back to character.


"nag-sex po kami. wild sex. nagulat nga po ako kay Sir Josh eh."
"bakit?"
"sobrang lasing po yata. sobrang wild sa kama."
"anong ginawa nyo."
"wag na po sir, nakakahiya magkwento in detail." kailangan kahit may gigil, nandun pa rin yung image na concern ako sa non-disclosure agreement.
"come on. wag ka na mahiya sa akin."
"ah... eh... grabe po sya humalik."
"did he suck you?"
"yes."
"did you fuck him."

napaisip ako sa isasagot ko... pero... bahala na...

"opo."
"masarap ba?"
"masikip! hehehe..."

at bigla na lang napatahimik si Sir Philip. humigop ng kaunti sa calamansi juice nya, at napatahimik ulit.

"okay..."

hindi ko alam kung paano babasagin ang mood... pero nagtanong na lang ako.

"okay lang po kayo sir?"
"yah! yah! i am."

pero ramdam ko kay Sir Philip na hindi nya gusto ang narinig nya. buti na lang at saktong dating ng pagkain. kumain muna kami nang walang kibuan. kakaunti lang yung serving nung pasta, pero parang dalawang oras yata ang itinagal ng kain namin (feeling ko lang... kasi talagang di kami nag-uusap). hanggang sa finally ay nagsalita na si Sir Philip.

"gago talaga yang si Josh."
"po?" kunyari di ko narinig yung sinabi nya.
"wala."

napatingin ako kay Sir Philip... at parang naiiyak sya!

"Sir, ayos lang po ba kayo? ano pong problema?"
"wala... i'm fine."
"hindi po sir... may problema po kayo. may nasabi po ba akong mali? sorry po."
"wala wala... not your fault... i just feel so... um... i don't know."

tumahimik lang ako. that is not the right time for me to butt in. hinintay ko lang syang magsalita.

"may naikwento ba sayo si Josh about us?"
"about what po?"
"oh... i guess wala."
"ano po ba yun?" tuloy lang ako sa pagpapanggap na wala akong alam.
"he's actually my ex boyfriend."
"ahhhh... sorry po."
"no, no need to be sorry, ano ka ba. hindi mo naman alam eh. and wala ka namang kasalanan. besides, he's my ex, and it's my fault."
"ano po bang nangyari?"

at nagsimula magkwento si Sir Philip. match na match ang kwento nya kay Sir Josh, so na-prove ko na totoo nga ang kwento. at habang nagkukwento si Sir Philip, halatang mabigat sa loob nya ang nangyari.

"naku... sorry po sir. hindi ko po sinasadyang i-offend kayo."
"ikaw talagang bata ka. wala kang kasalanan, okay? you're just doing your job."
"sana po may maitulong ako."
"salamat. pero parang wala na talagang pag-asa."
"ano pong ibig n'yo sabihin?"

tumahimik ng ilang saglit si Sir Philip bago sumagot...

"i still love Josh."

that's it! pagkakataon ko nang maging kupido at tagapagtanggol ng pag-ibig. that was the right spot for me to tell him na mahal pa rin siya ni Sir Josh at may pag-asa pang matuloy ang naudlot nilang love story. pero i felt somethign weird. i felt na hindi ako ang taong karapat-dapat magsabi sa kanila nun. laruan lang nila ako that night. and considering how successful and well-established their lives are, i doubt na makikinig sila sa isang katulad ko.

"awww... sorry to hear that sir. pero, bakit po di nyo sabihin? malay nyo naman pwede pa pala."
"hindi na. kilala ko si Josh. kilalang-kilala ko sya. he may always joke na mahal nya pa rin ako, but i know it's not true."

lalo akong na-guilty na hindi ko man lang magawang sabihin kay Sir Philip kung gaano pa rin sya kamahal ni Sir Josh. hinawakan ko na lang ang kamay ni Sir Philip.

"pasensya ka na. napapadrama ako." sagot ni Sir Philip, sabay tawa.
"okay lang po yan sir."
"you're a very nice guy. grabe ka. i like you."
"naku! si sir, nagbiro pa."
"seriously, mabait ka. matalino. at mabiro pa. kung hindi ko lang mahal si Josh, malamang niligawan na kita."
"hahaha! gutom pa yata kayo sir."
"hahahaha... ewan ko sayo!" at bumalik ang ngiti sa mukha ni Sir Philip, though halata naman na pilit nya pa ring itinatago yung sakit na nararamdaman nya.

umorder pa kami ng pagkain at dessert habang nagkukwentuhan. maya-maya pa ay natapos na lunch.

"salamat ha. thanks for accompanying me for lunch."
"salamat din po, sir."
" it would have been very cool kung magkakasama tayong tatlo nina Josh. imagine, para ka naming anak."
"baby damulag! hehe..."
"haaaayyy... i miss him."

hindi ko alam ang isasagot ko. natahimik na lang ako.

"kung hindi lang kasi ako gago, edi sana masaya pa rin kami ngayon. i hurt him so bad. and there's no chance na maibalik ang dati naming relasyon."
"okay lang yun sir, marami pa dyan."
"hindi na rin. i would rather be single forever kung hindi rin lang si Josh."
"awww..."
"ay naku! drama na naman! o sya, umuwi ka na at kagabi ka pa hindi umuuwi sa inyo."

masayang nagpaalam si Sir Philip at masaya kaming naghiwalay. pero sa paghihiwalay naming yun, alam kong pare-pareho kaming may bigat ng damdamin na dinadala.

alam kong mabigat ang damdamin ni Sir Philip dahil sa kasalanan nya kay Sir Josh, at sa pagmamahal nya na hindi nya na kayang pakawalan pero hindi nya na rin kayang iparamdam.

alam kong mabigat ang damdamin ni Sir Josh dahil nasusukluban ng takot ang nararamdaman nya kay Sir Philip. alam kong bagamat mahal nya pa si Sir Philip, malaking trauma ang naidulot sa kanya ng nakaraan nila.

mabigat ang loob ko dahil heto ako, alam ang magkabilang panig ng kwento, at kung gugustuhin ko ay kayang-kaya kong tahiin ang nasirang relasyon ng dalawang taong lubos na nagmamahalan. pero wala akong nagawa dahil naduwag ako at nasakluban ako ng katotohanang kung estado ng buhay ang magiging basehan, wala akong karapatan para sabihan sila ng kung anong dapat nilang gawin.