23 July 2012

The Eruption and the Next

nagising ako kaninang umaga na medyo hihingal-hingal pa dahil sa masamang panaginip. ewan ko ba. pero buong magdamag na paputol-putol ang tulog ko dahil sa masasamang panaginip.

naiihi ako, kaya tumayo ako sa pagkakahiga. napahawak ako sa tagiliran ng shorts ko at naramdamam kong medyo basa ito. teka, nakaihi na naman ba ako habang natutulog? (yes, confession, may ilan ilang beses pa ring nakakaihi ako while sleeping. kadiri no?) pero, kung nakaihi na ako, bakit naiihi pa rin ako? at bakit hindi naman basa si junjun? dun na ako napabangon at napatakbo sa cr, hablot ang bulak na maswerteng katabi lang ng unan ko.

agad kong chineck si Peggy, at tama nga ang hinala ko... pumutok na sya! basang-basa ng pinaghalong abscess (nana, pasosyalin na lang natin ang term para di masyadong nakakadiri) at dugo ang gauze pad na nakatakip dito. sa sobrang basa, nadamay pati ang shorts ko. dahan-dahan kong tinanggal ang gasa at bumulwak na nga ang sangkatutak na lava. punas lang ako ng punas gamit ang bulak pero tuloy tuloy lang sa paglabas ang lava. kaunting-kaunti na lang ang natira sa bulak bago tuluyang tumigil sa paglabas ang lava. good thing! wala na akong bulak at gauze pad, at sarado pa ang bilihan. nilinis kk ng dahan dahan si Peggy, nilagyan muna ng band aid, at tsaka natulog ulit.

nagising ako makalipas ang ilang oras, na-manage kong bumaba at bumili ng gasa at bulak, at tsaka hinarap ulit si Peggy. round 2 ng eruption. tinanggal ang basang band-aid at pinindot ng mahina ang malambot na bahagi malapit sa mata (na naging open wound na). may kaunting lumabas. isa pang medyo madiin na pindot at nagsimula na ulit bumulwak ang abscess at dugo. kaysa pahirin ng bulak, piniga ko lang ng piniga at hinayaang tumulo ng tumulo ang lava. hanggang sa halos tuloy tuloy na ang paglabas, paunti-unti na lang na pindot from time to time. umabot din siguro ng 30 minutes, at sobrang dami ng lumabas na abscess at dugo. di ako makapaniwala na aabot sa ganoong karami ang lalabas. nilinis ang kalat, naligo, at nilinis ang natira kay Peggy (di pa rin sya totally drained, may part pang matigas, and may mga naiwan pang hindi lumabas, kaso hinang-hina na ako) at pagkatapos ay umidlip ako.

pagkagising ilang oras ang lumipas, muli kong nilinis ang sugat, nananghalian (though late na) at pumunta sa doktor ko para, you know it, manghingi ng medcert. pagdating sa clinic nya... wow! wala si doc! ayoko namang bumalik sa putanginang doktor sa makati med, hoholdapin nya lang ulit ako! pero pumunta pa rin ako sa makati med, at hinanap ko yung unang doktor na inirekomenda sa akin ni doktor bait... pangalanan natin silang Doctor Heckyl (yung mabait kong doktor) at Doctor Jeckyl (yung inirekomenda) tapos yung tarantadong doktor naman, si Doctor Mojojojo.

praise the lord! pagtanong ko sa reception, present daw si Doctor Jeckyl! pumunta ako sa clinic nya, nag-fillout ng form, at sinimulan ang konsultasyon.

ibinigay ko muna ang love letter, ah este referral letter na isinulat ni Doctor Heckyl kay Doctor Jeckyl. pagkabasa, pinakwento pa sa akin ni Doctor Jeckyl ang lahat ng nangyari from the time na nagsimula si Peggy hanggang sa kasalukuyan! wow! ibang iba kumpara kay Doctor Mojojojo! tuloy tuloy ako sa kwento at nakikinig naman ang doktor. pati yung masamang experience ko kay Doctor Mojojojo naikwento ko, at nagulat si Doctor Jeckyl sa nangyari.

"ganun? grabe naman yun."
"kaya nga po eh. wala man lang pakialam sa pasyente"
"don't worry, ako nang bahala sayo. pwede ko ba makita yung pigsa?"

at ipinakita ko kay Doctor Jeckyl ang pigsa.

"oh. sugat na pala eh"
"opo. marami-rami na yung lumabas kanina"
"hawakan ko lang ha"

at malumanay at magaan na dinama ni Doctor Jeckyl ang paligid ng pigsa.

"gaano ang threshold mo sa pain?"
"naku doc! sobrang mababa po."
"idrain na natin. marami pang laman sa loob. though may part pa rin na matigas"
"ganun po ba?"
"yes. pwede namang dito na lang eh. pag sa operating room pa yan, around 12k yan!"

napatambling ako sa presyo! 12k?! potcha! pero, kung idedrain, naku! malamang mahal yun.

"ah... nasa magkano po ba king idedrain natin ngayon dok?"
"ganito... usually, pag ganyan, i charge 4000."

natulala na lang ako! saan ako kukuha ng apat na libo agad agad?! though may pera akong hawak kanina (salamat salamat salamat sa mga nag-abot ng tulong!) pero kulang na kulang yun for 4k!

"ganun po ba?"
"hinde, sige, for you... gawin ko na lang dalawang libo!"

nakahinga ako ng maluwag na may kasamang gulat. hindi ko alam kung bakit nya ako binigyan ng malaking discount, pero sobrang laking pasalamat ko.

pinahiga nya ako sa bed at pinatagilid. tinanggal ang nakatakip na gauze pad at pinunasan ng betadine ang buong paligid ng pigsa.

"masakit to ha. pero sabihin mo sa akin kung di mo na kaya"

bago magsimula, inabutan ako ni Doctor Jeckyl ng stress ball at bagong bukas na... drumrolls please... teether! now, alam ko nang magiging madugo ito.

"simulan ko na sa. senyas ka lang pag di mo ma kaya."

unang pisa pa lang ni Doctor Jeckyl at halos mapatayo na ako sa sakit. laking tulong ng stress ball at teether na talagang kagat kagat ko agad dahil talagang hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.

"sorry... sorry..." pagmamatawad naman ni doc sa nangyayari. "sige, pahinga muna saglit."

sa ilang segundong yun, litrong malamig na pawis ang lumabas sa noo ko, at ilang patak ng luha na agad ang tumulo. sinilip ko ang sugat at nagulat sa nakita ko. nope, wala namang piano o kalabaw na lumabas sa pigsa (kagaya ng madalas sabihin ng mattanda) pero sobrang daming abscess ang nakapunas sa ilang tambak ng bulak sa hita ko. ang magaling pa dun, kakaunti lang ang dugo! alam na alam ni Doctor Jeckyl ang ginagawa nya, dahil isang matinding pindot pa lang, ganung karami agad ang lumabas. at puro abscess pa!

"just tell me pag ready ka na ha."
"sige doc, tuloy na po."
"sure na?"
"opo."
"okay. basta tell me pag di na kaya ha."

at inulit ang procedure. at inulit. at inulit. apat na matinding pagpisa. apat na malalakas na paghiyaw at pag-aray mula sa akin. apat na paghahabol ng hininga.

"you're doing a great job!" pag-encourage ni doc.
"parang hindi naman po."
"no, you're doing good! see, apat na beses lang, nasimot na natin! though may part kasi na matigas pa. pero yung mga pwedeng ilabas, nailabas na natin."
"whee! salamat naman po."
"wait ha, i have to do two more procedures."
"okay po"

nagsalin si Doctor Jeckyl ng betadine sa injection tube (walang needle. whew!). ilalagay nya daw sa loob ng sugat ko.

"masakit ulit to ha. sabihin mo lang king di na kayang itolerate para we can stop and rest."

at sinimulan na nga ni doc ang pagsalin ng betadine sa loob ng sugat. masakit na masakit, pero tiniis ko na lang hanggang sa kaya ng mga buto ko.

"good job!" bati ni doc ng naisalin nya ang lahat ng gamot. napatingin ako sa sugat at napansin kong nakatakip ang isang daliri nya sa butas habang dahan dahang pinipisil ang paligid nito. ahhh... gets ko na. parang nililinis yung loob. tinanggal nya ang nakatakip na daliri at nagsimula na ngang umagos ang betadine na may halong abscess sa butas. tuloy tuloy na parang gripo. hanggang sa finally ay nasimot.

"this is the last. may ipapasok tayong gamot sa loob ng sugat mo. yung 3/4, nakabaon, yung 1/4 nakausli lang."

napaisip na ako. gamot? ipapasok? then may nakausli? pano yun? kinuha ni Doctor Jeckyl ang sinasabing gamot at ipinakita sa akin.

mesh. as in parang gauze pad. mga 2 inches in length, one inch thick.

"ipapasok natin to sa loob ng sugat, i'll spread it inside, then nakalabas yung 1/4. tomorrow, pagligo mo, you will pull it out."

just the thought of inserting a mesh inside the wond already psyches me out! tangina! how much pain will this be? baka ito pa ang ikamatay ko! then i remembered... wait, did i hear it right? I WILL PULL IT OUT ON MY OWN?!?! tangina!!! ano to, suicide?!?!

hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. too much excruciating pain from the draining, to the cleaning with betadine. tapos eto?! HANUVANAMANTOH!!! pero, nandito na eh, sige. go na! bahala ma si batman!

"okay, i'll start na ha. hingang malalim."

and huminga ako as deep as i can. sinimulan nang ipasok ni Doctor Jeckyl ang mesh at kung sobrang sakit ng pagpisa at paglagay ng betadine... triple sa sakit ang paglagay ng mesh! sumesenyas na ako kay doc na di ko na kaya, pero kung kanina ay tumitigil kami para magpahinga, ngayon tuloy tuloy si doc habang nag-aapologize. "kaunti na lang hijo, kaunti na lang. kaya mo yan" tuloy tuloy sa pagpapalakas ng loob ko si doc habang ako naman ay talagang sumisigaw at umiiyak na sa sakit. hanggang sa finally... boom!

"there! tapos na! sorry ha!"

sinilip ko ang sugat at nakitang may kapirasong nakausli na pwede kong hilahin kinabukasan. pagkasilip, agad bumagsak ang ulo ko sa unan. daig ko pa ang nagpalabas ng limang beses na sunod sunod. hinang hinang hina talaga ang katawan ko. nararamdaman kong naginginig pa sa sakit ang mga kalamnan ko, at nangingilo pa ang ngipin ko.

makalipas ang ilang minuto, inabutan ako ni Doctor Jeckyl ng isang basong tubig. inibom ko ito at somewhat ay nagkaroon ako ng laka para tumayo sa kama at magsuot ng short.

"pasensya ka na at masakit ha."
"naku! okay lang po dok. ang mahalaga nagamot na."
"oo, bukas, laking ginhawa na nyan. yung mesh, impragnated sya with antibiotic, so nililinis nya pa totally yung loob, kung saan naipon yung abscess, tsaka sisipsipin nya pa yun."
"doc, baka namam sobrang sakit nun paghila."
"no, hindi masakit yan. you will be fine."
"salamat po." although sa kalagayan ko that time, parang hindi ko makita yung sinasabi ni doc na hindi masakit yung paghila ng mesh."
"you did a great job ha!"
"salamat po talaga doc."

at finally ay isinulat na ni doc ang pinaka-importanteng bagay... ang medcert! 2 days na ang inilagay nya paa dae makapagrest pa akp after hilahin ang mesh (which made me think na niloloko nya lang ako nung sinabi nyang hindo masakit yun.)

"no, i'm serious. hindi masakit yung pagtanggal ng mesh." pucha! mind reader pa yata si doc!

at bagama't iika-ika akong lumabas ng clinic at lahat ng mata ng mga tao sa labas ng clinic ay nakatingin sa akin, makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko na ngang gumaan ang pakiramdam ko.

kaunting-kaunti na lang yung matigas ma part, at sabi ni doc baka nga daw kayanin na ng antibiotics na tunawin na lang yun kaysa pahinugin. nakakatuwa na kapag hinahawakan ko yung paligid ng pigsa, nararamdaman ko yung mesh. hindi na rin ako nilagnat sa maghapon.

gustong kong magpasalamat sa lahat ng nagparating ng tulong sa akin. bagamat hindi ko kayo kaanu-ano, you went off your way and decided to help a guy na sa internet nyo lang naman nakakausap. maraming maraming maraming salamat sa inyo. i will promise to repay you in whatever way i can. sa mga nagpaabot ng well wishes, at sa mga nagdasal, sobrang laking pasasalamat ko rin sa inyo. narinig nya yung dasal nyo kaya he made a miracle and touched a doctor to give me a discouny. you will all be blessed. maraming maraming maraming salamat talaga mula sa kaibuturan ng puso ko.

kung bukas ng umaga, mga bandang alas-otso, ay mabulahaw kayo ng isang napakalakas na sigaw... ngayon pa lang ay hihingi na ako ng paumanhin. ibig sabihin, hindi totoong hindi masakit ang pagtanggal ng mesh sa sugat ko!

16 comments:

  1. Whew, what a breath of fresh air. Nice blog! I wish I can hire you for a day of talking and anything under the sun.

    Too bad I wont be stepping foot in Manila for 2 months, if properly motivated I'll bring you here in Palawan myself haha!

    Get well soon :)

    JBP

    ReplyDelete
  2. naku pagalaing na yan buti nmn sana magtuloy tuloy na yan

    ReplyDelete
  3. Congratulations!!! I hope you feel a lot better na. Take this as one of your life's triumphs. Hindi biro ang pinagdaanan mo kay Peggy, para ka na rin nanganak.

    ReplyDelete
  4. Di ko masyadong maimagine yung itsura ni Peggy, paki describe nga ulit. yung mas graphic pa. :D hehe

    ReplyDelete
  5. Mukhang masakit si Peggy as of the writing of this entry kasi dami type! :p Hehehe. Pero update kung ano mangyayari sa pagtanggal ng mesh! Hahaha.

    ReplyDelete
  6. Ang mahal nman tumataginting na 2k para sa draining ng pigsa? Hot compress lang katapat nyan para mahinog agad saka antibiotics.

    ReplyDelete
  7. Hello, bakit ka nagka-peggy? Pano ba maiwasan yan? Ayoko nyan, mahal na masakit pa! =)

    ReplyDelete
  8. grabe, doctor ba yan? they should inject local anesthesia, grabe bakit walang anesthesia, kahit sa youtube haaay, grabe, pati mga doktor mga low quality, ano ba yan, politician, pati doktor lahat walang alam

    ReplyDelete
  9. Hi bs. This ray from Hawaii. Sorry I was away for a while. My roaming phone is not working too coz wala ng load. Imissyou. I'll call you. Get well soon.

    ReplyDelete
  10. Mas mahal pag may anesthesia. I think the doctor was trying to save Boy Siatsu some cash. The doctor sounded like a caring one and he did the right procedure. I work in a clinic and I've seen it done many times, without local anesthesia. Boy Shiatsu is a good writer; parang nakakatawa, masakit at nakakatuwa sa huli. I hope na healed ka na.

    ReplyDelete
  11. Usually then kasi.. as far as i know the doctor will not give anesthesia in this kind of medical procedure ( Incision and drainage ) kasi daw walang epekto ang anesthesia kung may pus formation na within the area na kailangan evacuate/drain ung nana..

    ReplyDelete
  12. ouch ang tsaket tsaket nung kwento mo...yung balhibo ko sa batok hindi lang nag tayuan..nag collapse pa after tumayo....

    ReplyDelete
  13. nanghina ako sa pagbabasa ng post nato. parang ako ang pinisilan ng pigsa.

    ReplyDelete
  14. Aww, dumaan na rin ako sa pigsa ng maraming beses. Pero, di ko ma-imagine yung sakit na dinanas mo. Ouch! Kumusta yung pag-pullout?

    ReplyDelete
  15. Naka relate ako.
    May pigs din ako ngayon, sa may butt. XD di tuloy maka upo ng ayos -_-

    ReplyDelete
  16. Ang hirap pla magkaroon ng pigsa hindi ako makagalaw ng maayos

    ReplyDelete