limang araw na akong nasa impyerno... at tila magtutuloy-tuloy pa ito.
nung lunes. wala pang akong masyadong lagnat, nakayanan ko pang pumasok. pero nung gabi na, naramdaman ko nang unti-unti nang tumataas ang temperatura ko. at nagtuloy-tuloy nga yun hanggang martes. di ako pumasok, pero di ko nagawang magpatingin sa doktor dahil inisip ko na baka overfatigue lang to. bahala na kung anong paliwanag ang gagawin ko kapag hinanapan nila ako ng medcert (yun ang nakakainis sa call center. isang araw na sakit, kailangan medcert agad. as if namang may health card na kami. sa regularization pa daw kami magkakaroon. boo!) ipinahinga ko ang katawan ko maghapon. at dun ko napansin ang posibleng dahilan ng lagnat ko.
sa bandang balakang sa left thigh ko ay may isang nagbabalik na bisita... si Peggy! (sa mga hindi nakakaalam, Peggy = pigsa). sa parteng ito, siguradong nagsisimula ka nang tumawa. ganun naman lagi eh. pag pigsa ang sakit ng isang tao, palaging pinagtatawanan. hindi ko alam kung bakit. pero, ang masasabi ko, this is not a laughing matter.
mapintog at mapula, halatang hindi maganda ang pakay ni Peggy sa akin. nilinis ko agad ang pigsa at uminom na agad ako ng gamot, umaasang kinabukasan ay medyo huhupa sya.
but i was wrong. mas mataas ang lagnat ko paggising ko ng miyerkules ng umaga, at mas dumoble pa ang lapad at kapal ni Peggy, dahilan para di na naman ako makapasok. this time, kahit kapus na kapos na sa pera, kinailangan ko na talagang magpadoktor... hindi para ipagamot ang pigsa, kundi para sa lintek na medcert.
nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan kung saan may murang clinic. ayoko sa makati med. bukod sa mahal, pangit na ang mga naging karanasan ko doon. nakakita ako ng clinic malapit sa amin, nagpatingin. maswerte ako dahil talagang mabait yung doktor. inisa-isa nya talaga lahat ng pwedeng dahilan ng pigsa ko at talagang marami syang advice at check-up na ginawa sa akin. sa halagang 500, kahit medyo mabigat para sa akin, masasabi kong sulit naman ang checkup. niresetahan nya ako ng mga gamot at binili ko naman ito (bawas ng 400 sa budget). at mission accomplished sa medcert.
naging malalim ang tulog ko ng miyerkules kaya magaan ang naging pakiramdam ko ng huwebes. kahit alam kong magang-maga pa rin si Peggy at posible pa ring tumaas ang lagnat ko, pumasok ako, sayang kasi ang kikitain. pero bawat oras sa opisina ay parusa. unti-unting bumibigay ang katawan ko, at parang anytime ay mag-cocollapse ako. pero dahil 2 days akong absent, ayokong mag-complain dahil baka kung ano pang sabihin sa akin ng boss ko. pinilit kong tapusin ang buong araw, at umuwi akong lantang gulay, bagsak, hiluka, at pagod. binat na naman ang sumalubong sa akin sa bahay, at di nya ako nilayuan sa magdamag. may client dapat ako ng gabing iyon, pero kailangan ko syang i-turn down. sira na naman ang image ko.
paggising ko kaninang umaga, mataas pa rin ang lagnat ko, at nagmumura pa rin si Peggy. pero pinipilit kong labanan ang nararamdaman ko at kino-convince ko ang sarili ko na pumasok. dalawang araw na akong absent, masyado nang nakakahiya kung magtatatlo pa. at kung di ako papasok, bawas ang sweldo at kailangan ko na naman ng panibagong medcert. 800 na lang ang pera ko, so 300 na lang ang matitira sa akin. hindi ko naman kayang mag-client dahil nga sa bigat ng pakiramdam ko. pero talagang nakikiusap na sa akin ang katawan ko na magpahinga na lang. minabuti kong hindi pumasok, bahala na si batman. nagpahinga ako saglit, uminom ng gamot, at naglinis ng pigsa bago bumalik kay doc para sa medcert. pagdating kay doc, isinuggest nya na kailangan nang iv ang antibiotic ko instead of oral, or ipa-lacerate na kahit hindi pa hinog kaysa kumalat. kumuha sya ng papel, nagsulat ng referral letter, at sinabi sa akin na kailangan ko daw pumunta sa makati med for this. sila na rin daw ang mag-issue sa akin ng medcert. dun na ako nanlumo. mabuti na lang at di na ako siningil ni dok para sa consultation. at wag daw akong mag-alala dahil considerate naman daw sa budget yung doktor.
bagamat mabigat sa loob ko at sa wallet ko, kinailangan ko pa ring pumunta sa makati med dahil ikakatanggal ko sa trabaho kung wala akong medcert. pagpunta sa nasabing ospital... tough luck! naka-leave ang doktor! so kinailangan kong magtanong kung sinong available na general surgeon dahil nga kailangan ko ng, you know it, medcert. may available daw, at pinuntahan ko nga.
matagal akong naghintay for my turn, hanggang sa finally ay ako na. ang bilin sa akin ni doktor na mabait, ikwento ko daw lahat sa doktor na titingin sa akin para alam niya ang history at mabigyan ako ng nararapat na lunas. nagsisimula pa lang akong magkwento sa bagong doktor when he cut me off and asked to see Peggy. ipinakita ko ang magang-magang pigsa. tinignan nya ito, nagsuot ng gwantes, at paulit-ulit na pinindot-pindot ang maga. naluluha, nanginginig, at nangingilo na ako aa sakit ng bawat pindot nya sa pigsa ko while saying "malaki na to ah. magang-maga na!" putangina dok! kahit grade one maa-identify na malaki at magang-maga yung pigsa. at kailangan ba talagang paulit-ulit na pindutin? ni wala kang pakialam kung nasasaktan na ang pasyente mo o hindi.
matapos ang isang minuto ng torture, pinaupo nya ulit ako, nagbigay ng reseta... and that's it! at ng paglapit ko sa secretary nya para magbayad... 700 pesos!!! pucha! wala na akong nagawa kundi magbayad na lang. lumabas ako ng hospital na iika-ika sa paglalakad, at naiiyak dahil sa biglaang pagtaas ng lagnat ko dahil sa pagpa-powertrip ng doktor ko sa pigsa ko, sa mismong pain kay Peggy, at sa katotohanan na 100 pesos na lang ang pera ko kaya di ko magagawang bilhin ang gamot na inireseta nya. pero wala na akong magagawa.
ngayon, eto ako sa bahay, tila lumpo. sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, kahit ang manatiling nakatayo o nakaupo for more than 5 minutes is already a burden for me. gusto kong bumili ng prutas, pero wala akong pera. nagtiyaga na lang ako sa mga delata. tuloy tuloy sa pagtaas-baba ang lagnat ko, at hindi pa rin nagpapaawat si Peggy. another appointment is cancelled tonight dahil hindi ko na talaga kaya, plus the fact na ang lakas ng ulan. sinubukan kong magtext sa mga kaibigan kung pwede nila akong dalawin, para man lang gumaan-gaan ang pakiramdam ko. walang sumagot sa kanila. hindi ko magawang hindi maawa sa sarili ko.
sa mga ganitong pagkakataon, namimiss ko ang nanay ko. kung nandito lang sana sya ngayon, edi kahit papaano ay makakaramdam ako ng piraso ng langit habang pinagdadaanan ang impyernong dulot ng sakit ko. kung nandito lang sya, hindi papayag yun na makakarinig sya ng daing ng pananakit sa akin, agad-agad akong sasaklolohan nun. kung nandito lang sya, maririnig ko na naman yung classic line nya na "gusto mo bang pumunta na ako sa opisina nyo para ipagpaalam ka na hindi ka makakapasok?" kung nandito lang sya, hindi ko na kakailanganing magtiis sa delata dahil malamang sa malamang ay gagawa at gagawa ng paraan yun para maihain ang gusto kong pagkain. kung nandito lang sya, hindi ko kailangang maawa sa sarili ko.
pero wala sya dito eh, at hindi ko magagawang papuntahin sya dito. ayoko naman na umuwi sa amin dahil bagamat gusto ko ang pag-aalaga sa akin ng nanay ko, ayokong nagiging pabigat sa kanya. kaya eto na lang ako, naiiyak, nalulungkot, at nanlulumo, umaasa sa isang himala na bukas ay magaling na ako. kung saan ako dadalhin ng isangdaang piso ko, hindi ko alam. siguro talagang nakatakda lang na mas mahaba pa ang paglalakbay ko sa byaheng impyerno.
* * * * *
kapalan na to ng mukha, hubaran na ng hiya, pero kung sino man sa inyo ang pwedeng makatulong sa kahit anong paraan, lubos kong ipagpapasalamat at tatanawin na napakalaking utang na loob. tawagin nyo na akong makapal ang mukha, pero wala na akong maisip na paraan kung paano ko itatawid ang sarili ko hanggang sa susunod na sweldo. pasensya na, at maraming salamat.
well, if that is cellulitis or abscess, apply hot compress and take antibiotic, baka di pa hinog kaya hindi nag incision and drainage yung doktor, kaya lang usually, di dapat ganyan kataas ang fever mo, kasi bata ka pa, yan lang ba ang source ng fever mo?
ReplyDeletebtw, sabi mo hiv negative ka di ba?
ReplyDeletewhat's your email ad? or phone?
ReplyDeletei'll help you.
naku pagaling ka po xenxa na wa ko maitutulong pryers lng
ReplyDeleteNakakatakot naman.
ReplyDeletetaga san ka po ba baka pwede dumaan to bring u some fruits.. cp #?
ReplyDelete:(
ReplyDeleteam willing to help. your blog brought me so much enjoyment and this is my way of saying thank you. just tell me how to do it. am from guam. brian here.
ReplyDeleteAnon 1 -- i also have flu.
ReplyDeleteAnon 2 -- negative po.
Anon 3 -- boyshiatsu@yahoo.com po
MEcoy -- salamat po. prayers are big help!
Anon 4 -- bakit naman nakakatakot?
Nathan -- makati po, buendia. email me.
Brian -- maraming salamat po. shoot me an email po.