14 July 2012

Gigil, Oh!

nagising na lang ako na basa na ng laway ang unan ko (nakakahiya!). wala na si Sir Josh sa tabi ko. inat-inat ng kaunti at pagkatapos ay bumangon para i-check ang telepono na kagabi pa naka-off.

maraming new messages. pero tinamad pa akong magbasa. umupo lang muna ako sa bangko malapit sa bintana at nilasap ang magandang view ng makati. maya-maya pa ay narinig ko na si Sir Josh na pumasok sa pinto.

"good morning. gising ka na pala."
"opo."
"quick shower ka muna. let's have light breakfast. mag-shorts ka na lang muna at nakakahiya kay manang."

sumunod ako sa utos ni Sir Josh. pagkatapos maligo, isinuot ang kyut na shorts na naka-prepare na. ang ganda pa ng print ng boxer shorts... spongebob! at pagkatapos nga ay pumunta na ako sa dining area, pero sinalubong ako ni manang kasi hindi daw kami doon kakain.

eh diba dining area yun? saan kami kakain... sa bathroom?

pero sumunod na lang ako... papunta dun sa maliit na room na hindi ko nasilip kagabi. pagpasok sa loob... naka-setup na ang breakfast sa isang maliit pero magandang dining table sa gitna ng maliit na room na puno ng mga books, trophies, at mga souvenir items mula sa iba't ibang bansa. may piano rin sa gilid, pero halatang hindi ginagamit kasi ultimo yung cover ng keys, inookupa ng mga angels, elephants, merlions, kakeshi dolls, at maliliit na items. pero wala ako masyadong atensyon dun, kasi napako ang mata ko sa light breakfast na nasa dining table.

nasa isang plato ang iba't ibang uri ng mga tinapay... at hindi basta mumurahing tinapay ha! yung mala-french baker na tinapay. nasa anim na piraso siguro, iba-iba. katabi nito ang maliliit na pakete ng butter, jam, at jelly. iba't ibang flavors, may unsalted at may extra tasty pa. sa isang sulok naman ay may fruit slices sa isang platter... pakwan, mangga, saging, papaya, apples, at pinya. may mga cold cuts, yung ilan fried, na nasa center platter. meron ding soft-scrambled eggs. then may small servings pa ng pasta sa dalawang pinggan. may pitsel ng orange juice, four seasons juice, at tubig sa isang maliit na patungan katabi ng lamesa (wala na kasing space for the pitchers). nakahilera na din dun ang mga daily paper, at binabasa na ni Sir Josh ang isa.

"good morning. upo ka na."
"light breakfast ba to? ang dami!"
"hindi ko kasi natanong sayo kung anong gusto mo eh. so, there. you want rice ba?"
"opo... di ako nakakain ng matino kagabi eh."
"sige. manang, padala naman ng rice."

at lumabas si manang. sinimulan ko nang lantakan ang mga cold cuts at tinapay.

"nagtext na ba si Philip?"

which reminded me... marami nga pala akong message sa phone. nagpaalam muna ako saglit para kunin ang telepono sa kwarto. bumalik ako sa mini-dining area bitbit ang telepono at binasa ang mga message. kalahati ng new messages, galing kay Sir Philip.

"opo."
"sabi ko sayo eh. he likes you."

napangiti lang ako sa sinabi ni Sir Josh.

"so, here's what's going to happen."

napakunot ang noo ko sa statement na yun ni Sir Josh, pero dire-diretso sya sa pagsasalita.

"makikipagkita ka kay Philip later. kayo na ang mag-usap kung saan."
"am... okay po."
"and he will ask you for lunch, i'm sure about that. tapos magtatanong yan kung anong ginawa natin last night."

parang alam ko na ang gusto palabasin ni Sir Josh... pero nakinig pa rin ako sa kung anong gusto nyang ikwento ko kay Sir Philip... habang busy sa pagkain ng rice na finally ay dumating na -- with matching refill sa cold cuts na naubos ko na pala ng hindi ko namamalayan.

"you must tell him that we had wild sex all night."

hindi na ako nagulat, actually. sa pasakalye pa lang ni Sir Josh, alam kong gusto nya akong magpanggap kay Sir Philip.

"and i want you to be very detailed ha. tell him you fucked me."
"okay po."
"siguro naman marunong ka na sa ganyan diba?"
"kakayanin po."
"dapat may gigil yung kwento mo, para maniwala talaga sya."
"sige po."

tuloy lang ako sa pagkain, habang si Sir Josh naman ay patuloy sa pagbasa ng dyaryo at umiinom ng kape na pinatimpla nya kay manang.

"sir?"
"yup?"
"may tanong lang po ako."
"ano yun?"
"si Sir Philip po... bakit nyo po sya inaasar?"
"ahhh... mahabang kwento."

sa pagkakasabi pa lang nya ng "mahabang kwento," halata kong ayaw na pag-usapan ni Sir Josh ang tungkol dito.

"sorry po."
"it's okay. you're a very nice guy."
"salamat po."
"bakit ka ba napasok sa ganitong trabaho?"

at naikwento ko sa kanya ang life story ko bilang masahista. kwento lang ng kwento, at refill ng refill si manang ng mga pagkain sa lamesa. hanggang sa maya-maya ay nadighay na ako... at natapos na ang kwento.

"okay. he will like you more."
"hindi naman po siguro."
"i just have one more favor... please don't fall in love with him."
"okay po. tsaka bawal po sa amin ang ma-in-love, kasi nasasaktan kami lagi."
"not Philip. i'm very sure he will like you. but please don't fall in love with him. please."
"opo."
"promise?"
"promise."

natapos ang breakfast at nag-prepare na kami palabas ng bahay ni Sir Josh. napapaisip pa rin ako kung ano nga ba talaga itong napasok ko at ano ang magiging impact ng pagsisinungaling na gagawin ko mamaya kay Sir Philip.

nasa kotse na kami ng tumawag si Sir Philip sa akin. at tama nga si Sir Josh... inaya ako ni Sir Philip for lunch sa gateway. at dahil dun na rin naman daw ang way nya, nagpresenta na si Sir Josh na ihatid ako. dumating ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Sir Philip makalipas ang ilang minuto, at nandun na nga sya, nakaupo sa isang lamesa sa bandang sulok.

"good morning po." bati ko.
"uy, hello! upo. order ka na muna. nauna na ako."

at umorder ako ng pagkaing hindi ko alam kung tama ang pagkaka-pronounce ko.

"kumusta?" tanong ni Sir Philip, nagpapanggap na walang alam sa kung anong nangyari sa akin kagabi.
"okay lang po."
"did you sleep at Josh's place?"

eto na... simula na ng teatro.

"yes."
"okay... did you massage him."
"opo."
"did you have sex?"

ngumiti lang ako.

"seriously?"
"um... opo."

nagsisimula na akong ma-wirduhan sa usapan. iba na rin kasi ang nararamdaman ko kay Sir Philip.

"anong ginawa nyo?"
"secret na po yun! hehehehe..."
"kaw talaga. ano nga?"

and then, parang bigla na lang bumulong sa akin ang guni-guni ni Sir Josh. dapat may gigil yung kwento mo, para maniwala talaga sya. back to character.


"nag-sex po kami. wild sex. nagulat nga po ako kay Sir Josh eh."
"bakit?"
"sobrang lasing po yata. sobrang wild sa kama."
"anong ginawa nyo."
"wag na po sir, nakakahiya magkwento in detail." kailangan kahit may gigil, nandun pa rin yung image na concern ako sa non-disclosure agreement.
"come on. wag ka na mahiya sa akin."
"ah... eh... grabe po sya humalik."
"did he suck you?"
"yes."
"did you fuck him."

napaisip ako sa isasagot ko... pero... bahala na...

"opo."
"masarap ba?"
"masikip! hehehe..."

at bigla na lang napatahimik si Sir Philip. humigop ng kaunti sa calamansi juice nya, at napatahimik ulit.

"okay..."

hindi ko alam kung paano babasagin ang mood... pero nagtanong na lang ako.

"okay lang po kayo sir?"
"yah! yah! i am."

pero ramdam ko kay Sir Philip na hindi nya gusto ang narinig nya. buti na lang at saktong dating ng pagkain. kumain muna kami nang walang kibuan. kakaunti lang yung serving nung pasta, pero parang dalawang oras yata ang itinagal ng kain namin (feeling ko lang... kasi talagang di kami nag-uusap). hanggang sa finally ay nagsalita na si Sir Philip.

"gago talaga yang si Josh."
"po?" kunyari di ko narinig yung sinabi nya.
"wala."

napatingin ako kay Sir Philip... at parang naiiyak sya!

"Sir, ayos lang po ba kayo? ano pong problema?"
"wala... i'm fine."
"hindi po sir... may problema po kayo. may nasabi po ba akong mali? sorry po."
"wala wala... not your fault... i just feel so... um... i don't know."

tumahimik lang ako. that is not the right time for me to butt in. hinintay ko lang syang magsalita.

"may naikwento ba sayo si Josh about us?"
"about what po?"
"oh... i guess wala."
"ano po ba yun?" tuloy lang ako sa pagpapanggap na wala akong alam.
"he's actually my ex boyfriend."
"ahhhh... sorry po."
"no, no need to be sorry, ano ka ba. hindi mo naman alam eh. and wala ka namang kasalanan. besides, he's my ex, and it's my fault."
"ano po bang nangyari?"

at nagsimula magkwento si Sir Philip. match na match ang kwento nya kay Sir Josh, so na-prove ko na totoo nga ang kwento. at habang nagkukwento si Sir Philip, halatang mabigat sa loob nya ang nangyari.

"naku... sorry po sir. hindi ko po sinasadyang i-offend kayo."
"ikaw talagang bata ka. wala kang kasalanan, okay? you're just doing your job."
"sana po may maitulong ako."
"salamat. pero parang wala na talagang pag-asa."
"ano pong ibig n'yo sabihin?"

tumahimik ng ilang saglit si Sir Philip bago sumagot...

"i still love Josh."

that's it! pagkakataon ko nang maging kupido at tagapagtanggol ng pag-ibig. that was the right spot for me to tell him na mahal pa rin siya ni Sir Josh at may pag-asa pang matuloy ang naudlot nilang love story. pero i felt somethign weird. i felt na hindi ako ang taong karapat-dapat magsabi sa kanila nun. laruan lang nila ako that night. and considering how successful and well-established their lives are, i doubt na makikinig sila sa isang katulad ko.

"awww... sorry to hear that sir. pero, bakit po di nyo sabihin? malay nyo naman pwede pa pala."
"hindi na. kilala ko si Josh. kilalang-kilala ko sya. he may always joke na mahal nya pa rin ako, but i know it's not true."

lalo akong na-guilty na hindi ko man lang magawang sabihin kay Sir Philip kung gaano pa rin sya kamahal ni Sir Josh. hinawakan ko na lang ang kamay ni Sir Philip.

"pasensya ka na. napapadrama ako." sagot ni Sir Philip, sabay tawa.
"okay lang po yan sir."
"you're a very nice guy. grabe ka. i like you."
"naku! si sir, nagbiro pa."
"seriously, mabait ka. matalino. at mabiro pa. kung hindi ko lang mahal si Josh, malamang niligawan na kita."
"hahaha! gutom pa yata kayo sir."
"hahahaha... ewan ko sayo!" at bumalik ang ngiti sa mukha ni Sir Philip, though halata naman na pilit nya pa ring itinatago yung sakit na nararamdaman nya.

umorder pa kami ng pagkain at dessert habang nagkukwentuhan. maya-maya pa ay natapos na lunch.

"salamat ha. thanks for accompanying me for lunch."
"salamat din po, sir."
" it would have been very cool kung magkakasama tayong tatlo nina Josh. imagine, para ka naming anak."
"baby damulag! hehe..."
"haaaayyy... i miss him."

hindi ko alam ang isasagot ko. natahimik na lang ako.

"kung hindi lang kasi ako gago, edi sana masaya pa rin kami ngayon. i hurt him so bad. and there's no chance na maibalik ang dati naming relasyon."
"okay lang yun sir, marami pa dyan."
"hindi na rin. i would rather be single forever kung hindi rin lang si Josh."
"awww..."
"ay naku! drama na naman! o sya, umuwi ka na at kagabi ka pa hindi umuuwi sa inyo."

masayang nagpaalam si Sir Philip at masaya kaming naghiwalay. pero sa paghihiwalay naming yun, alam kong pare-pareho kaming may bigat ng damdamin na dinadala.

alam kong mabigat ang damdamin ni Sir Philip dahil sa kasalanan nya kay Sir Josh, at sa pagmamahal nya na hindi nya na kayang pakawalan pero hindi nya na rin kayang iparamdam.

alam kong mabigat ang damdamin ni Sir Josh dahil nasusukluban ng takot ang nararamdaman nya kay Sir Philip. alam kong bagamat mahal nya pa si Sir Philip, malaking trauma ang naidulot sa kanya ng nakaraan nila.

mabigat ang loob ko dahil heto ako, alam ang magkabilang panig ng kwento, at kung gugustuhin ko ay kayang-kaya kong tahiin ang nasirang relasyon ng dalawang taong lubos na nagmamahalan. pero wala akong nagawa dahil naduwag ako at nasakluban ako ng katotohanang kung estado ng buhay ang magiging basehan, wala akong karapatan para sabihan sila ng kung anong dapat nilang gawin.

5 comments:

  1. aun lnag ang awkward nyan whew

    ReplyDelete
  2. Minsan talaga nailalagay tayo sa sitwasyon na puwede nating mabago ang takbo ng buhay ng mga tao sa paligid natin. You can only tell your side of the story, and the two ex-lovers can decide what to do next. Who knows, both of them will call you up to let you know that they are back together once again, thanks to you. So they will take you out for a dinner, tapos ikaw ang dessert. Kaya may kuwento ka naman ulit sa amin. Nakapagpasaya ka na ng ibang tao, nasarapan ka pa, at nasiyahan pa rin kami. Happy ending talaga for everyone.

    ReplyDelete
  3. "...NADUWAG ako at nasakluban ako ng katotohanang kung estado ng buhay ang magiging basehan, wala akong karapatan para sabihan sila ng kung anong dapat nilang gawin."

    next time mag nike ka. JUST DO IT! u aint got nothing to lose.pag nakinig sila, well and good. Pag hindi, wala ka na dun. Youve done what you can as a concerned stranger. wag matakot!mag Nike.:-)

    ReplyDelete
  4. i also suggest n sana snbi nya...syang kc yung nasimuln nila...sbgay mdling sbhin because im not in d situation...anyway i love every post on your blog BS...keep it up!

    ReplyDelete