27 April 2012

The Galera Chronicles: Goal Achieved

"para saan yun?"
"wala lang. bakit? ayaw mo ba?"
"haha! ok lang."

at isa pang halik ang sumunod mula sa labi ni Mario papunta sa akin. this time, mas madiin... pero mas matamis.

"hahahaha! para tayong tanga."

hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko. nagustuhan ko yung halik, gustong-gusto ko. pero nabigla ako. siguro kasi hindi ko naman inexpect na hahalikan nga ako ni Mario.

at pagkatapos ng halik, nagtinginan lang kaming dalawa. at sabay kaming natawa.

"tara na?" pag-aaya ko sa kanya pabalik ng beach.
"sige."

at naglakad kami pabalik ng beach. this time, magkahawak-kamay. kung bakit, hindi ko alam. basta kusa na lang naghawak ang mga kamay namin, at walang gustong bumitiw. bumalik kami sa lamesa namin kung saan nakaupo si Kyle, nag-iisa.

"naks! may hawak kamay!" pagpuna ni Kyle sa amin ni Mario. natawa lang kaming dalawa.

"asan si Chino at si Luigi?" tanong ko kay Kyle. hindi sya sumagot, tumuro lang sya sa dagat. at nakita namin mula sa lamesa namin si Luigi na parang sira-ulong talon ng talon sa dagat at si Chino na habol ng habol sa batang nakawala sa hawla.

"grabe. lasing na lasing na si Luigi." sabi ko.
"tara. langoy din tayo." pag-aaya ni Mario. hindi ko alam kung nagpapaalam ba sya o nag-uutos, kasi hindi pa ako nakasagot ay nanakbo nang bigla si Mario papunta sa dalampasigan. hinubad ang suot na sando, at basta na lang tumalon sa dagat. dalawa na ang alagain ni Chino.

"o, iskor ba?" tanong ni Kyle sa akin the moment na umalis si Mario.
"iskor ba yung halik?"
"halik lang?"
"ay... hindi... haliks. with s. dalawa eh."
"yun lang?"
"hello!? nag-cr yung tao! tsaka para namang ang tagal naming nawala diba?"
"haha! mamaya, sigurado na yan."
"ewan. sana."
"i think click naman kayo eh."
"talaga?"
"hinde... joke lang... haha! no, seriously, i think okay kayong dalawa."
"sana nga."
"eh diba may boyfriend ka kamo?"
"hindi ko nga alam kung ano na bang status namin eh..."

hindi na sumagot si Kyle. pinagsalin nya na lang ako ng mindoro sling at nag-aya ng cheers. tuloy tuloy lang ang tahimik naming tagayan nang tawagin kami ni Chino, humihingi ng tulong sa dalawang makulit. iniwan na muna namin ni Kyle ang lamesa para puntahan ang tatlong babadero.

"langya! lasing na tong mga to!" banat sa akin ni Chino pag-ahon na pag-ahon sa tubig. kasunod nya agad si Luigi, habang si Mario naman ay naiwan sa dagat.

"sige na. ako nang bahala dun sa isa." sagot ko kay Chino habang nakasukbit na agad sa kanya si Luigi. si Kyle, bigla na lang nawala.

naglakad palayo si Chino at si Luigi (pauwi ng bahay) habang ako naman ay nakatayo lang sa dalampasigan, pinapanood si Mario na magtampisaw sa tubig. nakita nya ako at inayang samahan sya, pero tumanggi ako. hawak ko kasi yung mga gamit nya (sando, lighter, nebulizer). maya-maya pa ay umahon na sya sa dagat, tumakbo papunta sa akin, sabay yumakap... so nabasa din ako!

"haha! lasing na lasing ka na." sabi ko sa kanya.
"ang sarap maligo. tara!"
"ayoko. giniginaw ako. tsaka binasa mo na rin ako eh."

napatingin sya sa paligid...

"nasaan sila?"
"si Chino at si Luigi, umuwi. si Kyle, hindi ko alam."
"tara, sayaw tayo dun!" sabay turo sa isang bar kung saan maraming nagsasayaw. "gusto kong mag-enjoy. tara. mag-enjoy tayo!"

at naglakad nga kami papunta sa bar. papunta pa lang kami, pasayaw-sayaw na ang mokong. pero nakahawak sya sa akin. sa kamay ko. at hanggang sa nakisiksik nga kami sa isang batalyon ng mga lalaking nagsasayawan sa isang masikip na dance floor.

nakakatuwa si Mario. dahil nga lasing, parang bata syang nakangiti habang sumasayaw sayaw. titingin at ngingiti sya sa kung sino man ang makakasalubong nya, sasayaw ng kaunti, at titingin sa akin, lalapit, at yayakap. paulit-ulit. minsan pa, kapag alam nyang medyo nagiging flirty na sa kanya yung kasayaw nya, tsaka sya lalapit sa akin, hihilahin ako, at yayakapin ako... sa harap ng lumalandi sa kanya. nakakakilig.

maya-maya pa, may lumapit sa kanyang baklang maton. nagsayaw sila. nagtitigan. maya-maya pa, hinalikan sya ng bakla. hindi naman sya pumalag. pasayaw-sayaw lang ako sa tabi nya nun, nagulat lang sa nangyari, pero go lang. hanggang sa umabot ng sampung segundo ang halikan... bente... trenta... at tila mag-iisang minuto na. halata ko kay Mario na umaatras na sya, ayaw na nya ng halikan. pero ayaw magpaawat ang baklang maton. hinila ko si Mario palapit sa akin, at bigla naman syang napayakap.

"ay! shit! i'm so sorry man. is he your boyfriend?" tanong sa akin ng baklang maton.
"he's with me."
"oh... naku... i'm really really sorry."
"it's okay. you're just drunk."
"sorry talaga." huling banggit pa ni baklang maton... pero bigla nya pa ring hinila si Mario at hinalikan. umiwas ng halik si Mario at yumakap sa akin. hinila ko na lang sya palipat ng ibang pwesto.

tinanong ni Mario kung galit daw ako. sabi ko, hindi. kaya tuloy lang ulit kami sa pagsayaw. same routine. may lalapit sa kanya, makikipagsayaw, tapos lalapit sya sa akin. hindi ko napansin na lumapit na naman ang baklang maton, and this time... may kasama pa. nagulat na lang ako na napapagitnaan na ni baklang maton at ng kasama nya si Mario. nakahawak yung kasama sa baywang ni Mario, para bang pinipigilan syang gumalaw, habang si baklang maton naman ay pumupwesto na ng halik. sa takot at, oo na, sa selos, lumapit ako at hinila palayo si Mario. palabas ng dance floor. papunta sa likod ng bar.

"bakit mo ako hinihila?" tanong ni Mario, medyo galit.
"man... those guys can kill you anytime."
"ano namang kill kill?"
"susmio! hindi ka ba natatakot? kinorner ka na, wala ka pang idea."
"ay... ehehehe..."
"tawa ka pa."
"ano ka ba! i want to enjoy. stop being a pooper."
"fine. pooper na kung pooper. pero man, i'm scared. you can be in danger without you knowing it."
"ano ka ba. malaki na ako. i am already an adult. i can take care of myself."
"from the looks of it... i don't think so. you don't know where your money and your cellphone is (ipinauwi ko kay Chino nung nasa dagat sila), and you're not even wearing slippers!"
"malaki na ako. i can take care of myself."
"parang hindi. tsaka, i won't risk it. we are in the same house here, so responsibility kita."
"i didn't require you to count me as a responsibility."
"it's not a requirement. i am responsible for you. i will take care of you."
"DON'T SAY THAT!!!" sumigaw na si Mario.
"don't say what?"
"wag kang ganyan BS! don't tell me you'll take care of me. hindi naman totoo yan eh. lahat naman ng nagsasabing aalagaan ako, iniiwan ako."

medyo naiiyak na si Mario. hindi ko naman kung anong katangahan ang naging sagot ko sa kanya.

"bakit, sinabi ko bang iiwan kita?"
"SHIT!!!"

lalong umiyak si Mario. naglakad palayo pa sa likod ng bar. sumunod naman ako sa kanya.

"i'm sorry... i'm sorry..." niyakap ko na lang sya.
"don't say that you'll take care of me BS. ayokong may mag-alaga sa akin. especially you. ayokong ma-fall ka sa akin. kasi sasaktan lang kita. kasi selfish ako."

hindi na lang ako sumagot. hinayaan ko lang syang umiyak.

"i want to have fun. i want to flirt. pero i don't want you to leave. gusto ko dyan ka lang." sabi nya matapos umiyak ng ilang segundo.
"dito lang ako."
"but you're not having fun. i am hurting you. see? yan ang sinasabi ko sayo eh. i don't want to be attached to you kasi sasaktan lang kita. kasi flirt ako."
"i won't have an issue with that naman. kaya ko naman i-handle yan."
"i don't think so. ikaw na mismo ang nagsabi... shaky kayo ng boyfriend mo."

touche! barado ako sa sinabing iyon ni Mario. hindi ko alam na napatulala na lang pala ako sa sinabi nya. nabalik na lang ako sa ulirat ng bigla nya akong yakapin.

"i'm sorry."
"nope. it's okay. sorry din."

at magkayakap lang kami dun sa likod ng bar. pakiramdam ko, tumigil ang oras.

"gusto mo nang sumayaw ulit?" tanong ko sa kanya.
"pero nagagalit ka eh."
"sorry na. hindi na. sige, let's have fun there."
"hindi. balik na lang tayo sa bahay. let's rest na lang."
"no. promise. i won't be mad na. just make sure na abot-tanaw pa rin kita ha."
"sige. tara."

at bumalik kami sa dance floor. mas malayo ako sa kanya this time. and napansin ko naman na nandun naman yung effort nya to check on me everytime. nakaupo lang ako sa bandang bar habang sya naman ay sayaw ng sayaw. may nakapansin sa aking guy.

"are you okay?" he asked.
"yup."
"boyfriend?" tanong nya, ng makita nyang nakatingin ako kay Mario na sumulyap sa akin.
"oh... ah... ehehehe..."
"i guess he is. pretty obvious. hawak mo damit nya eh" sabay turo sa sando ni Mario na nasa kamay ko.
"nope. friend ko. lasing na lasing."

natawa yung guy, at dun nagsimula ang casual conversation. tuloy tuloy lang ang kapirasong kwentuhan ng mapansin ko si Mario na may kasayaw na kalbo... at hinila sya ng kalbo palabas ng dance area at papunta sa buhangin. agad akong humabol.

"Mario!"

napatingin lang sa akin si Mario. lumapit ako.

"where are you going?"
"dito lang."
"are you sure?"
"yes."
"okay. i'll just stay there. i'm watching you."

hindi ko alam kung tama o mali yung ginawa ko. basta ang alam ko, ayokong mawala sya sa paningin ko.

umupo ako sa isang bakanteng bangko a few meters away kung saan sila nakatayo ng mamang kalbo. medyo madilim sa pwesto nila, so wala akong idea kung anong nangyayari. basta nagulat na lang ako na matapos ang halos kinse minutos, eto't naglakad ang dalawa. magkahawak-kamay. papunta sa jurassic.

hindi ko napigilan ang sarili ko at agad akong tumakbo at sumigaw.

"MARIO!"

napatingin lang sa akin si Mario. tulala.

"where the hell are you going?!" galit na tanong ko sa kanya. hindi ko napigilang mapasigaw.
"pare, may problema ba?" tanong sa akin ng kalbo.
"this is between me and him pare. stay away."
"hinde, pare parang may..."
"i said just stay away! please!"

at umatras ng ilang hakbang ang kalbo. napatingin lang ako kay Mario, na that time ay medyo maluha-luha na.

"where are you going?"
"mag-uusap lang kami."
"mag-uusap? sa jurassic? don't give me that bullshit Mario."
"just stay there. wag kang aalis."
"YOU ARE GOING TO HAVE SEX WITH SOMEONE AND YOU WANT ME TO JUST FOLLOW AND STAY?!?! tangina naman Mario!"
"mag-uusap nga lang kami."
"yeah right... here's your stuff."

at isa-isa kong iniabot sa kanya ang mga gamit nya.

"now, if something terrible happened to you... bahala ka."
"wag ka naman umalis BS."
"i won't go if you won't go with him."
"..."
"see... di ka makasagot. i'll ask you. do you even know where we're staying? makakauwi ka ba?"
"BS..."
"makakauwi ka ba?"
"uy..."
"PUTANGINA! CAN YOU FUCKING GO HOME?!?!?!"

napahawak lang si Mario sa kamay ko ng mahigpit.

"see... i guess you can't. pero... bahala ka. tangina."

at bumitiw ako sa pagkakakapit nya at nanakbo palayo. narinig ko pa syang sumisigaw at tinatawag ako, pero hindi ko na pinansin. hindi ko alam kung bakit ang bigat sa loob ng moment na yun. siguro kasi umasa ako na dahil inalagaan ko naman sya the whole night, he would be appreciative enough to recognize my efforts. pero tila wala. ang taong akala ko eh makakasama ko the whole night... hayun at papunta sa jurrasic kasama ang isang taong ilang minuto nya pa lang kilala.

takbo lang ako ng takbo sa buhangin hanggang sa nadapa ako... at di ko napigilan ang sarili kong maiyak. sa pagkakataong yun, nag-sink-in lahat sa akin. ang tatlong taong pagiging single. ang failing relationship with my current boyfriend. ang nabalewalang pag-aalaga ng taong honestly ay kinonsider ko nang maging replacement kung sakali (i know, it's bad). nag-sink-in sa akin  lahat ng mga taong sinubukan kong ligawan at bumasted sa akin. nag-sink-in sa akin ang mga nakaraan kong relationships at kung paanong ang lahat sila ay nakipagkalas sa akin. nag-sink-in sa akin kung paanong nakukuha ko lang maging masaya kapag binabayaran ako for sex, pero hindi ko man lang magawang makuha ang atensyon ng mga taong gusto ko. nag-sink-in sa akin kung gaano kahirap para sa akin ang makahanap ng mag-aalaga at aalagaan.

at nagtuloy-tuloy ang pag-iyak. inilabas ko lahat ng sama ng loob ko...

ilang minuto pa ng nahimasmasan ako. tsaka ko lang napansin na sa hindi kalayuan pala ay may lasing na hunk na tulog na tulog at naka-skimpy undies lang. kilala ko siya. nakikita ko sya madalas sa mga gimik spots sa manila. at crush ko sya. pero hindi ko sya pinansin.

"tama na. uwi ka na." sabi ko na lang sa sarili ko. at naglakad ako pauwi. malungkot pero refreshed. sa sala na sana ako matutulog ng sinabihan ako ni Kyle (na nakaupo na dun when i got home) na sa kwarto na daw ako matulog dahil may booking daw sya. pagpasok ko sa kwarto, nasa iisang kama si Chino at si Luigi. magkayakap. heto silang dalawa at may puntos na naman, at heto ako't mag-isa na namang matutulog. humiga ako at nakatulog.

nagising ako ng hindi ko alam kung anong oras ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. sinilip ko kung sino. si Mario.

"hey" bulong nya sa akin sabay mahigpit na yakap.
"hey"
"i'm sorry. i'm sorry."
"no, it's okay. you rest na. nakatulog na rin naman ako."
"i'm really sorry." at lalong humigpit ang yakap sa akin ni Mario.
"it's okay. tulog na."
"sorry talaga."
"okay na yun... tapos na yun. magpahinga ka na."

at hindi ako pinakawalan ni Mario... at nakatulog kaming magkayakap.

...

...

...

huling umaga sa galera. panahon na para i-impake ang mga gamit namin. nakakatawa pa ang kwentuhan namin tungkol sa kung anong nangyari last night. masaya. parang walang drama. napabiro pa si Kyle tungkol sa amin ni Mario, pero tinawanan lang namin. matapos kumain, nagpunta na kami ng beach para maghintay ng bangka. hiwalay ang bangka naming tatlo at ni Mario at Luigi, kaya nagkasundo na maghihintayan na lang kami sa bus terminal. dumating sa terminal at sumakay ng bus pauwi. magkatabi kami ni Mario.

"haaayyy... namimiss ko agad ang galera." sabi ko.
"kaya nga eh..."

hinawakan ni Mario ang kamay ko. pero nakatingin sya sa malayo.

"back to manila na... back to reality." sabay bitiw ng kamay ko. hindi ko alam, pero napaka-symbolic g ginawang iyon ni Mario.

hindi na rin naman kasi ako umaasang masusundan pa kung ano mang meron sa amin ni Mario... kasi wala namang kung ano man sa amin. kung ano man ang meron sa amin, iiwan na lang namin sa galera yun, kasama ang masasayang memories mula sa unang araw.

ito ang ayoko sa galera. pinapasaya nya ako kapag sinasalubong nya ako, pero pinapalungkot nya ako ng todo sa tuwing darating yung oras na iiwan ko na sya. ang nakakainis pa, para bang kahit anong gawin kong bitbit ng masasayang oras pabalik ng manynila, hindi ko magawa. whatever happens in galera stays in galera. at iyon siguro ang dahilan kung bakit pabalik-balik ako sa nasabing isla... dahil sa napakaraming kaganapan na hindi ko pa kayang talikuran. maraming kakulitan. maraming kadramahan. karaming katangahan. maraming kabuluhan. maraming ako. at sa pag-andar nga ng bus pabalik ng maynila, iniisip ko agad kung kailan ako makakabalik upang malasap ulit ang tamis ng hangin, ang alat ng tubig, at ang pait ng mindoro sling... mga lasang kapag pinagsama-sama, tatak sa isip, tatak sa puso, tatak galera.

and for the final tally...

Chino -- 7.
the breakfast guy, na naging dinner guy din, plus Luigi
Kyle -- 8.
although isa lang ang nabooking nya nung gabing yun, i can give him five points. kasi according sa kanya, unang gabi pa lang namin sa galera, target na nya yung guy na yun. and, even up until now dito sa manila, they still see each other
BoyShiatsu -- 10.
wala man akong naging sexual encounter sa galera, may isa naman akong goal na na-achieve... at palagi ko namang na-a-achieve kapag nasa galera ako... MAG-EMO!

24 April 2012

Nick and Aaron

mahilig ako sa mga kakaibang underwear. hindi ko alam kung bakit, pero i find it sexy. although meron naman akong mga regular whites and blacks, mas marami pa rin yung colored, printed, patterned, and out-of-this-world undies. sa huling bilang ko, nasa 40+ ang briefs ko sa bahay, mapa-boxers, hi-waist, t-back, bacon, dilapidated, kinky, or totally unusable na! may kanya-kanyang background, may kanya-kanyang memories, may kanya-kanyang kwento.

* * * * *

nung nagsisimula pa lang ako bilang masahista, medyo mura pa ang rates ko (yup, aware ako na hindi na ganung ka-mura ang rates ko ngayon. syempre, parang employee lang yan... the more experience, the higher the salary! haha!). and i can negotiate. siguro kasi hindi pa talaga ko kampante sa skills ko. at isa sa mga naging clients ko noon ay si Sir Nick.

taga-pasig si Sir Nick, medyo malayo pa sa akin noon (taga-cubao kasi ako dati). pero dahil client, at kailangan ko ng pera, pumayag ako sa naging usapan namin na 75% of my normal rate lang ang ibabayad nya sa akin. bahala na. ang mahalaga, may kikitain. dagdag din sa pambayad sa mga bayarin yun.

dumating ako sa bahay ni Sir Nick sa napagkasunduang oras. okay naman sya. typical office guy. although i must say na medyo nakakatakot yung bahay nya. medyo luma na kasi, so hindi mawawala ang creepiness na tatak-probinsya. dumiretso kami sa kwarto nya at nagsimula ng service. normal lang ang naging serbisyo, hindi pa kasi ako marunong ng rapport-building nung mga panahong yun. marunong ako sa rapport-building sa call center setup, and i think it won't work kung ia-apply ko sya sa masahe. ang pangit naman kasi na tanungin mo yung client mo na "how's the weather there?" habang nakahubo ka at nakapatong ka sa kanya.

natapos ang masahe at ang extra, at iniabot na sa akin ni Sir Nick ang bayad. ng magtanong sya.

"anong waistline mo?"
"30 po." (yup, dumating ako sa panahong 30 LANG ang waistline ko!)
"ahhh... teka."

at pumunta sya sa cabinet nya, may kinuhang nakabalot sa plastic, at iniabot sa akin.

"try mo nga."

tinanggal ko plastic at tumambad sa akin ang kapirasong tela. hindi ko pa agad na-gets kung ano yun... hanggang sa finally ay umandar din ang common sense ko.

t-back.
black t-back.
black shiny t-back.
black shiny skimpy t-back.

ito yung tipo ng t-back na nakikita ko lang na sinusuot ng mga macho dancers habang nagbubuhos ng langis sa katawan at gumigiling sa saliw ng... oops! hindi po ako nanonood ng mga ganun ha! nakita ko lang sa tv. tsaka sa youtube. anyway, ayun... ito yung tipo ng t-back na artista o boldstar lang ang nagsusuot. pero, actually, na-excite ako. isinuot ko ang nasabing t-back at nakakatuwa ang fit nya. parang sukat na sukat sa akin.

"ang ganda ng fit. sige, sayo na lang."
"naku. thank you po!"

walang abog abog, inangkin ko na agad ang t-back. and besides, kulang naman yung bayad nya eh! at matapos ang kaunting kwentuhan ay umuwi ako ng may dagdag na pera sa bulsa, at may dalawang brief na suot! (wala akong dalang bag that time eh).

* * * * *

fast forward tayo a few years after... this time naman, si Sir Aaron. nagkita kami sa isang hotel na kapangalan ng isang politiko sa bandang pasay. bagong uwi ng bansa si Sir Aaron mula sa middle east, kaya nag-expect na ako sa kung anong hitsura nya... malamang puro makakapal na gintong necklace! hehehehe. pero ibang-iba ang nakita ko ng dumating ako sa hotel.

bata pa si Sir Aaron. halos ka-edad ko lang. may kaunting katawan, may kaunting hitsura, pero maraming maraming buhok! mestizo na sana sya eh, kaso sa dami ng buhok nya, nagmukha syang moreno.

mabait naman si Sir Aaron, may pagka-kalog din. matapos ang kaunting kwentuhan, naghubad na kami. napansin ko yung brief nya. gray, may nakasulat na "baby won't you drive my car" sa bandang bukol. kyut (yung print... tsaka yung bukol! haha!)

"ang kulit naman ng brief mo."
"haha! yung sayo rin naman eh."

tsaka ko lang naalala kung anong brief ang suot ko nun... red and pink! (wag nyo na itanong kung saan ko nakuha! ahehehe...)

kaya instead na magmasahe ako ng nakahubo, naisipan kong wag muna tanggalin yung underwear ko. hindi rin tinanggal ni Sir Aaron ang underwear nya. at natapos ang masahe tsaka lang namin tinanggal ang mga undies namin para magsimula sa sex.

nakaraos kami, kumalat ang maputing "pawis" sa mabuhok na katawan ni Sir Aaron. naligo at nagpunas. when Sir Aaron asked.

"gusto mo palit tayo ng brief?"

natawa ako sa suggestion nya. pero parang gusto ko... kaso mahal ko ang red and pink na underwear ko... pero... maganda rin yung brief ni Sir Aaron... kaya pumayag na rin ako. tutal tatlo-isangdaan lang naman yung red and pink underwear ko! hahaha!

* * * * *

ilan lang si Nick at si Aaron Garter sa collection ko ng briefs. ewan ko ba. hindi naman sya nakikita kapag naglalakad ako sa kalye, pero may mga times na mas nauubos pa ang oras ko pag nagbibihis sa pagpili ng isusuot na brief kaysa sa isusuot na damit! hahaha! in case of emergency nga naman. tsaka, baka mamaya, bigla na lang din may matuwa sa akin at kunin ang brief ko sa locker area ng gym habang nagsa-shower ako... just like what i did one time! HAHAHAHAHA!!!

eto nga pala si Nick Garter... walang pakialamanan sa picture ha! noon pa yan... nung mga panahong i was young, wild, and free! hehehehe... sayang, yung picture ko with Aaron Garter, nandun sa phone ko na nawala... mas wild yun! ang swerte nung nakakuha! haha!



22 April 2012

The Galera Chronicles: The Replacement

nagising ako ng bandang alas-syete to find out that i am alone in the room. nakaalis na pala si Jigs, at hindi pa rin yata umuuwi yung mga kasama ko. so natulog na lang ulit ako.

paggising ko ng bandang alas-diyes, nandun at nag-iimpake na si B1 at si B2. alis na rin kasi sila. si Kyle, nasa sala, nanonood ng tv. si Chino, missing in action pa rin... or currently in action, hindi ko alam. natulog lang ulit ako.

tanghali na ng nagising ako. wala na si B1 at si B2, si Kyle naman ay tulog sa kabilang kama. nanood na lang muna ako ng tv ng saktong dumating si Chino. nag-breakfast daw sya.

"breakfast? eh kaninang alas-syete, paggising ko, wala ka na."
"kaya nga. nagbreakfast nga."
"ang haba ng breakfast mo ha!"
"ganun talaga!"

and with that... dagdag puntos na naman si Chino.

nagising na rin maya-maya si Kyle at pinag-usapan na namin ang plano for our last day. nakausap na namin ang may-ari ng bahay na inuupahan namin, at bagsak presyo na sila! as in 50% off! so, okay... tipid na talaga kahit tatlo na lang kami. pero mas nakatipid pa ng may na-receive akong confirmation message.

"hey! papunta na kami dyan."

si Mario! kasama si Luigi!

reader ng blog ko si Mario at kaibigan nya naman si Luigi. kaya nung nalaman nyang mag-ga-galera ako, naisipan nyang itext ako dahil pinaplano nga rin niyang pumunta pero sunday lang daw sya pwede.

laking tuwa naming tatlong bugok dahil mas malaki ang matitipid namin sa bayad sa bahay, at least we can allocate our money sa mga mas importanteng bagay kagaya ng... er... mindoro sling!

kahit gusto kong matulog muna, hindi ko magawa dahil kailangan kong hintayin na dumating si Mario at si Luigi. si Kyle at si Chino naman, ayun at naka-hilata. nagtext rin si Yuan at tinatanong kung nasaan ako, they want to have lunch-slash-chitchat with me bago sila bumalik ng manila that day. pero dahil sa mga paparating na bisita, i just declined and told them na sa manila na lang kami magkita-kita.

maya-maya pa ay nagtext na si Mario at nasa white beach na daw sila. nagpaalam ako sa dalawang natutulog (yup, kahit tulog sila, nagpaalam ako!) at sinundo ang dalawang replacements nina B1 at B2. dahil blog reader ko si Mario, kailangang maging hospitable ako sa kanya. ewan ko ba. ganun yung mindset ko. syempre, ayoko namang sabihin nya na attitude pala ako. so habang naglalakad, i have to let go of all the negativisms na nasa utak ko. pagsalubong, kailangan friendly and perky!

"dito na ako, san kayo nakaupo?" text ko kay Mario.
"dito sa mga lamesa katapat ng tent ng coke. naka-red shirt ako, green yung kasama ko."

ampotah! sakto pa yung damit sa code names! hahaha!

at pumunta nga ako sa nasabing mga lamesa, at nakita ko na ang dalawang mokong. in fairness, pogi si Mario! ayus! hahaha!

"hey! kumusta?" bati ko sa kanila in my friendliest smile.
"ayus naman, nakakapagod ang byahe. ikaw, naka-maikling shorts talaga dapat?"

oo nga pala... hindi pa ako nagpapalit ng damit from last night! natawa na lang ako at napuna nila ang shorts ko. nag-aya sila ng lunch pero i asked them if we can go home na muna para maipakilala ko na sila kay Kyle at Chino at sabay-sabay na kaming mag-lunch.

lakad lakad kaunti at dumating na nga kami sa bahay kung saan gising na gising na ang dalawa. pakilala portion at pagkatapos ay pinag-ayos ko na sila ng mga gamit nila. magpapahinga sana ako pero dahil nagkaayaan na magtampisaw sa dalampasigan, ayun at sumama na lang ako.

more play dead. more paandar. more search sa mga lamok dagat at langgam pantubig. more kwentuhan. sa aming lima, si Mario lang ang maputi, halatang bagong dating. si Luigi naman, mukha lang ang maputi, at hindi ko alam kung bakit. kulitan as normal lang. nothing really exciting. pero habang tumatagal, hindi ko maiwasang mapansin si Mario... ang cute nya talaga!

sumapit na ang gabi at naisipan na naming bumalik ng bahay para magluto ng dinner. pagkatapos ay pahinga saglit, and then ay gigimik na for our last night. after dinner, nagkaroon kami ng chance ni Mario na magkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay ng bigla nya akong natanong tungkol sa lovelife ko.

"magulo. magulong-magulo."
"bakit naman?"

at parang batang nagsusumbong sa nanay, naikwento ko lahat kay Mario ang mga nangyayari sa lovelife ko noon. lahat. lahat-lahat. dire-diretsong lumabas sa bibig ko ang mga pag-asa, panghihinayang, sakit, excitement, expectations, at lahat ng elemento tungkol sa buhay pag-ibig ko. hindi ko maiwasang malungkot, at nahalata ni Mario yun. tinapik nya ako sa balikat sabay banat ng

"okay lang yan, wag mo na lang isipin masyado."
"tama! let's just enjoy the last night here in galera."
"oo nga. yan ang hirap sa lovelife eh. kaya ako, ayoko ng ganyan."

at yun ang pasakalye ni Mario para sya naman ang magkwento ng tungkol sa buhay pag-ibig nya... or lack thereof. ako naman ay nakikinig lang habang minsanang humihithit ng yosi (oo, sa bigat ng conversation, napayosi na rin ako! haha!). naputol ang emo conversation namin ng bigla kaming tawagin ni Chino at tinanong kung hindi pa ba kami magbibihis para pumunta ng tabing dagat.

nagbihis at pumunta ng tabing-dagat para magpakalasing at i-enjoy ang huling gabi. kapansin-pansin ang laki ng nabawas sa dami ng tao. mas maluwag na ang beach, mas kalmado ang paligid, pero nandun pa rin ang party-by-the-beach vibe. pumwesto kami sa isang bar para magsimulang uminom, magkatabi kami ni Mario. inom inom inom, kulit kulit kulit. si Luigi,. lumalabas na ang pagiging kengkoy. si Chino, paandar pa rin sa kulitan, habang si Kyle naman ay nakakaloko pa rin ang tawa. masaya kaming nakakatawa ni Mario, pero hindi ko matanggal sa utak ko yung mga napag-usapan namin kanina.

"uy, okay ka lang?" bulong ni Mario sa akin. nahalata nya yatang may iniisip ako.
"yup. i'm okay. sige lang."
"ano bang iniisip mo? yung partner mo? wag mo isipin yun. just enjoy."
"haha! tama."
"diba dapat pag nasa galera, nagrerelax at nag-eenjoy? so wag na malungkot."
"yup. thanks!"

at tinapik nya ako sa hita as a sign of assurance that things will be okay. tuloy tuloy pa kami sa pag-inom ng napansin kong nagkakaroon na ng kaunting saltik ang bawat isa. kaya habang nasa katinuan pa ako, nag-presenta na akong kunin ang mga valuables namin at iuuwi ko na muna sa bahay. mahirap na at baka kung saan na naman mapunta ang mga gamit namin. malugod namang nag-oblige ang mga kasama ko, at si Chino na ang pinaghawak ko ng mga pera namin.

"uuwi ka?" tanong ni Mario.
"yup. ihahatid ko lang itong mga gamit. mahirap na, baka mawalan pa tayo! hehe."
"sama ako, natatae ako eh."
"sige. tara."

at naglakad kaming dalawa papunta sa bahay. kung nung mga naunang araw, parang ang lapit lang ng bahay namin mula sa beach, this time parang masyadong malayo.

"sure ka bang okay ka lang?" tanong ni Mario.
"yup. i'll be okay."
"so hindi ka nga okay?"
"eh hindi ko maiwasang maisip yung partner ko eh."
"hay naku... tigilan na nga yan. wag nang malungkot. ipasan mo na lang ako."

at parang maliit na bata, agad na sumukbit si Mario sa likuran ko. at wala na rin akong choice, nakaakyat na sya eh! and besides... i actually miss carrying someone on my back.

naglakad habang buhat buhat sya at nakarating kami sa bahay. ipinasok ko na sa kwarto ang mga gamit at sinabihan ko syang gumamit na ng banyo.

"nawala na eh. okay na ako."
"hahaha! o, tara na. balik na tayo."
"hindi ka talaga okay."
"okay na ako, don't worry."
"come on, what's bothering you?"

nahuli na nya ako... kaya umamin na rin ako...

"i think it's over..." at napaupo lang ako sa kama. "haaaayyy..."

lumapit sa akin si Mario at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"it's going to be fine. he's not worth it anyways."
"thanks."

at mula sa mahigpit na pagkapit sa kamay ko, binigyan ako ni Mario ng isang malambing at matamis na halik.


*to be continued*

21 April 2012

Dude, Where's Your Car?!

"dude, i must inform you that i don't really do this thing. nakakadiri. pero umandar lang ang topak ko kaya i decided to text you. how much do you offer ba?"

yan ang bungad na text sa akin ni Sir Ashton. putangina lang! punong-puno na agad ng kayabangan at panlalait. mas mayabang pa dun sa kaklase ko nung elementary. pero, kailangang i-isangtabi ang emotional impacts at kailangang mag-focus sa business. ipinadala ko ang template sa kanya.

"i'm from makati dude. ikaw ba?"
 "pasig."
"oh... okay... but dude, we can't do it in my pad. i don't want to bring boys for hire at home. mahirap na."
"we can check in." *medyo iritado na, pero composed pa rin*
"really? is that safe dude?"
"yeah. it is naman. you decide which hotel/motel."
"okay dude. is cubao area good? ayoko ng malapit dito sa bahay. baka may makakilala sa akin. mahirap na. i'm a professional, so i have to protect my identity."
"okay."
"tsaka discreet ako. and, actually, okay ang looks ko. may iba ngang nag-ooffer sa akin na bayaran ako eh. but i reject. i'm not that low dude.

hindi ako nagreply. namangha lang ako sa kanya, kasi bawat sentence nya, may "dude."
 
"dude, you're clean ha? and hindi nakakasuka itsura mo? it would be a waste of money if you're ugly."

ayan na naman... bumanat na naman ng panlalait itong si Sir Ashton.

"don't worry. i'm good. see you later."

tinapos ko na agad ang conversation at baka madurog pa lalo ang pagkatao ko sa mga pinagsasabi nya. or worse, baka di pa ako makapagtimpi at maaway ko syang bigla.

ilang oras pa ay nagtext sya that he's driving na daw on his way to cubao. hindi na ako nagtaka na may kotse sya. kung maka-ingles, akala mo champion sa oratorical speech contest... malamang mayaman to.

"if you want, you can check in first, then just text me the hotel and the room number."
"okay. it's better that way. baka may makakita sa aking may kasamang kung sinu-sinong guy lang."

mataas naman ang araw nun, pero tila may ipu-ipo talaga akong nararamdaman. hinayaan ko na lang. hanggang sa maya-maya pa ay nagtext na sya.

"crest hotel. room 3***"

hindi ko maiwasang matawa! makapag-inarte itong si Sir Ashton na mayaman, tapos crest hotel?!?!?! haller?!?!? may kabayan hotel naman sa cubao. or spring hotel. or mariposa. or kahit sogo. pero crest? hahaha!

teka... baka naman kasi walang bakante dun sa mga maayus-ayos na motel kaya dun bumagsak si Sir Ashton. or walang parking. sige, benefit of the doubt.

pumunta ako sa nasabi motel at kwarto at kumatok. bumukas ang pinto, at bumungad sa akin ang driver ni Sir Ashton... ng bigla kong naalala na wala nga pala s'yang driver. so ito na pala sya... ito na pala si Sir Ashton.

ayoko na lang magsalita at baka lalo pang dumami ang mga haters ko. pero... pucha!! hindi ko mapigilang hindi magsalita!

mukhang probinsyano si Sir Ashton. hindi yung probinsyano na inosente pero sexy ang dating ha. yung probinsyanong parang pakiramdam mo eh walang inaatupag sa buhay kundi magsabong or mangolekta ng gagamba! ni hindi ko makita kung saang anggulo yung sinasabi nya na "okay ang looks nya." well, may kaunti syang katawan, pero kahit na... kahit may kaunti syang katawan, hindi mo na mapapansin kasi sa mukha ka mapapatingin... at mapapangiwi ka na lang!

"hello!" bati ko kay Sir Ashton, with some thwang. gusto ko lang ipagyabang na hindi lang ako sa text magaling mag-ingles.
"oy! haleka, pasuk ka."

AMPUTA!!! MAY ACCENT DIN SI SIR ASHTON!!! hahahahahaha! nawalan tuloy ako lalo ng gana kausapin sya. matapos ang basic conversation scripts sa client like "kumusta po?" "saan po kayo sa *insert location here*?" "ano pong work nyo?" ay pinapwesto ko na sya sa kama para masimulan ang service. habang nagseservice, panay ang dakdak ni Sir Ashton. and para hindi ako mahirapan, ita-type ko na lang dito in normal spelling. kayo na ang bahalang maglagay ng accent.

"you know, this is actually my first time to hire. tinopak lang talaga ako."

"grabe ang work ko. it's really really stressful. i'm on call kasi, and i'm handling a big group of people, so i really have to be in my best form everytime. buti nga at naisingit ko sa schedule ko ang massage."

"when i was in thailand, grabe, the massage boys there are really good."

at dahil inborn na yata sa akin ang maging fluid sa conversation, itinanong ko kung saan sa thailand sya nagpunta.

"oh. jakarta."

ANO DAW?!?! hindi ko alam kung nagkamali ako ng rinig, pero jakarta ba talaga yung sinabi nya? hindi ako bobo to realize that jakarta is not in thailand... sa south korea yun diba? (hahaha! tanga-tangahan. yup, i know, it's in indonesia.)

"jakarta?" pag-confirm ko.

"yup. ang ganda nung masahe. sobrang swabe. tapos mga gwapo at lean pa."

hindi na lang ako nagcomment.natawa na lang ako. at least, kahit masahista ako, alam ko naman ang basic asian geography.

tinapos ang masahe at extra, at iniabot na ni Sir Ashton ang bayad. parang gusto nya pang makipagkwentuhan, kaya pumayag ako. (dating gawi, kayo na maglagay ng accent sa mga lines nya)

"dude, why did you enter in this business"
"mahabang kwento. hehehe..."
"okay. don't you feel dirty about yourself?"

kumunot ang noo ko sa statement nya... ang gulo ng sentence construction! pero na-gets ko naman yung tanong, kaya sumagot na lang ako.

"nope. i'm used to this. matagal na ako naka-move-on sa self-esteem issues na ganyan."
"oh. good for you. at least, for me, i have no issues with that."

yeah right. iba kasi yung issue nya eh! haha!

maya-maya pa ay nagpaalam na ako kay Sir Ashton. nagbilin pa sya na wag daw akong magtetext dahil baka daw may makabasa ng message ko. he decided na mauna nang lumabas dahil medyo malayo pa daw ang parking slot nya at tsaka baka daw mamaya ay wala na sya sa mood mag-drive, eh hindi naman nya pwedeng kontakin ang driver nya. okay. fine. whatever.

mag-stay pa sana ako ng matagal sa kwarto (may one hour pang natitira) ng magtext ang kaibigan ko na puntahan ko daw sya sa glorietta. sayang, sana nakisabay na ako kay Sir Ashton para naman nakatipid ako sa pamasahe. pero, dahil wala na ang kliyente, wala na akong choice kundi mag-commute. nag-mrt na lang ako...

at nandoon sa mrt na nasakyan ko, kasama sa mga nakasiksik at nag-aabang ng couch... si Sir Ashton!

natawa na lang ako. ang yaman nga talaga ni Sir Ashton! yung kotse nya palang sinasabi nya... tren pala! at eto, nag-aya pa sya ng mga makakasabay sa pagda-drive nya pauwi!

ang tindi nya, dude! bagay nga sa kanya yung name na Ashton... Ashton Kutchero!

17 April 2012

The Galera Chronicles: #paandar

pasensya na at natagalan ang second installment ng three-and-a-half part series ng The Galera Chronicles. a lot has happened this week, and they all deserve their own blog entries. pero, unlike AWOL, they can wait naman. hahahaha!

* * * * *

malaking pasabog agad ang binitawan ni B1 at B2 pagkagising namin ng tanghali. instead of staying for two days sa bahay na inuupahan namin, one day na lang daw. may kaibigan daw kasi silang naka-check-in sa may beach front at dun na lang daw sila titira. putah! malaking problema ito para sa aming maiiwang apat. ibig kasi sabihin nun, mas lalaki ang sharing namin! kung kailan naman planado na ang budget ng mga gipit na wallet, tsaka magkakaroon ng ganitong changes. mabuti na lang at nadaan ko sa sales talk, at ayun, naconvince ko yung dalawa na mag-stay for one more night. yung for sunday, hindi na problema yun, kasi nakahanap na kami ng replacements. so, issue is done. umalis na si B1 at B2 para puntahan ang mga kaibigan nila.

matutulog sana ulit kami ng tinopak si Kyle na maglanguy-langoy naman daw kami sa beach. hindi naman daw kami pumunta ng puerto galera para matulog o manood ng tv. kumampi naman ang punggok na si Chino. and, sige na... pumayag na rin ako. kanya-kanyang ayos at maya-maya pa ay naglalakad na kami papunta ng beach. hindi ko maiwasang mapansin ang mga suot namin...

si Chino, naka-maikling shorts. yung tipong kaunting usog na lang, pekpek shorts na.
si Kyle, naka-beach shorts naman... pero topless!
si Jigs, body-fit na shirt.
ako... pambahay!

hindi ako na-inform... simula na pala ng paandaran! tanghaling tapat pa lang! at tama nga ako... habang naglalakad kami sa tabing-dagat... maraming mga paandar kaming nakita!

* may dalawang babaeng naka-bathing suit, nakalublob sa dagat... pero nakapayong!
* meron ding isang baklitang nakalublob ang kalahating katawan sa dagat, naka-headset, pero nakataas ang kamay... baka kasi mabasa ang telepono!
* may isang lalaki na nakahiga sa buhanginan at nagbabasa ng libro... NURSING BOOK!
* meron namang nakasuot ng magandang sando... nakasulat, "i love boracay." (ewan, di ko mapigilang matawa dito)

kasama na rin syempre sa mga eksenadora sa galera ang mga grupo-grupong baklaking (baklang lalaki) na kung makasuot ng swimming trunks eh parang kinapos sa tela, pero kung makalakad... isang hakbang, limang kembot!

matapos maglakad ng ilang milya, nakarating rin kami sa dulo ng galera... yung jurassic area. pero since tanghaling tapat yun, walang eksenang nagaganap... bukod sa ahas! at matapos magkagulo ng bahagya ang mga tao, may naglakas-loob na i-agitate yung ahas at nahawi naman sya pabalik sa mga halamanan... good luck na lang sa mga mag-ju-jurassic ng gabing yun!

magsisimula na kaming lumangoy ng inilabas ko na ang paandar ko... hinubad ang t-shirt at ang suot na beach shorts...


ayan! kahit hindi kagandahan ang katawan ko... hindi ako papatalo sa mga paandar! haha!

naglangoy lang kami ng naglangoy sa dagat hanggang sa ma-bore kami, kaya naisipan namin na mag-mini-snorkeling! renta ng life jacket at goggles kay manong na nakatambay dun, nagsisid-sisiran kami sa dalampasigan at gamit ang mga goggles ay sinilip namin ang ilalim... puro buhangin, bato, at iba't ibang uri ng basura! wala man lang kaming nakitang isda! hahaha! sinubukan din naming maghanap ng mga lamok-dagat (alam mo yun? yung parang bigla ka na lang kinagat ng langgam at mangangati ka habang nasa tubig ka? lamok-dagat pala ang may kagagawan nun!) pero hindi kami nagtagumpay.

at parang mga batang maraming stress sa buhay, maya-maya ay naisipan lang naming humiga sa dalampasigan at mag-emote ala-Adele. ng biglang nagtanong si Chino.

Chino: anong gagawin nyo pag bigla na lang kayong may nakitang tsunami?
BoyShiatsu: mga tanong ha! ano ba yan!
Chino: syempre dagat! malamang pwede magka-tsunami!
Kyle: hahanap ako ng life jacket, agad agad.
BoyShiatsu: ako... siguro, tatakbo sa pinakamalapit na pwedeng kapitan ng mahigpit.
Jigs: ... (NR... lagi naman syang ganun! hahaha!)
Chino: wala pala kayo eh... korni.
Kyle: bakit, ikaw ba?
Chino: pag may tsunami... play dead!

dyan! dyan magaling si Chino! sa mga punchlines na walang logic pero nakakatawa! at, wag ka! effective daw yan sa kahit anong natural calamities!

pag may earthquake... play dead!
pag may sunog... play dead!
pag may tornado... play dead!

daig pa namin ang mga nakahithit ng ilang litro ng laughing gas sa kakatawa dahil sa mga sunod-sunod na paandar jokes namin ni Chino, ang patay-na-bata laugh ni Jigs, at ang hindi-mo-alam-kung-natatawa-ba-o-nang-aasar-lang na tawa ni Kyle.

medyo sumasapit na ang gabi ng naisipan na naming umuwi, mag-dinner (nagluto na lang kami, para tipid), at magprepare para sa mas paandar na gabi. at tama, paandaran nga! naka-muscle shirt si Jigs, habang si Kyle naman ay naka-sandong fit. si Chino, naka-shirt na medyo see-through. ako, simple lang yung t-shirt ko... pero naka-pekpek shorts... na glittery yung print! hahahaha!

pumunta na kami sa mga bars sa tabing dagat... at di nga kami nagkamali! sobrang dami ng tao... 80 percent bakla! and out of the 80 percent na bakla... 79.5 percent, may kanya-kanyang paandar! may de-kolores ang buhok, may naka-bowtie pero topless, may baklang may bitbit na malaking lv pouch (na halata namang peke), meron namang two inches lang ang suot na damit (tinalo ako!). may pa-suplado effect, meron namang mr congeniality ang peg. kanya-kanyang emote, kanya-kanyang pacute. it's a marketplace of gay guys. there's one for everyone.

which is a good sign... so, malamang makakapuntos ako tonight!

dahil sa trauma sa nangyari ng naunang gabi, naisipan namin na pitcher na lang at hindi tower ng mindoro sling ang orderin namin. para at least, chillax lang. maya-maya pa, dumating na si Janzen at Oyah. kumpleto na naman kaming anim. light lang ang inuman, light lang ang kwentuhan, kahit parang agit na agit ang paligid sa dami ng tao.

"nasaan ka?"

may nagtext... si Yuri. sinabi ko kung nasaan ako, at sinabi nya kung nasaan sila ni Jason. iniwan ko muna ang mga ka-tropa saglit at pinuntahan ang dalawang hot na magjowa. nakaupo sila sa may dalampasigan, may kanya-kanyang hawak na bote ng beer.

"uy, kumusta?" bati nila sa akin.
"eto, hindi na wasted. haha!"
"oo nga eh. mukha kang maayos ngayon."
"bakit, kahapon ba hindi?"
"maayos naman... pero mas maayos ka ngayon. hindi ka nakakatakot kausapin."

lalo akong natawa sa sinabi nilang iyon... ganun talaga ka-traumatic yung nangyari sa akin. umupo ako sa tabi nila at nagkwentuhan lang kami. kung kahapon, puro landian ang kwento, ngayon... maraming sense ang usapan! maraming na-cover na topics. syempre, may kaunting landian portion pa rin (baka sakaling itong dalawang ito na ang two points ko for the night!), pero karamihan eh mga seryosong bagay.

hindi ko namalayan na tumagal na pala ang usapan. humiwalay muna ako sa kanila saglit at bumalik sa lamesa namin... to find out na wala na dun ang mga kasama ko! hindi ko alam kung anong nangyari at kung nasaan sila. tinanong ko yung waitress, bayad na daw kami. safe! sinubukan kong bumalik sa pwesto nina Yuri... pero wala na sila dun. so i guess, the night is all mine! pagkakataon nang pumuntos!

ikot-ikot at sayaw sayaw lang sa kahabaan ng galera. marami-raming mukha akong kilala at binabati, kaunting kwentuhan, at pagkatapos ay kakalas na agad. repeat till fade. natapos ang gabi ng puro ganun lang ang nagawa ko. one word... boo!

mabuti na lang at nakakita ako ng grupo ng mga kaibigan ko dito sa manila, kaya pinili ko na lang na makiupo at makiinom sa kanila. masaya ang kwentuhan. chillax na chillax. hanggang sa inabot kami ng madaling araw... oras na para umuwi.

dahan-dahang naglakad pauwi... at kahit madaling araw na, marami pa ring paandar at eksenadora. pero hindi ko na pinansin yun. hindi ko na rin inisip kung nasaan pa ang mga kasama ko. basta umuwi na lang ako agad dahil pagod na ako... pagod ako sa magdamag na paghahanap ng pwedeng "gawin" pero ang ending, wala pa rin akong "nagawa." si Chino at si Kyle, naka-dalawang gawain... and so, to update the list...

Chino -- 4
Kyle -- 3
BoyShiatsu -- 0 pa rin!

10 April 2012

AWOL

ang AWOL or absence without leave ay isang instance kung saan ang empleyado ay hindi pumapasok sa kanyang shift ng hindi nagpapaalam kung bakit. malaking bagay ito sa mga call centers, kung saan bawat minuto at bawat segundo ay mahalaga. sa bigat ng offense na ito, isa o dalawang ulit nito ay katumbas na agad ng termination. or, in other words, end of contract.

in short... dahil sa AWOL, end of contract ang resulta.

oh, before i proceed... kanina ang last day ng training namin sa company. masaya ako kasi natupad ko yung goal ko to be the top trainee. yehey!

which may lead to the question... ano yung end of contract?

...

...

...

seven weeks ago ng muli akong makaramdam ng masayang pakiramdam. masayang-masaya. masaya kasi unexpected. unplanned. unscripted. nangyari na lang syang bigla. masaya ako na finally, matapos ang tatlong taon, nakaramdam ulit ako ng ganung saya.

pero, kagaya nga ng sinasabi... all good things must come to an end. ang nakalimutan lang nila idagdag sa quote na yun is that some of these good things come to an end so fast.

nagkasundo kami na mag-commit sa relationship. test muna namin for one week. and then na-extend. at na-extend ulit. maganda ang flow. pero may hindi ako binanggit sa nauna kong kwento tungkol sa amin.

hiniling nya na maging open relationship kami.

ayoko sana. dahil alam kong kahit walang issue sa akin ang makipag-sex ang partner ko sa ibang tao, issue sa akin kapag naramdaman kong nagkakaroon na ng special attachment... or kapag hindi na naipaparamdam sa akin na ako ang partner. ang dilemma naman on his side is that ngayon pa lang sya nagsisimulang mag-explore sa gay world (cruising, flirting, meeting random people for sex, etc) at hindi nya alam kung ipa-prioritize nya ba na ituloy ang pag-explore at itigil ang relasyon namin, or ituloy ang relasyon namin kapalit ng pagtigil nya sa pagdiskubre sa mundo ng mga bakla. pero may isa pang plano, itutuloy nya ang pag-explore at itutuloy namin ang relasyon namin kung papayag ako. he assured me that he will give me the only thing i am asking from him... assurance. and with that... he got me to sign his offer. tuloy ang relasyon, nabigyan ng depinisyon ang mga responsibilities. tuloy ang saya.

masasabi kong sa mga unang araw ay nagampanan namin ang mga responsibilidad namin sa relasyong sinang-ayunan namin. masaya ang bawat oras na magkasama kami, at bagamat bihira kami magkatext, kampante naman ako na kahit alam kong nakikipagmeet sya, ako pa rin ang laman ng puso nya.

pero, parang yosing unti-unting nauupos, unti-unti ring nawala ang sarap ng relasyon namin. hindi ko alam kung paranoid lang ako, pero nagsimulang manlamig ang mga bagay. wala nang excitement sa mga dinner talks namin. wala nang kulitan masyado sa text. parang nawala na ang power ng fairy dust.

isang araw, habang kumakain kami, sinabi nya na kailangan nya daw umuwi agad ng maaga dahil may importante daw syang kailangang asikasuhin. ang hindi nya alam, napansin ko ang ka-message nya sa telepono nya (na nakalapag sa lamesa) na may imimeet syang tao na pakiramdam ko naman ay hindi importante. nasundan pa ito ng isang araw na inaya ko syang uminom pero tumanggi sya dahil wala daw sya sa mood, pero nung gabi ding yun ay nalaman kong uminom sya kasama ang isang ka-meet.

alam kong hindi dapat ako magselos dahil nag-agree ako sa open relationship, pero para iisang-tabi ang mga time namin together for random meet-ups... parang hindi na yata tama yun.

sabi nga ng officemate ko... the relationship is wrong sa umpisa pa lang. ako lang daw ang tangang kilala nya na pumapayag sa open relationship sa umpisa. isa lang daw ang ibig sabihin nun... na nung i-offer nya na maging open relationship kami, what he wants is just a constant "someone" yet he can still play with fire.

which made me realize... mali nga ba talaga? ginawa ko naman lahat ng kaya kong gawin to make the relationship work. lahat ng adjustments na kaya ko, in my own time, ginawa ko. this may sound funny pero... saan nga ba ako nagkamali?

nakakapagod nang isipin. ayoko nang i-analyze kung anong nangyari. dahil alam kong sa paghalukay ko ng rason, uuwi at uuwi din ako sa pagsisi sa sarili ko, at bababa na naman ang kompyansa ko.

kagaya ng mga trabaho, kung end of contract na, kailangan na lang tanggapin. may mga bagay na hindi na siguro dapat pag-usapan dahil hindi na rin naman masosolusyonan, lalo na't suko na ang kabilang party.

i remember nung ikatlong linggo namin, matapos nya ikwento sa akin ang mga sexual encounters nya habang kami pa, he asked me one question/statement...

"ano, kaya mo pa ba? kung hindi mo na kaya, itigil na lang natin yung relasyon natin. pero kung kaya mo pa naman, sige, ituloy lang natin."

at ngayon lang nag-sink-in sa akin... siguro nung panahon pa lang na yun, sumuko na talaga sya. kaya sa akin na nya iniwan ang responsibilidad na panatilihin ang relasyon namin.at ako naman, dahil sabihin na natin na putangina, mahal ko sya... i still held on. ginawa lahat ng kaya kong gawin. tinanggap lahat ng mga sinasabi nya kahit na-o-oofend na ako. nag-agree sa lahat ng gusto nya. para lang mailigtas ang relasyon namin.

pero, napagod din ako.

nagtext sya sa akin na kailangan daw naming mag-usap. at tinanong ko sya...

"quick question lang. what will we talk about?"
"tungkol sa atin."
"what about? tungkol sa status natin? sa kung ano nang meron sa atin?"
... no reply...
"i'll be honest. nararamdaman ko nang may mali sa relationship natin. i don't know kung sinong may kasalanan, basta alam kong things are not good. now, let me ask you, are you willing to fix the problem or would you rather just end the contract?"
"hindi ko alam kung ano nangyari, at kung paano nangyari. basta ang alam ko, ayoko nang ituloy."
"okay, end of contract then."

at, bagamat ayokong gawin... naiyak ako. nasaktan ako na ganun ganun na lang kami natapos. ayoko na rin namang magmakaawa at magpilit na ayusin ang relasyon dahil umamin na sya na sumusuko na sya. kaya umiyak na lang ako.

nakakainis. kahit sa pagbebreak namin, sya pa rin ang may winning hand. umiyak ako ng umiyak, at panigurado ay tuwang-tuwa sya. after all, making people cry is his business.

para sayo... alam mong minahal kita. kahit na binabawalan mo akong sabihin na i love you, ngayon ay sasabihin ko sa lahat na minahal kita. pero, sa course ng relationship natin, alam mong ako ang maraming ginawang adjustments and it seems like you did nothing on your end. napapagod din ako, at salamat for making me realize na kaya ko rin palang mas mahalin ang sarili ko kahit paminsan-minsan. enjoy your freedom. wala ka nang nanay na nangangaral sayo kapag late or absent ka sa work. wala nang mga korning jokes at pickup lines na ikinakainis mo. wala nang stalker na nagbabasa ng things about you. for sure, masaya ka na.

as for me... don't worry... pipilitin ko pa rin maging masaya. pasasaan ba't darating din ako dun.

AWOL... absolutely without love....

09 April 2012

The Galera Chronicles: Mindoro Fling


and so i am back from galera. tanned, henna-fied, and full of stories to tell! iba't ibang genre! sa loob ng apat na araw attatlong gabi sa islang mahal ko, napakaraming kaganapan na masarap ikwento ang nangyari. sa dami, kailangan ko s'yang hatiin sa tatlong portion! and, now, let's start The Galera Chronicles!

Night 1: Mindoro Fling

at matapos nga ang ilang araw ay dumating na ang pinakahihintay na huwebes. ito ang araw bago ako lumarga sa galera. itinext ko si Chino para i-remind sya tungkol sa schedule ng bus na sasakyan namin. sa kalagitnaan ng hapon, may nagtext. at dahil nga nawala yung phone ko, hindi ko kilala kung sino. nung tinanong ko, sumagot sya. si Kyle, officemate ko dati. tinatanong kung pupunta daw ako ng galera dahil gusto nyang sumama. dahil nangangailangan ng maraming kasama para makatipid, pumayag ako. and besides, matagal  na kaming hindi nagkikita ni Kyle. maraming kwento na ang kailangan namin pagsaluhan.

huwebes ng gabi tsaka ko lang na-realize... i am going to galera with my last ex-boyfriend (Chino) and a lifelong crush (Kyle)!!! now, how exciting could this be? hindi ko alam! bahala na.

biyernes ng madaling araw ng nagkita-kita kami. sinundo ko muna si Kyle sa cubao at sabay kaming pumunta sa bus terminal. malaki ang ipinayat ni Kyle, pero hot pa rin sya. kitang-kita pa rin ang cuts ng mga muscles nya, kapartner ang matamis nyang ngiti. kung anong laki ng ipinayat ni Kyle, sya namang laking itinaba ni Chino! well, hindi naman oa sa taba. but he gained quite a lot of weight. pero, pogi pa rin.

dahil last 3 passengers kami sa bus, magkakahiwalay na kami. matapos ang mga dalawang oras na byahe (madaling araw kasi, walang traffic) ay dumating kami sa pier. sa wakas at napagkilala ko ang dalawa. at ang inakala kong supladuhan na magaganap (likas na maldito si Chino, at tahimik naman si Kyle) ay nauwi sa matinding kulitan habang naghihintay ng bangka. isa lang ang nasabi naming tatlo... ang weekend na ito ay mapupuno ng kakulitan! at nagsimula kami sa paborito naming pastime ni Chino... laitan! ewan! lahat na yata ng kalait-lait sa pier eh hindi lumagpas sa amin. pero, patawang laitan naman, hindi yung bastos. basta, ganun!

dumating ang bangka at nakarating kami ng puerto galera matapos ang isa't kalahating oras. nagsimula kami sa paghanap ng kwarto. pero dahil tatlo lang kami, medyo mabigat sa amin ang sharing. so umandar na naman ang pagiging kuripot naming tatlo.

agad na nagsimula ng text brigade si Kyle at si Chino sa mga kaibigan nila, pwersahang pinapapunta ng galera para may ka-share kami sa kwarto. nagawa ko na yun kaya useless kung gagawin ko ulit. hanggang sa finally, may napapayag si Kyle. in a few hours, darating ang kaibigan n'yang si Jigs. ayus! apat kami! keri na ng budget yun.

nadagdagan pa ang good news sa mga wallet naming medyo hikahos ng i-confirm ng dalawang kaibigan ko na matutuloy sila sa galera. si B1 at B2!!! (di ko na nilagyan ng names, wala naman masyadong significance sa story eh, haha!) yehey! anim kami! kasya kami sa bahay, at malaking tipid!

fast forward na natin... dumating na nga si Jigs, si B1, at si B2! kumpleto na kami. matapos ang mga common activities pag first day (henna tattoo, kain ng halo halo, kain ng ihaw ihaw, lakad lakad sa dalampasigan, boy hunting, etc) at ang unang beses kong sumakay ng banana boat (aka. pencil boat),  dumating na ang unang gabi namin sa galera.

dahil good friday, walang malalakas na sounds na bumabalot sa kahabaan ng galera. pero bukas ang mga bars, at active ang mga boys! marami pa ring tao kahit walang music. pumunta kami sa isang bar at umorder ng mindoro sling. malakas ang loob ko kasi sanay ako uminom ng traydor na inuming ito. unang sabak, isang tower na agad ang inorder namin. dahil may sariling group of friends na nandun, hindi namin kasamang uminom sina B1 at B2 (sabi ko sa inyo, walang significance eh. hahaha!). nagsimula na kaming uminom na apat ng umalis si Kyle. pagbalik, may kasama na syang dalawang friends nya, si Oyah at si Janzen. ex ni Kyle si Oyah at matalik na kaibigan ni Oyah si Janzen. pero, babae si Oyah! nope, hindi pa-girl. girl talaga! babae! female! girlalush!

inom ng inom at kulitan ng kulitan, nagulat na lang kami na nakakatatlong towers na kami. nakakatawa kasi kitang-kita kong tinatamaan na ng espiritu ng mindor sling silang lahat, pero ako, normal na normal pa. at habang nagkakasiyahan, may nagtext sa akin.

"ang saya-saya mo ah! nakakahiyang lumapit."
"sorry, i lost all my contacts. who's this?"
"blog reader mo. si Yuri."
"oh! hello! tara! lapit ka!"
"nakakahiya eh. let's meet somewhere na lang."
"sige. i'll be in mikko's in 30 seconds."
"okay."

at iniwan ko muna pansamantala ang mga kaibigan ko para pumunta sa mikko's na limang hakbang lang ang layo sa akin. tumayo doon at maya-maya pa ay may lumapit sa akin.

"hey! Yuri here."

gustong lumuwa ng mata ko. nakatayo sa harap ko ngayon ay isang lalakeng ubod ng gwapo, makinis, maputi, at super sarap! parang agad agad akong tinigasan nung nakita ko sya! pero syempre, hindi pwedeng ipahalata.

"hey! hi!" sabay abot ng kamay para mag-shake hands. pero instead na kunin yung kamay ko, niyakap nya ako. that time, seryoso ako! tinigasan talaga ako! ahahahaha!

"who's with you?"
"partner ko. tara! dun tayo sa table namin."

and that moment... humupa ang tigas ng junjun ko. akala ko pa naman ako ang unang magkakapuntos sa tally sheet namin (i'll explain this later). pero, okay lang. after all, he's a blog reader, so i have to compose myself and be, er, professional. nagpunta kami sa table nila. at tumigas na naman ang junjun ko!

sitting there is another guy na kasing-hot din ni Yuri.maputi din. makinis. makisig. super yummy.

"hey, this is Jason."
"hello!"

bago pa ako makaupo sa lamesa nila, pinatagay na agad ako ng isang shot ng mindoro sling. sinundan ito ng kwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay (most of which are raunchy topics!) na may kasamang tagay ng mindoro sling every 30 seconds! yes! as in sunod-sunod ang tagay. kwentuhan ng kwentuhan hanggang sa namalayan ko nang sinasapian na rin ako ng espiritu ng sling.

"putangina! may tama na yata ako!"
"hahaha! okay yan!," sagot ni Yuri.
"teka, iihi lang ako."
"dun ka na lang sa shore umihi. may-dip ka na rin para medyo mawala ang lasing mo." payo ni Jason.

sinunod ko ang sinabi nya. habang hinuhubad ang suot na sando, tumakbo ako sa beach, lumublob, at nagpakawala ng ihi. ilang minuto pa, bumalik ako sa table nila... dripping and wet.

"nakaraos!"
"nice! ang hot mo pala pag basa ka." tukso ni Yuri.
"eh kayo nga, kahit hindi kayo basa, ang hot nyo. what more pa kaya kung basa kayo!"

kahit ako, nagulat sa sinabi ko. it's official. may sapi na ako ng sling! tila paandar naman ang dalawang yummy guys.

"aba aba aba! mukhang palaban nga si BoyShiatsu ah. balita nga namin magaling ka daw."
"well... it's for you to find out!"
"wow! paano?"
"paano nga ba?"
"hindi kasi pwede sa kwarto namin eh."
"well... we are in galera... there's always a place where we can do it."
"nice! hanggang anong oras ba kayo iinom?"
"hindi ko pa alam."
"sige sige... lasing ka lang yata kaya mo sinasabi yan eh."
"yah, lasing ako. pero, promise. putangina. pareho kayong masarap, tatanggi pa ba ako?"

at sabay sabay kaming natawa. nagpaalam na muna ako saglit para balikan ang mga kaibigan ko. pagdating ko dun, bangenge mode na ang mga loko loko! mga nakatayo at nagsasayawan na. pero may napansin ako... may nadagdag na isa!

lumapit ako sa table at ipinakilala ako ni Kyle sa kaibigan nyang nadagdag sa table namin... si Matt. isa pang ubod ng sarap na guy! mukhang the stars are lining theirselves for me ah! mukhang makakarami ako tonight!

inum ng inom habang nagkukulitan at naghaharutan. unti-unti nang lumalabas ang sapi ng sling sa aming lahat. si Chino, umiingles na sa pakikibagbarahan. si Kyle naman, pulang-pula na. si Jigs, nagsasalita at sumasayaw-sayaw na (tuod kasi yun eh, hahaha!). si Janzen, indak na ng indak. at si Oyah naman, wasted na talaga. okay okay pa yung tama sa kanila eh... yung sa akin, masama.

habang sumasayaw, bigla ko na lang niyakap si Janzen at sinubukang halikan! halatang nagulat si Janzen at natawa na lang. walang halik na naganap, at tawanan ng tawanan ang grupo. pero, talagang inaatake ako ng kalasingan. maya-maya pa ay si Matt na ang niyayakap ko. at tila hindi pa ako nakuntento, hinila ko palapit sa bibig ko ang mukha nya sabay dakma sa junjun nya! kitang-kita sa mukha ni Matt na nagalit sya at agad nya akong itinulak. muntik na akong mapaupo sa lakas ng pagkakatulak nya. bigla syang umalis at sinundan naman agad sya ni Chino. napaupo lang ako saglit dahil sa nangyari.

"okay ka lang?" tanong sa akin ni Janzen.
"yah! of course! ako pa!" sabay tayo at shot ulit ng mindoro sling.

inom lang ng inom, pilit kinakalimutan ang kahihiyang ginawa ko kani-kanina lang. naparami pa ang inom at naparami pa ang kulitan. hanggang sa sobrang kalasingan, dun ko na lang napansin... nawawala na ang telepono at ang wallet ko!

kahit lasing na lasing, pinilit kong tumayo at maglakad pauwi, baka sakaling matagpuan ko dun ang mga nawawala kong gamit (kung paano man sila napunta dun mula sa bulsa ko, hindi ko na inisip yun). mabuti na lang at kahit papaano ay aware pa ang utak ko kung saan ang daan pauwi sa amin. kung hindi ako nagkakamali ng bilang, mga apat o limang tao ang nakasalubong ko at bumati sa akin (tatlo dun, kakilala ko)... at lahat sila ay niyakap ko at dinakma ko! pero yung reaction naman nila is hindi kasing-harsh ng reaction ni Matt. lakad lakad lakad... at nakita ko nga ang mamang na-offend ko... na nakikipaglampungan!

so ayun naman pala... kaya nya ako itinulak ay hindi dahil sa ginawa ko... kundi dahil hindi nya ako trip.

hurt ang ego, binilisan ko ang paglakad pauwi. nakaabot ako sa bahay at natagpuan ko dun si Jigs.

"uy, ayus ka lang?" tanong nya sa akin.
"yah! yah! i'm fucking okay. bakit ka nandito?"
"iiwan ko lang phone ko. tsaka mag-shower lang."

at dun ko lang napansin... oo nga... naka-towel lang si Jigs. maganda pala ang katawan nya... masarap din.

"oh, okay. paihi muna."
"sige."
"if you want, you can take a bath while i'm peeing."
"hinde. sige. okay lang ako."
"tara na! take a bath na! i wanna watch you!" natawa ako sa sinabi ko. at hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun.
"hahahaha... lasing ka na."
"hahaha... oo nga eh."
"sige, higa lang ako dito sa sofa, gisingin mo ako pag aalis ka na. sama ako."
"okay."

nawala sa utak ko na kaya ako umuwi ay para i-check ang telepono at wallet ko. agad akong dumapa sa sofa at nakatulog. ilang minuto pa, naramdaman ko na lang na ginigising na ako ni Jigs... at sinigawan ko sya!

"putangina! nakita nang natutulog yung tao eh."

hindi ko na maalala kung anong nangyari after. basta sa susunod na pagdilat ng mata ko, maliwanag na.

pumasok ako ng kwarto... at nakita ko sa lamesa ang cellphone at wallet ko. nakahinga ako ng maluwag. nakahiga na rin sa dalawang malaking kama ang limang housemates ko. bumalik ako sa sofa para matulog ulit, umaasang makakalimutan ko at ng lahat ng kasama ko ang mga kalokohan at kahihiyang ginawa ko ng magdamag na iyon.

and the first night in galera ended... and based sa mga naging kwentuhan namin the next day, here's the update for our tally sheet ng kung ilang tao ang "natikman" namin.

Chino -- 2
Kyle -- 1
BoyShiatsu -- 0