we found love in a hopeless place
we found love in a hopeless place
paulit-ulit ang kantang yan sa ipod ko habang palakad-lakad ako sa isang cheap na mall sa pasay rotonda. (natawa ako, i have to google the lyrics to the song pa, pero yung chorus part lang naman yung kailangan ko. stupid! haha!) paikot-ikot habang pinapatay ang oras. sa paglalakad, hindi maiwasang makakita ng mga couples na sweet-sweetan sa kahit saang bahagi ng mall... nakakainit ng ulo! hoy! umpisa pa lang ng pebrero! wag kayong excited!
at sa paglalakad-lakad ko nga ay may nakilala ako. nung una ko sila (yup! sila!) nakita, naisip ko agad na mag-ki-click kami. at hindi nga ako nagkamali. yung isa, medyo familiar sa akin. madalas ko na syang nakikita. yun namang isa, i have no idea. though marami nang nakapagsabi sa akin tungkol sa kanya. without any adieu, nilakasan ko ang loob ko at naglakad palapit sa kanila. paglapit ko pa lang, may spark na agad. ang problema nga lang, dalawa sila. pero wala akong pakialam. ang mahalaga... naramdaman ko yung kakaibang pakiramdam na attached na agad kaming tatlo sa isa't isa't isa.
my friends, i introduce to you... Ella and E! (yup, babae't lalake!)
bukod sa pagiging good-looking, masasabi kong pareho silang matalino. Ella may look like the typical kikay girl (Anne Curtis ang peg) but she is one hell of a story-teller... pag nagsalita na sya, makikinig ka talaga. E, on the other hand, seems a little reserved at first... pero alam mong may itinatagong kulit sa loob. at hindi ako nagkamali. ilang minuto pa lang, lumabas na agad ang pagiging "jologs" ni E.
na-meet ko sila sa national bookstore... si Ella, 130 pesos. si E naman, mas mahal. 220 pesos.
kung di mo pa rin gets... eto na nga. si Ella at si E ay mga bloggers na ngayon ay may libro na... compilation ng mga blog entries nila.
simula ng magkaroon ng marami-raming readers ang blog ko, may ilan ilan nang nag-i-email sa akin comparing me to Ella Number 88. and i was like... who the fuck is Ella and bakit sya may number? at nakakaloko pa dito, kahit yung bestfriend ko nung bata ako (na bihirang mag-internet) eh kilala si Ella Number 88! nakakaintriga, sobra. pero hindi ko alam bakit hindi ko man lang naisip i-google ang nasabing babae nung mga panahong yun.
at nung pumapatay nga ako ng tao, ah este, ng oras sa national bookstore ay nakita ko ang libro nya. Ako si Ella: Confessions of a Masahista. all this time, i thought original yung idea ko na masahistang nagkukwento ng mga karanasan nya. hindi pala. binasag ng babaeng ito ang trip ko... kailangan ko syang mabasa!
binili ko ang libro at sinimulan agad itong basahin. potah! first few stories, and i cannot see myself letting go of the book na. this bitch is effin smart! and her stories... sobrang naka-relate ako.
isa syang blogger na nakilala dahil sa mga witty, funny, at scandalous na blog entries nya tungkol sa kung paano sya naging masahista, at kung sa paanong paraan na mula sa pagiging inosenteng babae sa barrio ay naging hustler sya sa kanyang napiling trade. at eto nga't gumawa ng libro featuring her blog entries and her stories.
matapos ko basahin... hindi ko maiwasang mamangha kay Ella. nakakatuwang isipin na hindi sya nalamon ng demonyo ng industriya ng pagmamasahe at nanatili pa rin ang kanyang pangarap na maayos ang buhay nya. at maswerte sya at nagawa nyang ayusin ang buhay nyang akala nya ay hindi na mabibigyan ng liwanag. nakakaaliw at sobrang raw ang pagkukwento nya mula sa kung paano syang napasok sa isang massage parlor (dahil sa hirap ng buhay), at kung paano sya nai-train ng mga kasama nya, hanggang sa mga kwento ng makukulit nyang clients (may artista din!), at kung paanong isang swerteng client ang naging turning point nya to pursue her dream of graduating. nakakabuhay ng loob.
let's talk about E naman... and how i wish maging love of my life ko talaga sya! hahahaha!
ito namang isang to, inglishero. title pa lang ng libro... The Chronicles of E! lupet! sa Narnia ko lang narinig na ginamit yung word na chronicles! hehehehe... pero hindi naman sya yung tipong archaic yung words. very conversational, pero he has a very smart way of playing with words. and i love how bitchy he can be! hahaha! hindi sya masahista (well, may isang chapter sa buhay nya that he became a boy-for-hire), and his book focuses more on his adventures in using recreational drugs... all of them. ilang beses ko nang nakikita yung libro nya noon, pero hindi ako nagkainteres na bilhin at basahin yun... ngayon lang!
pero kung kay Ella, kinilig agad ako sa tuwa nung nabasa ko yung mga unang stories. dito kay E, unang entry pa lang... nagtatatalon na ako sa inis at sa tuwa! the first entry is about how he got involved with drugs and what tactics he actually do in order to get it for free. kasama na rin sa first few entries yung encounter nya with someone he calls Mom and Dad... two hot gay guys! pucha!!! INGGIT AKO!!!
right at that moment... parang gusto ko na agad-agad bitawan yung libro at bumili ng ecstasy. pero naalala ko... wala akong pera. kaya minabuti ko na lang na ituloy ang pagbabasa sa mga kwento ni E... little did i know that i will be reading a series of emotional-rollercoaster entries that will definitely drag me in a world na kilala ko na pero hindi ko pa kilala.
grabe ang mga experiences nya. well, hindi naman talaga grabe. medyo normal for a drug addict. pero the way he wrote it, plus the underlying emotions in it... ang galing. mahirap isipin that someone who people may think is "just a junkie" can actually engage people in his world just thru his blog entries. ito yung tipo na kapag binasa mo, whether heavy user ka, tried it a few times, or super clean... you can still relate to what this person is saying, and you will sympathize with him... while laughing with him. as in habang binabasa mo, feeling mo sabog ka rin!
with a serious of life-challenging events sa buhay ni E (based on his book), nakakaiyak (sa tuwa) na isipin that he was actually able to turn things 180 degrees and change for the better. though he has some limitations na this time, buhay na buhay pa rin ang fighting spirit nya to live life and to be a better person. inspiring.
masasabi kong may pagkaka-pare-pareho kaming tatlo nina Ella at E. sa palagay ko, we were young, adventurous, and daring. masyado kaming nadala ng mga sitwasyon na nangyayari sa paligid namin and made decisions na nung una eh hindi namin alam kung maganda ba o hindi. kumbaga, may biglaang pangangailangan na kailangang masolusyonan (maging pera man o pangangati ng katawan). lahat kami inenjoy namin ang daan na pinili naming daanan. live life to the fullest, whatever life we have. we all found love in a hopeless place. we felt that we belong in a world that most people think is not safe to live in (yung underground world, that is). at lahat kami ay nagkaroon ng desire na ikwento ang mga pangyayaring ito sa mga taong hindi naman namin kilala through our blogs. para magpasikat? para mag-inspire? o dahil wala lang kaming magawa sa mga spare time namin? ewan ko.
pero kung may similarities, may differences din. si Ella, nagawa nyang gamitin sa magandang bagay ang mga kinita nya sa pagiging masahista nya. nagawa nyang makapagtapos ng pag-aaral at eventually ay natakasan nya ang masalimuot na mundo ng mga masahista. si E naman, after an OD (overdose) experience, nagawang i-motivate ang sarili at talikuran ang mundong inakala nya ay magiging buhay nya hanggang sa mamatay sya. pero ako, bagama't nasimulan ko na ang unang hakbang (to get a decent job), hindi ko masasabing magtutuloy-tuloy na ako sa pagtalikod sa mundo ng pagmamasahe, sa mundo ng droga, at sa mundo ng sex. i'm trying, God knows it... pero hindi ko alam kung kakayanin ko. sa ngayon, hindi ko masasabing kasingtapang ako ni Ella at ni E para talikuran ang mundong nakasanayan ko na.
pero, kung iisipin ko... dumaan din naman silang dalawa sa panahon na akala nila ay hindi nila kayang talikuran ang mundo nila... pero nagawa pa rin nila. pare-pareho kaming bloggers, pare-pareho kaming mag-isip... so i guess, darating rin yung panahon na mapagtatagumpayan ko rin ang dilemma ko na talikuran ang mundong sa tingin ng karamihan ay marumi. at darating din yung panahon na matatawa na lang ako sa lahat ng mga pinagdaanan ko habang binabasa ko ang mga blog entries ko... na naka-compile na sa isang libro sa national bookstore!
Ella... E... at, er, Enneth (?)... a virtual troika made in blogoheaven! (pero, seriously, i so want to meet E in person!!! at ma-hug sya!! at ma-kiss sya!!! wheeee!!! lande...). dahil may mga tao yatang pinanganak talaga para magsumbulat ng buhay nila online...
oh... btw... hindi totoong patay si Rihanna... joke ko lang yun! hehehe...
ang galing mo talaga enneth! sana damihan mo pa ang posting para magkalibro ka na... promise, bibili ako! labyo...
ReplyDelete>rainheart
"at darating din yung panahon na matatawa na lang ako sa lahat ng mga pinagdaanan ko habang binabasa ko ang mga blog entries ko... na naka-compile na sa isang libro sa national bookstore!"
ReplyDeleteparang narinig ko na ito...
resilience
Sunday ha!!!
ReplyDeletehmp!
naloko ako dun sa bungad mo about rihanna, nag-google agad ako hehe... galing mo tlga magsulat...
ReplyDelete-aejay
matatalikuran mo rin ang pagpo-pokpok sa pamamagitan ng pagiging masahista pag matanda ka na at wala ng gustong kumuha ng serbisyo mo. wait till you're nearing 40s, matagal pa nga to eh baka nga when you are in your mid-30s baka wala ng magpa-service sa yo at darating talaga yon dahil lahat ay tumatanda. sana bago dumating yon eh me disenteng trabaho ka na better yet a businessman. kaya yung mga kinikita mo sa pagpopokpok eh pilitin mong makapag-ipon para kung dumating yung time na yun eh hindi ka kawawa. o kaya pagpatuloy mo ulit ang pag-aaral mo habang kumikita ka pa at mataas pa ang market value mo. you have all the good choices nasa sa iyo na nga lang yan. ngayon kung gusto mong manatiling masahista darating ang panahon na pagmamasahe na lang ang magiging trabaho mo minus the extra service. eh harapin natin ang katotohanan, ang mga bading gusto bata pag me intensyon na magpa-extra service. sino ba naman ang me gusto na magpa-extra sa matanda na. eh kung pagmamasahe lang ang magiging work mo minus the extra eh walang gasinong kita yun. so since matalino ka, gamitin mo ng husto. pag handaan mo ang posibleng maging future mo. parang katulad lang yan ng mga macho dancers, makakapag sayaw ka habang bata ka pa. pag tumanda na... wala na. so balik sa tag-hirap. sa mga sikat na artista naman. sikat ka habang kumikita pa mga pelikula at tv shows mo. pag hindi ka na nagre-rate, goodbye ka na rin. so again kenneth, maging matalino ka hindi lang sa pagsu-sulat kundi sa future mo mismo. just a friendly advice.
ReplyDeleteceasar ^^
haha, naloko mo ko dun, niresearch ko pa naman kung totoo ngang patay na si rihanna.
ReplyDelete