28 November 2011

Immaculada Concepcion

dalawang linggo na lang bago ako magdiwang ng bertdey... pero hindi ko pa rin kilala ang tunay kong ama! tama ang nabasa nyo. illegitimate child ako.

yata.

mga 8 years ago ng nangyari ang isa sa pinaka-significant na pangyayari sa buhay ko. matapos ang 24 years ng pagsasama, naghiwalay ang nanay at tatay ko. ang dahilan, third party. may bagong kulasisi ang tatay ko.. kapitbahay namin, and 20 years younger than him. ganyan katinik ang ama ko. ika nga, age doesn't matter.

matahimik ang paghihiwalay... kasi paggising ng mum ko, wala na ang tatay ko sa bahay. ganun katahimik. pero kung matahimik ang paghihiwalay, ma-isyu ang after-break-up. walang sinabi ang relasyong Piolo-KC sa dami ng mga intriga at pasabog na kumalat after maghiwalay ng parents ko. nandyan yung kesyo ang dahilan ng dad ko kung bakit daw sya humiwalay sa mom ko dahil daw mas marami pang atensyon at pag-aaruga na ibinibigay ang mom ko sa apo nila kaysa sa kanya. nandyan yung tipong ipinapakulam daw ng pamilya namin ang pamilya nung babae kaya hindi gumaling-galing yung sakit ng nanay nung babae. at ang pinaka-kontrobersyal sa lahat...

anak daw ako ng nanay ko sa ibang lalake.

syempre tinawanan lang yun ng mga kakilala namin na nakarinig. kahit nanay ko, tinawanan lang yung. pero para sa akin, hindi nakakatawa yun. para i-disown ka ng tatay mo ng ganung kadali, hindi maganda sa pakiramdam yun. sa aming dalawa ng ate ko, ako yung kamukhang kamukha nya. all my life, i tried my best to win his attention. hindi sya pumunta sa kahit anong graduation or recognition ceremonies ko. hindi ko agad naidedemand sa kanya ang kung ano mang gusto o kailangan ko pero sa ate ko, isang pitik lang bigay agad. at sa paglaki ko eh wala akong naalalang kahit anong pagkakataon na naging proud sya sa akin. siguro nga kasi eh hindi nya ako anak. daw. kaya pala nung panahong magkahiwalay na sila ng mama ko, at kailangan ko syang puntahan weekly for my school allowance, literally eh kailangan ko pang manlimos o umiyak para sa kakapirasong halaga na kasya lang sa dalawang araw.

hindi ako anak ng tatay ko. kahit hindi ako masyadong close sa kanya, masakit na marinig na manggaling sa sarili mong ama ang ganung mga salita. sige, sabihin na nating nasabi nya lang yun dahil "bitter" sya sa paghihiwalay nila ng mama ko kaya kailangan nya gumawa ng ganung klaseng issue para makuha nya ang simpatiya ng tao. pero, kailangan ba talagang ganung kabigat na statement ang ikalat nya? itanggi ang sarili nyang anak? siguro naman that gives me enough reason to disown him as well.

sa una, mahirap at sobrang sakit. pero habang tumatagal, naging madali na rin sa akin... hindi ang patawarin sya. naging madali sa akin ang kalimutan na rin sya bilang ama.

isang beses na magkausap kami ng mama ko, may binanggit sya sa aking balita.

mama: ang tatay mo daw, nak, may tumor yata o cancer sa apdo. hindi ko sigurado eh. basta, may sakit daw.
me: ah... okay. hayaan mo sya.
mama: puntahan mo kaya.
me: ayoko. hindi ko naman kaano-ano yun.
mama: ano ka ba anak? matagal na yun. hindi mo pa rin ba napapatawad ang ama mo?
me: eh hindi ko nga kilala kung sino tatay ko diba? sabi nya hindi nya daw ako anak. kasi naman ma eh, sino ba talaga tatay ko? hanapin nga natin, baka sakaling sobrang yaman pala ng tatay ko, edi instant yaman din tayo! hahahahaha!
mama: hahaha! siraulo ka talaga. manang-mana ka sa ama mo.
me: eh hindi ko naman kilala kung sinong ama ko eh!

at tuloy lang ang tawanan namin ng mama ko habang kumakain. though naniniwala naman ako sa sinasabi ng mama ko na anak nya ako sa kinilala kong tatay ko. and besides, tali sa bahay ang mom ko sa buong panahon na magkasama sila ng tatay ko, paano syang magkakaanak sa ibang lalake? between my mom and my dad, ang tatay ko ang maraming history ng pambababae at pangangaliwa (isa pa sa mga namana kong traits sa kanya, kaso sa lalake ako! ahaha!). ang mom ko, daig nya pa ang loyalty ni Chavit Singson kay Manny Pacquiao pagdating sa tatay ko.

so kung iisipin... anak ako ng mom ko, pero hindi ako anak ng dad ko... aha! immaculate conception baby ako! tama! ipinanganak ako sa pamamagitan ng himala! sa bulong ng isang anghel (o demonyo?) sa nanay ko! nabuo ako ng walang pagtatalik, at sigurado akong nung araw na ipinanganak ako (one day after immaculate conception) ay may isang maliwanag na tala rin na lumabas sa kalangitan.

tama! yun siguro yung rason kung bakit medyo kakaiba ako compared sa mga kaedad ko. yun yung rason kung bakit i talk about random stuff everytime. yun ang rason kung bakit mahilig akong kumanta at sumayaw kahit nasa kalsada ako at naglalakad, walang pakialam kung ano ang sasabihin ng mga nakakakita sa akin. yun ang rason kung bakit mahilig ako sa mga foreign language songs kahit hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila. yun ang rason kung bakit mahilig akong tumambay sa loob ng cr kahit wala naman akong ginagawa. yun ang rason why people say that i have the incredible gift of gab (kahit hindi ko naman kilala si gab at hindi ko alam kung bakit nya ako binigyan ng incredible gift). yun ang rason kung bakit matatas akong magkabisa ng mga linya at detalye sa commercial. yun ang rason kung bakit nakakasabay ako sa mga golden sunday music kahit hindi ko naman alam yung kanta. yun ang rason kung bakit mahilig ako makipaglaro at makipagkulitan sa mga pulubi. yun ang rason kung bakit ako weird... kung bakit ako special... kasi immaculate contepcion baby ako!

sabi na nga ba, all this time, i am someone different! teka, i should inform wikipedia about this.

5 comments:

  1. sabi nga nila, sometimes your dreams aren't what life has planned... hang in there, Kenn ☺

    ReplyDelete
  2. I understand better. Let's talk.

    ReplyDelete
  3. i salute you ken for this write-up, you can still share in lighter mood all your heartaches and pain even how much painful it would be in reality . . . but given na kasi and we really can't change what had happened, at least you can give a laugh out of this and share it while hurting inside . . .

    jio

    ReplyDelete
  4. ****yakap**** kakaiba ka talaga...:)

    ReplyDelete
  5. hahahaha galing mo talaga ken...

    ReplyDelete