habang kumakain ako sa mcdo, may nakita akong nag-park na sasakyan. nakaw-atensyon ang kulay... dilaw. at nakaw-atensyon din ang design... mukhang tamiya! (sino nakakaalam ng tamiya? taas ang kamay!). lumabas ang lalaking malaki ang tiyan at mukhang nagmumurang kamatis na, suot ang magandang shades (kahit gabi!) at may dalang ipad. pumasok sya sa loob ng mcdo at sabay-sabay syang binati ng grupo ng halu-halong kabataan na nakaupo sa katabi kong lamesa.
"upline!!!"
sabi na nga ba. hindi ako nagkamali ng hinala. ang kamatis na ito ay isang multi-level marketer... aka networker!
sino ba sa atin ang hindi nakakaalam sa networking? mas kilala sya dati as pyramid scam, but networking was able to clean it's name (i guess) at heto't humahataw na naman sya. ang dami dami na nga nila ngayon eh.
maraming beses na akong nag-attempt na sumali sa networking, sa pag-asang kagaya ng mga pinapakita nilang housewife, estudyante, doktor, sales clerk, magsasaka, taxi driver, at water lily na yumaman dahil sa networking ay magkakaroon din ako ng chance na magkaroon ng limpak limpak na salapi. sa apat na pagkakataong sumali ako at gumastos para sa joining fee (bale 8k + 12k + 16k + 8k = 44k!!!)... wala pa rin akong magandang sasakyan, magandang bahay, or kahit man lang magandang shades. ewan ko ba kung bakit hindi ako sinuswerte sa ganun. madalas namang sabihin sa akin ng mga nakakasalamuha ko sa networking na sa tindi daw ng positive energy ko eh payaman daw talaga ako. lahat na silang mga bumati sa akin, mapa-upline, downline, crossline, blue line, yellow line, at purple line, ganun ang sinasabi. pero hindi pa rin ako mayaman. sundin ko lang daw yung sistema. eh sus, kahit yata naghihingalo na ako at naka-register na para sa huling hantungan ay kayang-kaya kong i-recite na "isa sa kaliwa, isa sa kanan, may pair ka, equals pera!" pero wala pa rin. i did everything they taught me para maka-invite at makapagpalaki ng network, pero olats pa rin. kagaya nila, nangangarap din naman ako ah. bakit sa kanila, nag-materialize, pero sa akin, hindi?
isang araw na nasa business opportunity meeting ako kung saan sabay-sabay kaming pumapalakpak pag may tinatawag na pangalan at sumisigaw ng "good morning" kahit palubog na ang araw ay may nagtext sa akin.
"available ka ba?"
"opo."
"asan ka ngayon?"
"greenhills po."
"good. san juan lang ako."
at pagkatapos mag-usap ng rate at location, umalis na ako sa meeting (tuloy-tuloy pa rin sila sa pagpalakpak at sa pagkamangha sa marketing system, at sa kung gaano kalaki ang pwede nila kitain) at pumunta sa bahay ni Sir Blake. maganda ang labas ng bahay ni sir, pero may part pang hindi tapos. nagdoorbell ako at sinalubong ako ng maid na syang sumama sa akin hanggang sa kwarto kung saan naghihintay si sir. halatang bata pa si Sir Blake, nasa late 20s siguro. tutok na tutok pa sa computer si sir ng dumating ako.
"good evening po."
"uy, pasok. upo ka muna dyan. tapusin ko lang to."
umupo ako at nagmasid sa kwarto ni sir. maraming mamahaling damit. high-end ang entertainment showcase nya, kagaya nung mga pinamimigay sa mga palabas ni Willie Revillame. maraming magagandang sapatos. isama pa natin ang magandang bahay at magandang kotse na nasalubong ko sa parking area kanina, halatang alta-sosyodad at nakaaangat sa buhay si Sir Blake. napasilip sa ginagawa niya sa computer nya, baka sakaling magkaroon ako ng idea sa sekreto nya sa pagyaman. per wala akong napala. design ng christmas tree ata yung ginagawa nya. puro bilug-bilog eh, at pa-triangle yung shape. maya-maya pa ay natapos na sya. kumustahan, kaunting kwentuhan, at pagkatapos ay naligo na kami ng sabay.
habang nagmamasahe, syempre nandun pa rin ang kaunting kwentuhan. although medyo napansin ko na may pagka-suplado si Sir Blake, kaya hindi na lang din ako masyadong nagsalita. gaun siguro talaga pag mayaman... nagiging suplado.
matapos ang normal na masahe ay nagsimula na ang extra. i was doing my usual routines ng biglang kumabig si Sir Blake. wow! wild pala ang gusto nya. kanina kasi parang hindi ko sya makausap ng matino, pero ngayon ang gusto nya eh pulupot kung pulupot, baliko kung baliko, bandong kung bandong, tambling kung tambling, contort kung contort. kung kanina eh isnabero si Sir Blake, ngayon eh daig pa namin ang mag-jowang kakatapos lang magbati after how many days of tampuhan! mas matindi pa kami sa make-up sex!
at nakaraos nga kami... at bumalik sa suplado mode si Sir Blake. nagbayad, kwentuhan kaunti, then umalis na ako at bumalik sa meting na iniwan ko kanina. panibagong batch na ang inabutan ko, pero ang taas pa rin ng energy ng mga resource speakers. makinig lang ako ng ilang minuto pa sa mga ito, paniguruhang bibili ulit ako ng isa pang package kahit registered member na ako! ayoko na sana makinig pa, pero umupo pa rin ako. baka sakaling makakuha ako ng technique at maging kasing-yaman ako ni Sir Blake sa batang edad.
lumipas ang ilang araw at patuloy pa rin ako sa pag-attend sa nasabing business opportunity meeting ng ikaapat na networking group na nasalihan ko. saulado ko na yung mga sinasabi at pati yung mga scientific chu-chu ng mga produkto namin, at sa totoo lang ay inaantok na ako. ilang minuto lang ay naka-receive ako ng text mula sa upper upline ko... bumaba daw kami at pumunta sa malapit na kainan dun sa office kung saan kami madalas tumambay. ipapakilala nya daw kami sa upline nya. sumunod naman ako at ang ilan sa mga kagrupo ko. ng malapit na kami sa nasabing kainan, may napansin akong super gandang kotse. malamang yun yung kotse ng upline ng upper upline ko. pero, mukhang pamilyar yung kotse. di ko na lang pinansin. lahat naman kasi ng kotse, para sa akin, eh magkakamukha. bobo ako pagdating sa mga specs at models ng cars.
lumapit kami sa lamesa kung saan nakaupo si upper upline. nasa cr lang daw yung upline nya. kwento kwento kaunti hanggang sa lumabas na nga sa cr ang upline ni upper upline... at hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko.
si Sir Blake ang upline ng upper upline ko!
umupo si Sir Blake sa lamesa. alam kong napatingin sya sa akin at napansin ko yung awkward look sa mukha nya. pero split second lang yun. game face on agad si Sir Blake. kung sa bahay nya eh suplado sya, dito ay smile kung smile si Sir Blake. friendly ag aura, mataas ang energy, at talaga namang alive na alive.
wala akong naintindihan sa mga kinuwento nya sa loob ng tatlumpung minuto. everytime na napapatingin ako sa kanya, hindi ko matanggal sa utak ko yung acrobatics naming dalawa a few days ago, at di ko maiwasan na mailang at matawa dahil nga doon.
ngayon, hindi na nagtetext si Sir Blake. hindi na rin ako pumupunta sa nasabing networking group. patuloy siguro ang pagyaman ni Sir Blake sa pamamagitan ng networking, at ako naman eh patuloy ang pagsusulat sa mga nakakatuwang kwento, umaasang baka sakaling ito ang sagot sa matagal ko nang pangarap na pagyaman.
rule of thumb: If it's too good to be true, it's too good to be true.
ReplyDeleteSayang. I think kung meron mang awkwardness between you, just set it aside. Kasi business is business naman, pagdating sa personal, iba rin yun. Pero, that's just me. Hope na maresolve nyo rin yun. Sayang lang din kasi. I am a networker din pala. :-)
ReplyDeleteawkward naman.
ReplyDeleteuno...dos...tres?
ReplyDelete