20 November 2011

That Awkward Question

matagal ko nang kliyente si Sir Michael. maraming beses na rin sya nagpa-service sa akin. may mga times na aayain nya lang ako na kumain sa labas o kaya naman eh nagpapasama sya sa mall para manood ng sine, pero binabayaran nya pa rin ako. minsan, nahihiya na ako. pero he insists, so pumapayag na rin ako. and besides, trabaho ko nga naman yun. trabaho ko ang mag-escort. hindi lang naman palaging sex eh. at pangit man pakinggan, ang companionship ko ay may katapat rin na presyo. maliwanag naman kay Sir Michael yun, kaya walang problema. at mas lalong walang problema sa akin yun, kasi pag dumadating yung time na kailangan ko ng pera, halos isang text ko lang kay Sir Michael, at solb na agad ang problema ko.

sa maraming beses na magkasama kami ni Sir Michael, masasabi kong marami na kaming napagkwentuhan. marami na kaming napag-usapan. hindi lingid kay sir na bading ako at hindi issue sa kanya yun. in fact, gusto nya nga yun lalo na kapag nag-se-sex kami. at least daw hindi labag sa kalooban ko yung ginagawa ko sa kanya sa kama.

sa edad na late 30s, masasabi kong okay pa rin ang hitsura ni Sir Michael. masarap din sya kausap at kakwentuhan. natutuwa sya kasi napaka-unpredictable ko daw, para bang everyday is a surprise. kaya mabait sya sa akin. kaya hindi sya nagsasawa na kasama ako. minsan natanong ko sya kung bakit nga ba wala syang partner, pero hindi nya sinasagot ng maayos ang tanong. ang palagi nya lang sagot... "basta for today, ikaw ang partner ko, okay?"

ewan ko kung bakit, pero kahit may hitsura at mabait naman si Sir Michael eh hindi ko makita ang sarili ko in a relationship with him. parang may kulang. tsaka siguro yung fact na rin na sayang ang kinikita ko sa kanya kung sakaling makikipag-relasyon ako sa kanya. masama na kung masama pakinggan, pero sa pagkakataong ito, mas umiiral ang pagiging praktikal at, for lack of better words, pagiging mukhang pera ko.

tuloy tuloy lang ang ganung setup namin. magtetext sya, aayain ako lumabas, sasama ako. minsan naman, mangungumusta ako, sasagot sya, then magkakaayaan ulit lumabas. mas madalas na yung pagkakataon na "nagdedate" lang kami kaysa sa masahe with extra, pero lahat yung eh may bayad pa rin akong natatanggap. masaya ba ako sa ganung setup? aba! oo naman! biruin mo, i get to see the latest movies, eat at fancy restaurants, and sometimes eh may take home pang shirt, pants, or anything na galing sa department store. not to mention yung talent fee ko. sarap buhay!

pero habang tumatagal, parang may nagbabago. napapadalang ang pagtetext ni Sir Michael. hindi na kami nakakalabas. busy daw sya, and i respect that. so okay lang. kaso dumating yung time na kailangan ko ng pera, and unfortunately eh walang nagpapa-book sa akin. dun ko naalala si Sir Michael. at isang araw nga ay naisipan kong i-text si sir.

me: kumusta po?
sir: ayus naman. ikaw?
me: okay lang po. di ka nagpaparamdam ah.
sir: eh busy ka naman lagi ah.
me: hindi naman po
sir: umamin ka nga sa akin... ano ba talaga tingin mo sa akin? do you consider me as just one of your clients?

at nagulat ako sa tanong nya. nagulat ako kasi hindi ko alam kung paano ko ba ito sasagutin na magiging win-win situation sa aming dalawa. ano nga ba talaga si Sir Michael? client lang ba? or someone special na? i don't know if i should be blunt and tell him what i want to say, and may end up offending him, or if i should say what he wants to hear, and yet may doubt kasi posibleng maramdaman nya na nagsisinungaling lang ako. and i answered with what i thought was the best answer

me: opo, client ko po kayo. pero isa ka sa mga clients ko na special naman sa akin.

tunog maganda. pero bumanat pa rin si Sir Michael.

sir: special kasi marami kang nakukuha sa akin, right?

eto na nga ba yung sinasabi ko. sabi na dun pupunta to. hindi ko na talaga alam ang isasagot ko. hanggang sa tumawag na si Sir Michael.

me: kumusta po? *jolly, parang wala lang nangyaring awkward sa text*
sir: i'm not okay. hindi ko nagustuhan yung sagot mo.
me: eh, sir. ano ba gusto mong sabihin ko?
sir: yung totoo.
me: eh yun naman po yung totoo eh.
sir: hay naku! ang sabihin mo, kaya ka nangungumusta at laging sweet sa akin kasi nagkakapera ka dahil sa akin. hindi mo ba maramdaman that i like you?
me: sir...
sir: anyway. text na lang kita kung kailan tayo magkikita ulit. busy lang talaga ako sa work.

and the conversation ended just like that. at hanggang ngayon, hindi pa rin nagtetext si Sir Michael.

eto ang isa sa mga problema sa trabaho ko. kahit ako, hindi ko alam how i will draw the line between business and personal stuff. masyadong intimate ang trabahao ko to the point na mahirap na i-distinguish kung trabaho pa ba ito o hindi na. minsan, ako yung nabubulag. ako yung na-a-attach sa client but he doesn't feel the same. madali lang yung eh. iiiyak ko lang yun, emo ng kaunti, and then okay na ako. pero if it's the other way around, pag ang client na ang nagkagusto sa akin, hindi ko alam how to handle it. i don't want to lose a client dahil sa income (oo na, mukha nang pera kung mukhang pera). pero paano kung ipilit nya na mag-relasyon kami? ayoko namang magpanggap na mahal ko ang isang tao dahil lang sa benefits na nakukuha ko sa kanya.

haaayyy...

10 comments:

  1. Tama, where do you draw the line ba? Kasi minsan nag-aaya ng inuman 'yung 'kaibigan' kong masahista. I don't know if he genuinely wants to be my friend or kailangan ko bang mag-abot for that friendship. Kaya minsan, tumatanggi na lang ako. Pero dumarating din talaga kasi sa punto na gustong-gusto ko ng tanungin yang same awkward question na yan. siguro, sa umpisa pa lang dapat ay nagkakalinawan na. para wala ng expectations at wala ng false hopes. haayy..

    i hope you could find enlightenment jan sa dilemma mo. It's hard to be in that situation na ang needs mo ang nakasalalay. good luck mehn.

    ReplyDelete
  2. hayzzZ there's always a catch between what you want to say and what the other wants to hear... hang in there, Kenn ☺

    ReplyDelete
  3. omg. i've written a lot in my blog about this customer - macho dancer/hosto relationships from the viewpoint of the customer.

    But this is the first time i read from the service-giver's point of view. I see myself in Sir Michael, with how I texted some of my former MDs, by the way he texted you. Same language, same tone, pati yung banat. Napa-OMG ako.

    Thanks for the enlightenment. =)

    GB Goer

    ReplyDelete
  4. you are an independent person, you should be the master of your fate. you do not owe anybody despite the things they are giving to you. decide for yourself alone and you will be free and happy. goodluck.

    ReplyDelete
  5. I feel sorry for sir Michael. Mahirap talaga ang mag-mahal, lalo na kung ang mahal mo a hindi ka kayang mahalin.

    Sana maturuan ang pusong magmahal.

    ReplyDelete
  6. hi kenneth, yung totoo..hehe..baka nman karelasyon mo na yang Sir Michael na yan ngayon...Nilagyan mo lang ata ng konting twist ang kwento mo para masabing always available ka as a masseur/callboy/escort despite of having a karelasyon... Parang selos ata ako upon reading the story..huhu...

    ReplyDelete
  7. ay ganun... sa tingin ko lang, mas lamang kasi sayo, ang "draw the line ek-ek mo". you should stick to your so called "template", na "professional fee" and free meals kung meron man...although, you didnt asked for it, shopping spree, should be a "no-no", matuto kang tumanggi, para di mag-expect or masira ang relation nyo as a plain and simple "client-service provider".

    >futureclient

    ReplyDelete
  8. pera lang ba talga nakikita mo kay sir michael mo?

    I think you really have to individualize your treatment/management with the clients, and be stern of the pre-set conditions.

    kung ako ang nasa sitwasyon mo, at nagtapat si sir michael ng pagkagusto sa akin... i'd offer him that we try out the dating. TRY OUT, to see if it's gonna lead to something more. Date kung date, walang perahan.

    in that way, both of you have the same chances of seeing where does the other stand.

    ReplyDelete
  9. Now this is a problem when a client falls for the, sorry for the term used, callboy.

    Money is the only objective why a cb does what he has to do.

    A client pays for a fantasy. There is no harm here as it will be just "business as usual". An epic fail comes in when the fantasy was thought of as a reality.

    ReplyDelete
  10. tsk. i have to agree with the comment above mine -> Money is the only objective why a cb does what he has to do.

    A client pays for a fantasy. There is no harm here as it will be just "business as usual". An epic fail comes in when the fantasy was thought of as a reality.

    i feel sorry for michael. and i cant blame you either. oh well. cest la vie.

    ReplyDelete