10 November 2011

Lashenggo

"san ka?" text ko kay Manny, isa sa mga barkada kong masahista din.
"cubao. may guest ako." reply nya.
"ah. sige. dito lang ako sa starlites. umiinom. text ka pagkatapos. nomnom tayo." sagot ko sa kanya.

tuloy lang ako sa pag-inom, nilulunod ang sarili sa mapait na inumin, kasabay ang paglunod sa malaking problemang tumatambay sa utak ko noon. hindi ko maintindihan kung bakit ang sarap uminom kapag may problema. aware naman ako na pagkatapos ko uminom eh mas malaking problema ang kinakaharap ko... na itago na lang natin sa pangalang extreme hangover.

matindi ako atakihin ng hangover. kung yung iba sakit lang ng ulo ang kalaban, ako parang boss stage na agad. hindi na dadaan sa round one to round eight sa tekken. last stage na agad, si azazel na agad. sagad-sagaran na agad yung effort. bukod sa sakit ng ulo, nandyan din ang pananakit ng sikmura, paulit-ulit na pagbisita sa banyo para mag-number 1 o number 2, pamumula ng mukha at mata, pangangati ng katawan, yung fact na nalagasan ka na naman ng pera sa wallet mo, at ang katotohananang hindi pa rin solved ang problemang pinoproblema mo kaya ka nagpakalasing in the first place.

pero, talagang may psychology na mahirap ipaliwanag sa pagpapakalasing eh. kahit anong pait pa yan, hindi pa rin natin pinipiling uminom na lang ng ampalaya or sampaloc shake kung may problema tayo. sa alak pa rin tayo bumabagsak.

"ano na? di ka na sumagot?" text ni Manny. hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang text nya. busy kasi ako sa paglaklak ng pulang kabayo at pagngatngat ng mani habang tumu-tugs-tugs-tugs sa pinapatugtog na disco music ng bar na syang ikinaliligaya ng mga kalalakihang-slash-kababaihang walang harbat kung sumayaw sa stage.

"uy! sorry. nandito pa rin sa starlites. bakit?" auto-reply ko sa kanya without reading the other messages.

pagkatapos magreply ay tsaka ko binasa ang limang messages ni Manny na nasa inbox ko.

kaya mo ba mag-service ngayon? gusto ni sir ng isa pa.

uy, tara, double tayo. dito lang sa clixs.

tol, reply ka.

uy, ayaw mo ba ng double?

tol?

bago pa lang ako sumasagot sa mga text nya ay tumawag na si Manny. tinawag ko ang atensyon ni ateng waiter para bantayan muna ang lamesa ko dahil kailangan ko lumabas para marinig si Manny, or else eh puro "ha!? hindi kita marinig!!" ang maisasagot ko sa kanya.

uy... oo... lasing na ako eh, okay lang ba?... magkano ba?... saan?... sige.

at bumalik ako sa lamesa, binayaran ang bill ko, at agad na sumugod sa nasabing motel. bahala na si batman kung paano ako makakapagperform ng maayos kahit lasheng ako. ang mahalaga, nasolusyonan yung pangunahing rason kung bakit nga ba ako nagpapakalasing nung gabing iyon... may ipambabayad na ako sa renta ng bahay!

bakit nga ba nagwaldas pa ako ng pera nung gabing iyon para uminom kung ang problema ko eh pera mismo? i guess that's where the deeper problem lies... ang problema ko is hindi ko alam kung ano yung problema ko talaga. tara, inom tayo, baka sakaling makahanap ako ng solusyon sa problema ko.

pocha! lasing na yata ako! hik!

4 comments:

  1. Alcohol numbs the senses.
    It also provides an escape sa kung ano man ang pinagdaraanan mo.
    Tama na hindi s'ya nareresolba ang problema ng alak, pero wala naman nagsabing kelangan mo lunurin mo ang sarili mo sa problema.
    Kaya ako umiinom noon. Kahit sa kaunting panahon eh may escape man lang ako.
    I was borderline alcoholic before. Hahah
    Now, I have asphyxia when I drink a certain amount of most of the popular liqueurs and spirits.
    I can't have too much beer since I have gout.

    But I still say, “Inom lang!”
    As long na hindi ka umaabot sa puntong puro escape nalang ang gusto mo at nakakasira na xa sa pinagkakakitaan mo. Go lang.

    ReplyDelete
  2. sabi nga nila the solution to a problem creates another problem... hang in there Kenn, you'll live to tell the tale ☺

    ReplyDelete
  3. Ganun siguro talaga tayo.laging INOM ang sagot sa lahat ng problema.
    So paano performance ng lasheng?

    ReplyDelete
  4. Well, sometimes and ironic as it may seem, in our drunkest stupor we seek enlightenment. Some find it.

    ReplyDelete