wala kasi ako magawa sa isa sa mga pictures ko... kaya eto...
gumawa na lang ako ng banner! kaso sobrang liit! ahahahaha!
* * * * *
ipis!
malaki akong tao pero takot ako sa ipis. lalo na yung mga lumilipad, also known as brown butterflies. sa boarding house, halos lahat kami eh takot sa ipis. one time habang kumakain kami, biglang may lumipad na ipis at nag-landing sa lamesa (buti hindi sa mga pagkain). daig pa namin ang mga pasahero ng eroplanong nag-emergency landing sa isang nasusunog na palaisdaan sa commotion. may nagtakbuhan, may napatayo sa upuan, at lahat ay napasigaw. mabuti na lang at may naglakas-loob na hawiin at patayin yung ipis, dahil kung hindi eh malamang last supper na namin yun. buti pa dun sa dati kong tinutuluyan sa sta mesa, walang ipis, kaya kahit mag-isa akong kumakain ng hapunan ay sigurado pa rin akong hindi ko huling hapunan yun.
isang gabi ng mga solong hapunan na yun (naisip ko lang, bakit pala hapunan ang tawag... kung umaga, umagahan. pag tanghali, tanghalian. pag gabi, diba dapat gabihan?) ay may nagtext sa akin at nagtatanong kung available daw ako. sa sta mesa daw kami mag-check-in dahil maraming options. pumayag ako tutal sobrang lapit lang. at makalipas nga ang 15 minutes, magkasama na kami ni Sir Basty.
"san ba maganda dito sa sta mesa?" tanong nya.
"hindi ko rin alam. hindi ko pa napapasok yung mga motel dito eh."
ang dami dami dami dami dami dami dami (tuloy tuloy lang... dami dami dami...) ko nang napasok na motel, pero nagtataka ako kung bakit nga ba wala pa akong client na nagpa-book sa akin na dito sa mga motmot sa sta mesa ako dinala. madalas eh sa pulang motel na may babaeng hapon (fine, sige, hotel na! hindi motel!), o kaya naman eh dun sa may babaeng itim na naka-senyas na "psst, wag maingay, nasa library kayo!". nadala na rin ako sa motel na kulay blue and yellow yung sign kung saan yung pangalan ng motel (clue... adjective sya!) eh hindi naman bagay sa mismong motel. at marami pang listahan ng mga napuntahang motel. pero dito sa sta mesa chain of motels and apartelles, wala pa talaga. first time ko ito. naks! may ibang anggulo pa pala ako ng pagka-virgin!
"sige, ikot ikot na lang tayo. hanap tayo." suhestiyon ni Sir Basty.
ayus lang sana yung suggestion nya eh... kung may sasakyan! kaso, wala! kaya ayun, lakad lakad lang kami ni Sir Basty sa kahabaan ng mga motel na may kanya kanyang promo at kanya kanyang picture ng pancit guisado. hanggang sa finally ay nakapili na kami ng motel... pangalan pa lang, humahalimuyak na!
pumasok kami sa nasabing motel at ang weird lang dahil taxi room pa rin ang ibinigay sa amin kahit wala namang kaming taxi o sasakyan. yun lang pala ang mga available. in fairness, maganda naman yung labas nung motel. halatang bagong pintura pa lang... kasi kalahati pa lang yung maganda. yung kalahati, hindi!
pagpasok namin sa kwartong na-assign sa amin... seryoso... tumayo ang balahibo ko! kung anong ganda ng kalahati ng labas ng motel... natunaw lahat!
halatang lumang luma na yung motel. mula sa mga nagniniknik na pintura sa pader, at sa marka ng mga tinanggal na ceiling fans at mga frames sa pader at sa kisame, sa bulok na aircon na tila hinihika na sa pagbuga ng hangin, at sa maliit na tv na pinuwersa lang na maging colored tv (buti nga at may remote pa, pero props lang yata), at sa ilaw na pakislap-kislap at mukhang puputok na anytime, at bedsheet at pillows na parang hindi nalabhan ng maayos... nakakarimarim yung hitsura ng motel. naalala nyo ba yung "bates motel" sa fear factor dati? pakiramdam ko itong motel na ito yung runner up nya. creepy creatures na lang ang kulang (which i am still unsure kung meron nga o wala!) or dugo na lumalabas sa gripo at sa shower (which i am hoping na wag naman sana!).
"shower lang ako." sabi ni Sir Basty na parang hindi man lang naapektuhan sa hitsura ng kwarto. hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya at sabay kaming maliligo sa dugo o hintayin ko na lang sya sa kama at mag-isa kong harapin ang lagim ng pesteng kwartong ito. takot ako sa dugo, kaya mas pinili ko na lang na harapin yung lagim. buti na lang at absent yung lagim, so hindi nya ako na-welcome.
lumabas si Sir Basty mula sa banyo makalipas ang ilang minuto. mukha at amoy malinis naman sya, so i guess hindi dugo yung lumalabas sa shower. ako ang sumunod na naligo. kahit na manilaw-nilaw na yung mga tiles at kinakalawang na yung gripo sa lababo, tiniis ko pa ring maligo. malinis naman (yata) yung tubig at matino naman yung sabon.
matapos maligo ay nagsimula na ang masahe. habang hinahaplos ko si Sir Basty ay kinuha nya ang remote ng tv at inilipat ito (so, gumagana pala yung remote! hindi pala props!). pindot pindot pindot at nakuha ni Sir Basty ang hinahanap nyang channel na nagpatayo ulit ng balahibo ko at nagpabilis ng tibok ng puso ko... porn! nope, hindi dahil sa porn yun kaya ako natakot. natakot ako kasi black and white yung porn! at medyo malabo pa! pakiramdam ko talaga any minute eh biglang magugulo yung screen at biglang lalabas si Sadako sa tv... ganung ganun talaga yung hitsura nung palabas. parang mga old movies na nakakatakot.
"ang creepy nitong tv nila! patayin ko na lang." sabi ni Sir Basty. nakahinga ako ng maluwag. salamat at finally eh nadampian na ng katatakutan si sir. kasi ako, kanina ko pa gustong tumakbo palabas habang sumisigaw. but i need to be composed kaya tuloy pa rin ang masahe.
"sir, tihaya na po."
"sige, wait, paabot nung unan."
habang tumitihaya si Sir Basty ay sya namang kuha ko ng unan sa gilid ng kama. pag-angat ko ng unan... tumambad sa mata ko ang tatlong medium-sized na ipis na nagmamadaling gumapang papunta sa sulok (parang yung mga na-re-raid lang sa mga bars!). at hindi ko napigilan ang sarili kong mapakislot, mapalundag, at mapatili.
"putangina!"
nagulat si Sir Basty sa kinilos ko, at nagulat din sya pagtingin nya sa mga ipis. pero, kung ako eh tila mawawalan na ng malay, si Sir Basty naman eh kaswal lang na hinawi ang mga ipis (hindi nya naman kinamay, yung parang nag-shoo lang sya ng pusa).
"okay ka lang?" tanong ni Sir Basty ng nakita nyang halos hindi na ako gumagalaw sa isang tabi.
"opo. pasensya na. takot kasi talaga ako sa ipis eh."
"haha! ang laki laki mong tao takot ka sa ipis. tapakan mo lang."
"ehehehehe... bad yun. masama ang pumatay!"
tinawanan na lang namin ni Sir Basty si Aida, si Lorna, at si Fe (ayan! may pangalan na agad ang tatlong pesteng ipis!). tuloy lang ang masahe, pero nangingilid pa rin ang luha ko at stiff na stiff pa rin ako. hindi ko pa rin maiwasan sumulyap-sulyap sa gilid kung saan ko nakita ang tatlong ipis. nararamdaman kong nakatago lang sila dun at pinapanood ang bawat galaw ko, paniguruhang tumatawa na sila dahil sa takot na pinapakita ko.
"tignan mo si kuya o! naiiyak na!"
"hahaha! ang laking mama, takot pala sa atin!"
"i know, right? girls, i have an idea..."
at ilang segundo pa ay lumabas na naman si Lorna mula sa gilid. nagsimula akong manginig.
"whee! ayun na naman yung ipis!" sabi ko kay Sir Basty.
"teka nga, tayo muna tayo."
nagdalawang-isip akong bumaba ng kama. pano kung pagtungtong ko sa sahig eh sya naman sugod ng mga kabarkada nina Aida, Lorna, at Fe! naku! ayokong isipin. pero wala na akong choice. bumaba rin ako ng kama. pinagpag ni Sir Basty ang kama and then came riot.
tumakbo sa maruming bedsheet sina Aida, Lorna, at Fe... kasama pa ang sexbomb girls! nasa sampu yata yung ipis na biglang nanakbo sa bedsheet! gusto ko na talagang mamatay that time. at kahit naman si Sir Basty, nakita kong kinikilabutan na rin. makalipas ng ilang segundo ay nawala ang mga ipis (hindi ko na napansin kung saan sila napunta at saan sila nagtago, busy ako sa pagsigaw!). medyo iritado, tumawag si Sir Basty sa telepono sa gilid ng kama. maya-maya pa, sinabihan nya akong magbihis na daw kami at lipat na lang daw kami ng ibang motel. nagreklamo pala si Sir Basty at nagrequest ng refund. mabuti naman at pumayag ang management. nag-suggest pa nga daw na ilipat na lang kami ng room, pero hindi pumayag si sir. mas gusto nya pa daw na i-refund na lang yung pera nya. ngayon nya lang naisip yun... samantalang ako, pagpasok pa lang, yun na agad ang idea na pumasok sa utak ko!
ilang minuto pa ay nilisan na nga namin ang nasabing motel, na siyang ikinatuwa ng mga letseng ipis.
"mission accomplished, girls!"
"oh, yeah! let's get this party started!"
at iniimagine ko na kung ano hitsura ng kwartong iyon pag-alis namin. malamang naglabasan ang libu-libong ipis at nag-disco-disco sa maruming bedsheet, manilaw-nilaw na tiles, at punit-punit na pintura sa pader at kisame sa ilalim ng pakislot-kislot na ilaw at black and white na porn show... malamang pati si Sadako eh nakikijamming na rin sa kanila, with matching head throw pa!
and so, i therefore conclude... sa pilipinas pala nag-shooting ang fear factor noon for their bates motel episode! wow!
yaaak!
ReplyDeletemga negosyanteng puro kita lang ang gusto.
Epic fail sa kalinisan yung motel! Nakakadiri lang yung ipis pero wag kang matakot, Kenn, apakan mo lang sila ☺
ReplyDeleteloko talaga yang mga ipis na yan. minsan aasarin ka pa at lilipad sa ulo mo. parang sinasabing 'andito na ko, dadapo na ko sa mukha mo' with matching evil laugh. 'bwahahaha'
ReplyDeleteteaser naman ng pic! wafu!
ReplyDeleteNanginig ako sa istorya mo. Langya naman ang mga pesteng ipis! Kadiri! Iyan ang kinatatakutan ko sa Pilipinas.
ReplyDeleteAY. LOV. ET!!!!! Hahahaha. I wish I was there to film the entire thing. Bongga. Visuals. Dialog. Oscars ito. :)
ReplyDeleteuie ang ganda pala ng mata mo. piercing. tumatagos hanggang kululuwa..sayang nasa davao ako..parang ang sarap mo. i mean ang sarap mong kasama at kakuwentuhan...i admire the way you write. simple. suwabe. walang pretensyon. galing sa puso. may lalim ang pinaghuhugutan. keep it up boy shiatsu. i'm your no.1 fan dito sa davao city.
ReplyDeletedito nga rin sa tinitirhan ko laging party mode ang ipis.
ReplyDeleteat naging hunting game naman ng mga kasambahay ko ang isa isa silang tapakan habang naghihiyawan.
hahaha!! since hindi pa blocked ang site mo sa office, nanamnamin ko...
ReplyDeletethanks...
hahaha!!!
katuwa this post!
Hindi ko naman masyado pinagtatangol ang mga ipis pero, hindi nyo ba naisip na baka biktima din sila ng mga kalupitan natin. saan pa kasi sila titira kung tinataboy natin sila papunta sa madidilim at maruruming lugar. Gustohin man nila palagi sa bahay natin eh, binobombahan natin sila ng pesticide. Kaya wala silang magawa. Panu kung nagbaliktad ang sitwasyon at kayo ang ipis, gusto nyo ba na matapakan nalang. hahaha!
ReplyDeletePero hindi ko din sila gusto, lalong-lalo na pag lumlipad sila. Naisip ko lang ang side nila.