inimbitahan ako ni Popoy na pumunta sa bago nya'ng bahay na malayo pa rin ang location. (teka... naaalala n'yo pa ba si Popoy, na natawag kong Potpot sa isa ko pang entry? read about my adventures with him here and here.) tutal wala naman ako gagawin after work, at matagal na rin kami hindi nagkikita ni Popoy, naisipan kong puntahan s'ya.
matapos ang isang oras sa taxi (ganun s'ya kalayo!), nakarating din ako sa liblib na lugar kung saan nagtatago si Popoy. sinalubong ako ni Popoy sa napagkasunduang lugar kasama ang kanyang bagong alagang aso na mamahalin ang breed (nakalimutan ko lang kung ano).
"uy! kumusta na?," bati nya sa akin.
"ayus naman. grabe, tagalog pa ba ang salita ng mga tao dito? buti may signal pa ang globe?," pagbibiro ko.
natawa si Popoy at nagkwentuhan kami ng kung anu-ano habang naglalakad papunta sa bago nyang apartment. hanggang sa nakarating nga kami sa kuweba nya... at ang sumalubong sa akin ay ang sandamukal na collection nya ng sapatos.
"o, kailan pa dumami ng ganito sapatos mo?," tanong ko sa kanya. alam kong bisyo ni Popoy ang sapatos, pero hindi ko alam na may sarili na pala syang branch ng payless shoes sa bahay nya.
"sponsor!" proud na sagot nya.
sponsor. alam kong malakas si Popoy sa kalakaran ng paghanap ng sponsor... dito sya lamang sa akin. noon, kailangan akong mag-effort paghahanap ng client kung kailangan ko ng pera. sya, isang text lang sa mga sponsors nya, sustentado na agad ang mokong.
pumasok ako sa bahay nya... halos kumpleto sya sa gamit. ref, tv, dvd player (karaoke version pa!), at kung anu-ano pa. aircon na lang ang wala sya, tsaka computer.
"asensado ka na ah!"
"ah, yung mga gamit, bigay nung sponsor ko."
there's the word again. sponsor. hindi ko na lang pinansin. kunyari na lang hindi ako nainggit.
tuloy tuloy lang ang kumustahan at kwentuhan namin sa buhay buhay. ilang buwan na kaming hindi nagkita kaya maraming maraming kwento ang lumabas habang kumakain kami ng very very early breakfast.
"kumusta ka na ba? ano na bang pinagkakaabalahan mo?," tanong nya sa akin.
"ayun. kaka-start ko lang ng work. and then, syempre, yung sideline pa rin." (sideline is yung pagmamasahe)
"naku, hindi mo pa rin itinitigil yun?"
"sayang naman yung extra income eh. ikaw ba, ano na bang source of income mo?"
"ayun, may carinderia ako dun sa kabilang kanto." (mahilig at masarap kasi talaga magluto si Popoy)
"wow! edi ayus kung ganun! buti nakapagpundar ka na for a small business."
"ah, yung puhunan ko, bigay lang din nung sponsor."
sponsor na naman. kaya hindi ko na naiwasan ang sarili ko na itanong sa kanya kung paano nya ba nakilala yung sponsor na yun. ikinuwento sa akin ni Popoy na sa internet nya nakilala ang sponsor nya. doctor daw. may pamilya. pero mahilig din sa boys. at sa pamamagitan ng kaunting paglalandi ay na-engganyo ni Popoy ang doctor para sustentuhan sya. ang doctor na rin ang nagpatigil sa kanya sa pagpopokpok, at bilang kapalit nga ay binigyan sya nito ng puhunan para makapagsimula ng karinderya. pero bukod doon, marami pa raw naitulong sa kanya ang sponsor nya.
karinderya.
buwanang upa sa apartment.
mga gamit sa bahay.
mga mamahaling sapatos, damit, bags, at pabango.
buwanang sustento at panggastos.
at pati pala ang aso na alaga ni Popoy ngayon, galing din sa sponsor.
in short... lahat ng kung anong meron si Popoy ngayon, provided sa kanya ng doctor.
hindi maiwasan ng materyalosong side ko ang mainggit. like, cmon! ako, eto, madalas eh kinakailangang mag-text brigade kapag sobrang nangangailangan ng pera pag may gusto akong bilhin, at madalas eh hindi ko rin naman mabili ang mga gusto kong bilhin dahil napupunta yung pera sa mga mas importanteng gastusin. samantalang eto si Popoy, pokpok din na katulad ko, pero pwedeng pwedeng matulog maghapon magdamag ng ang tanging mabigat na problema lang sa pang-araw-araw ay ang paglilinis ng tae ng aso nyang sosyal. siguro nga swerte lang... kung ganun, kailan kaya ako magiging swerte?
tuloy tuloy lang ang kwentuhan.
"pano mo ba nagagawa yun?," curios na tanong ko sa kanya.
"ayun. lambing lambing lang. magpanggap ka lang na inosente, na mahirap. yung tipong paawa effect. tapos paniwalain mo lang na mag-boyfriend kayo, na mahal mo sya. ayun. sponsor na."
sa pagkakasabi nya, parang ang dali dali. pero alam ko, para sa akin, hindi madali yun. hindi ko kayang magpanggap na inosente. hindi ko kayang magpanggap na mahirap. at hindi ko kayang magpanggap na may espesyal akong nararamdaman sa isang tao para lang sa pera.
"pero, hanggang kailan kang ganyan?," tanong nya sa akin.
"hindi ko alam. hangga't bumebenta siguro."
"ako kasi, ayoko na maging ganyan. ayoko kasi na sa maruming paraan nanggagaling ang pera ko."
napaisip ako sa sinabi nya... maruming pera. ano ba ang mas marumi, ang ibenta at gamitin ang katawan para magkapera, o ang tumanggap ng "donasyon" sa isang tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa kanya na meron kayong espesyal na relasyon? hindi na lang ako nakipagtalo.
matapos ang mahabang breakfast ay natulog na kami. mahaba ang naging tulog ko, dahil bukod sa pagod sa trabaho, siguro napagod din ang utak ko sa kakaisip tungkol sa sitwasyon ko, sa sitwasyon ni Popoy, sa pagkakaiba ng mga sitwasyon namin, at sa pagtimbang kung sino ba ang nasa mas magandang sitwasyon. nagising na lang ako ng bandang alas-dose, sakto lang para sa lunch at para umalis na rin ako ng apartment dahil anytime eh darating ang sponsor nya para bisitahin sya.
binigyan ako ni Popoy ng ilang pirasong t-shirt (yung isa ginamit ko na pamasok), isang bag (mahirap naman magbyahe na may bitbit na mga t-shirt ng walang bag, diba?), at isang sosyaling pabango (kahit hindi naman ako mahilig magpabango kasi pawis ko pa lang, mabango na! yun yon!!) bago ako umalis. hindi nya naman daw kasi nagagamit yun, at sigurado syang pagdating ng sponsor nya eh may dala na namang bagong item na idadagdag nya sa koleksyon nya. nagbyahe ako papunta ng work para kumita ulit ng malinis na pera, suot at bitbit ang mga gamit na para sa akin ay nanggaling din sa maruming paraan... mas subtle nga lang kumpara sa pagpopokpok.
tama, pareho lang galing sa maduming paraan ang perang kinikita nyo. pero tingin ko mas madumi yung ke popoy kase nanloloko na sya ng tao para magka-pera at makuha ang mga materyal na bagay na gusto nya. ikaw kenneth, pinaghihirapan mo ang kinikita mo sa pamamagitan ng pagmamasahe at extra service. si popoy nagse-serbisyo rin sa doctor pero me halo ng panloloko sa pamamagitan ng pagkukunwari na mahal nya ang doctor. ang doctor naman, asang-asa na mahal rin sya. ay nakoh, kawawa talaga mga bakla na ang tanging kasalanan lang ay umibig sa kapwa lalaki. at para ibigin eh kailangang gumastos. sana magising na yung doctor na pera lang ang habol sa kanya ng popoy na yun. pwede naman syang mag hanap ng sandaling kaligayahan at naibsan din naman ang kati nya kesa naman sa mag-ubos sya ng pera sa popoy na yun na inuuto lang naman sya.
ReplyDeleteSa akin, wala naman masama kung may sponsor ka. Ang swerte nga pag ganun. Pero 'yun nga, dapat may limitasyon at marunong tumanaw ng utang na loob. Ang problema lang, paano kapag nag-away at bawiin? Haha. Goodluck na nga lang. :P
ReplyDeletesomehow i'm amazed how you make your living sound so decent.
ReplyDeleteI agree with anonymous. kanya kanyang diskarte, mahirap maghusga di ba?
ReplyDeleteNaalala ko yung isang panahon na ako naman ang nagbigay ng mukha sa isang tigabigay ng masahe na katulad mo.
ReplyDeleteDumaan at nakibasa. Galing mong magsulat. :)