blurry vision.
painful neck.
lightheaded.
hindi naman siguro normal na ganito ang mararamdaman mo sa umaga diba? nung una, sinubukan kong kalmahin ang sarili ko, taking the first aid stuff that i know like loads of water and deep breathing. pero no can do, nandun pa rin ang mga pasaway na pakiramdam. i decided to take a cool shower and even ate a spoonful of sugar (baka kasi lack of glucose na) pero wala pa rin. this time, i knew it... i needed emergency medical assistance.
pero dahil nga blurry ang vision ko, hindi ko magawang mag-text. mabuti na lang at may load pa naman ako kaya sinimulan kong tawagan ang mga kaibigan kong alam kong may easy access sa location ko that time.
"i'm at church now eh."
"kakagising ko lang."
"nasa work ako."
"punta ako ng gym eh."
"masyadong malayo friend."
"oa ka friend. keri mo na yan. taxi ka lang."
"keep me posted. i'm with hon eh"
"kumakain pa ako friend."
"..."
"the subscriber cannot be reached."
the more numbers i dialed, the more frustrated i get. heto ako't natatakot dahil anytime eh alam kong i will pass out, pero eto ang mga "kaibigan" ko't tila walang pakialam sa akin. hindi ko mapigilang umiyak at madepress. sinubukan kong tatagan ang loob ko at wag mawalan ng pag-asa, pero talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko na malungkot, at hindi ko mapigilan na maawa sa sarili ko. and my whole body started to feel numb.
bagama't tila matutumba na ako sa bigat ng pakiramdam ko, pinilit kong dalhin ang sarili ko sa pinakamalapit na hospital... medical city. isinugod ako sa emergency area at agad na binigyan ng sari-saring injection when finally my phone rang...
"hey, i missed your call. bakit?"
"friend, help. i'm at medical city er now. wala akong kasama. can you make it here?"
"shit! sige. be there asap."
at least kumalma na kahit papaano ang pakiramdam ko that a friend will be here while i'm in a down moment. at wala pa ngang 15 minutes ay dumating na ang kaibigan ko, saktong tapos na ako lagyan ng dextrose (matapos ang tatlong attempts... yup... tatlong tusok muna sa veins ko bago successfully nailagay ang dextrose.)
"what happened?" agad na pagtatanong ng kaibigan ko. at ikinuwento ko nga ang mga naramdaman kong symptoms nun. sya na ang pinag-fill-out ko ng forms dahil hindi ko kakayanin magsulat dahil sa dextrose.
after filling out the forms, sinabihan ako ng doktor na kailangan daw ako i-admit for further medications and observations. dahil worried sa kalagayan ko, umoo na lang ako. pero kailangan daw ng consent ng isang family member for me to be admitted.
eto ang ayokong gawin. ayokong malaman ng pamilya ko na nasa masama akong kondisyon dahil sobrang ipagaalala nila yun. alam ko naman kasi na proper hospital procedures or medications can save me from what i'm feeling. pero to them, being hospitalized is a very big issue, and lalo na pag nalaman ng mum ko na naospital ako... tiyak, dalawa kaming maoospital! pero wala akong choice.
i asked my friend to contact my sister. and i also talked to my sister and asked her to go visit me in the hospital without informing my mum. na-gets naman ng ate ko kung bakit ayaw kong ipaalam sa nanay ko ang nangyari.
dumating si ate matapos ang isang oras... kalmado at ayus na ang pakiramdam ko. nag-usap kami tungkol sa nangyari. i must admit... iba pa rin pala talaga kapag kapamilya mo ang kasama mo sa mga ganitong panahon.
kinausap ng doktor ang ate ko at ipinaliwanag ang proseso ng admission. inasikaso ni ate ang mahabang process at maya-maya pa ay bumalik na sya... dala ang isang magandang balita...
kailangan kong mag-deposit ng sampung libo bago ako mai-admit.
that time, parang gusto ko na lang hilahin yung dextrose na nakakabit sa akin at manakbo palabas. nanlambot akong bigla. gusto kong gumaling, pero saan naman ako kukuha ng sampung libo? wala ring pera si ate ko, at kahit yung kaibigan kong kasama ko noon (na umalis na rin ilang minuto pagkarating ni ate). naiyak din ang ate ko dahil alam nyang wala syang magawa para makapagproduce ng ganung kalaking halaga.
at dahil desperado na ako, kinapalan ko na ang mukha ko at nagtext sa lahat ng pwede kong maitext para makautang. wala na akong pakialam kung ano man ang sabihin nila, na kesyo makapal ang mukha ko para mangutang ng ganung kalaking halaga. buhay ko na ang nakasalalay dito. tinext ko halos lahat, mula sa mga high school friends, to online acquaintances... even to BoyShiatsu clients and followers! nilahat ko na. and bagamat very overwhelming yung concern at support na pinakita nila sa akin, truth struck me that coming up with ten thousand is not an easy task. until a friend gave me a suggestion.
"pwede naman sigurong hindi ka magpa-admit? tutal sabi mo stable na naman ang condition mo. you can sign a waiver saying that you opted to be discharged instead."
oo nga naman. and besides, hindi ko rin talaga alam kung bakit nga ba ako iaadmit.
"for hydration, and para mas ma-monitor ka namin. baka kasi may mga complications na naging effect yung mga naramdaman mo." sabi ng doctor when i talked to her about my decision not to be confined. "pero kung ang concern mo is that you cannot produce this amount of money, we understand naman po. you can sign the waiver."
at nagkasundo kami ng doktor at ni ate na hindi na ako magpapa-admit. pinasign ako ng waiver at tinanggal ang dextrose, pagkatapos ay pinapunta kami ng ate sa billing section para maibigay sa amin ang total quote ng bill namin...
ten thousand eight hundred fifty plus plus!
eto, literally, nanlambot talaga ako. mabuti na lang at nasalo ako ni ate. hindi ko mapigilan ang sarili ko na maiyak ng makita ko ang total bill. ito nga yung mismong rason kung bakit hindi na ako nagpa-admit, pagkatapos, eto, same rin pala yung babayaran ko as outpatient... ay, hindi. mas mahal pa pala!
pumunta kami sa isang gilid ni ate at doon na talaga ako humagulgol. humagulgol ako dahil gusto ko lang naman gumaling at makalabas, pero eto't hindi ko magagawa dahil sa malaking halaga na kakailanganin ko. humagulgol ako kasi nakita ko rin si ate na naiiyak dahil wala rin syang magawa. humagulgol ako kasi hindi ko na alam kung anong paraan ang kailangan kong gawin para makapagproduce ng ganung halaga. humagulgol ako kasi nung dumaan yung doctor na nag-assist sa akin sa harapan namin ni ate ay ni wala man lang syang pakialam na yung pasyente nya kanina eh halos mamatay na kakaiyak. humagulgol ako dahil pakiramdam ko ay katapusan ko na. game over na. wala na talagang pag-asa.
inutusan ko muna si ate na bumili ng inumin... pero ginawa ko lang yun para hindi ko sya makita na nahihirapan at nasasaktan sa sitwasyon ko. pag-alis ni ate, napaupo na ako sa gilid kakaiyak. hindi ko na kasi alam kung anong himala ang gagawin ko para makalabas ng hospital. sa totoo lang, pumasok na sa utak ko na tumakbo na lang palabas at bahala na kung habulin ako ng guard. ganun na ako ka-tuliro kakaisip ng paraan. and, for the first time after a very very long time... i prayed. nope, i did not ask Him to send me help, but i instead asked Him to give me a clarification about the lesson that He's trying to teach me. and, as if i was the quizmaster sa isang game show, hindi pa tapos ang tanong ko ay may sagot na agad.
nag-ring ang phone ko... one of those people who missed my call nung umaga. i told him about what happened and he immediately agreed to use his credit card to pay for my bill. at wala pang 30 minutes ay dumating sya. sinamahan nya kami ng ate ko to pay the bill. hindi napigilan ng ate ko na maiyak knowing that there is a friend who is willing to lend me that huge amount of money. kahit naman ako... naiyak sa fact na merong kaibigan na handang magpahiram ng credit card sa panahon ng kagipitan ng isang kaibigan... akala ko ako lang ang gumagawa nun.
bagama't nabaon sa biglaang utang sa kaibigan, ang mahalaga na lang sa akin nun ay nakalabas ako ng hospital. salamat sa lahat ng sumuporta, nagpakita ng concern, nagdasal (siguro), at nag-asam na maging mabuti agad ang kalagayan ko. this is definitely an eye-opening experience... na kailangan ay palaging handa sa mga emergencies, na hindi lahat ng akala mong kaibigan mo ay maaasahan mo sa oras na kailangan mo sila, na hindi lahat ng taong akala mo ay hindi mo maaasahan ay hindi mo maaasahan, na may mga tao pa ring handang tumulong sa oras ng kagipitan, na sa panahong kagaya nito ay iba pa rin ang halaga ng pamilya, at kahit ilang beses mo syang ipagkanulo ay nandyan palagi Siya kung kailangan mo.
ano findings ng doctor? ano daw sakit mo?
ReplyDeletesana kase aware kang 4k+ kagad ang er sa mga 5star hospitals, excluding procedures na hindi kasama sa er package nila.
ReplyDeleteglad to know you're okay.
ReplyDeleteGod bless you and your friend.
All i can offer are my prayers.
Hope the incident won't happen again. =)
dear, but i thought you had a health card?
ReplyDeleteHey, I think you're missing the whole point.
ReplyDeleteTry to reflect more. Get back to the experience, and try to track what went wrong, so it won't happen again.
Please.
I think, you just had a ...stroke. And it's good that you got to a hospital right away (i'm assuming in less than 2 hours).
ReplyDeleteHow are you feeling right now? Not medically speaking, but from the whole experience? I can't help but feel sad from your experience... yung pagtawag sa mga "kaibigan", pero mga may sariling lakad na ayaw paistorbo.
In times of dire need, you get to meet your true allies.
hmmmm...maybe its time kenneth...
ReplyDeleteHow are you? If you don't mind, ano pala ang sakit mo bakit ka nagkaganun. With my understanding, parang symptoms of stroke yan. You take care boy.
ReplyDeleteken, sorry if i wasn't able to help you in time of need. first, i barely know you, kilala lang kita sa blog na ito. i am just lucky that i was able to guess who you are and your celfone number from a website. second, i really don't have the capacity to lend money, and honestly i'm also in the brink of poverty. sana di sumama ang loob mo sa mga ibang tao na tinuturing mong mga kaibigan (excluding me, na di mo pa namemeet.) i had been in the same situation before but i never got the feeling of being left alone. at the end of the day, they are just friends. kung may ibibigay, eh di maganda. kung wala ok lang din. tutal mas importante ang tumulong ay yung immediate family members talaga. yung kadugo mo, 'ika nga.your true friends may not help you financially but i'm sure they're there to guide you or sometimes rebuke you. anyway, i'm happy that you're fine now, and just to let you know i prayed for your fast recovery.
ReplyDeleteryle (0905-5*38**8)
Kenneth,
ReplyDeleteWhen was this? Naku what was wrong? Grabe naman pala ang bill sa ER pa lang??
I feel for you. I am going through something like this too. Yung mga kaibigan mabilis magbigay ng advice pero pagdating sa matinding pangangailangan, parang dedma na lang.
I am sorry you went through this harrowing experience. I wish I was able to help kahit kasama lang sa ospital at sa gilid to cry.
You do not know me yet...we have not met pero nadurog puso ko sa kwento mo. It is as real as it gets.
Yang mga ER situations ang nagtetest ng mettle ng friendships... it is where the rubber meets the road.
You have a true friend there who lent his credit card. You are worthy to be loved kaya he was there right away no questions asked.
Take care Kenneth. I hope you are well now and are taking health precautions so that won't happen again. Stroke? parang bumabata na yata ang mga stroke victims these days...
Rock
Agree ako on you realization that you should always set aside a little something, in case of emergencies....
ReplyDeleteTigasan, este, taga-san ka ba? marami kasing hospital na malapit sa Med City. Well, tama ka dun sa natutunan mo, kailangan lagi tayong handa - handa sa emergency (lam mo dapat kung saan pupunta sa mga ganitong cases), handa sa pera. pero di naman siguro natin masisisi yung mga taong di agad-agad nakatulong. marahil sa pagkakataon na ito di nila naabot ang hinihingi mong tulong, pero baka meron ding ibang pagkakataon na sila naman ang panggagalingan noon. basta don't lose you're faith in people.
ReplyDeletePS: just want to ask, did you work in a spa in pasig?
Bakit kasi sa Medical City ka pumunta?
ReplyDelete