mahilig ako sa kpop kahit na hindi ko naiintindihan yung sinasabi nila. pero may isang kanta ang girl band na 2ne1 (kung saan kasama si Sandara Park! oo! yung pambansang krung krung!) na english yung chorus kaya hindi ko na kailangan magpilipit ng dila para makasabay habang kumakanta. eto yung lyrics.
i think i'm ugly
and nobody wants to love me
just like her, i wanna be pretty
i wanna be pretty
don't lie to my face
telling me i'm pretty
i think i'm ugly
and nobody wants to love me
just like her, i wanna be pretty
i wanna be pretty
don't lie to my face
'coz i know i'm ugly
amazing diba? for a girl band to claim sa kanta nila na panget sila, when all bands out there promote confidence and beauty... nakakatuwa lang... kasi naka-relate ako.
alas-siyete ng gabi ang usapan namin ni Sir Arvin sa isang mall sa bandang north. kahit medyo malayo at medyo masama ang panahon, pumayag pa rin ako. at dumating naman ako on time, wearing my usual shirt-jeans combo (hindi naman kasi ako mapormang tao). maya-maya pa ay lumapit na sa akin ang isang mamang naka-corporate attire.
"tara, sunod ka lang sa akin."
"sige."
at sumunod ako sa kanya papunta sa isang restaurant. umupo, umorder, at nagkwentuhan. manager sa isang advertising company si Sir Arvin. maporma. maraming gadgets (nakalagay kasi lahat sa table namin while eating). halatang mayaman. hindi pogi, pero dahil halatang alaga ang katawan, nagmumukha na syang guwapo. madalas ang impression ko sa mga taong ganun eh mayabang at arogante... at tila hindi ako nagkamali kay Sir Arvin.
"iba hitsura mo sa picture."
"ah... yun nga yung madalas nila sabihin."
madalas kasi eh sinasabihan ako na i look better in person daw, kaya everytime sinasabi sa akin na iba hitsura ko sa picture eh ganun ang sagot ko. pero this time, iba ang follow-up statement...
"parang mukha ka nang matanda sa personal."
i don't know what to say, so ngumiti na lang ako. pero tila nasa mood yata si Sir Arvin na mang-okray. akala yata eh nasa comedy bar kami.
"you sure na 25 ka lang?"
"yes."
"feeling ko you're older eh."
"stressed lang. medyo kulang sa tulog."
"ah."
buti na lang good mood ako, at masarap yung kinakain ko, kaya hindi ako masyadong nasasaktan sa mga sinasabi ni Sir Arvin. pero, ayaw magpatalo ng lintek na yuppie na to.
"tapos yung damit mo pa, parang pambahay lang. sabi ko wear something maayos eh. baka may makakita sa akin dito, mahahalatang callboy ang kasama ko."
"pasensya na po."
"and mataba ka pala. dun sa pictures mo, you look lean. is that photoshopped?"
"hindi po."
"well, it looks like one to me."
that's it... it's official... hindi maganda ang kalalabasan ng appointment na ito. tinapos lang namin ang kain namin, pareho kaming tahimik, at pagkatapos ay umalis ng nasabing restaurant.
"tara, sa kotse tayo." pag-aaya ni Sir Arvin, at sumunod naman ako. at least, kahit pala inokray-okray ako ni sir eh tuloy pa rin ang appointment. pagsampa sa kotse, ramdam ko pa rin yung awkward thing between us. si Sir Arvin na ang bumasag ng katahimikan.
"tol, cancel na lang natin."
"bakit naman po?"
ANG TANGA KO! hindi ko alam kung bakit itinanong ko pa yun! alam ko na naman ang sagot kung bakit ika-cancel yung appointment, and yet tinanong ko pa. ayan, sinalubong tuloy ako ng masakit na sampal ng mga salita ni Sir Arvin.
"eh hindi kita type eh. pangit ka pala eh. sabi mo okay looks mo."
durog na ako... durog na durog na ako. at i guess that only thing i can do is just accept the fact na talagang pinagngudnguran na ni Sir Arvin ang pride at ang confidence ko sa lupa.
"ganun po ba? ayus lang po sir. ganun po talaga eh. sige po sir, ingat po pagda-drive."
"ok."
at bumaba ako sa kotse nyang amoy medyas at naisipan ko na lang mag-ikot sa mall since wala na rin naman akong pupuntahan, baka sakaling gumaan-gaan pa ng bahagya ang pakiramdam ko.
at sa pag-iikot sa mall ilang minuto ang makalipas ay nakita ko na naman si Sir Arvin na nagkakape sa isang sosyaling coffee shop. at may kasama s'yang lalaki. kung mukha akong callboy, yung kasama nya eh mukhang pokpok! mas maganda lang ang katawan nya sa akin, pero sa ibang aspeto, sa palagay ko, eh lamang naman ako. pero hindi ko na pinansin... rejected na ako eh. kung tutuusin, mas maswerte pa rin sa akin si kuyang mukhang pokpok, maliban na lang kung irereject din sya ni Sir Arvin.
alam ko naman na hindi ako kaguwapuhan, at kung pananamit naman ang pag-uusapan, 2 out of 10 stars ang rating ko dyan. hindi ako maporma. in fact, dalawa lang ang sapatos ko, isang rubber at isang leather. sira pa yung leather shoes. i have less than 30 shirts and less than 10 pants. hindi ako yung tipo ng tao na hindi makakaalis ng bahay kapag hindi perfect combination ang pang-itaas sa pang-ibaba sa belt sa sapatos sa bag at sa mga burloloy. kung vanity naman, ewan ko ba. isa yun sa mga bagay na hindi ko natutunan talaga. malinis naman ako sa katawan, pero hindi ako banidoso. ayoko kasi umabot sa point na oa na ako sa pagpapaguwapo. naniniwala ako sa natural beauty, at naniniwala ako na beautiful naman ang natural beauty ko. pero sadyang hindi lahat ng pinapaniwalaan ko ay pinapaniwalaan ng iba.
ano nga ba ang basehan ng ganda? pisikal lang ba talaga? or pananamit? parang nakakalimutan na ng lahat ang itinuturo sa atin dati sa ce/gmrc classes natin nung elementary tayo... na mas importante ang kagandahang panloob kaysa sa kagandahang panlabas. kung pagkukumparahin, sino sa amin ni Sir Arvin ang mas pangit? ako na hindi masyadong maganda ang anyong panlabas pero mabuti naman makitungo sa tao, o sya na maporma at maayos tignan pero magaspang ang ugali?
kung ibabase sa 90s era, si Sir Arvin siguro yung panget. pero ngayong 2011, i think a big percentage will say na ako yung pangit. iba na kasi ang basehan ng kagandahan ngayon. kaya mas mainam na yata na kapag tinanong ako kung ano looks ko, sabihin ko na lang na pangit ako, tutal yun naman yata yung totoo.
some people can be so mean and judgemental. dapat tumingin muna sila sa salamin bago nila sabihin na panget ang isang tao.
ReplyDeleteinner beauty is still important aanhin ang good looking na tao kung masama naman ang ugali.
awwtss grabee buti mahaba pacensya mo,, ako kahit luklukan ako ng pangit wala pang nagsabi sakin nyan in front of my face parang di ko keri tanggapin pag sinabi ng ibang tao,,,addikk ba sya sana pinahiwatig nya nlng na ayaw nya sau in a good way naman pwede naman un dba pero sabagy wala taung magagawa mga mga taong maxadong oa na ang confidence level about themselves.....
ReplyDeleteboy makining ka ng kanta ni christina aguilera" i am beautiful no matter what they say coz words cant bring me down..." i think she's ryt :>:>
Oiy, Boy Shiatsu, paborito ko yang kantang 'yan ng 2NE1, dahil pakiramdam ko at sa tingin ko eh panget ako. Tama ak, iba na talaga ang basehan ng ganda ngayong panahong ito. Iba na ang cultura ngayon, iba na rin ang basehan. Mahirap na rin makipagsabayan.
ReplyDeleteHindi ko na alam kung anu pang masasabi ko. Pero nakarelate ako sa post na ito.
Huwag nang sumama loob mo, Ngiti lang. :-)
O nga pala, salamat sa pagsuporta sa adhikain ng mga HIV/AIDS na grupo.
ganyan talaga ang labanan ngayon eh lalo na sa line of work mo. although i'm not saying na pangit ka nga kasi di pa naman kita nakikita personally. but the fact that you've been rejected several times alreadyi think it would be advantageous sa yo to exert a little more effort in presenting yourself to your clients. be a little more conscious in the way you dress up when meeting clients and probably exercise more? kahit jogging lang or brisk walking para kahit papaano eh mabawasan ang timbang mo. no offense meant ha. :-)
ReplyDeletepwede mag combo comment? lemme start:
ReplyDelete"in this game, you win some, you lose some"
"you can't please everyone.
at sadyang may mga matapobreng tao na nakakalimot tumingin sa salamin ☺
nyahahaha chill ka lang Kenn, uber lang ang standards ni Mr. Advertising Company! :)
enough na sana na sinabi niyang hindi ka niya type. but to say na "panget ka pala" is really rude. he may be a successful person but, judging him based sa story mo, i would say that he is a failure. thanks for your wonderful stories.
ReplyDeletehmmmm... wala pang nag comment BS... kasi ako mismo.. hindi ko alam ang sasabihin... hehehehe...
ReplyDeletejust stay positive... we cannot please everybody... sir arvin is just one among the millions... mas marami pa rin ang magkakagusto sa'yo at sa serbisyong totoo mo...
it doesn't hurt that you'll be "presentable"/neat/maporma when meeting clients - it comes with the territory of your job. you have to. it is expected by most. hello, pageants here and there - they start with the casual/cocktail, swimwear, long gown - all the physicality, last part ang Q and A.
ReplyDeleteyou were talking about Marketing in your previous entries. clothes, packaging, the whole nine yards are all part of marketing your self to clients.
maybe a conscious effort on these things would be beneficial...
that's my two cents worth.
-denciopadilla.blogspot.com
hoy ken, hindi ka ugly, cute nga ng dimple mo eh, may mga tao ngang ganun, sira ang ginagamit na salamin kaya hindi makita ang totoong hitsura nila....boy of bats.
ReplyDeleteNo one can damage ur confidence other than urself. Do not be affected by what people say to you. No one has the capacity to take away your confidence.
ReplyDeleteSMILE.
It is not important when people say you are beautiful or not. What is important is yourself telling yourself that you are indeed beautiful. You owe it to yourself and to the people who feels and thinks that you are beautiful inside and out to maintain that positive outlook in life.
I went through the same I AM SO UGLY phase. Pero hayaan mo na yang Arvin na yan. A lot of gay guys in Manila think they are so hot, just because they have the money, the car, the gadgets. Di yan ang nagdedefine sa atin, and I bet you know that by now. Chin up lang bro. Keep writing.
ReplyDeleteXoxo
Ang sama naman nun....
ReplyDeletedon't be so sour about the situation. it's all a matter of preference.
ReplyDeletemaybe its time for you to retire na and find a more stable and secured job. sabi nga nila, wala naman talagang madaling trabaho... and its part lang talaga ng job mo unless you switch to legit massage service nalang hehe =)if you find lots of your client keeps coming back for your service, then its good... but if its otherwise... it probably means they also have the same impression to you. its just happen that Mr. Arvin is more straight forward to this things so lets just consider him as an eye opener for you to improve, just look at it in a challenging way
ReplyDeleteWhat a douche.
ReplyDeletewell, you have to understand that in the trade it will always come to perception management.
ReplyDeleteAs you may have the skill and talent, it is always best to, as barney would say, "suit up."
Like what I always say, genetics is something you can't really alter, but there are other things we can improve.
let us not dwell on the things we can't control.
ciao.
I guess wake up call yung comment ni Sir Arvin, for sure may basehan yung mga comments nya syo. Meaning pinagbasehan nya ung mga iba nya nabook. Nacompare ka nya dun kaya ganun n lamang ung nsabi nya syo. I guess tama ung sabi nung ibang nag comment, sa line of business na ito stiff ang competition ang tanging puhunan ay looks kaya kailangan exert more effort to be more marketable. Cliche man pakinggan pero take Sir Arvin’s comments and convert it into positive who knows ilan pang Sir Arvin ung makakadamupalad mo atleast kung magstart ka na magayaos at in the future may isang ”Sir Arvin” k nman makukuhang kliyente ok k na kasi napaghandaan mo n ung dapat baguhin.
ReplyDeletewhile "YOU ARE WHAT YOU WEAR" may be true, "A MONKEY DRESSED IN SILK IS STILL A MONKEY" speaks better of this arvin.
ReplyDeleteerik
he's in advertising so most likely iba standards nla, im in advertising too sa casting, and sometimes, hindi tlaga maiwasan mag compare, specially when you're in the trade, kc each of us have certain expectations. It;s a matter of preference lang tlaga.
ReplyDelete