i was chatting with an online friend thru ym, and hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang kami napunta sa usapan tungkol sa "inconsistencies" ng blog ko.
me: that's how i blog. ginugulo ko ang utak ng tao. hanggang dumating sa time na kasing-gulo na ng utak ko ang mga utak nila. tapos mapapaisip sila... "eto bang taong ito eh may confidence issues, o sukdulan ang confidence?" hahaha!
friend: sukdulan! hahaha! pero minsan nadadapa.
me: which means na marami akong issues sa sarili ko. just like everyone else.
friend: tama
me: people always claim that they know themselves so much. yung tipong if they tell people who they are, certain sila na ganito sila at ganun sila. and yet, when unexpected things occur, mas aligaga pa sila sa mga taong naghahanap kay Elisa.
friend: well, i've never been to me.
me: haha! oo nga! ngayon ko lang totally naintindihan yung kantang yan
friend: ako naman, hindi ko makakanta yang kantang yan
me: ngek? bakit naman! sobrang relatable nga yung lyrics eh.
friend: eh i've never been to georgia or california naman eh!
me: hahahaha! oo nga naman... sige, palitan ko yung lyrics.
and then, eto na... umandar na naman ang kalokohang utak ni BoyShiatsu.
Oh, I've been to Wensha and Divisoria and anywhere I could run
I took the hand of a virgin man and we made love in the sand
But I ran out of places and friendly faces because I had to be free
I've been to paradise but I've never been to me
dun ko naisipang basahin ang buong lyrics ng kanta habang pinapakinggan ko sya... and... shit...
isa sa mga sobrang ka-close kong kaibigan eh nangarap na maging pokpok like me. naiinggit daw kasi sya sa lifestyle ko. yung tipong hindi ko masyadong pinoproblema ang pera dahil madali ko sya magagawan ng paraan. yung tipong nabibili ko halos lahat ng gusto ko ng hindi ako tied up sa oras. estudyante pa lang ang kaibigan kong ito, kaya hindi nya pa afford ang magkaroon ng eight-to-five job. sinabihan ko naman syang mag-crew sa fastfood since tumatanggap sila ng part time, pero ayaw nya, at hindi ko alam kung bakit.
kung tutuusin, i could have easily helped him find clients and start living the same life as mine... pero napaisip ako... is it even worth it?
itago na lang natin sya sa pangalang... um... Barney?
Hey Barney, you Barney, cursing at your life
You're a discontented student and a regimented bi
I've no doubt you dream about the things you'll never do
But, I wish someone had talked to me
Like I wanna talk to you.....
minsan, naisip ko... paano nga kaya kung may nakausap din ako bago ko ginawa ang desisyon na maging pokpok? hindi naman sa pinagsisisihan ko ang naging desisyon ko, pero paano nga kaya kung ibang daan yung natahak ko? paano nga kaya kung ang napili kong gawin is, kagaya ng madalas sabihin ng iba, yung "mas matinong" daan?
Please Barney, please Barney, don't just walk away
'Cause I have this need to tell you why I'm all alone today
I can see so much of me still living in your eyes
Won't you share a part of a weary heart that has lived million lies....
nung bata bata pa ako, and actually kahit hanggang ngayon naman, napakarami kong pangarap. ang dami kong gustong maabot. hindi lang para sa akin, kundi para sa pamilya ko rin. pero, ewan ko ba. parang naglaro yata talaga ang tadhana at ako ang naging main character nya sa dota. ang problema, hindi sya marunong maglaro ng dota! ang ending... experiment. i don't want to point my fingers on those incidents, though, kasi alam ko na majority of my life is based on my decisions. but... anyway... nangyari na ang nangyari. and the thing i can do is at least help a friend and inform him na mag-isip twice, thrice, or even fries, before making a decision.
Oh, I've been to Bliss (pasig) and bandang Libis while I've sipped red horse with paraks
I've "grooved" like Piolo in Monumento and showed 'em what I've got
I've been undressed by flings and I've been some "things" that a gay man ain't supposed to be
I've been to paradise, but I've never been to me
ang dami kong na-experience na kakaiba when i started living the life of a masseur. nandyan yung makapunta sa kung saan-saan, makakilala ng kung sinu-sino, at makasubok ng kung anu-ano. nagkataon lang siguro na i'm adventurous and daring, and i love trying new things. did i enjoy those things? yes! yun actually ang problema... i enjoyed those things... kaya it's hard to let go.
Sometimes I've been to crying for unborn children that might have made me complete
But I took the sweet life, I never knew I'd be bitter from the sweet
I've spent my life exploring the subtle whoring that costs too much to be free
Hey lady......
I've been to paradise, (I've been to paradise)
But I've never been to me
masarap ang naging buhay ko simula ng naging pokpok ako. tama naman kasi si Barney... i had the taste of the lifestyle of the rich and the famous. okay, fine, exaggeration yun. pero nandun yung buhay na pwede mong kainin lahat ng gusto mo, mabibili mo kung ano man naisin mo, and you can go wherever you want to go. sweet life, ika nga. pero, just like what the line says... i never knew i'd be bitter from the sweet... sapul na sapul. and, of course, not to mention the lines "subtle whoring that costs too much to be free" at "unborn children" na talaga namang shoot na shoot din! ahahahahaha!
hindi ko naman pinagsisisihan yung napili kong desisyon na maging pokpok. minsan lang talaga, hindi maalis sa isip ko kung ano kaya ang posibleng nangyari sa akin kung ibang trabaho ang kinarir ko at mas binigyan ko ng priority yung sinasabi nilang "mas maayos na opportunities." and as for my friend Barney... alam kong he has a lot of potential. matalino syang bata. madiskarte. at lalo pa ngayon na nag-aaral sya, all i want to tell him is that maswerte sya dahil naipagpapatuloy nya ang pag-aaral nya. wag nyang gayahin ang kagaya ko na mas inisip ang ika nga eh "madaling paraan" dahil mas magiging maganda ang bunga nya kung mas paghihirapan nya ang pagkamit sa pangarap nya.
sa dami ng naranasan ko, mas nakilala ko ang sarili ko. all this time, akala ko kilalang-kilala ko na kung sino ako... but i guess...
i've been to paradise... but i've never been to me.
"Oh, I've been to Bliss (pasig) and bandang Libis while I've sipped red horse with paraks"
ReplyDeleteBRAVO line! This made my day, hahaha.
gaya mo boy shiatsu, marami ang nag-iisip ng "ano kaya kung" at tulad ng lahat walang makakasagot ng tanong na yan. we may not like everything that we are going through or things that we've been through, but those are parts of what we are today and knowing that, is the "going into me" part, not "have been" because it is still a continuous process.
ReplyDeleteNaniniwala ako na ang mga naging desisyon natin sa buhay ay masusing pinag isipan. Na sa tingin natin makakabuti sa ating sarili at mga mahal sa buhay. Kung saan tayo masaya at alam nating hindi tayo nakakasakit ng tao. Then go on....keep on sailing- Jerk
ReplyDeletethis is the best entry i've read so far in your blog. you're a very talented writer and you can make a career out of it. i've read a lot of blogs lately at dito lang ako napamangha ng todo. your blog really shows raw emotions, melancholic and humorous at times...at the end, it never fails to entertain me. as a fellow blogger, saludo ako sayo.
ReplyDelete-ryle (0915-8****44)
wow that is also one of my favorite song, the lyric is simply the best and the melody brings you to places just as what the song wanted one to imagine . . . but the real truth is that one line . . . I'vE NEVER BEEN TO ME . . . everybody experiences these and there are "skeletons in the close" thing . . . i myself have lots of secrets which i keep only to myself . . . the reason why, i've never been to me is my favorite
ReplyDeletejio
Hi Kenneth.
ReplyDeleteNice blog entry...
Think I've heard about "Barney" already when we met.
Anyway, keep up the good work on the blog!
Keep on writing!
Dad Derick
Ang ganda ng kinalabasan nung pagpapalit mo ng lyrics! Galing mo talaga! XD
ReplyDeleteAt sana nabasa na 'to ni Barney... :)
Niroromanticize kase ng blog mo ang pagiging masseur for hire. Kahit ako, after reading your blog, gusto ko na rin maging kagaya mo. Am thinking of getting paid na rin pero mamimili lang ako ng clients na trip ko. I will screen kumbaga hehe.
ReplyDeleteSana your friend will change his mind. Sabihin mong walang mawawala sa lalake - I believe meron, hindi pwedeng walang mawala sa kanya, sa atin, sa bawat pakikipag-sex natin. But that's a big topic in itself. Next time na lang. LOL.
denciopadilla.blogspot.com
sino ka boy shiatsu? bilib ako sa iyo, paano ba tayo puede magkita? San ko puede makuha cel number mo?
ReplyDeleteboy paano ba kita ma co contact?
ReplyDeleteOh gosh! I live in Bliss right now! harhar.
ReplyDeleteHemingways, as a friend told me once, Life is all about experience.
this is the best blog post to date. you will get me hooked na talaga.
ReplyDeletemakapunta nga sa Bliss at mahanap ka. CHOS!
Hi Ken. Di ba graduate ka din?
ReplyDeleteMe trabaho ka din naman before ka nasuong sa ganyang line of work di ba? In fact, binalikan mo na lang yang line of work na yan as sideline.
I think that's the way Barney likes to happen to himself. Na sakali mang gawin niya yan eh out of his own conscious and voluntary decision. Hindi dahil wala siyang choice.
On this aspect, maswerte ka. Di mo naman kinailangang gawin ito ng sapilitan bagkus ay dahil sa iyong kagustuhan.
cool.
ReplyDelete