24 October 2011

Amaya... Amen!

i hate Marian Rivera!

isang kabog na statement bilang panimula ng blog.

pero totoo naman kasi. hindi ko alam kung bakit, pero i really loathe her. yes, i'm not denying na maganda sya. super ganda sya. pero, basta... may mali talaga eh. ang nakakataka lang dito, halos lahat ng kaibigan ko feels the same. kulang na lang talaga ay pumunta kami sa sec at magpa-register as anti-Marian official fan club! haha!

pero, apparently... hindi yata lahat eh ganun ang pananaw sa buhay.

nagkita kami ni Sir Dingdong sa recto kagaya ng napag-usapan. medyo malambot si sir, pero mukha namang mabait. matapos ang mahabang kwentuhan habang kumakain ng pizza, nag-check-in na rin kami.

"okay lang ba na bukas yung tv?" tanong ni Sir Dingdong.
"ayus lang po."
"sige"

at si Sir Dingdong na ang namili ng channel... kapuso. hinayaan ko na lang, tutal hindi naman ako ang manonood eh. ayus na sana eh. tuloy tuloy na ang masahe eh, kaso biglang nag-commercial.

amaya.

at hindi ko napigilan ang bibig kong intrimitida.

"ano ba yan! mukhang tanga lang si Marian!"

EPIC FAIL!!! bakit nga ba hindi pumasok sa utak ko na si Sir Dingdong na mismo ang pumili ng channel, so it's kind of a giveaway na kapuso loyalist sya. at dahil doon, nag-react si Sir Dingdong na naramdaman kong simula na ng isang usapang pang-korte.

"ano namang problema mo kay Marian?" tanong nya, pero medyo mahinahon pa naman.
"wala lang. i just don't like her." (hindi pa ako natuto! bumanat pa!)
"why?"
"ewan. may mali talaga. though she's pretty. siguro yung ugali."
"bakit, ano bang ugali ni Marian?"
"for me? parang palengkera. parang hindi bagay sa hitsura nya yung ugali nya."
"as if namang close kayo ni Marian."

at lumabas na nga ang pagiging Madam ni Sir Dingdong. may kulot yung pagkakasabi nya ng last statement nya... may ismid.

"i wonder why people hate Marian so much." pagtutuloy ni Sir Dingdong. "insecure lang sila kasi Marian is a very big superstar."

with conviction pa ang pagkakabanggit ni Sir Dingdong. sa tantiya ko, presidente sya ng "Forever Friends of Marian" fan club. pero, dahil ako ang presidente ng "Forever Enemies of Marian" fan club, magpapatalo ba naman ako? dinaan ko sa ibang atake.

"well, in fairness, i watched temptation island because of her."
"diba? ang galing nya dun!"
"yah! bagay na bagay sa kanya yung role nya. syang-sya yun eh." sabay ngisi.
"nakakatuwa nga sya dun eh."

JACKPOT! so apparently, hindi na-gets ni Sir Dingdong yung hidden message ko when i mentioned na Marian na Marian yung role nya dun. crook na crook! i guess hindi alam ni Sir Dingdong yung meaning nung word na yun. so, umatake na naman ako.

"yeah! natural na natural yung pagiging palingkera nya."
"ganun sya kagaling sa pagganap."
"eh kasi naman, parang Marian Rivera as herself lang ang ganap nya sa temptation island."

lumalabas na ang pagiging mang-aasar ko. pero, bago natin makalimutan... client itong kausap ko ha! hindi kung sinong bakla sa kanto o kung sinong jologs na kabarkada ko. kung tutuusin, what i'm doing at that moment is a sure shot way to losing a business! pero, wala na ako pakialam. nag-circulate na sa katawan ko yung anti-Amaya component ng dugo ko eh, tuloy tuloy na to!

"ang sama mo naman." sagot ni Sir Dingdong.
"hindi naman! nagsasabi lang ng opinyon."
"have you met her in person? mabait kaya sya!"

confirmed! presidente nga ng Forever Friends of Marian Fan Club si Sir Dingdong.

"i haven't met her in person. pero with all the tsismis about her, parang ang wa-class nya talaga."
"syempre tsismis yun!"

defense mode na naman si Sir Dingdong. pero dahil matatapos na ang masahe (yup! believe it or not, during the course of our conversation, tuloy-tuloy lang ang masahe ko!), inisang-tabi ko na ang mood ko to argue and i just finished it with a statement.

"ah, basta. i don't like her."

at para bang nakikiisa ang telebisyon sa kampanya para sa kapayapaan between me and Sir Dingdong, biglang lumabas ang commercial ng isang telecom.

"isa pa yan! i also don't like her."
"naku! ako rin, iritado ako dyan sa babaeng yan!"

at nagsimula na ang extra service ko kay Sir Dingdong na maganda naman ang naging resulta... i guess having Anti-Sarah Geronimo components in our blood made the connection work!

21 October 2011

Dirty Money

inimbitahan ako ni Popoy na pumunta sa bago nya'ng bahay na malayo pa rin ang location. (teka... naaalala n'yo pa ba si Popoy, na natawag kong Potpot sa isa ko pang entry? read about my adventures with him here and here.) tutal wala naman ako gagawin after work, at matagal na rin kami hindi nagkikita ni Popoy, naisipan kong puntahan s'ya.

matapos ang isang oras sa taxi (ganun s'ya kalayo!), nakarating din ako sa liblib na lugar kung saan nagtatago si Popoy. sinalubong ako ni Popoy sa napagkasunduang lugar kasama ang kanyang bagong alagang aso na mamahalin ang breed (nakalimutan ko lang kung ano).

"uy! kumusta na?," bati nya sa akin.
"ayus naman. grabe, tagalog pa ba ang salita ng mga tao dito? buti may signal pa ang globe?," pagbibiro ko.

natawa si Popoy at nagkwentuhan kami ng kung anu-ano habang naglalakad papunta sa bago nyang apartment. hanggang sa nakarating nga kami sa kuweba nya... at ang sumalubong sa akin ay ang sandamukal na collection nya ng sapatos.

"o, kailan pa dumami ng ganito sapatos mo?," tanong ko sa kanya. alam kong bisyo ni Popoy ang sapatos, pero hindi ko alam na may sarili na pala syang branch ng payless shoes sa bahay nya.

"sponsor!" proud na sagot nya.

sponsor. alam kong malakas si Popoy sa kalakaran ng paghanap ng sponsor... dito sya lamang sa akin. noon, kailangan akong mag-effort paghahanap ng client kung kailangan ko ng pera. sya, isang text lang sa mga sponsors nya, sustentado na agad ang mokong.

pumasok ako sa bahay nya... halos kumpleto sya sa gamit. ref, tv, dvd player (karaoke version pa!), at kung anu-ano pa. aircon na lang ang wala sya, tsaka computer.

"asensado ka na ah!"
"ah, yung mga gamit, bigay nung sponsor ko."

there's the word again. sponsor. hindi ko na lang pinansin. kunyari na lang hindi ako nainggit.

tuloy tuloy lang ang kumustahan at kwentuhan namin sa buhay buhay. ilang buwan na kaming hindi nagkita kaya maraming maraming kwento ang lumabas habang kumakain kami ng very very early breakfast.

"kumusta ka na ba? ano na bang pinagkakaabalahan mo?," tanong nya sa akin.
"ayun. kaka-start ko lang ng work. and then, syempre, yung sideline pa rin." (sideline is yung pagmamasahe)
"naku, hindi mo pa rin itinitigil yun?"
"sayang naman yung extra income eh. ikaw ba, ano na bang source of income mo?"
"ayun, may carinderia ako dun sa kabilang kanto." (mahilig at masarap kasi talaga magluto si Popoy)
"wow! edi ayus kung ganun! buti nakapagpundar ka na for a small business."
"ah, yung puhunan ko, bigay lang din nung sponsor."

sponsor na naman. kaya hindi ko na naiwasan ang sarili ko na itanong sa kanya kung paano nya ba nakilala yung sponsor na yun. ikinuwento sa akin ni Popoy na sa internet nya nakilala ang sponsor nya. doctor daw. may pamilya. pero mahilig din sa boys. at sa pamamagitan ng kaunting paglalandi ay na-engganyo ni Popoy ang doctor para sustentuhan sya. ang doctor na rin ang nagpatigil sa kanya sa pagpopokpok, at bilang kapalit nga ay binigyan sya nito ng puhunan para makapagsimula ng karinderya. pero bukod doon, marami pa raw naitulong sa kanya ang sponsor nya.

karinderya.
buwanang upa sa apartment.
mga gamit sa bahay.
mga mamahaling sapatos, damit, bags, at pabango.
buwanang sustento at panggastos.
at pati pala ang aso na alaga ni Popoy ngayon, galing din sa sponsor.

in short... lahat ng kung anong meron si Popoy ngayon, provided sa kanya ng doctor.

hindi maiwasan ng materyalosong side ko ang mainggit. like, cmon! ako, eto, madalas eh kinakailangang mag-text brigade kapag sobrang nangangailangan ng pera pag may gusto akong bilhin, at madalas eh hindi ko rin naman mabili ang mga gusto kong bilhin dahil napupunta yung pera sa mga mas importanteng gastusin. samantalang eto si Popoy, pokpok din na katulad ko, pero pwedeng pwedeng matulog maghapon magdamag ng ang tanging mabigat na problema lang sa pang-araw-araw ay ang paglilinis ng tae ng aso nyang sosyal. siguro nga swerte lang... kung ganun, kailan kaya ako magiging swerte?

tuloy tuloy lang ang kwentuhan.

"pano mo ba nagagawa yun?," curios na tanong ko sa kanya.
"ayun. lambing lambing lang. magpanggap ka lang na inosente, na mahirap. yung tipong paawa effect. tapos paniwalain mo lang na mag-boyfriend kayo, na mahal mo sya. ayun. sponsor na."

sa pagkakasabi nya, parang ang dali dali. pero alam ko, para sa akin, hindi madali yun. hindi ko kayang magpanggap na inosente. hindi ko kayang magpanggap na mahirap. at hindi ko kayang magpanggap na may espesyal akong nararamdaman sa isang tao para lang sa pera.

"pero, hanggang kailan kang ganyan?," tanong nya sa akin.
"hindi ko alam. hangga't bumebenta siguro."
"ako kasi, ayoko na maging ganyan. ayoko kasi na sa maruming paraan nanggagaling ang pera ko."

napaisip ako sa sinabi nya... maruming pera. ano ba ang mas marumi, ang ibenta at gamitin ang katawan para magkapera, o ang tumanggap ng "donasyon" sa isang tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa kanya na meron kayong espesyal na relasyon? hindi na lang ako nakipagtalo.

matapos ang mahabang breakfast ay natulog na kami. mahaba ang naging tulog ko, dahil bukod sa pagod sa trabaho, siguro napagod din ang utak ko sa kakaisip tungkol sa sitwasyon ko, sa sitwasyon ni Popoy, sa pagkakaiba ng mga sitwasyon namin, at sa pagtimbang kung sino ba ang nasa mas magandang sitwasyon. nagising na lang ako ng bandang alas-dose, sakto lang para sa lunch at para umalis na rin ako ng apartment dahil anytime eh darating ang sponsor nya para bisitahin sya.

binigyan ako ni Popoy ng ilang pirasong t-shirt (yung isa ginamit ko na pamasok), isang bag (mahirap naman magbyahe na may bitbit na mga t-shirt ng walang bag, diba?), at isang sosyaling pabango (kahit hindi naman ako mahilig magpabango kasi pawis ko pa lang, mabango na! yun yon!!) bago ako umalis. hindi nya naman daw kasi nagagamit yun, at sigurado syang pagdating ng sponsor nya eh may dala na namang bagong item na idadagdag nya sa koleksyon nya. nagbyahe ako papunta ng work para kumita ulit ng malinis na pera, suot at bitbit ang mga gamit na para sa akin ay nanggaling din sa maruming paraan... mas subtle nga lang kumpara sa pagpopokpok.

20 October 2011

Century

mabilisan lang...

finally... may 100 followers na ako!

maraming salamat po! sana ay wag na kayong mabawasan... and help me reach the next goal naman... 500 followers!

17 October 2011

Eye Opener: Yesterday's Hospital Experience

locked jaws.
blurry vision.
painful neck.
lightheaded.

hindi naman siguro normal na ganito ang mararamdaman mo sa umaga diba? nung una, sinubukan kong kalmahin ang sarili ko, taking the first aid stuff that i know like loads of water and deep breathing. pero no can do, nandun pa rin ang mga pasaway na pakiramdam. i decided to take a cool shower and even ate a spoonful of sugar (baka kasi lack of glucose na) pero wala pa rin. this time, i knew it... i needed emergency medical assistance.

pero dahil nga blurry ang vision ko, hindi ko magawang mag-text. mabuti na lang at may load pa naman ako kaya sinimulan kong tawagan ang mga kaibigan kong alam kong may easy access sa location ko that time.

"i'm at church now eh."
"kakagising ko lang."
"nasa work ako."
"punta ako ng gym eh."
"masyadong malayo friend."
"oa ka friend. keri mo na yan. taxi ka lang."
"keep me posted. i'm with hon eh"
"kumakain pa ako friend."
"..."
"the subscriber cannot be reached."

the more numbers i dialed, the more frustrated i get. heto ako't natatakot dahil anytime eh alam kong i will pass out, pero eto ang mga "kaibigan" ko't tila walang pakialam sa akin. hindi ko mapigilang umiyak at madepress. sinubukan kong tatagan ang loob ko at wag mawalan ng pag-asa, pero talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko na malungkot, at hindi ko mapigilan na maawa sa sarili ko. and my whole body started to feel numb.

bagama't tila matutumba na ako sa bigat ng pakiramdam ko, pinilit kong dalhin ang sarili ko sa pinakamalapit na hospital... medical city. isinugod ako sa emergency area at agad na binigyan ng sari-saring injection when finally my phone rang...

"hey, i missed your call. bakit?"
"friend, help. i'm at medical city er now. wala akong kasama. can you make it here?"
"shit! sige. be there asap."

at least kumalma na kahit papaano ang pakiramdam ko that a friend will be here while i'm in a down moment. at wala pa ngang 15 minutes ay dumating na ang kaibigan ko, saktong tapos na ako lagyan ng dextrose (matapos ang tatlong attempts... yup... tatlong tusok muna sa veins ko bago successfully nailagay ang dextrose.)

"what happened?" agad na pagtatanong ng kaibigan ko. at ikinuwento ko nga ang mga naramdaman kong symptoms nun. sya na ang pinag-fill-out ko ng forms dahil hindi ko kakayanin magsulat dahil sa dextrose.

after filling out the forms, sinabihan ako ng doktor na kailangan daw ako i-admit for further medications and observations. dahil worried sa kalagayan ko, umoo na lang ako. pero kailangan daw ng consent ng isang family member for me to be admitted.

eto ang ayokong gawin. ayokong malaman ng pamilya ko na nasa masama akong kondisyon dahil sobrang ipagaalala nila yun. alam ko naman kasi na proper hospital procedures or medications can save me from what i'm feeling. pero to them, being hospitalized is a very big issue, and lalo na pag nalaman ng mum ko na naospital ako... tiyak, dalawa kaming maoospital! pero wala akong choice.

i asked my friend to contact my sister. and i also talked to my sister and asked her to go visit me in the hospital without informing my mum. na-gets naman ng ate ko kung bakit ayaw kong ipaalam sa nanay ko ang nangyari.

dumating si ate matapos ang isang oras... kalmado at ayus na ang pakiramdam ko. nag-usap kami tungkol sa nangyari. i must admit... iba pa rin pala talaga kapag kapamilya mo ang kasama mo sa mga ganitong panahon.

kinausap ng doktor ang ate ko at ipinaliwanag ang proseso ng admission. inasikaso ni ate ang mahabang process at maya-maya pa ay bumalik na sya... dala ang isang magandang balita...

kailangan kong mag-deposit ng sampung libo bago ako mai-admit.

that time, parang gusto ko na lang hilahin yung dextrose na nakakabit sa akin at manakbo palabas. nanlambot akong bigla. gusto kong gumaling, pero saan naman ako kukuha ng sampung libo? wala ring pera si ate ko, at kahit yung kaibigan kong kasama ko noon (na umalis na rin ilang minuto pagkarating ni ate). naiyak din ang ate ko dahil alam nyang wala syang magawa para makapagproduce ng ganung kalaking halaga.

at dahil desperado na ako, kinapalan ko na ang mukha ko at nagtext sa lahat ng pwede kong maitext para makautang. wala na akong pakialam kung ano man ang sabihin nila, na kesyo makapal ang mukha ko para mangutang ng ganung kalaking halaga. buhay ko na ang nakasalalay dito. tinext ko halos lahat, mula sa mga high school friends, to online acquaintances... even to BoyShiatsu clients and followers! nilahat ko na. and bagamat very overwhelming yung concern at support na pinakita nila sa akin, truth struck me that coming up with ten thousand is not an easy task. until a friend gave me a suggestion.

"pwede naman sigurong hindi ka magpa-admit? tutal sabi mo stable na naman ang condition mo. you can sign a waiver saying that you opted to be discharged instead."

oo nga naman. and besides, hindi ko rin talaga alam kung bakit nga ba ako iaadmit.

"for hydration, and para mas ma-monitor ka namin. baka kasi may mga complications na naging effect yung mga naramdaman mo." sabi ng doctor when i talked to her about my decision not to be confined. "pero kung ang concern mo is that you cannot produce this amount of money, we understand naman po. you can sign the waiver."

at nagkasundo kami ng doktor at ni ate na hindi na ako magpapa-admit. pinasign ako ng waiver at tinanggal ang dextrose, pagkatapos ay pinapunta kami ng ate sa billing section para maibigay sa amin ang total quote ng bill namin...

ten thousand eight hundred fifty plus plus!

eto, literally, nanlambot talaga ako. mabuti na lang at nasalo ako ni ate. hindi ko mapigilan ang sarili ko na maiyak ng makita ko ang total bill. ito nga yung mismong rason kung bakit hindi na ako nagpa-admit, pagkatapos, eto, same rin pala yung babayaran ko as outpatient... ay, hindi. mas mahal pa pala!

pumunta kami sa isang gilid ni ate at doon na talaga ako humagulgol. humagulgol ako dahil gusto ko lang naman gumaling at makalabas, pero eto't hindi ko magagawa dahil sa malaking halaga na kakailanganin ko. humagulgol ako kasi nakita ko rin si ate na naiiyak dahil wala rin syang magawa. humagulgol ako kasi hindi ko na alam kung anong paraan ang kailangan kong gawin para makapagproduce ng ganung halaga. humagulgol ako kasi nung dumaan yung doctor na nag-assist sa akin sa harapan namin ni ate ay ni wala man lang syang pakialam na yung pasyente nya kanina eh halos mamatay na kakaiyak. humagulgol ako dahil pakiramdam ko ay katapusan ko na. game over na. wala na talagang pag-asa.

inutusan ko muna si ate na bumili ng inumin... pero ginawa ko lang yun para hindi ko sya makita na nahihirapan at nasasaktan sa sitwasyon ko. pag-alis ni ate, napaupo na ako sa gilid kakaiyak. hindi ko na kasi alam kung anong himala ang gagawin ko para makalabas ng hospital. sa totoo lang, pumasok na sa utak ko na tumakbo na lang palabas at bahala na kung habulin ako ng guard. ganun na ako ka-tuliro kakaisip ng paraan. and, for the first time after a very very long time... i prayed. nope, i did not ask Him to send me help, but i instead asked Him to give me a clarification about the lesson that He's trying to teach me. and, as if i was the quizmaster sa isang game show, hindi pa tapos ang tanong ko ay may sagot na agad.

nag-ring ang phone ko... one of those people who missed my call nung umaga. i told him about what happened and he immediately agreed to use his credit card to pay for my bill. at wala pang 30 minutes ay dumating sya. sinamahan nya kami ng ate ko to pay the bill. hindi napigilan ng ate ko na maiyak knowing that there is a friend who is willing to lend me that huge amount of money. kahit naman ako... naiyak sa fact na merong kaibigan na handang magpahiram ng credit card sa panahon ng kagipitan ng isang kaibigan... akala ko ako lang ang gumagawa nun.

bagama't nabaon sa biglaang utang sa kaibigan, ang mahalaga na lang sa akin nun ay nakalabas ako ng hospital. salamat sa lahat ng sumuporta, nagpakita ng concern, nagdasal (siguro), at nag-asam na maging mabuti agad ang kalagayan ko. this is definitely an eye-opening experience... na kailangan ay palaging handa sa mga emergencies, na hindi lahat ng akala mong kaibigan mo ay maaasahan mo sa oras na kailangan mo sila, na hindi lahat ng taong akala mo ay hindi mo maaasahan ay hindi mo maaasahan, na may mga tao pa ring handang tumulong sa oras ng kagipitan, na sa panahong kagaya nito ay iba pa rin ang halaga ng pamilya, at kahit ilang beses mo syang ipagkanulo ay nandyan palagi Siya kung kailangan mo.

13 October 2011

Game Face On!

it's been a while since nakapag-blog ako. and the reason is not because wala akong story to share (in fact, i still have a lot) pero hindi ako ma-push ng inspirations ko to write about them. until i saw an article that literally made me cry dito sa internet cafe.

New HIV cases in PH reach all-time high
By Patrick King Pascual, VERA Files

New cases of the human immunodeficiency virus (HIV) in the country reached an all-time high of 204 in July this year, the highest number of new cases recorded by the Department of Health (DOH) in a month to date.

The virus is now infecting seven Filipinos every 24 hours, up from last year's average of five new HIV patients daily.

(read more of the article here)


pero higit sa article, ang mas nagpaiyak pa talaga sa akin eh yung mga comments na nabasa ko. here are some...

Clay: ang solusyon dyan ay isa lang, PATAYIN ANG LAHAT NG BAKLA SA PILIPINAS. nyahaha

Liam: ok na yan, para maubos na ang mga bading...cge lang sex lang ng sex...spread lang ng spread!

Tamblot: NAGTATAKA LNG AKO KUNG BAKIT ANG MGA HINAYUPAK NA YAN WALA NAMANG MATRES DUMADAMI AT NAGKAKALAT PA NG LAGIM....

Expulsion: Yan ang parusa ng dyos sa mga bading. Kahit kailan, kahit anong talino nyo kuno! Hindi kayo puwedeng sumuway sa utos ng dyos. Remember Sodom & Gomora

Audemars: tama! sana dumating ang panahon na makapagpasa ng batas para gawing legal ang pagpaslang sa mga homosexuals. They are disgrace to humanity. nakakadiri pinaggagagawa nila. I'm a Christian and we were thought to love the pokpoks and the homos. but it is so hard cause they keep on doing the same old dirty things, pathetic disgusting creatures! ugh.

Sny5ive: those damned homo's...they ought to go back in the closet...stupid hard headed creeps they're spreading the diseases in the country...

Merciless Dude: Led by none other than the gays who always shout "discrimination". Come to think of it, what good things are they contributing to humanity?

Tea: di naman din nakapagtataka na mostly affected were males...pano ba naman, mas malantod pa sa isang pinay ang mga she-males sa pinas an parang mas sila ng me karapatang maging baabe, heheh.... At sa dami ng bading sa pinas...di malabong mas dadami pa yung figures ng affected sooner. Kalayaan nga naman ang gusto ng bawat isa...kalayaan for the gays to express their love, their desire for sex with the same sex partners. Choice nyo yan eh...including ang magka AIDS dahil di naman kayo bobo (i supposed).

JM: patayin ang mga bading.. para mabawasan ang nagkakalat ng disease.

Wala Lang: mga baklang malibog kasi kayo... tsk tsk yan todas tuloy kayo...


grabe! i really have to pause for a minute and calm myself. ganito pala talaga ka-tindi ang stigma ng hiv and aids sa bansa natin... and even more, sa gay community. para bang ang lgbt community ang may kasalanan ng nasabing sakit. and to make it more saddening, these are people who could use the internet! sila yung mga taong may access sa information at, sorry for the word, may utak. buti pa yung mga kilala kong mga tambay sa kanto, or yung mga taong tinatawag na "walang pinag-aralan," mas open sila sa nangyayari at hindi sila nangungutya ng tao. grabe.

because of this... mas umigting ang apoy sa akin to push the advocacy.

this is it! game face on!

07 October 2011

Never Been To Me

i was chatting with an online friend thru ym, and hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang kami napunta sa usapan tungkol sa "inconsistencies" ng blog ko.

me: that's how i blog. ginugulo ko ang utak ng tao. hanggang dumating sa time na kasing-gulo na ng utak ko ang mga utak nila. tapos mapapaisip sila... "eto bang taong ito eh may confidence issues, o sukdulan ang confidence?" hahaha!
friend: sukdulan! hahaha! pero minsan nadadapa.
me: which means na marami akong issues sa sarili ko. just like everyone else.
friend: tama
me: people always claim that they know themselves so much. yung tipong if they tell people who they are, certain sila na ganito sila at ganun sila. and yet, when unexpected things occur, mas aligaga pa sila sa mga taong naghahanap kay Elisa.
friend: well, i've never been to me.
me: haha! oo nga! ngayon ko lang totally naintindihan yung kantang yan
friend: ako naman, hindi ko makakanta yang kantang yan
me: ngek? bakit naman! sobrang relatable nga yung lyrics eh.
friend: eh i've never been to georgia or california naman eh!
me: hahahaha! oo nga naman... sige, palitan ko yung lyrics.

and then, eto na... umandar na naman ang kalokohang utak ni BoyShiatsu.

Oh, I've been to Wensha and Divisoria and anywhere I could run
I took the hand of a virgin man and we made love in the sand

But I ran out of places and friendly faces because I had to be free

I've been to paradise but I've never been to me


dun ko naisipang basahin ang buong lyrics ng kanta habang pinapakinggan ko sya... and... shit...

isa sa mga sobrang ka-close kong kaibigan eh nangarap na maging pokpok like me. naiinggit daw kasi sya sa lifestyle ko. yung tipong hindi ko masyadong pinoproblema ang pera dahil madali ko sya magagawan ng paraan. yung tipong nabibili ko halos lahat ng gusto ko ng hindi ako tied up sa oras. estudyante pa lang ang kaibigan kong ito, kaya hindi nya pa afford ang magkaroon ng eight-to-five job. sinabihan ko naman syang mag-crew sa fastfood since tumatanggap sila ng part time, pero ayaw nya, at hindi ko alam kung bakit.

kung tutuusin, i could have easily helped him find clients and start living the same life as mine... pero napaisip ako... is it even worth it?

itago na lang natin sya sa pangalang... um... Barney?

Hey Barney, you Barney, cursing at your life
You're a discontented student and a regimented bi
I've no doubt you dream about the things you'll never do
But, I wish someone had talked to me
Like I wanna talk to you.....

minsan, naisip ko... paano nga kaya kung may nakausap din ako bago ko ginawa ang desisyon na maging pokpok? hindi naman sa pinagsisisihan ko ang naging desisyon ko, pero paano nga kaya kung ibang daan yung natahak ko? paano nga kaya kung ang napili kong gawin is, kagaya ng madalas sabihin ng iba, yung "mas matinong" daan?

Please Barney, please Barney, don't just walk away
'Cause I have this need to tell you why I'm all alone today
I can see so much of me still living in your eyes
Won't you share a part of a weary heart that has lived million lies....

nung bata bata pa ako, and actually kahit hanggang ngayon naman, napakarami kong pangarap. ang dami kong gustong maabot. hindi lang para sa akin, kundi para sa pamilya ko rin. pero, ewan ko ba. parang naglaro yata talaga ang tadhana at ako ang naging main character nya sa dota. ang problema, hindi sya marunong maglaro ng dota! ang ending... experiment. i don't want to point my fingers on those incidents, though, kasi alam ko na majority of my life is based on my decisions. but... anyway... nangyari na ang nangyari. and the thing i can do is at least help a friend and inform him na mag-isip twice, thrice, or even fries, before making a decision.

Oh, I've been to Bliss (pasig) and bandang Libis while I've sipped red horse with paraks
I've "grooved" like Piolo in Monumento and showed 'em what I've got
I've been undressed by flings and I've been some "things" that a gay man ain't supposed to be
I've been to paradise, but I've never been to me

ang dami kong na-experience na kakaiba when i started living the life of a masseur. nandyan yung makapunta sa kung saan-saan, makakilala ng kung sinu-sino, at makasubok ng kung anu-ano. nagkataon lang siguro na i'm adventurous and daring, and i love trying new things. did i enjoy those things? yes! yun actually ang problema... i enjoyed those things... kaya it's hard to let go.

Sometimes I've been to crying for unborn children that might have made me complete
But I took the sweet life, I never knew I'd be bitter from the sweet
I've spent my life exploring the subtle whoring that costs too much to be free
Hey lady......
I've been to paradise, (I've been to paradise)
But I've never been to me

masarap ang naging buhay ko simula ng naging pokpok ako. tama naman kasi si Barney... i had the taste of the lifestyle of the rich and the famous. okay, fine, exaggeration yun. pero nandun yung buhay na pwede mong kainin lahat ng gusto mo, mabibili mo kung ano man naisin mo, and you can go wherever you want to go. sweet life, ika nga. pero, just like what the line says... i never knew i'd be bitter from the sweet... sapul na sapul. and, of course, not to mention the lines "subtle whoring that costs too much to be free" at "unborn children" na talaga namang shoot na shoot din! ahahahahaha!

hindi ko naman pinagsisisihan yung napili kong desisyon na maging pokpok. minsan lang talaga, hindi maalis sa isip ko kung ano kaya ang posibleng nangyari sa akin kung ibang trabaho ang kinarir ko at mas binigyan ko ng priority yung sinasabi nilang "mas maayos na opportunities." and as for my friend Barney... alam kong he has a lot of potential. matalino syang bata. madiskarte. at lalo pa ngayon na nag-aaral sya, all i want to tell him is that maswerte sya dahil naipagpapatuloy nya ang pag-aaral nya. wag nyang gayahin ang kagaya ko na mas inisip ang ika nga eh "madaling paraan" dahil mas magiging maganda ang bunga nya kung mas paghihirapan nya ang pagkamit sa pangarap nya.

sa dami ng naranasan ko, mas nakilala ko ang sarili ko. all this time, akala ko kilalang-kilala ko na kung sino ako... but i guess...

i've been to paradise... but i've never been to me.

06 October 2011

Afternoon DeLight

summer noon, mainit, kaya nagulat ako ng may nagtext sa akin kung available daw ako ng ala-una ng hapon! alangya! torture mode yun! mahirap magbyahe ng tanghaling tapat. galit ang haring araw. isa pa naman ako sa mga taong not in good terms with pawis. pag pinawisan ako, iritado na ako. pag iritado na ako, pagpapawisan ako lalo... and the cycle goes on. hindi ko pa kilala ang BonChon chicken at Cerealicious noon, kaya medyo mahirap pa maghanap ng pampawala ng init ng ulo ko... buti na lang there's always vanilla ice cream.

hindi ko na sana tatanggapin, pero since businessman ako, umoo pa rin ako. never say no to a client just because of personal preferences.

makalipas ang tatlumpung minutong pakikipagsagupa sa impyerno, dumating ako sa bahay ng Sir Bambam. isa s'yang call center agent, so kitang-kita ko sa mukha nya na puyat at haggardo versoza pa sya nung sinundo nya ako sa kanto ng street nila. one of them bampiras, you know! nilakad namin ang extension ng impyerno habang nagkukwentuhan. hanggang sa, finally, ay nakarating kami sa bahay nya.

"sa weekend na sana kita iha-hire eh, rest day ko yun, kaso aalis pala kami ng team ko. galera daw."
"oh. malamang magkita din tayo dun. punta rin ako ng galera this weekend eh."
"ah! hire na lang ulit kita dun! ahahahaha! tara, sa kwarto na tayo."

at pag-akyat sa kwarto... thank you buddha! nakatikim din ng kapirasong langit matapos ang pakikipag-sagupa sa teritoryo ni Lucifer! naka-set na ang malamig na aircon ni Sir Bambam, at may relaxing na sounds at ilaw pa! kumpleto! para lang kaming nasa spa dahil sa ambiance. pero halatang call center agent si Sir Bambam dahil sa kwarto nya: magulo ang gamit, maraming nakatambak na dvd's sa harap ng tv, maraming starbucks memorabilia, at may makapal at sobrang dark na kurtina na nakatakip sa nag-iisang bintana.

matapos maligo (which is another piece of heaven! yay!) ay nagsimula na ang masahe ko kay Sir Bambam. maayos ang takbo ng serbisyo. heaven on earth talaga ang eksena. malambot na kama, malamig na hangin, tahimik na paligid, makulimlim na ilaw, at machong masahista (ansaveh?!?!). Regina Spektor pa ang background music, fidelity, habang masarap na nilalasap ni Sir Bambam ang isa sa mga regalo ng kalangitan sa lupa.

i hear in my mind, all these voices
i hear in my mind, all these words
i hear in my mind, all these music
and it breaks my heart
and it breaks my heart
and it breaks my...

biglang tumigil ang music. at kasama ng pagtigil ng music... nawala ang mahinang bulong ng aircon. nawala ang makulimlim na ilaw... in fact, nawala ang ilaw, it became so dark!

brownout! ay, hindi pala! blackout! (ang pagkakaintindi ko kasi dati noon, pag brownout, medyo naaaninag mo pa ang paligid. pag blackout, pitch dark na halos!)

"ano ba yan!" napasigaw si Sir Bambam. "letse naman ang timing o."
"kalma lang. malamig pa naman yung room mo eh."
"any minute from now, iinit na yan. and besides, hindi kita makita."

natawa ako sa last line ni Sir Bambam. and besides, hindi ko rin naman sya makita. ganun kadilim sa kwarto nya.

"teka, hawiin na lang natin yung kurtina. wala naman sigurong tao dun." dire-diretso kong sinabi habang nangangapa papunta sa kurtina.

"hwag!!!"

pero huli na ang lahat. nabuksan ko na ang kurtina bago pa nya ako mawarningan... at alam ko na kung bakit.

right across his room, eh may katapat na bahay na malaki ang bintana at bukas na bukas... ang katapat ng kwarto ni Sir Bambam ay living room ng kapitbahay. okay lang sana eh. kaso, since tanghaling tapat noon, at summer... nasa bahay ang lahat ng tao, lalo na ang mga estudyante. at saktong-saktong pagbukas ko ng bintana ay preskong preskong nakaupo ang mag-anak sa living room nila, nagulat pa sa nakita nila sa bintana ng kapitbahay nila...

isang mamang magulo ang buhok, walang saplot, at may matigas na junjun!

natulala ako sa nangyari. ewan ko ba, parang biglang natunaw ang utak kong mabilis mag-isip at na-blangko ako sa kung ano ang dapat kong gawin. eto ako, nakatayo sa kwarto ng taong hindi ko kilala, at sa kabilang bahay naman ay tatlong pares ng mata ang nakapako sa hubad kong katawan. mabuti na lang at agad-agad naisara ni Sir Bambam ang kurtina, na sakto namang nasabayan ng pagbalik ng kuryente. kung hindi, malamang natunaw na ako sa kahihiyan. mas okay nang matunaw ako sa init ng panahon kaysa sa matunaw ako sa kahihiyan.

"shit! what just happened?" yun lang ang nabanggit ko ilang segundo pagbalik ng kuryente.
"hahahaha! sabi ko sayo wag mo buksan agad agad eh."
"shit! nakakahiya! baka kung ano pa sabihin ng kapitbahay nyo."
"okey lang yan. medyo sanay na sila."

at ipinagpatuloy na lang namin ang pakikipagnaig sa muling nagbalik na piraso ng kalangitan sa lupa, disregarding the thought that i just gave a 5-second unrated and unedited raw show sa kapitbahay ni Sir Bambam.

buti na lang nung weekend, walang bintana yung kwarto ni Sir Bamba, sa galera. at walang dropout sa kuryente.

02 October 2011

Ugly

mahilig ako sa kpop kahit na hindi ko naiintindihan yung sinasabi nila. pero may isang kanta ang girl band na 2ne1 (kung saan kasama si Sandara Park! oo! yung pambansang krung krung!) na english yung chorus kaya hindi ko na kailangan magpilipit ng dila para makasabay habang kumakanta. eto yung lyrics.

i think i'm ugly
and nobody wants to love me
just like her, i wanna be pretty
i wanna be pretty
don't lie to my face
telling me i'm pretty
i think i'm ugly
and nobody wants to love me
just like her, i wanna be pretty
i wanna be pretty
don't lie to my face
'coz i know i'm ugly

amazing diba? for a girl band to claim sa kanta nila na panget sila, when all bands out there promote confidence and beauty... nakakatuwa lang... kasi naka-relate ako.

alas-siyete ng gabi ang usapan namin ni Sir Arvin sa isang mall sa bandang north. kahit medyo malayo at medyo masama ang panahon, pumayag pa rin ako. at dumating naman ako on time, wearing my usual shirt-jeans combo (hindi naman kasi ako mapormang tao). maya-maya pa ay lumapit na sa akin ang isang mamang naka-corporate attire.

"tara, sunod ka lang sa akin."
"sige."

at sumunod ako sa kanya papunta sa isang restaurant. umupo, umorder, at nagkwentuhan. manager sa isang advertising company si Sir Arvin. maporma. maraming gadgets (nakalagay kasi lahat sa table namin while eating). halatang mayaman. hindi pogi, pero dahil halatang alaga ang katawan, nagmumukha na syang guwapo. madalas ang impression ko sa mga taong ganun eh mayabang at arogante... at tila hindi ako nagkamali kay Sir Arvin.

"iba hitsura mo sa picture."
"ah... yun nga yung madalas nila sabihin."

madalas kasi eh sinasabihan ako na i look better in person daw, kaya everytime sinasabi sa akin na iba hitsura ko sa picture eh ganun ang sagot ko. pero this time, iba ang follow-up statement...

"parang mukha ka nang matanda sa personal."

i don't know what to say, so ngumiti na lang ako. pero tila nasa mood yata si Sir Arvin na mang-okray. akala yata eh nasa comedy bar kami.

"you sure na 25 ka lang?"
"yes."
"feeling ko you're older eh."
"stressed lang. medyo kulang sa tulog."
"ah."

buti na lang good mood ako, at masarap yung kinakain ko, kaya hindi ako masyadong nasasaktan sa mga sinasabi ni Sir Arvin. pero, ayaw magpatalo ng lintek na yuppie na to.

"tapos yung damit mo pa, parang pambahay lang. sabi ko wear something maayos eh. baka may makakita sa akin dito, mahahalatang callboy ang kasama ko."
"pasensya na po."
"and mataba ka pala. dun sa pictures mo, you look lean. is that photoshopped?"
"hindi po."
"well, it looks like one to me."

that's it... it's official... hindi maganda ang kalalabasan ng appointment na ito. tinapos lang namin ang kain namin, pareho kaming tahimik, at pagkatapos ay umalis ng nasabing restaurant.

"tara, sa kotse tayo." pag-aaya ni Sir Arvin, at sumunod naman ako. at least, kahit pala inokray-okray ako ni sir eh tuloy pa rin ang appointment. pagsampa sa kotse, ramdam ko pa rin yung awkward thing between us. si Sir Arvin na ang bumasag ng katahimikan.

"tol, cancel na lang natin."
"bakit naman po?"

ANG TANGA KO! hindi ko alam kung bakit itinanong ko pa yun! alam ko na naman ang sagot kung bakit ika-cancel yung appointment, and yet tinanong ko pa. ayan, sinalubong tuloy ako ng masakit na sampal ng mga salita ni Sir Arvin.

"eh hindi kita type eh. pangit ka pala eh. sabi mo okay looks mo."

durog na ako... durog na durog na ako. at i guess that only thing i can do is just accept the fact na talagang pinagngudnguran na ni Sir Arvin ang pride at ang confidence ko sa lupa.

"ganun po ba? ayus lang po sir. ganun po talaga eh. sige po sir, ingat po pagda-drive."
"ok."

at bumaba ako sa kotse nyang amoy medyas at naisipan ko na lang mag-ikot sa mall since wala na rin naman akong pupuntahan, baka sakaling gumaan-gaan pa ng bahagya ang pakiramdam ko.

at sa pag-iikot sa mall ilang minuto ang makalipas ay nakita ko na naman si Sir Arvin na nagkakape sa isang sosyaling coffee shop. at may kasama s'yang lalaki. kung mukha akong callboy, yung kasama nya eh mukhang pokpok! mas maganda lang ang katawan nya sa akin, pero sa ibang aspeto, sa palagay ko, eh lamang naman ako. pero hindi ko na pinansin... rejected na ako eh. kung tutuusin, mas maswerte pa rin sa akin si kuyang mukhang pokpok, maliban na lang kung irereject din sya ni Sir Arvin.

alam ko naman na hindi ako kaguwapuhan, at kung pananamit naman ang pag-uusapan, 2 out of 10 stars ang rating ko dyan. hindi ako maporma. in fact, dalawa lang ang sapatos ko, isang rubber at isang leather. sira pa yung leather shoes. i have less than 30 shirts and less than 10 pants. hindi ako yung tipo ng tao na hindi makakaalis ng bahay kapag hindi perfect combination ang pang-itaas sa pang-ibaba sa belt sa sapatos sa bag at sa mga burloloy. kung vanity naman, ewan ko ba. isa yun sa mga bagay na hindi ko natutunan talaga. malinis naman ako sa katawan, pero hindi ako banidoso. ayoko kasi umabot sa point na oa na ako sa pagpapaguwapo. naniniwala ako sa natural beauty, at naniniwala ako na beautiful naman ang natural beauty ko. pero sadyang hindi lahat ng pinapaniwalaan ko ay pinapaniwalaan ng iba.

ano nga ba ang basehan ng ganda? pisikal lang ba talaga? or pananamit? parang nakakalimutan na ng lahat ang itinuturo sa atin dati sa ce/gmrc classes natin nung elementary tayo... na mas importante ang kagandahang panloob kaysa sa kagandahang panlabas. kung pagkukumparahin, sino sa amin ni Sir Arvin ang mas pangit? ako na hindi masyadong maganda ang anyong panlabas pero mabuti naman makitungo sa tao, o sya na maporma at maayos tignan pero magaspang ang ugali?

kung ibabase sa 90s era, si Sir Arvin siguro yung panget. pero ngayong 2011, i think a big percentage will say na ako yung pangit. iba na kasi ang basehan ng kagandahan ngayon. kaya mas mainam na yata na kapag tinanong ako kung ano looks ko, sabihin ko na lang na pangit ako, tutal yun naman yata yung totoo.