This sentence has exactly six words.
The same as this next line.
I woke up at six o'clock.
Still sleepy, but I am fine.
Oh, something is hard down there.
That meaty six-inch *toot* of mine!
letse! ang dami kong alam! hahaha! yan ang nagagawa ng nagigising ng maaga. yung wala sa nakasanayan. alas-sais, to be exact. ang mas nakakainis, yung kahit anong pilit kong bumalik sa pagkakahimbing, kahit anong pagsusumamo ko kay antok na dalawin ako ulit, kahit anong pakiusap ko kay Mr. Sandman na sunduin ako ulit, at kahit anong klaseng pagbibilang ko ng mga putanginang puting tupang tumatalon sa fence, eh di naman ako makatulog ulit! di ko naman maintindihan kung bakit "i'm alive, alert, awake, enthusiastic" na agad ang peg ng utak ko eh ka-aga-aga pa. aligaga. di mapakali. parang batang excited sa educational field trip sa factory ng coca-cola o sa planetarium (na di hamak na mas okay naman kaysa sa mga field trip ngayon na kung hindi sa enchanted kingdom ay sa star city!). the last time i checked, hindi na ako elementary student so wala akong scheduled field trip ngayon. kung meron man, malamang di din ako makakasama kasi wala akong permission slip na may pirma ng nanay ko. ah, basta alam ko, wala naman akong field trip o kahit anong scheduled appointment ng ganitong kaaga ngayong araw. mamayang tanghalian pa ang AlDub. sa isang araw pa kami manonood ng Popoy at Basha. almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (naka-bold, italics, at underline pa yan for emphasis, para di n'yo makalimutan. ehem. hoverboard lang, masaya na ako, haha!). isang buwan pa bago magpasko, tapos additional six days pa after that bago magpalit ang taon. in short, walang okasyon. walang espesyal. walang ganap.
eh bakit ako excited? aba malay ko. basta, almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (inulit ko lang. for emphasis.)
at dahil nga tila wala nang pag-asa na makatulog ulit ako, at kagaya nga ng nabanggit sa panimulang tula ko kanina (by the way, napansin n'yo ba yung tula? six lines. tapos six words per line. syet! talent!), kailangan kong palambutin ang tigas at palabasin ang galit ng naghuhumindig na ulong namumula at nag-iinit. hmmm... agad akong umupo sa harap ng computer at nagbukas ng browser. pinindot-pindot ko (ang keyboard) habang pinipisil ko (ang mouse) at hinihimas-himas ko (ang scroller sa mouse). ayan... di na mainit ang ulo (ko)...
pero di ko pa rin alam kung bakit ako excited. ah, ewan. basta, almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (again, emphasis.)
tuloy-tuloy lang ako sa pagba-browse-browse at paglipat-lipat sa mga kung anu-anong social media sites tulad ng facebook, twitter, facebook, pinterest, facebook, instagram, facebook, pornhub, facebook, facebook, facebook, facebook... ng maisipan kong... teka nga... mabisita nga ang blog ko.
boyshiatsu.blogspot.com
basa... tawa... basa... inalala... basa... baba... basa... halakhak... basa... victor... basa... kala... basa... hindi tuyo... basa...
read... laugh... read... reminisce... read.... scroll... read... hahaha... read... james... read... gren... blo... yilu... penk...
PRENO!
tama ba yung nakita ko?
scroll up ng kaunti para balikan ang title ng kasalukuyang entry na binabasa ko...
Ten Percent Golden Anniversary
27 November 2014
sabay tingin sa kalendaryong galing sa Mercury Drug na nakasabit sa dingding...
ang daming number. tsaka discount coupons. tsaka pictures ng Babyflo products.
kaya chineck ko na lang ang date sa computer...
27 November 2015!!
kaya naman pala ako excited! sixth year anniversary ng BoyShiatsu! wow, fantastic baybeh!
aba'y akalain mo, anim na taon na pala akong nagdadadakdak at nagkukukuwento ng mga kung anu-anong karanasan, kamalasan, karahasan, kapangahasan, at iba pang ka-a-a-san dito sa blog! di nga lang ako sigurado kung may nagbabasa pa ba sa mga isinusulat ko, pero wapakels! anim na taon, mehn. six years! parang college life na yun nung kapitbahay ko dati (ang dami n'ya kasing ibinagsak na subjects, kaya ayun, nadagdagan ng dalawa yung dapat 4 years lang). six years! halos kasingtagal ng pag-ere ng original na Mara Clara sa tv. six years!
sobrang natuwa ako ng mag-sink-in sa akin na anim na taon na pala akong nagbabahagi ng buhay ko bilang isang, ehem, "service provider" sa internet. parang kailan lang ay di ako makapaniwala na nagsusulat ako ng entry tungkol sa ikalimang taon ng blog ko. tapos eto, i'm writing about the sixth year na! ang sarap sa pakiramdam. nakaka-proud. pero agad ding nawala ang sense of achievement kong iyon at napalitan ng pagka-asar ng may marealize ako...
mula sa 5th year anniversary entry ko hanggang sa ngayon, naka-apat na entries lang pala ako. apat! potcha! hindi man lang naging anim, para one for each year sana. apat. four. bwiset.
and to make it more ironic, isa lang sa apat na entries na ito ang may kinalaman talaga sa pagiging masahista ko! yung isa, theater play review. yung dalawa, tungkol sa lovelife. pure english pa yung isa. anak ng potato chips!
nagkaroon ako ng pagkakataon na makapanood ng isang magandang palabas last week: Tangahalang Ateneo's "Rite of Passage: Sa Pagtubu Kang Tahud." sa text pa lang, halata nang matalino si Sir Denny. and yet, here i am again. now i get it.
o, nalito ka ano? walang sense yan. pinagsama-sama ko lang yung first sentences ng bawat isa dun sa apat na entries ko from last year to this year. apat. four. bwiset.
pero, bakit ka ba! wala namang masama dun diba? kung ang ASAP nga nagrereformat at lumalayo sa original concept nila eh, blog pa kaya! tsaka, kwento ko pa rin naman yun ah. at least, buhay pa rin ang blog ko, kahit parang nagbubuntung-hininga na, hehehe...
napakarami ko nang dahilan na ibinigay dati kung bakit di ako madalas at consistent na nakakapagsulat. kesyo busy. kesyo walang access sa internet o sa computer. kesyo maraming ginagawa. kesyo writer's block. kesyo tinatamad. kesyo abala ako sa paggagantsilyo. at marami pang iba. at kadalasang kasunod ng mga dahilan na yan ay samu't saring pangako. daig ko pa ang kandidato sa pagka-pangulo sa dami ng pangako. may nalalaman pa akong cross my heart, hope to die, save, double save, do not erase, lock, double lock, double double lock. pero wala rin naman. buti na lang never akong nangako na magpapasagasa ako sa tren, hehehe...
ngayon, wala akong ipapaliwanag na dahilan. wala din akong bibitiwang pangako. ni hindi ako hihingi ng tawad. isa lang ang gusto kong sabihin...
salamat.
salamat kasi kahit di na ako regular na nakakapagsulat ay may mga sumusubaybay pa rin sa mga kwento ko. yung iba nga, nangungulit pa kung kailan daw ba ang susunod na entry. nakakatuwa, kasi hindi kayo nagsasawa na mag-abang sa mga kwento ko kahit ako mismo ay walang maibigay na kasiguruhan kung kailan ba yun.
salamat kasi kahit di niyo naman ako kilala ng personal ay pinaglalaanan n'yo ng oras ang pagbabasa ng mga kwento ko. pinapakinggan n'yo ang mga sinasabi ko, taliwas man sa personal ninyong paniniwala kung minsan. pinapatuloy n'yo ako sa inyong kalooban para sa ilang minutong chikahan at kulitan. nakikitawa kayo sa mga kalokohan ko, nakikiiyak sa mga paghihirap ko, nakikiisa sa mga ipinaglalaban ko, at umuunawa sa mga kapalpakan ko.
salamat kasi nandiyan kayo, kung ilan man kayo, para sumuporta sa pagtupad ko sa simpleng pangarap ko na makapagbahagi ng kwento at makapagpasaya sa sinumang magbabasa nito.
salamat sa kung sino man ang magbibigay ng hoverboard sa akin bilang bertdey gift kahit almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (emphasis)
salamat sa mga nagtetext, tumatawag, nag-i-email, nagmemessage, nagcocomment, nagti-tweet, nagtetelegrama, nagpe-page, at nagpapadala ng mga kuwagong may nakataling parchment paper sa paa para mangumusta, mag-inquire, at makipagkwentuhan.
salamat. showbiz na kung showbiz, pero kung hindi dahil sa inyo, wala si BoyShiatsu. salamat sa anim na taon. di ko alam kung hanggang kailan pa, pero ayoko na munang isipin yun. basta tuloy-tuloy lang to kung saan man tayo abutin. sa ngayon, at para sa nakalipas na anim na taon, isang malaking salamat.
ay... dapat pala malaki...
SALAMAT!!!
(bold, italics, and underlined ulit for emphasis, parang bertdey lang, hehehe...)
grabe, anim na taon na agad. ibang klase talaga ang panahon no, parang career lang ni Pastillas Girl... ang bilis lumipas! hahaha! anyway, dahil sinimulan ko sa isang tula, tatapusin ko rin sa isang tula. consistency, ika nga.
sa bawat kwentuhan, luha, at halakhak
sa inyong lahat, isang malaking pasasalamat
anim na salita sa isang pangungusap
kagaya sa unang tula ang format
teka, nauubusan na ako ng salita
ummm... ahhh... yeah... ooohhh... wehh... PAK!!!
hahaha... o s'ya, hanggang sa susunod na kwentuhan. manonood na ako ng tv, Spogify na.
* * * * *
EDIT: matapos kong i-check ang kauna-unahang entry ko, nalaman kong hindi pala November 27 bagkus ay November 20 pala ang date ng introduction ko, at November 21 naman ang pinaka-unang kwento... eh ano naman? wapakels! basta ang mahalaga, anim na taon na. and almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (huling reminder lang, baka magkalimutan)