pag may nangyari bang kamalasan sa akin dahil sa clients, bobo o tanga na agad? hindi ba pwedeng masyadong lang munang mabait? or masyado lang nagtiwala? ang harsh ng ilang comments sa last two posts ko. kaya pasalamat na lang talaga ako at may option to screen the comments, haha!
* * * * *
hinga ng malalim...
ilabas ang hangin...
hinga ng mas malalim...
PIGIL!!!
okay na po. dental na po kayo sir.
isa yan sa mga paborito kong part ng medical exam. nakakatuwa kasi yung script eh. parang kung ano lang yung ginagawa.
and, yes, my friends... i had a medical examination kanina... a pre-employment medical examination!!!
bilang bahagi na rin ng pinangako ko sa sarili kong pagbabago ngayon 2012, binalikan ko ang isa sa mga call centers na inaplayan ko dati kung saan pumasa ako pero natagalan bago nila ako mabigyan ng training schedule. and nung time na tinawagan nila ako for training, empleyado na ako sa spa ng friend ko kaya di ako nakacommit.
makalipas ang halos isang taon, kinailangan ko ulit pumunta sa internetan para magpa-print ng resume ko. pero dalawang kopya lang ang pinaprint ko. malakas ang loob ko na hindi ko kailangan mag-apply sa maraming call centers para magkatrabaho (yabang!).
at pagka-print nga ng resume ay pumunta na ako ng makati. walk-in applicant. submit ng resume, then hintay hintay saglit hanggang sa tinawag na ang unang anim na sasabak sa initial interview. isa ako dun.
dakdak dakdak, mister friendship kunyari during the initial interview (group interview, so more than the hr, kasama ko rin yung limang tinawag), at pagkatapos ay isang maikling listening exam. pinalabas kami saglit at pinaghintay ng results. ilang minuto pa, lumabas na ang hr at tinawag kami isa-isa para bigyan ng maliit na papel. kanya-kanyang bukas. ayus. endorsed to final interview! out of the 6 people in our batch, may isang lumabas. bagsak.
oras ng final interview. one on one na ito. babae ang interviewer ko, at hindi maganda ang aura nya, parang second day ng period. pero kailangan i-maintain ang Sandra Bullock na peg ko ng pagiging congenial, kaya ngiti ngiti at perky perky pa rin ako habang naglalakad kami papunta sa interview room. at pagkatapos ay sinimulan na ni Lady Gaga (poker face kasi sya! as in!) ang interview kay Sandra Bullock. at sa totoo lang... hindi ko alam kung interview ba ang pinasok ko, o interrogation! sa tindi naman kasi ng mga tanong nya, at ng mga follow-up questions nya sa tanong nya, hindi ko alam kung hr ba sya o abogado! for example.
hr: so, your last call center employment lasted until may 2011 and you're applying for a job just now?
bs: yes.
hr: why?
bs: *kinuwento ko yung nangyari nung nag-apply ako sa kanila last may at november na nila ako tinawagan*
hr: so why did you decide to apply with us again?
bs: *pasipsip kuno na i heard a lot of positive things about their company keme keme*
hr: but that's more than 6 months ago. why did you not accept our offer that time?
bs: i was a little busy during the time i got a call from your company.
hr: so you're not busy now?
bs: i can say i can manage my time easier now.
hr: there's something i'm not picking up here... *at tinignan nya ng masalimuot yung resume ko* how did ou manage to survive for 6 months without a job?
bs: i stayed with my family. my sister acts as the bread winner *palusot lang. syempre, di ko naman pwedeng sabihing nagbebenta ako ng katawan, ng ligaya, ng laman, pati na ng laman-loob, bituka, at balun-balunan*
hr: okay... so if your sister can already support your family, why do you still need to look for a job?
sa totoo lang, naguguluhan na rin ako sa gustong mangyari ni Lady Gaga. hindi ko alam kung gusto nya bang lumuhod ako para sabihin sa kanyang kailangang-kailangan ko ng trabaho, or gusto nyang isiwalat ko ang lahat ng baho sa buhay ko sabay repent sa dulo with matching "bata ako, nagkamali ako, pero hindi pa siguro huli ang lahat upang buuin ko ang magulong buhay ko patungo sa matuwid na landas." pero isa lang ang naisip ko na sagot.
bs: well, extra money won't hurt, right?
at natahimik si Lady Gaga... and from that, nabago ang mood... naging kalmado na sya. mula sa tanungan portion na kulang na lang eh may nakatutok na incandescent bulb sa ulo ko na sumusuray-suray, bumalik kami sa normal na call center interview. ilang minuto pa at natapos na rin. labas daw muna ako at maghintay ng 5 minutes for the results.
hintay ulit... limang minuto... hanggang sa naging sampu... labinlima... at dalawampu! ang tagal! nakakainip! at nakakakaba. dahil sa matinding tanungan namin tungkol sa employment gap ko, nawala ang kompyansa ko sa sarili at sa unang pagkakataon ay kinabahan na naman ako after an interview. maya-maya pa, lumabas na nga si Lady Gaga at inabutan ako ng maliit na papel.
ayus! endorsed for computer-based exam!
tanggal ang kaba! wala akong problema sa computer-based exam! mani na sa akin yun. answered the exam in a breeze at pagkatapos ay sinabihan na akong bumalik ng alas-sais ng gabi for my job offer!
yehey!!! ayoko mang tanggapin na muli kong binalikan ang industriyang ilang beses ko nang isinuka, wala na akong pakialam dun. ang mahalaga, may trabaho na ulit ako.
and this... my dear readers... is the third strike!
opo. anytime soon, BoyShiatsu will stop as a masseur na. i may still accept appointments from previous clients, maybe. pero new clients? hindi na. unless tempting ang offer sa akin! hahahaha!
and the blog? it may stay... or it may not. sabi kasi ng ilan ring nagcocomments, nagiging boring na daw yung blog ko at panahon na daw siguro para itigil. sabi naman ng iba, ituloy ko pa rin daw kahit hindi na ako nagmamasahe. kaso kung ganun, saan naman ako kukuha ng mga ikukwento ko diba? then, i remembered... napakarami ko pa palang hindi naikukwento. so i can still keep the blog for a few months. or ewan. bahala na! basta sa ngayon, masaya lang ako na may regular source of income na ulit ako at hindi ko na kailangang mamroblema kung saan ako kukuha ng pangkain, pambayad sa mga bayarin, o pambili ng ecstasy! (hahaha! joke lang yung huli.)
:c
ReplyDeletewag mo itigil ang mga bagay na nagpapasaya sayo. :D
"mr. totoo."
eto ata yung trending sa blogsphere... folding... basta ako, I wish you well on your endeavors, Kenn ☺
ReplyDeletecongrats bs.....hope to meet you in person
ReplyDeleteI bet marami ka pang maikekwento kahit sa call center ka na. maraming sexcapades jan sa line of work na yan. wag kang tumigil sa pagsusulat. congrats sa bagong trabaho!
ReplyDeletecongratulations... na sad ako kasi hindi pa ako client. pero happy ako for you!
ReplyDeleteaus yan ken, at least kahit maliit lang ung magiging salary mo me steady income ka and will look forward na matatanggap ka every pay day di tulad sa previous job (?) mo na rewarding nga pag mejo ok ang client mo pero lagi ka naman namomroblema kung saan kukunin ung ipambabayad mo sa gastusin mo . . . love your job now and live according to your means, wag na rin masyadong carry lahat ng burden sa family . . . hindi masamang tumulong pero dapat me limitations especially kung ung humihingi ng tulong already had a family of their own na dapat siya ang mag support . . . am looking forward of reading more of your writings . . . experiences mo naman as a call center employee . . . dami rin nakakatuwang karanasan jan . . . way to go and will always pray for your success . . . good people are always being rewarded in due time . . .
ReplyDeletejio
Good luck Boy Shiatsu. I think you are heading on the right direction. Full time job, steady income, and sideline from time to time. Sa dinami dami ng pangit na pinagdaananan mo as a masseur, I am sure meron ka rin namang satisfied customer na puwedeng maging regular clients with a new adventure, kaya tuloy pa rin ang kuwento mo sa amin. You are a talented writer, so don't give this up. Things seems to be looking brighter for you kasi no matter what, mabait ka pa ring tao. And with your experiences, be it good or bad, they will only make a more insightful human being. Again good luck sa bago mong trabaho and sana tuluy tuloy na ang dating ng magagandang bagay sa iyo including love life na rin.
ReplyDeleteim happy for you, kahit wala na akong chance n ma-experience ang masahe mo...goodluck and enjoy your new job...
ReplyDelete>rainheart
Okay yan. Pwede ka naman mag sideline kung wala ka sa trabaho. May side income ka pa diba.
ReplyDeletesayang :(.. im planning to hire u p naman.. hehehe ive been reading ur blogs since last year.. congratz s work mo... welcome to the club!! malay mo isang call center company lng tau.. hehehe.. baka ako pa boss mo.. hehehe tc lagi.
ReplyDeleteGood luck on your new job. But you can still keep writing about other things even if you use up your inventory of "Manila by night" stories. You have a gift of storytelling---funny, engaging, and sincere. I'm a fan. Keep it up!
ReplyDeletecongrats!
ReplyDeletehope you'll never go hungry again or be forced to borrow money from others!
try to enjoy the new job. =)
I am in full support of your desire to get yourself up and start something new. Don't worry, I'll be around to hear you out when you experience difficulties.
ReplyDeletenice one! finally you have a more decent job.
ReplyDeletetoo sad, hindi ko man lang natry ang service mo... hahah...
wala kasing student discount! :D
enjoy and goodluck on your new job!
_JD_
Congratulations. But do not stop writing. You are a good writer.
ReplyDeleteWhatever you pursue in life, whether the flesh trade or a "legit" job, I only wish that you'll be at least one step closer to what makes you genuinely happy in life.
ReplyDeleteKUDOS KEN! :)
P.S. Keep writing/blogging! Even if it's the most mundane entry regarding something like--i dunno--paperclips, I and the rest of your loyal readers will still keep coming back to this site.
wow, ang saya-saya naman, you have a regular job uli....good luck
ReplyDeletei hope you still have time to meet me pag-uwi ko
continue writing pa rin ha...maraming kwento sa paligid mo....share them
ember