24 October 2011

Amaya... Amen!

i hate Marian Rivera!

isang kabog na statement bilang panimula ng blog.

pero totoo naman kasi. hindi ko alam kung bakit, pero i really loathe her. yes, i'm not denying na maganda sya. super ganda sya. pero, basta... may mali talaga eh. ang nakakataka lang dito, halos lahat ng kaibigan ko feels the same. kulang na lang talaga ay pumunta kami sa sec at magpa-register as anti-Marian official fan club! haha!

pero, apparently... hindi yata lahat eh ganun ang pananaw sa buhay.

nagkita kami ni Sir Dingdong sa recto kagaya ng napag-usapan. medyo malambot si sir, pero mukha namang mabait. matapos ang mahabang kwentuhan habang kumakain ng pizza, nag-check-in na rin kami.

"okay lang ba na bukas yung tv?" tanong ni Sir Dingdong.
"ayus lang po."
"sige"

at si Sir Dingdong na ang namili ng channel... kapuso. hinayaan ko na lang, tutal hindi naman ako ang manonood eh. ayus na sana eh. tuloy tuloy na ang masahe eh, kaso biglang nag-commercial.

amaya.

at hindi ko napigilan ang bibig kong intrimitida.

"ano ba yan! mukhang tanga lang si Marian!"

EPIC FAIL!!! bakit nga ba hindi pumasok sa utak ko na si Sir Dingdong na mismo ang pumili ng channel, so it's kind of a giveaway na kapuso loyalist sya. at dahil doon, nag-react si Sir Dingdong na naramdaman kong simula na ng isang usapang pang-korte.

"ano namang problema mo kay Marian?" tanong nya, pero medyo mahinahon pa naman.
"wala lang. i just don't like her." (hindi pa ako natuto! bumanat pa!)
"why?"
"ewan. may mali talaga. though she's pretty. siguro yung ugali."
"bakit, ano bang ugali ni Marian?"
"for me? parang palengkera. parang hindi bagay sa hitsura nya yung ugali nya."
"as if namang close kayo ni Marian."

at lumabas na nga ang pagiging Madam ni Sir Dingdong. may kulot yung pagkakasabi nya ng last statement nya... may ismid.

"i wonder why people hate Marian so much." pagtutuloy ni Sir Dingdong. "insecure lang sila kasi Marian is a very big superstar."

with conviction pa ang pagkakabanggit ni Sir Dingdong. sa tantiya ko, presidente sya ng "Forever Friends of Marian" fan club. pero, dahil ako ang presidente ng "Forever Enemies of Marian" fan club, magpapatalo ba naman ako? dinaan ko sa ibang atake.

"well, in fairness, i watched temptation island because of her."
"diba? ang galing nya dun!"
"yah! bagay na bagay sa kanya yung role nya. syang-sya yun eh." sabay ngisi.
"nakakatuwa nga sya dun eh."

JACKPOT! so apparently, hindi na-gets ni Sir Dingdong yung hidden message ko when i mentioned na Marian na Marian yung role nya dun. crook na crook! i guess hindi alam ni Sir Dingdong yung meaning nung word na yun. so, umatake na naman ako.

"yeah! natural na natural yung pagiging palingkera nya."
"ganun sya kagaling sa pagganap."
"eh kasi naman, parang Marian Rivera as herself lang ang ganap nya sa temptation island."

lumalabas na ang pagiging mang-aasar ko. pero, bago natin makalimutan... client itong kausap ko ha! hindi kung sinong bakla sa kanto o kung sinong jologs na kabarkada ko. kung tutuusin, what i'm doing at that moment is a sure shot way to losing a business! pero, wala na ako pakialam. nag-circulate na sa katawan ko yung anti-Amaya component ng dugo ko eh, tuloy tuloy na to!

"ang sama mo naman." sagot ni Sir Dingdong.
"hindi naman! nagsasabi lang ng opinyon."
"have you met her in person? mabait kaya sya!"

confirmed! presidente nga ng Forever Friends of Marian Fan Club si Sir Dingdong.

"i haven't met her in person. pero with all the tsismis about her, parang ang wa-class nya talaga."
"syempre tsismis yun!"

defense mode na naman si Sir Dingdong. pero dahil matatapos na ang masahe (yup! believe it or not, during the course of our conversation, tuloy-tuloy lang ang masahe ko!), inisang-tabi ko na ang mood ko to argue and i just finished it with a statement.

"ah, basta. i don't like her."

at para bang nakikiisa ang telebisyon sa kampanya para sa kapayapaan between me and Sir Dingdong, biglang lumabas ang commercial ng isang telecom.

"isa pa yan! i also don't like her."
"naku! ako rin, iritado ako dyan sa babaeng yan!"

at nagsimula na ang extra service ko kay Sir Dingdong na maganda naman ang naging resulta... i guess having Anti-Sarah Geronimo components in our blood made the connection work!

8 comments:

  1. di ako manonood ng TV pag hinire kita... hahaha

    ReplyDelete
  2. Nyaha! May available slot pa ba para sa membership ng anti-Marian at anti-Sarah ayoko rin sa kanila bwahahahaha ☺

    ReplyDelete
  3. I agree with you. Maganda si Marian period. Para ngang may mali when she starts talking. Ung sound nang voice niya plus how she talks parang hindi sa kanyang klase ng mukha nanggagaling. I loved her in Marimar. Ngayon ko lang napagtanto why. Kasi ang original Marimar, iba ang sound sa bukas ng bibig. hahaha. - Estoy

    ReplyDelete
  4. i hate you nah! Ang bait kaya ni Idol Sarah. ahihihi

    ReplyDelete
  5. kenneth agree ako sayo when it comes to marian! ayaw pa kc magpakatotoo! tignan mo si maricel soriano, inaccept nya na mataray talaga xa kaya di na nagtataka ang mga tao kapag nagtaray xa! dapat ganun ang gawin ni marian, kung ugaling kalye xa ipagmalaki nya! kung kilos at tunog bakla xa so be it! wag ng magpaka sosyal at magpaka maria clara kc ang baho kahit ilang galong pabango ang ilagay mangangamoy pa din!


    pero m sorry, kahit reginian ako i don't feel the same with sarah g! i find her to be a true person! ung nanay at tatay nya ang irita ako! hehehe

    -masterbaker

    ReplyDelete
  6. count me in! i hate marian. bakit ba nabulag nya si Ding Dong at hiwalayan si Karylle.

    ReplyDelete
  7. count me in ---jay-arr

    ReplyDelete