06 October 2011

Afternoon DeLight

summer noon, mainit, kaya nagulat ako ng may nagtext sa akin kung available daw ako ng ala-una ng hapon! alangya! torture mode yun! mahirap magbyahe ng tanghaling tapat. galit ang haring araw. isa pa naman ako sa mga taong not in good terms with pawis. pag pinawisan ako, iritado na ako. pag iritado na ako, pagpapawisan ako lalo... and the cycle goes on. hindi ko pa kilala ang BonChon chicken at Cerealicious noon, kaya medyo mahirap pa maghanap ng pampawala ng init ng ulo ko... buti na lang there's always vanilla ice cream.

hindi ko na sana tatanggapin, pero since businessman ako, umoo pa rin ako. never say no to a client just because of personal preferences.

makalipas ang tatlumpung minutong pakikipagsagupa sa impyerno, dumating ako sa bahay ng Sir Bambam. isa s'yang call center agent, so kitang-kita ko sa mukha nya na puyat at haggardo versoza pa sya nung sinundo nya ako sa kanto ng street nila. one of them bampiras, you know! nilakad namin ang extension ng impyerno habang nagkukwentuhan. hanggang sa, finally, ay nakarating kami sa bahay nya.

"sa weekend na sana kita iha-hire eh, rest day ko yun, kaso aalis pala kami ng team ko. galera daw."
"oh. malamang magkita din tayo dun. punta rin ako ng galera this weekend eh."
"ah! hire na lang ulit kita dun! ahahahaha! tara, sa kwarto na tayo."

at pag-akyat sa kwarto... thank you buddha! nakatikim din ng kapirasong langit matapos ang pakikipag-sagupa sa teritoryo ni Lucifer! naka-set na ang malamig na aircon ni Sir Bambam, at may relaxing na sounds at ilaw pa! kumpleto! para lang kaming nasa spa dahil sa ambiance. pero halatang call center agent si Sir Bambam dahil sa kwarto nya: magulo ang gamit, maraming nakatambak na dvd's sa harap ng tv, maraming starbucks memorabilia, at may makapal at sobrang dark na kurtina na nakatakip sa nag-iisang bintana.

matapos maligo (which is another piece of heaven! yay!) ay nagsimula na ang masahe ko kay Sir Bambam. maayos ang takbo ng serbisyo. heaven on earth talaga ang eksena. malambot na kama, malamig na hangin, tahimik na paligid, makulimlim na ilaw, at machong masahista (ansaveh?!?!). Regina Spektor pa ang background music, fidelity, habang masarap na nilalasap ni Sir Bambam ang isa sa mga regalo ng kalangitan sa lupa.

i hear in my mind, all these voices
i hear in my mind, all these words
i hear in my mind, all these music
and it breaks my heart
and it breaks my heart
and it breaks my...

biglang tumigil ang music. at kasama ng pagtigil ng music... nawala ang mahinang bulong ng aircon. nawala ang makulimlim na ilaw... in fact, nawala ang ilaw, it became so dark!

brownout! ay, hindi pala! blackout! (ang pagkakaintindi ko kasi dati noon, pag brownout, medyo naaaninag mo pa ang paligid. pag blackout, pitch dark na halos!)

"ano ba yan!" napasigaw si Sir Bambam. "letse naman ang timing o."
"kalma lang. malamig pa naman yung room mo eh."
"any minute from now, iinit na yan. and besides, hindi kita makita."

natawa ako sa last line ni Sir Bambam. and besides, hindi ko rin naman sya makita. ganun kadilim sa kwarto nya.

"teka, hawiin na lang natin yung kurtina. wala naman sigurong tao dun." dire-diretso kong sinabi habang nangangapa papunta sa kurtina.

"hwag!!!"

pero huli na ang lahat. nabuksan ko na ang kurtina bago pa nya ako mawarningan... at alam ko na kung bakit.

right across his room, eh may katapat na bahay na malaki ang bintana at bukas na bukas... ang katapat ng kwarto ni Sir Bambam ay living room ng kapitbahay. okay lang sana eh. kaso, since tanghaling tapat noon, at summer... nasa bahay ang lahat ng tao, lalo na ang mga estudyante. at saktong-saktong pagbukas ko ng bintana ay preskong preskong nakaupo ang mag-anak sa living room nila, nagulat pa sa nakita nila sa bintana ng kapitbahay nila...

isang mamang magulo ang buhok, walang saplot, at may matigas na junjun!

natulala ako sa nangyari. ewan ko ba, parang biglang natunaw ang utak kong mabilis mag-isip at na-blangko ako sa kung ano ang dapat kong gawin. eto ako, nakatayo sa kwarto ng taong hindi ko kilala, at sa kabilang bahay naman ay tatlong pares ng mata ang nakapako sa hubad kong katawan. mabuti na lang at agad-agad naisara ni Sir Bambam ang kurtina, na sakto namang nasabayan ng pagbalik ng kuryente. kung hindi, malamang natunaw na ako sa kahihiyan. mas okay nang matunaw ako sa init ng panahon kaysa sa matunaw ako sa kahihiyan.

"shit! what just happened?" yun lang ang nabanggit ko ilang segundo pagbalik ng kuryente.
"hahahaha! sabi ko sayo wag mo buksan agad agad eh."
"shit! nakakahiya! baka kung ano pa sabihin ng kapitbahay nyo."
"okey lang yan. medyo sanay na sila."

at ipinagpatuloy na lang namin ang pakikipagnaig sa muling nagbalik na piraso ng kalangitan sa lupa, disregarding the thought that i just gave a 5-second unrated and unedited raw show sa kapitbahay ni Sir Bambam.

buti na lang nung weekend, walang bintana yung kwarto ni Sir Bamba, sa galera. at walang dropout sa kuryente.

4 comments:

  1. wow, my first time to read a masseur-poet (or is it poet-masseur?) galing!

    ReplyDelete
  2. nyahahahaha! well, there is a first time for everything ika nga nila ☺ carry lang, gifted ka naman di ba? >:D

    ReplyDelete
  3. Aliw! You're so smart for knowing the difference between blackout vs. brownout. May grey matter talaga kukote mo. LOL.

    I like that comment about Starbucks memorabilia pag taga-call center. How keen. LOL.

    Are you for real ba talaga?

    Reading your blog reminds me of agent boytoy and his erstwhile blog. Swear. Di kaya iisa kayo? Hmm. Do tell.

    denciopadilla.blogspot.com

    ReplyDelete