28 October 2013

Pasakalye

dahil masyado akong maraming pinagkaabalahan nitong mga nagdaang buwan, humihingi ako ng paumanhin na hindi ako nakapag-update. pasensya na.

may mga pagbabagong magaganap sa blog na ito. bagamat tuloy pa rin ang pagkukwento ko ng mga samut-saring karanasan sa iba't ibang mga customers, nawa ay pahintulutan nyo akong magkwento ng iba pang bagay tungkol sa aking sarili, hindi lang bilang BoyShiatsu, kundi bilang kakilala, kakulitan, at kaibigan nyo. magsisimula ang pagbabagong ito sa mga susunod na araw.

maraming salamat po!


Posted via Blogaway

11 September 2013

Calle Ocho

i guess it's safe to speak for both of us naman na sa simula ng relasyon namin ay hindi namin parehong inasahan na aabot kami sa aming unang walong buwan. but the road to this stage is not easy. it's never easy.

marami kaming differences ni Jack Frost, at yung iba dun ay ngayon lang namin nadidiskubre. pero hindi ko maintindihan kung anong malakas na pwersa ang nagbago sa mga pananaw at pakiramdam namin upang kumapit sa isa't isa at hindi bumitaw.

may mga pangyayari na kung nangyari sa amin siguro sa una o ikalawang buwan namin ay malamang naging mitsa na ng relasyon namin. pero, siguro nga eh talagang nag-mature na kami, o talagang lumalim na ang pagmamahal namin sa isa't isa, o mas inuunawa at iniintindi na namin ang isa't isa.

marami pang darating na mga bagong bagay sa amin. at hindi ko na mahintay ang mga yun!

Jack Frost ko, thanks for the eight amazing months walking with me in this road together. i'm excited for more months and years to, and i know you are, too. thank you for loving me, and for letting me love you.

12 August 2013

DIY

nakakatuwa yung pakiramdam na paggising mo sa umaga ay alam mo na kung anong gusto mong kainin sa almusal. una, bihira na lang kasi ako gumising ng umaga (blame it on my graveyard shift), at pangalawa, araw-araw na lang kasing ginawa ng kung sino mang pwersa na pahirapan ako sa pagdedecide kung anong almusal ko. kaya ang laking saya ko nung nanaginip akong kumakain ako ng pancakes sa pancake house... at nagising agad to make sure na nakatatak pa sa memorya ko yung panaginip. pero dahil walang malapit na pancake house sa amin, at ayoko namang payamanin ulit ang jollibee, nakaisip ako ng alternatibong paraan... do it yourself! ah, este, myself pala!

agad pumunta sa convenience store at bumili ng pancake mix (may kasamang maple syrup, astig!) ng muli kong ni-recall ang panaginip. hindi lang basta pancake yun eh... may  chocolate chips sa loob! may kasama pang bacon and orange juice. at dahil nasa grocery na lang din ako, bumili na ako ng alternatives para talagang living the dream ang peg. bumili ako ng chocnut (walang chocolate chips eh!) at pakete ng orange juice. at dahil mahal ang bacon, bumili na lang ako ng ham. sugod sa bahay, luto ng almusal... solb! pero hindi ito ang unang beses na nag-do-it-yourself ako alang-alang sa panaginip.

* gumawa ako noon ng sarili kong version ng amazing aloha ng jollibee. burger patties, murang keso, bacon (may extrang pera ako nun, yehey!), at pineapple tidbits. solb!
* lucky me krak krak, BoyShiatsu version. dahil walang mabiling krak krak sa mga tindahan sa amin, bumili na lang ako ng chicharong baboy! dinurog at ibinudbod sa pancit canton. solb! nasubukan ko na rin na gumamit ng chippy at tortillos, solb ulit!
* na-inspire ako sa isang sandwich sa peanut butter and co, kaya gumawa ako ng sarili kong version. peanut butter, banana, and ham! medyo weird, pero masarap pa rin. solb!

siguro madali naman talagang mag-do-it-yourself ng mga pagkain. likas naman kasing malikhain at maparaan ang mga pinoy, at likas lang talaga akong matakaw! ahahahaha! pero, sa ngalan ng panaginip, ano pa ba ang kaya mong i-do-it-yourself? kilalanin natin si Sir Dodie, baka sakaling ma-inspire niya tayo.

isang araw ay nagtext sa akin si Sir Dodie, nagtatanong tungkol sa services ko. dahil medyo busy ako sa pagkain (yeah, matakaw ako, sabi ko naman sa inyo eh!), sinend ko lang sa kanya ang template ko. natigil lang ako sa pagkain dahil ang OA nung reply nya.

Sir Dodie: masungit ka pala.

masungit? guys, tell me, masungit ba dating nung template ko? sumagot na lang ako.

BS: sorry po, having dinner eh.
SD: okay lang, busy ka ba tonight?
BS: di naman po.
SD: okay, good. pwede ka tonight?
BS: pwede naman po, saan ka ba?
SD: alabang
BS: ang layo pala, pero ok lang.
SD: sige. kaya mo makarating dito in 30 minutes?
BS: naku, sir, di po kaya. mga 2hrs po.
SD: ganun ba? sayang naman. talagang gustong-gusto na kitang matikman eh. matagal ko nang panaginip yun.
BS: ang lalim naman sir, panaginip talaga! hehehe...
SD: totoo naman eh. teka, may pictures ka ba?
BS: *sends photo link*
SD: okay... ang seksi ng photos mo ah
BS: salamat. pero medyo tumaba na ako (note: palagay nyo, bakit ako tumaba? hehehehe...)
SD: ayus lang yan. hot ka pa rin for sure.
BS: salamat. so, tuloy mamaya?
SD: eh ang tagal eh. ano bang size mo? anong stats mo?
BS: *sends size and stats*
SD: shit! ang sarap nun.
BS: hehehe... hintayin mo na kasi ako, paservice ka na.
SD: ang tagal pa eh. libog na libog na ako sayo. ano bang ginagawa mo kapag nagseservice ka.
BS: *sends a horny text na masyadong rated spg to post here in the blog, hehehe...*
SD: tangina! ang sarap nun!
BS: hehehehe...
SD: 2hrs pa talaga bago ka makarating dito?
BS: opo eh.
SD: ang tagal. sige, tignan ko na lang muna pictures at yung mga text mo, pagjakulan na lang muna kita.
BS: ahahahahaha!
SD: seryoso ako.
BS: um... okay...
SD: sop tayo!

di na ako sumagot, itinuloy ko na lang ang pagkain ko. ilang beses tumawag si Sir Dodie, pero di ko sinagot. hanggang sa nakulitan ako, sinagot ko ang isang tawag nya. ang narinig ko lang sa kabilang linya ay puro ungol at halinghing. potah! tinotoo nga! hahahahaha!

nalulungkot ako na hindi ko nai-close yung deal, sayang yung kikitain. pero on the other hand, masaya ako kasi i helped someone reach his dream... kahit na do-it-yourself ang peg!

19 July 2013

Scandal

sabi nga ng karamihan, isang malaking scandal daw ang buhay ko bilang BoyShiatsu. and i think the same way rin naman. all the kinky stuff, the nasty bed action, the deceptions, gameplays, pretentions, at kung anu-ano pang mga kagila-gilalas na pangyayari na malakas maka-teleserye. ang sarap magbitbit ng hidden camera and kunan ng videos lahat ng nangyayari sa akin, then i-upload ko sa youtube para instant sikat! malay mo pag-usapan pa ako sa facebook ala-Genelyn Sandaga (aww... aww... tobol, tobol, tobol!). or baka sakaling kontratahin ng tv5 ang mga videos ko for their new reality show pamalit sa misimis bay na sobrang original at talagang walang ginayang kahit anong tv show sa buong mundo (hahaha!). pero may isang scandal ako na hindi kayang matagalan...

takot ako sa mga intensed na talastasan at akala-mo-nagsisigawan-pero-ang-totoo-ay-nagpapaliwanag-lang-naman na conversations. nung isang araw nga, nanonood ako ng the apprentice asia. at bagamat hindi naman ako kasali or in any way ay related kay Jonathan (the pinoy guy who makes it to the final 2, sana manalo sya!), ako yung kinakabahan at ako yung nate-tense sa mga interviews nya. dun ko napatunayan na hindi talaga ako confrontational na tao.i love expressing my ideas in a calm, cool, smart way. ayoko ng pataasan ng boses. ayoko ng sigawan. ayoko ng pahiyaan. ayoko ng ginataang langka. ayoko ng spam emails. pero gusto ko ng spam, lalo na yung spam omelet ng ministop.

kagabi, hindi natuloy ang lakad namin ni Jack Frost. at sakto namang may nagtext na kliyente at nagtatanong kung pwede daw ako for the night. pumayag ako. at agad akong sumugod sa metrowalk kung saan namin napagkasunduang magkita.

ayus naman si Sir Jerson. nasa early 30's pa lang yata, corporate-looking, at mukhang matalino. nagkasundo kami na uminom na muna. since i'm in the mood to drink din naman, pumayag ako. pumunta kami sa isang bar sa metrowalk at uminom.

masarap kakwentuhan si Sir Jerson. hindi lang sya mukhang matalino, matalino talaga sya! kung anu-anong random na usapan tungkol sa mga paboritong bagay, tungkol sa blog, at tungkol sa mga paparating na private-public-partnership projects ng gobyerno. sobrang random, sobrang walang direction, pero masaya naman. ang nakakatawa lang, kahit ako eh parang retarded na sa kakatawa, si Sir Jerson ay sobrang composed at proper pa rin. tumatawa sya, pero hindi naman scandalous. prim pa rin. well, differences.

makalipas ang dalawang bucket ay naisipan na naming umalis. may kotse pala si Sir Jerson na nakapark sa nakakatakot na parking ng metrowalk. nagkukulitan pa rin habang naglalakad papunta sa kotse. maganda ang kotse ni sir, pangmayaman! super tinted and windows, malinis ang katawan, at mukhang well-maintained. pumasok na kami sa loob at itinuloy ang kwentuhan.

"ewan ko ba, pero naki-creepy-han talaga ako dito sa parking ng metrowalk. parang anytime eh may mga multong lalabas, ahahaha!" banat ko.
"ayan o, security guard, hahaha!" biglang sagot ni Sir Jerson ng may mapansing security guard na aali-aligid malapit sa kotse namin.

nagtawanan na lang kaming bigla nya akong tanungin.

"okay lang bang pa-sample ng kiss?"

at dala na rin siguro ng kalasingan, at dahil komportable na rin naman ako kay Sir Jerson, sinampolan ko sya ng kiss, pero smack lang. pa-demure, haha! mukhang natuwa naman yata si sir. hanggang sa medyo naging intense pa ang sumunod na halik. at isa pa. at isa pa. at isa pa ulit. malakas na maka-misimis bay ang aksyon namin ng bigla akong na-bother...

may kumatok sa pinto ng kotse namin at may flashlight nang nakatutok sa amin!

bumilis bigla ang tibok ng puso ko, at nakita ko rin si Sir Jerson na kinakabahan. puta! though hindi ko alam kung may mali ba sa intense na halikan sa parking lot in a private car, kinabahan pa rin talaga ako.

agad binuksan ni Sir Jerson ang pinto ng kotse at mahinahon na nagtanong sa nakahuli kung anong kailangan niya... the same security guard na nakita naming umaligid sa kotse!

"sir, public scandal po yang ginagawa nyo. bawal po yan."
"ha? bakit? anong ginagawa namin?"
"sir, bawal po yan. alam nyo po kung anong ginagawa nyo."
"wala naman kaming ginagawang masama ah!"
"sir naman, huling-huli na kayo eh! akin nang id mo!"
"putangina! bakit, bawal na ba maghalikan sa loob ng kotse?"
"sir, wag mo na akong gaguhin. alam nyo kung anong ginagawa nyo."
"eh gago ka pala eh! wala naman kaming ginagawang bawal ah."
"anong walang ginagawang bawal? eh kitang-kita ko, nagjajakulan kayong dalawa!"
"jakulan?! gago ka rin ano! anong jakulan? tignan mo nga, eh pareho pa kaming naka-belt at naka-pantalon."
"syempre itinaas nyo na. wag ka nang magreklamo. akin nang id mo."
"bakit? anong kaso ko? sino ka ba dito?"
"sir, trabaho lang."
"asan ang id mo?" *ipinakita ng guard ang id.* "eh gago ka pala eh, security guard ka lang pala dito eh. anong sinasabi mong pwede mo kaming hulihin?"
"sir, wag ka na pumalag! huling-huli ka na eh. akin nang id mo."

galit na inabutan ni Sir Jerson ng id ang sekyu habang nakikipag-argumento pa rin sa kung ano bang kasalanan ang nagawa namin. narinig kong nag-radyo ang sekyu. ako naman ay talagang naka-kuyupyop na sa passenger seat dahil sa takot.

"sir, hintay lang po ha, papunta na dito boss ko."
"gago ka ba! bakit pupunta dito boss mo? akala ko ba sasampahan mo kami ng kaso. tara, halika, gumawa ka ng papel de reklamo."
"wag mo akong sigawan ha. kayo na nga itong may ginagawang kagaguhan, kayo pa itong matapang."
"eh putangina mo pala eh! hindi mo nga masabi kung anong ginawa naming kasalanan eh."
"public scandal nga. sa opisina ka na magpaliwanag. magpapapunta na rin ako ng pulis."

lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig ko ang salitang "pulis." takot na takot na ako dahil ayokong makulong dahil lang sa pakikipaghalikan sa kotse. kumalma bigla si Sir Jerson at parang nakaisip ng idea.

kinuha nya ang wallet nya at kumuha ng limangdaan, sabay huminahon ang boses habang nakikipag-usap sa sekyu.

"sir, pasensya na, ayusin na lang natin to. ayaw lang namin ng gulo."
"naku sir, hindi pwede yan. naradyo na kita sa boss ko eh. pag pinaalis kita, ako naman ang kawawa."
"sir, pwede namang gawan ng paraan yan diba. ayusin na natin to sir. wala naman kaming ginagawang masama eh. eto o, para matapos na. sige na sir."

iniabot ni Sir Jerson ang 500 sa sekyu, pero hindi ito tinanggap.

"binabastos mo yata ako sir eh. hindi dinadaan sa bayad ang ganitong kaso sir. hintayin mo na lang yung boss ko. papunta na sya. tsaka yung mga pulis."
"tangina naman sir, ayusin naman natin to sir, nagmamakaawa na ako sir. sige na naman o."
"naku sir, gagawa-gawa kayo ng kalokohan tapos biglang ganyan."
"sir, kaya nga po nakikiusap ng maayos sir eh. tapusin na natin to. ayusin na lang natin. ayaw ko na rin ng hiya o ng gulo."
"sir, pasensya na sir, trabaho lang talaga."
"sige na sir, ayusin na natin to, please naman sir. oh eto o, 700 na yan."

natigilan ang sekyu... at sumagot.

"gawin mo nang 1500 yan sir."
"sir, pasensya na, eto na lang talaga pera ko dito eh. ayusin na natin to sir. tanggapin nyo na to sir. para matapos na sir. nauubos na rin oras natin. sige na sir."
"naku sir, hindi talaga pwede. mali yang ginawa nyo eh. papapulis namin kayo. papatawag rin kami ng media, papamedia namin kayo."

kaba factor escalate! kahit hindi ko gets kung bakit kailangang umabot sa media, napuno pa rin ako ng takot. tangina, kulong na, media pa! sobrang kahihiyan na to! at tila nairita rin si Sir Jerson sa sinabi ng sekyu.

"gago! anong media? bakit mo kami ipapamedia?"
"sir, public scandal po itong kaso nyo. kailangang ipakulong kayo."
"putangina mo! raket mo to eh!"
"sir, walang raket raket dito. ginagawa lang namin trabaho namin."
"walang raket-raket, eh hinihingan mo nga ako ng 1500! putangina mo pala eh."
"wag ka nang umalma. parating na yung boss ko."
"o, tapos, anong gagawin nyo sa amin? ipapakulong? ipapamedia? eh wala naman kaming kaso! eh gago ka pala eh. tapos wala ka pang testigo!"
"umayos ka, nasa akin ang id mo!"
"tangina! sayo na yang id ko!"

at biglang isinara ni Sir Jerson ang pinto at nag-drive papunta sa exit. all this time, sobrang kabado lang ako at naiiyak na sa takot.

"relax, maaayos to. walang mangyayaring masama sayo." sagot ni Sir Jerson na tila nag-transform mula sa pagiging prim and proper sa pagiging argumentative and hard-headed... parang mga informal settlers lang. "akong bahala sayo."

pagdating sa exit ay itinigil ni Sir Jerson ang kotse nya at bumabang galit na galit. naiwan nyang bukas ang pinto kaya rinig na rinig ko ang conversation kahit ayokong panoorin.

Sir Jerson: putangina! sinong head of security nyo dito?
Head Security: sir, ako po. magandang gabi po. anong problema sir.
SJ: gago yang sekyu mo eh. hinuli kami na may ginagawa daw kaming kalokohan! eh wala naman kaming ginagawa.
Mamang Sekyu: anong wala? eh kitang-kita ng dalawang mata ko eh. public scandal ang ginagawa nyo.
SJ: gago! sabihin mo, rumaraket ka lang. ano to, ser, ganito ba talaga kayo ka-gago dito sa metrowalk?
HS: sir, wala po kaming raket raket dito sir. ano po bang nangyari?
SJ: hindi mo alam? eh iniradyo na kami nyang tarantadong sekyu mo sayo ah.
HS: sir, wala pong iniraradyo.
SJ: eh kung hindi ka rin pala talaga gago eh ano. tinatakot mo pa kami!
MS: sir, eh wala naman talaga akong raket raket sir, trabaho lang.
SJ: at anong sabi mo, ipapamedia at ipapapulis mo kami? asan? asan ang pulis?
HS: kalma lang po sir.
SJ: paano akong kakalma, sige nga? eh nang-iistorbo yang ahente mo, tapos mangongotong pa,. hinihingan ba naman kami ng 1500!
MS: sir, wala akong hinihinging pera sir, kayo nga pong nag-ooffer sa akin eh.
SJ: gago! anong offer! tangina mo pala eh! asan ang pulis mo? tangina! pulis pala gusto mo ha!

may tinawagan si Sir Jerson sa telepono...

SJ: tito, eh nandito ako sa metrowalk, may gumagago sa aking sekyu. kinokotongan ako. dahil lang may kasama akong barkada ko sa sasakyan na lalake din, public scandal daw eh wala naman kaming ginagawa.
HS: sir, ayusin ho natin ito sir.
SJ: anong aayusin! eh kayo tong nagsimula ng gulo eh! nananakot pa kayo. tangina nyo. tapos nangongotong, then babaliktarin nyo pa kami.
MS: sir, wala naman akong hinihingi sa inyo sir eh.
SJ: putangina mo! asa ang id mo! anong pangalan mo! akin na, hinihingi ng tito ko.
HS: sir, relax lang po sir.
SJ: hindi ikaw ang kausap ko. hoy, gago, akin nang id mo! tinatanong ng tito ko pangalan mo. tsaka, anong agency kayo?
HS: sir, pasensya na po talag sir. eto na po yung id nyo. pasensya na po sir.
SJ: anong pasensya pasensya? gusto nyo ng gulo diba? kayo nagsimula nito. inaagrabyado nyo kami, tapos peperahan nyo pa kami. eh gago pala kayo eh. hintay lang kayo dyan, papunta na dito yung tito kong general. *sa phone* tito, ayaw ibigay yung id.
HS: sir, sorry na po. ako na po ang humihingi ng dispensa.
SJ: oh sige na tito, wag na daw, okay na daw.
MS: pasensya na po sir.
SJ: tangina mo! pasensya pasensya. kanina ang tapang-tapang mo, pinagtatawanan mo pa kami. ngayon, tiklop na tiklop ka. gago ka ha! papupuntahin ko pa rin tito ko dito. ipapatanggal kita sa trabaho mo gago ka.
MS: sir, tapusin na po natin to.
SJ: gago! tangina mo!
HS: sir, pasensya na po talaga sa abala.
SJ: tangina nyo! ayusin mo yang empleyado mo. gago eh. mangongotong pa. iisahan pa ako. tarantado ka!
HS: opo sir, pasensya na po talaga sir.

at bumalik na si Sir Jerson sa kotse, nakangiti. habang ako naman ay takot na takot pa rin at naiiyak.

"uy, ayus ka lang?"
"sir, nakakatakot ka."
"haha! ganun talaga! hindi ka dapat nagpapasindak sa mga ganyan."
"salamat po."
"for what?"
"for standing up."
"buti ka nga may tito kang general. at least may pwede kang tawagan."
"oh, that was just acting. wala akong kilalang kahit sinong pulis!"
"whoah! hahahaha! well, i was convinced! thanks again for standing up."
"we have to. walang mangyayari kapag hindi ka sumagot. tsaka, syempre, takot ko na lang kung may mangyaring masama sayo."
"paano kaya kung kunyari eh hindi gays yung nakita sa kotse? say, hetero couple, or girl to girl?"
"no scandal like that will happen. a sad reality for us gay guys. tayo ang pinupuntirya ng mga ganyang raketero kasi alam nilang takot tayo na mapahiya kaya basta na lang tayo magbabayad."
"well, not you."
"oo naman! or else, kung bumigay ako dun sa 1500, edi 500 na lang ibabayad ko sayo! hahahaha!"

nagtawanan na lang kami na parang mga nagtagumpay na kontrabida sa teleserye at pumunta na kami sa hotel para gumawa ng isa pang scandal. yung mas tahimik. yung mas intimate. yung mas wild.

04 July 2013

Yes, And...

nagsimula lahat noong june 7, 2012, sa isang maliit na bar sa makati. isinama ako ng aking kaibigan at meron daw syang ipapakilala sa akin. excited sya dahil i'm sure magugustuhan ko daw yung ipapakilala nya sa akin. at dahil marami akong kalungkutan sa buhay nung mga panahong yun, sumama na ako. but she keeps on insisting that i will not regret it naman daw, and i will definitely enjoy the night naman daw. at sinong mag-aakala? matapos ko nga siyang makilala, i immediately fell in love with him. sinimulan ko syang suyuin, weekly kaming nagkikita. ang huwebes ng gabi ko ay nakalaan para sa kanya. unti-unti ko syang kinilala, kinilatis, at diniskubre. hanggang sa dumating ang araw na maluwag na naming tinanggap ang isa't isa.

september 20, 2012... i said "yes, and" to the love of my life, and he said "yes, and" to me in return... that was the day i committed myself to the art of improvisational comedy.

at sa tagal ng samahan namin, hindi ko inakala na sa loob lang ng isang taon, mula sa pagiging fan, now i am (verbatim from one of SPIT's members) "a certified improviser, and a good one!" nakakataba ng puso, to the point na magkasingtaba na yung puso ko at yung tiyan ko!

december last year ng nakipag-collaborate ako sa ilan pang karelasyon ng improv comedy (yah, he's a bit of a charmer, and a lot of a multi-timer) at gumawa ng isang grupo. sinimulan naming magkita-kita at magpractice, very informal, walang kasiguruhan kung saan nga ba talaga kami mapupunta. hanggang sa nakatanggap na lang kami ng imbitasyon mula sa SPIT na kasama daw ang grupo namin sa mga magpeperform para sa manila improv festival 2013!!!

WOW!!! JUST WOW!!!

agad-agad kaming naghanda, gumawa ng plano, at hinarap ang isa sa pinakamahirap na challenge... ang mag-isip ng pangalan ng grupo! kanya-kanyang suggestions, kanya-kanyang isip, hanggang sa natapos ang dilemma namin... nakatanggap kami ng text mula sa isang member ng SPIT...

"Switch na yung nilagay naming name ng group nyo sa poster. diba yun na yung final name nyo?"

hindi pa, actually, pero isa yun sa mga suggestions. pero pwede na rin. in fact, ako ang nag-suggest nung name na yun, kaya happy ako na iyon ang napili! hee hee...

papalapit ng papalapit ang araw ng festival, at unti-unti na kaming nilalamon ng kaba. paano kung pumalpak kami? paano kung hindi namin ma-impress ang audience? paano kung hindi kami magustuhan ng mga international delegates? paano kung hindi nila trip ang kulay ng isusuot namin? paano ba mag-delete ng unnecessary apps sa blackberry curve? paano kung ganito? paano kung ganun? ang daming paano. ang daming takot. pero wala na kaming magawa kundi ang maghanda at umasa...

dumating ang unang araw ng festival, ang araw kung saan kami magpeperform. at bilang unang-una kaming grupo na magpeperform, talagang gusto nang kumawala ng puso ko sa ribs ko sa kaba! 3... 2... 1... "let's give a warm round of applause for our first group, Switch!"

at isa-isa na kaming tumakbo sa stage, iniisang-tabi ang lahat ng kaba, takot, pangamba, gutom, uhaw, libog, at kung ano pang negative vibes backstage. at makalipas ang tatlumpung minuto ng pagiging totoo sa mga sarili namin onstage, i just saw myself and my group mates bowing to our audience, getting a lot of claps, applauses, whistles, and overwhelming support! in 30 minutes, we were able to pull it off! ang laki ng tinik na nabunot sa akin. at pagbalik ko backstage, naalala na ulit ng physiological component ng katawan ko ang proseso ng paghinga.

maya-maya pa ay lumabas na ako at umupo sa may audience area para manood ng susunod na grupo... at sobrang nakakalunod ang suporta ng SPIT at ng mga international delegates sa amin. they approached us, congratulated us, hugged us, and commended us for a very great show. ang isang newbie na kagaya ko, nakakarinig ng mga papuri mula sa mga institusyon na sa larangang ito mula sa iba't ibang bansa? priceless!

at doon na nga nagsimula ang isang linggo ng di-makakalimutang karanasan sa piling ng mga improvisers at improv enthusiasts. walang language barrier. walang nationality clashes. walang separation according to social status. walang artista, walang unknown. walang luma, walang bago. walang kahit anong uri ng separation line. basta isang grupo kami ng mga taong ang gusto lang ay sumaya at magpasaya sa pamamagitan ng improv. at sa bawat araw na dumadaan, may panibagong natututunan, panibagong kaalaman, at panibagong kaibigan. habang tumatagal, lumalalim ang interes ko sa improv, at lalo lang akong na-inspire na hubugin ang craft na ito at i-apply ito hindi lang sa arts kundi maging sa araw-araw na buhay.

natapos ang manila improv festival, at hindi ko maiwasang maluha. sa loob ng isang linggo, nakilala ko ang isang pamilya na alam kong nandyan para sa isa't isa. we have the same craft, we have the same goals, but we never compete against each other. we help each other go up and not just care about our own name. hindi na lang ito basta isang art, isa na itong komunidad na tanggap ang bawat miyembro at patuloy na iaangat ang bawat isa. ngayon, mula sa pagiging simpleng interes at steady date every thursday night, masasabi kong sinisimulan ko nang isapuso ang improvisation, dinedevelop ko na ang passion na ito, at susubukin itong gawing way of life. at lahat ito ay dahil lang sa isang universal rule ng improv...

"yes, and...". anuman ang ibigay sayo, tanggapin ito ng maluwat sa kalooban, at dagdagan ito ng panibagong elemento. at kung bawat isa ay mabubuhay at susunod sa ganitong konsepto, tuloy-tuloy lang ang pagtanggap at pagbuo ng mga ideya, at magugulat ka na lang na isang napakagandang obra maestra na ang nabubuo sa harapan mo just because you decided not to resist and you decided not to halt, but instead just accept and add.

16 June 2013

F4

hindi ko mapigilang umiyak habang nakikita ko si Keno na inaabutan ng diploma sa entablado. suot ang kanyang itim na toga at pulang panel, masayang tinanggap ng anak ko ang kanyang parangal bilang cum laude. matapos ang ilang taon ng pagsusumikap, sa wakas ay nakamit na rin niya ang unang hakbang patungo sa kanyang sariling buhay. masaya na malungkot. masaya, kasi ito na ang hudyat ng pagiging "tao" ng anak ko, panahon upang tahakin nya ang buhay na gusto nya. malungkot kasi ito na ang hudyat ng pagiging "tao" ng anak ko, panahon upang simulan na nya ang lakbay ng buhay nya ng hindi umaasa sa aming dalawa nyang ama.

"congrats kuya!," bati ni Lansten sa kanyang nakatatandang kapatid. "finally, pwede mo nang gawan ng medical certificates ang mga barkada ko pag tinatamad silang pumasok at pinipiling mag-rehearse." lead singer ng isang banda si Lanster, at mas pinili nyang tahakin ang buhay ng isang performer. bagama't taliwas sa kagustuhan ng Daddy Jack nya, hinayaan na lang namin. nagmana pa sa akin ang bunso namin.

"sure. 500 lang per consultation. presyong kapatid. hahaha!" sabay batok sa kapatid nya. kung pilyo si Lansten kagaya ko, si Keno naman ay alaskador kagaya ng Daddy Jack nya. kagaya ng mga normal na magkapatid, madalas mag-asaran at magkapikunan ang dalawang ito. mas malakas mang-asar si Lansten kaysa sa kuya nya, pero dahil tila likas na alaskador si Keno, at siguro dahil na rin siya ang panganay, mas madalas mapikon si Lansten.

haaayy... ang mga anak ko. dati'y mga bulinggit lang na madalas mag-away sa ice cream, ipad, at timezone cards... heto't mas malaki pa sa amin at mga binatang-binata na. sinimulan na ni Keno, at alam kong hindi rin magtatagal ay magsisimula na ring magtayo ng sariling buhay si Lansten. masaya na malungkot. pero ganun talaga eh. bilang ama, tungkulin mong alagaan at gabayan ang mga anak mo hanggang sa dumating ang oras na kaya na nila ang sarili nila.

* * * * *

"will you two just stop the noise?" galit na sigaw ng Daddy Jack nila habang nagtatalo ang dalawang magkapatid.

"hayaan mo na." paglalambing ko kay Jack. "hindi ka na nasanay." patuloy lang ako sa pagda-draft ng marketing strategy for the 3rd and 4th quarter of the year para sa aming resto-bar. "might as well just finish your P.O, last week pa due yan ah."

sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay pumasok si Lansten sa kwarto, umiiyak at hawak ang laruang eroplano na hati sa dalawa.

"daddy, sinira ni kuya..." habag na habag at hihikbi-hikbi pang sumbong sa akin ng batang akala mo ay nag-te-taping para sa teleserye. kasunod naman sa likod nya ang kuya Keno nya.

"i didn't do anything!" sagot ng nakatatanda. "nag-aaral ako then binato ba naman ako sa likod!" paglalahad ng kuya, na noon ay naka-high school uniform pa.

"eh kasi inilipat mo yung tv, nanonood ako eh."

at nagtalo na naman ang magkapatid. at habang nagsasagutan ay naglakad palabas ang dalawa, si Lansten ay papadyak-padyak pa at pikon na pikon, habang si Keno naman ay talagang nang-aasar pa at tawa ng tawa.

"tignan mo nga yang anak mo, manang-mana sayo. imbes na wag nang patulan ang bata, inaasar pa." banat ko kay Jack.

"o, ano namang masama? eh si Lansten itong pikon na pikon. gagawa ng kapilyuhan, tapos napipikon... manang-mana sa isa dyan."

hindi na ako nagsalita... binato ko na lang ng wireless mouse si Jack. nakailag naman ang mokong at tumama sa pader ang mouse, na syang lalo ko pang ikinainis.

"now it's broken."
"kasalanan ko?"
"i hate you."
"i love you."
"ulol!"

* * * * *

isang buwan na lang at due date na ni Pia, ang surrogate na napili namin ni Jack para sa ikalawa naming anak. hindi si Pia ang surrogate ni Keno, who is now 4 years old. hesitant pa si Jack sa idea na magkaroon kami ng ikalawang anak, pero alam ko naman na gusto nya talaga, nag-iinarte lang. bawal naming makita o puntahan si Pia, at ni hindi nga kami sigurado kung yun talaga ang pangalan nya. pero ayun sa coordinator namin, maayos naman daw ang pagbubuntis niya.

habang lumalapit ang mga araw, nakikita kong excited na si Jack. sa bagay, i cannot blame him. it's his sperm cell. Keno is mine, pero for whatever weird reason, mas kahawig nya ang Daddy Jack nya.

hindi ko makakalimutan yung araw na ipinanganak si Keno. the glow in Jack's eyes, kasama na rin yung pinipigil nyang pagtulo ng luha nya. "it's a guy thing," ika nya. pero maya-maya pa, naiyak na rin sya ng unang beses nyang buhatin si Keno.

"buti hindi nakuha ang ilong mo." pagbibiro nya pa sa akin.
"ahahaha! actually, mahal, kamukha mo nga eh."
"magkamukha na rin kasi tayo."
"at tsaka nagpapalitan na rin tayo ng sperm, hahahaha!"
"bastos!"

at ito nga, sa loob ng isang buwan ay muli ko na naman makikita ang picture-perfect na eksenang iyon.

* * * * *

ito na ang araw. magkahalong saya, kaba, takot, pananabik, at excitement. suot ang aking white tuxedo, hindi ko maitago ang galak na finally ay dumating na ang araw na pinakahihintay ko na akala ko noon ay hindi magkakatotoo.

a few touches and retouches, at lumabas na ako sa hotel suite papunta sa garden. nandun at naghihintay na si Jack, looking snappy and, as always, gorgeous in his black tux.

"this is it mahal."
"i know."
"i love you."
"i love you more."

at sinimulan na ang march. nakakatawa nung pinaplano namin itong kasal na ito. hindi namin alam kung paano ang entourage. kung sino ba ang dapat naka-white at naka-black tux. kung sino ang mauuna sa march. kaya naisipan na lang namin na sabay na lang kami.

nauna sa march ang mga parents namin (pinagsabay na rin namin para walang gulo) at sumunod na ang entourage. pinakahuli, bago kami, ay si Sandy, na talaga namang kyut na kyut sa suot nyang tux. nahirapan pa kaming palakarin sya nung una, pero mabuti naman at hindi tinopak sa mismong araw ng kasal. lumakad na kami ni Jack sa red carpet na nakalatag papunta sa nakaset-up na altar habang tinutugtog ng violinist ang "a thousand years." (naks! twilight!). hindi maipinta ang mga ngiti at tears of joy sa mga bisita namin, at lalo na sa aming dalawa.

finally... matapos ang ilang taon ng roller coaster na pagsasama, heto't itinatali na namin ang isa't isa papunta sa panibagong yugto ng aming buhay bilang domestic partners at bilang ama kay Sandy.

* * * * *

nakakalimang minuto pa lang kaming nasa eroplano ay hindi na ako mapalagay.

"hindi ko yata napalitan yung diapers ni Sandy. tsaka baka gutom na yun."
"ano ka ba! 45 minutes lang ang plane ride. makakatiis naman yun."
"eh baka ma-jetlag yun. it's his first time na mag-travel."
"he'll be fine."

papunta kami noon ng bora for our annual after-summer trip, pero ito ang unang beses naming magbibyahe kasama si Sandy.

"things will be different. kahit saan tayo pumunta now, kasama natin si Sandy."
"kaya nga eh. exciting. parang family talaga."

it brought me back to that one day...

"anong ipapangalan natin?"
"Sandy."
"bakit Sandy? eh lalaki."
"bakit, pwede naman yung pangalang Sandy sa lalake ah. tsaka Sandy, kasi dilaw, para Mr Sandman."
"okay."

pagdating sa pagpapangalan sa una naming "anak," ako ang nasunod. pero sa pagpili nun, sya ang boss.

"ayaw mo talaga ng pug?"
"ang pangit eh! ayaw mo naman ng chow chow."
"salbahe nga kasi. cute nga, salbahe naman."
"kaya nga pom na lang."
"oo na, sige na."

matapos ang halos isang oras, nakalapag na kami sa paliparan ng kalibo. at maya-maya pa nga ay nakuha na namin ang cage kung saan ay mahimbing na natutulog si Sandy, hindi man lang nagalaw ang pagkain na nakaprepare sa lalagyan.

"manang-mana sayo, tamad kumain." banat ko kay Jack.
"mas mana sayo, antukin."

* * * * *

sa lahat ng tatay sa buong mundo na humaharap sa pagsubok ng pagpapangalan sa anak...

sa lahat ng tatay na nakikisakay at umuunawa sa kakaibang trip ng kanilang mga kabiyak...

sa lahat ng tatay na nangangakong magmamahal at mag-aaruga sa kanilang asawa hanggang kamatayan...

sa lahat ng tatay na nagpipilit maging "man enough" kahit na naiiyak na dahil sa sobrang kasiyahan...

sa lahat ng tatay na nagtitiis sa away ng kanilang mga anak despite the humongous pressure at work...

sa lahat ng tatay na gumagabay sa mga anak mula sa pagkapanganak hanggang sa dumating ang araw na kailangan mo na silang pakawalan...

sa lahat ng tatay na palaging nandiyan para sa kanilang pamilya, sa kahit paanong paraan, pagkakataon, o tawag ng panahon...

saludo ako sa inyo! maligayang araw ng mga ama!

F4: Fictional Future Father Flashbacks... Copyright, BoyShiatsu, 16jun2013

19 May 2013

Charlie and the Chocolate Factory

di ko alam kung bakit, pero nababaliw ako sa nutella. may kakaiba syang pinaghalong lasa ng mani at chocolate. peanut na choco or choco na peanut. eh nagkataong mahilig ako sa chocolate at mahilig din ako sa mani (at good thing hindi ako tinataghiyawat dun!). kaya perfect na perfect sa akin ang nutella. kung galit ako sayo, bili mo ako ng nutella, then best friends na ulit tayo! haha!

nung isang araw, may dalang nutella si officemate nung isang araw. at hindi ito mini-nutella na good for one person lang. isang kilong nutella, ayus! kaya hyper na naman kaming magbabarkada sa office during the shift. parang si Sir Charlie lang.

bata pa si sir Charlie, mas bata pa sa akin, kaya siguro hindi ko sya masisisi na makulit sya at talagang mainit. ilang beses ko na rin sya naging client, kaya sanay na ako sa mga kakaiba nyang trip. nandyan yung tipong lights on talaga, nandyan naman yung tipong sa cr kami, or sa sala, or sa kitchen. kinky, yes.

isang beses na pinapunta nya ako sa kanila, kapapasok ko pa lang ng bahay ay nagsimula na agad sya na papakin ako. yup, this time, sa sala ang trip ni Sir Charlie. at ang lakas ng trip niya ngayon. hindi nya ako hinubaran! basta nya lang hinila pababa ang pantalon at brief ko at nagsimulang laruin at kainin si junjun na parang pumapapak lang sya ng nutella. partida, malalaki ang bintana ng bahay nila at katanghaliang tapat yun! so, ayun, kitang-kita ko ang paligid habang ninanamnam nya ako, kasama na ang kaba na baka kung sinong makakita sa amin. at as if hindi pa enough ang thrill kay Sir Charlie, nanlaki talaga ang mata ko ng sinabi nyang may kukunin lang sya sa kusina at wag daw akong umalis sa pwesto ko, at pumikit daw ako.

BS: eh baka may makakita sa akin sa labas.
Sir Charlie: wala yan
BS: naku.
Sir Charlie: sige, pikit mo mata mo.
BS: sige na nga.

pumikit ako at naramdaman kong umalis na si Sir Charlie... kaya binuksan ko ulit ang mata ko! (ang daya lang, haha!) pero hindi pa rin ako gumalaw, hahahaha... nung maramdaman kong pabalik na sya, pumikit na ulit ako.

SC: wag ka magugulat ha.

naramdaman ko na lang bigla, at di ko maiwasan magulat, ng maramdaman kong may ipinahid si Sir Charlie sa putotoy ko! lalo tuloy nagalit, hehehe... pero hindi ako natuwa sa nakita ko. ayun at pinahiran ni Sir Charlie ng nutella ang junjun ko. hindi ko naisip na magandang combination ang hotdog at nutella, plus the fact na ang messy nun.

SC: okay lang yan. lagyan ko tapos unti-unti kong didilaan.
BS: eh nakapahid na eh, wala na akong magagawa.
SC: hehehe...

at parang batang sabik na sabik ay sinimulan na agad dilaan ni Sir Charlie ang pubes ko (na nilagyan nya rin ng nutella). nilagyan nya rin ang buong junjun ko pati na rin ang balls ko (nutella in my nuts? that's nuts!). dahan dahan nya itong dinilaan, talagang inunti-unti nya para daw may thrill. pero ibang klaseng thrill ang bumulaga sa amin.

"kuya..."

may batang babae na sumisigaw mula sa gate ng bahay... at binubuksan nya na ito!

sa pagmamadali, nawala na sa utak namin na may tsokolateng nakapahid sa kabuuan ng bahagi ng katawan ko na hindi dapat pinapahiran ng chocolate. agad kong isinuot ang brief at pantalon ko. saktong pagkaupo ko sa sofa saka dumating ang batang babae sa pinto.

SC: o, bakit ang aga mo? nag-cutting ka na naman?
Batang Babae (BB): maaga kami pinauwi, may meeting ang teachers.
SC: okay. magbihis ka na muna.
BB; ayoko, mamaya na.

at agad binuksan ng batang babae (na kapatid nya pala) ang tv at nanood! habang kami namang dalawa ay nakaupo lang sa sofa. awkward! napapalibutan ng malamig na pawis at halatang ninenerbyos na si Sir Charlie, habang ako naman ay naiirita na sa something mushy down there. the last time na naranasan ko ang ganitong mushiness down there ay nung elementary ako (yes, i will admit, na-poopoo ako sa short ko nun one time, grade 1 ako! hahaha!). bumulong na lang ako kay Sir Charlie kung anong plano nya.

SC: hindi kasi pwede sa kwarto, baka isumbong ako ng kapatid ko sa mama ko.
BS: huh? eh paano itong nasa brief ko.
SC: sorry.
BS: ayoko namang umuwi ng ganito no.
SC: hmmm... sige, cr ka na lang. wash mo na lang.
BS: uuwi akong walang brief?!
SC: sorry talaga.

dahil wal na rin akong magawa, pumunta na lang ako sa cr at nag-instant laba ng brief ko. puti pa naman yung suot ko. and hinugasan ko na lang din si junjun habang nagpapaalam sa butil butil ng nutella na gumagapang pababa sa alulod. sayang. ang daming batang hindi nakakakain ng nutella, tapos eto ako, nagtatapon lang.

paglabas ko ng cr... wala na ang kapatid ni Sir Charlie sa sala. lumabas daw, inaya ng mga kabarkada.

SC: wala na yung kapatid ko. nahugasan mo na?
BS: oo
SC: sayang naman. tara, ulitin natin.
BS: eh pano kung dumating ulit yung kapatid mo?
SC: hindi yan!

bago pa lang huhubarin ni Sir Charlie ang pantalon ko ay ayan na naman at pabalik ng bahay ang kapatid nyang kontrabida. di ko alam kung maaawa ako kay Sir Charlie o magpapasalamat ako sa kapatid nya... ang lagkit kaya nung nutella sa junjun!

sa pagkainis, pinaalis na lang ako ni Sir Charlie. binayaran nya naman ako. naglalakad na ako na kakale-kalembang ang junior ko ng bigla kong na-realize na naiwan ko yung brief kong basa sa cr! hindi ko sinabi sa kanya para mabaliw rin sya, pero hindi katulad ng pagkabaliw ko sa paborito kong chocolate spread.

05 May 2013

BS on BuhaySosyodad: The Circus 2013

from the title, makikita nyo naman siguro... i'm bad at coming up with meanings for acronyms! maipilit lang, hahahaha!!!

mayo na naman, at isang linggo na lang ay magaganap na ang final act ng pinakamamagarbong palabas sa buong bansa ngayon, circus 2013, na itago na lang natin sa mas maikling pangalan na "halalan."

baranggay official ang tatay ko noon, kaya bata pa lang ako, malaki na ang impact sa akin ng halalan. sanay akong nakasakay sa ibabaw ng owner-type jeep habang namumudmod ng mga sticker, printouts, at flyers na may mukha at pangalan ng tatay ko. sanay akong magbalot ng mga pagkain sa styro boxes para sa mga volunteers (natuto akong magbalat ng nilagang itlog gamit ang kutsara!). minsan pa akong naging "musical director" para sa campaign jingle ng tatay ko. sa gabi naman, naririnig ko kapag nagmi-meeting ang tatay ko kasama ang mga ka-partido nya for their action plan. for the record, masasabi kong naging mabuting tagapaglingkod sa bayan ang tatay ko... sana nga lang ay naging mabuting ama din sya (boom!). minalas lang dahil nadaya sya nung unang beses syang tumakbo bilang barangay captain. and totoong nadaya sya, umamin yung nandaya!

pero di na naman mawawala sa eleksyon yan. yung mga dayaan. yung mga bilihan ng boto. yung mga samu't saring pangako. yung mga platapormang ewan. yung mga song and dance number. yung mga pamimigay ng tubig, pagkain, t-shirt, shorpet, payong, at pera. yung mga pasaringan. yung mga catchy na kanta. yung mga patayan. yung mga paglipat-lipat ng partida... lahat yan, kasama sa circus. sa ngayon, marami nang ibang paraan para mahikayat ang mga mamboboto na isulat ang pangalan ng isang kandidato sa balota, or should i say, para i-shade ang bilog na hugis itlog sa mahabang-mahabang voting ballot. (which makes me think... bilog na hugis itlog... edi hindi na bilog yun! oblong na yun! ang labo!).

nung bata ako, isang linggo bago ang eleksyon, nakagawian na ng nanay at tatay ko na pagplanuhan ang pagboto habang nasa hapag-kainan kami at naghahapunan. kasama kami ng ate ko sa diskusyon, kahit wala kaming idea sa pinag-uusapan nila. nakalakihan ko yun. ang malas ko lang dahil hindi ko naranasan na makisali sa usapang ganun (bago ako mag-18, naghiwalay ang parents ko). at hindi ko alam kung yun ba ang dahilan, pero simula nun ay hindi na ulit bumoto ang nanay ko. si ate naman, isang beses lang bumoto. pareho silang walang planong bumoto sa susunod na linggo, samantalang ako, kesehodang may pasok sa gabi, ay makikipagsiksikan pa rin sa presinto para makaboto-ala-entrance-exam (diba yung shade shade, ganun sa mga entrance exam diba?) at para malagyan ng "incredible ink" ang daliri ko.

isang linggo na lang, pero hindi ko pa naaayos ang listahan ng mga iboboto ko. ni hindi pa ako nakakapunta sa bayan kung saan ako nakarehistro para kilatisin ang mga kandidato (sa ibang bayan ako nakarehistro). sinubukan ko namang tanungin sina ate at si mama para magbigay ng suggestion ng iboboto ko, or kung sino ang gusto nilang iboto at ako na lang ang boboto para sa kanila. and ang ganda ng nakuha kong sagot... "kahit sino rin naman iboto, walang mangyayari, wala namang improvement eh."

yun ang mali! para sa akin, walang karapatang magreklamo ang mga taong hindi bumoboto. in the first place, kaya nga tayo nabigyan ng karapatang ito eh, para gamitin natin, ito ang kapangyarihan natin na baguhin ang mga gusto nating baguhin.sabihin na nating maliit lang ang bilang ng boto natin, pero at least ginamit natin ang kapangyarihang ito. paano kung yung isang boto mo na pala ang magpapanalo sa taong pwedeng magsalba sa lugmok na bayan mo? eh di mo ginamit. tapos magrereklamo kang mahirap ang buhay... sinong may kasalanan?

kagaya ko, si Jack Frost din ay anak ng isang barangay official. kaya habang nasa kotse kami isang beses ay napag-usapan namin kung sino ang mga iboboto namin for senatorial. nakakatuwa na may ilang kandidatong nagkakasundo kami (Riza Hontiveros and Dick Gordon, yay! Grace Poe, Nancy Binay, and Cynthia Villar, nay!) pero may ilan naman na hindi kami masyadong tugma. ang maganda sa usapan naming yun, we voiced out why we will or will not vote for some candidates. pero eto ang pinakatumatak sa usapan namin.

BS: hindi ako boboto ng kahit sinong dynasty, yung may kamag-anak na sa senado, lalo na yung wala talagang experience.
JF: ako rin naman eh. okay lang na di kumpleto yung boto
*nakakita ng poster ni Sonny Angara*
BS: ang pogi ni Angara no?
JF: mas pogi ka dyan (boom!)
BS: tapos sabi ng pinsan ko, maganda daw katawan, kaya laging naka-fit na shirt.
JF: ahhh...
BS: iboboto ko yan, kasi pogi!
JF: hahahahaha!
BS: napanood mo yung bagong commercial ni Jack Enrile? patawa yung kanta!
JF: ang kyut nga nung kanta eh *sabay kanta ng jack enrile theme*. napapaisip tuloy akong iboto sya.
BS: dahil sa kanta?
JF: ang catchy eh!

yan, yan ang halimbawa ng matalinong botante! hahahaha! pero, anu't ano pa man, lahat naman tayo ay may kanya-kanyang basehan ng pagboto. wala naman kasing user manual kung paano ang tamang pagpili ng kandidato. lahat tayo may kanya-kanyang pananaw, at iba-iba ang mga pananaw na yun. ang isang bagay lang na sigurong hindi natin dapat kalimutan ay kung anong lakas at kapangyarihan ang nakasalalay sa mga kamay natin sa pamamagitan ng karapatan nating bumoto, kaya sana ay wag nating ipagdamot sa sarili natin ang karapatan at ang pagkakataon na maging isang superhero sa pamamagitan ng pagboto. wag nang problemahin ang indelible ink na mahirap tanggalin, maglagay na lang muna ng nail polish, stylish pa!

sa mayo 13, sabay-sabay tayong maging bahagi ng final act ng circus 2013, dahil tayo rin naman ang magdedesisyon kung paano ito tatapusin, at tayo rin ang makikinabang sa kung ano mang maging resulta ng palabas, blockbuster man or langawin.

24 April 2013

Rebound

alam mo yung eksenang umiyak ka na at sumuko, at tinanggap mo na ang masakit na katotohanan na hindi na muli syang magiging sayo... tapos sa isang magandang ihip ng mapaglaraong tadhana, pareho nyong napagdesisyunan na mag-usap at muling bumalik sa piling ng isa't isa!

ganun! ganun kami ni Jack Frost! hahaha!!!

15 April 2013

Jabbawockeez

isa sa mga pinakamagaling na grupo na sumali sa america's best dance crew (one of my uber-favorite shows) ay ang Jabbawockeez. kahit na ang pinaka-paborito ko sa season na yun ay Kaba Modern (yeah!!), masasabi kong magaling pa rin ang Jabba, and they deserve the championship trophy. siguro nakatulong talaga sa kanila yung maskara nila. dahil hindi nakikita ng tao ang mukha nila, mas nakafocus ang manonood sa kung anong sayaw ang pinapakita nila. nakafocus ang tao sa palabas na gusto nilang ipakita sa tao. sabi nila, sa mukha ng tao nakikita ang tunay na nararamdaman nya, ang tunay na "siya." ang Jabbawockeez, naitatago nila yung mukha nila, kaya ang nakikita ng tao ay yung kung ano ang gusto nilang makita.

ganito rin ang masasabi kong naging paraan ng pamumuhay ko. sa bawat taong makakasalamuha, sa bawat grupo makakahalubilo, sa bawat kompanyang pinapasukan, sa bawat kliyenteng sineserbisyuhan, nakasanayan ko nang magsuot ng maskara upang mas mapansin ng mga tao ang kung ano mang kailangan nila at ng walang paghuhusga sa kung ano man talaga ako. sanay na ako sa laro ng maskara. sanay na ako sa sayaw ng Jabbawockeez. sanay na akong mabuhay sa likod ng papel na mukha.

marami sa mga maskarang ito ang nakita at nakasalamuha ni Jack Frost. bawat araw ng pagkikita namin, ibang pagkatao ko ang nakikita nya. pero ang masarap dito, kahit ano pa man ang maskarang iharap ko sa kanya, maluwag nya itong tinanggap at minahal. mula sa pagiging maldito, sa pagiging suplado, sa pagiging pa-cute, sa pagiging matalino, sa pagiging tanga... lahat ito, minahal nya.

at naisip kong siguro ay panahon nang ipakita ko ang tunay na ako. dumating ang araw na sinagot ko si Jack Frost, at ipinangako ko sa sarili ko na mula sa araw na iyon, hindi na maskara ang ihaharap ko sa kanya kundi ang totoong ako na.

yun ang problema... masyado kong itinago ang sarili ko sa likod ng napakaraming maskara, to the point na mismong ako, hindi ko na kilala ang sarili ko. hindi ko na alam kung gaano karami, kalalim, at kapangit ang mga pilat sa mukha kong matagal na panahon kong itinago sa maraming tao.

alam ko sa sarili kong mahal ko si Jack Frost at mahal nya rin ako. pero ang malaking problema ay ang mga pansarili kong issues. marami akong nagawang mali. maraming beses kong nasaktan ang taong nagmahal sa kabuuan ko. at, sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nagawa at ginawa ko ang mga yon.

at dumating na nga ang oras na ayokong dumating... bagama't mahal namin ang isa't isa, may mga bagay na kailangang wakasan para sa ikabubuti naming dalawa.

muli ko na naman syang nasaktan, at doble ang sakit na nararamdaman ko dahil dito. mahal ko sya, minahal ko sya, at mamahalin ko sya. pero tila hindi pa ako karapat-dapat para sa kanya. marami pa akong kailangang ayusin sa sarili ko. marami pang dapat baguhin. marami pang dapat ibahin. and, unfortunately, hindi tama na nandyan lang siya habang inaayos ko ang sarili ko dahil along the process, papalpak at papalpak ako, at masasaktan ko sya, at masasaktan ako dahil nasaktan ko sya.

Jack Frost ko, sana ay nababasa mo ito. patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo. maniwala ka sana na mahal na mahal kita, at masakit sa akin ang nangyaring ito. kung ako lang ang tatanungin, gusto ko nandito ka lang palagi. you made me feel special again. you made me realize how good it is to be loved despite the fact that i am a whore. you made me appreciate myself more. you inspire me to be a better version of myself. pero hindi ko kakayaning makitang nasasaktan ka ulit dahil sa mga kapalpakan ko. kaya kahit masakit, siguro nga ay kailangan talagang pakawalan muna kita. aayusin ko ang sarili ko hangga't kaya ko, at umaasa ako na sana pagdating ng panahon na yun ay nandyan ka pa rin upang maipakita at maibigay ko sayo ang pagmamahal na dapat sayo. pero kung sakaling hindi ako palarin, maiintindihan ko. mamimiss ko ang mga buffets. mamimiss ko ang pang-aasar mo sa akin sa telepono. mamimiss ko ang mga pangingiliti mo. mamimiis ko ang mga stolen kisses. mamimiss ko ang mga walang kwentang conversations. mamimiss ko ang mga yakap mo. mamimiss kita, namimiss kita...

at habang inaayos ko ang sarili ko, muli ko na namang isusuot ang isang maskara para patuloy lang akong makapagsayaw sa tugtog ng buhay, umaasang maayos ko ang mukhang puno ng pilat, peklat, at sugat, at dumating ang panahon na muli kong mahubad ang maskara ng hindi natatakot na makasakit ng taong nagmamahal sa baldadong mukha sa ilalim nito.