pasensya na at ang tagal bago ako naka-blog ulet. sobrang pre-occupied sa work at sa mga bagay bagay kaya hindi ako masyado maka-online at makapagfocus sa blog. ang daming distractions... lalo na nga itong nabasa ko sa blog ni McVie the other day! there was this play called Battalia Royale staged by an ensemble called Sipat Lawin. na-intriga ako when i saw McVie's blog entry, at lalo lang ako na-intriga after ko sya basahin!
yung play ay ibinase sa isang japanese movie entitled Battle Royale. tungkol ito sa isang grupo ng mga estudyante na kinidnap ng government thru gassing them. they woke up in an island noticing that they have some sort of neck collars. yun pala, they will be a part of a government experiment about survival. sa loob ng tatlong araw, they have to kill each other until only one survives. and yung neck collar, it's a way to detect the wearer's whereabouts... and it's also a way to kill the wearer if in case there's a "violation"... or kung trip lang pasabugin nung nagmamanipulate nung game.
hindi ko alam kung may lahing berdugo ba ako, pero sobrang nakuha ng mismong storyline ang attention ko. tuloy lang ako sa pagbasa ng blog when i noticed na may kakaiba pa palang ginawa ang Sipat Lawin. bawat character sa adaptation nila ng nasabing movie (which was also based from a book) ay may kanya-kanyang facebook accounts, making the characters more authentic. lupet! i saw myself spending almost an hour browsing on their facebook accounts (ang pogi nung isang character! wheee!). maganda din daw ang concept ng staging. no fourth wall. highly interactive. very interesting. tapos, ang bida pa eh si Kuya Bodjie (yung sa epol apple!). and upon seeing a clip in youtube of his performance... wow!!!
mahilig ako sa stage plays as i was a theater actor myself. nung panahong umaarte pa ako sa theater (we call it intimate chamber theater, kasi maliit lang yung room, at sobrang lapit lang ng audience sa stage), hindi ko maipaliwanag yung saya at yung excitement na nararamdaman ko everytime napapatawa, napapasigaw, napapakilig, napapaiyak, at napapamangha ko ang mga manonood. pag ako naman ang nasa audience seat, i have the same ecstatic feeling na para bang gusto ko makisawsaw sa kung ano mang nangyayari. kaya naman talagang naintriga ako sa nasabing play. and so i cannot wait when McVie informed me that the group will restage the said play in a few week's time! exciting! sino pwedeng kasama?
pero, teka. bakit nga ba sobrang intrigued ako sa kwentong ito, to the point that i end up doing a little research about the story? nakarelate kasi ako sa plot. one island. many students. different forms of advantages and disadvantages (sa story kasi, each student is given a survival kit that contains food, water, flashlight, map, and a random weapon from shotguns to knives to, wait for it, paper fans!) in life, different tactics to kill, and different motives to survive. ganyang ganyan sa totoong buhay, lalo na sa mga masahista.
kamakailan lang eh nagkaroon ng pictorial yung website kung saan ako naka-advertise as masahista. kailangan ko pumunta para makapagpapicture at ma-update ang profile ko. pagdating dun, hindi ko maiwasang mapansin na may kanya-kanyang grupo na ang mga loko. friends. amigas. ka-chokaran. sisters. basta, grupo grupo na sila. para bang super magkaka-close silang lahat. alam ko naman yun, so wala na rin akong pakialam. pagkatapos ng pictorial, nakipag-kwentuhan lang ako saglit sa may ari ng website at umalis na rin ako. ilang araw ang makalipas, nakatanggap ako ng group text mula sa may-ari ng site saying na dahil daw masyado na kaming marami sa website, kailangan na daw bawasan at tatanggalin na daw ang iba. hindi ko alam kung bakit hindi ako natakot. siguro kasi wala na rin akong pakialam kung matatanggal ako. ang natawa lang ako is marami akong nakuhang tsismis. mula sa facebook accounts, sa mga text messages, at maging sa mga kwentu-kwentuhan ay narinig ko na ang una-unahang siraan ng mga masseurs. kesyo si ganito ay may hiv, si ganyan ay bad breath, si ganire ay mabaho ang paa, at si ganoon ay maliit ang titi. pagtagal-tagal pa, pa-extreme ng pa-extreme ang siraan. kung kani-kaninong pangalan ang nadadamay. at ilang araw pa, mismong ang may-ari na ng website ang nadadamay sa siraan.
sa dami nga naman kasi naming mga masseurs, hindi maiiwasan ang matinding kompetisyon. sa business na ito, survival of the fittest ang labanan. pero, kung kagaya sa setting ng Battle Royale na wala silang choice kundi pumatay or else eh mamamatay sila, wala naman kaming remote-controlled collars na sasabog na lang anytime diba? bakit kailangan mag-siraan? bakit kailangang plastikan at hindi na lang gawing totoo ang pagkakaibigan? bakit kailangang mag-standout compared sa iba. if you feel like you're a little short of something compared to someone else, can you just use whatever it is that you have to your advantage without bringing someone down?
but then again... just like the story... ito na yata ang idinikta sa atin ng panahon. kung sa kwento, pakulo ito ng gobyerno, sa totoong buhay eh pakulo ito ng mga prinsipyo, pagkakataon, desisyon, at kung anu-ano pang elemento ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na nagkahabi-habi na at hindi na madaling baguhin.
survival of the fittest... battle royale... tatagal ba ako? bahala na.
makapagsayaw na nga lang ng roly poly! hahaha! (kung ano yung roly poly, search mo na lang.)
* * * * *
Battalia Royale will have 3 shows in an abandoned school in cubao on March 9, 10, and 11 at 7:30pm. for details and ticket reservations (150 audience lang per performance!), check their facebook account (Sipat Lawin Ensemble). kitakits!
padapa o pahiga, lotion o powder, hard or soft, kahit anong posisyon, siguradong... satisfaction guaranteed!
28 February 2012
20 February 2012
Asian Father Syndrome
paunang pagbati muna sa japinoy na si Nishiboy na kainuman ko nung huwebes at ka-donut ko nung linggo! kaway kaway! (read his blog by clicking here). at congratulations sa kanyang bagong trabaho.
* * * * *
ikatlong linggo ko na ngayon sa training para sa bago kong work. and sa mga pinaggagagawa namin sa klase, may nadiskubre ako... may bago akong sakit! ADHD and ADD is so yesterday! ang sakit ko ngayon, AFS... or, in long, asian father syndrome!
nanggaling lang yung term na ito out of biruan with a friend. masyado daw kasi akong perfectionist sa mga exams and tests. sobrang perfectionist to a point that i get so depressed and i am totally wrecked everytime i commit even a single mistake. kung sa mga gamit at kaayusan, may tinatawag tayong OC, or ok-ok, ito ang counterpart nya when it comes to goals and expectations. and hindi ito drama-drama na depression lang ha. as in yung tipong masisira yung buong araw ko dahil lang sa isang mali sa exam. my co-trainees are witnesses sa mga sumpong ko pag nirerelease yung results ng examinations. buti na lang at may malapit na chic-boy sa office kaya pwede kong lunurin ang sarili ko sa garlic chips kapag badtrip ako.
pero... bakit nga ba may ganitong ugali ang mga asian fathers?
* * * * *
may nagtext sa akin na client... tawagin na lang natin syang Papa Chen. and, as usual, tanong tanong sya ng mga rates and services, at sinend ko naman ang template ko. tumawag sya tinanong nya kung pwede daw ba ako sa manila grand hotel. at dun ko napatunayan ang hinala ko... intsik nga ang client ko! as if hindi pa sapat na patunay yung strong chinese accent nya.
nagprepare na ako at nagbyahe papunta sa nasabing hotel. pero dahil bus ang sasakyan ko, expected nang medyo matatagalan ako dumating. tinext ko si Papa Chen para sabihin na medyo malelate ako ng bahagya. at tumawag siya after a few minutes... medyo inis.
"bakit naman matatagalan ka pa? san ka ba manggagaling? ayoko maghintay! ano ba naman yan! sobrang unprofessional! paghihintayin mo pa ako ng matagal!"
"pasensya na po sir. nasa hotel na po ba kayo?'
"wala pa!"
anak ng pichi pichi! wala pa naman pala sa hotel, kung magalit, akala mo naman eh mortal na kasalanan ang pagiging late. hinayaan ko na lang. assurance statement na lang na hindi naman oa sa tardiness ang mangyayari sa akin. napakalma ko namang ang intsik.
dumating ako sa nasabing hotel lagpas ng 15 minutes sa napag-usapang oras. tinext ko na si Papa Chen para i-inform sya na nandun na ako. naka-in na daw sya, pero maghintay lang daw ako saglit at nag-aayos pa daw sya. hintay naman ang pogi habang kumakain ng donut. maya-maya pa, nagtext na. pinaakyat na ako sa hotel room. kumatok ako at pagbukas ng pinto, sinalubong ako ng kadiliman!
patay lahat ng ilaw sa loob ng kwarto. since maliwanag sa lobby bago ako pumasok ng kwarto, parang bigla akong nabulag sa loob. agad-agad kong inilabas ang cellphone ko para makaaninag ng kaunting liwanag. pero agad itong dinakot ni Papa Chen.
"wag kang mag-ilaw!"
hindi ko maiwasang mapikon at matakot, kaya hinila ko ang cellphone ko mula sa kamay nya.
"sir, pakibuksan po muna ang ilaw. or else lalabas po ako."
"ayoko. makikita mo ako."
"ganun po ba? sige po, aalis na lang ako."
"ganun po ba? sige po, aalis na lang ako."
pumwesto na ako papunta sa pinto ng pumayag na syang buksan ko ang ilaw ng telepono ko.
"gusto ko lang makasiguro na safe ako. baka mamaya may patalim ka, or may kasama ka."
"wala."
iniikot ko ang ilaw ng telepono ko sa kwarto... at natawa ako sa nakita ko.
nakalatag sa side table ng motel, maayos na maayos, ang samu't saring mga kinky stuff na pwedeng gamitin for sex. may dildos. may vibrators. mayroon din nung balls na magkakadugtong sa tali. may sandamakmak na lubes and condoms.... AT MAY WHIP!!!
mabuti na lang pala at binuksan ko ang ilaw ko. wala akong kaalam-alam, pwede na pala akong maging laruan ni Papa Chen anytime!
hindi ko yata napigilan ang sarili ko na matawa at nahalata ni Papa Chen ang naging reaction ko when i saw the stuff.
"gusto ko lang mag-experiment."
"hindi ko pa nasusubukan yang mga yan."
"sige, try natin. ligo ka na."
at naligo na muna ako (i have to go inside the bathroom with the lights turned off, close the door, then open it. pano kaya kung may pugot na ulo pala sa banyo pagpasok ko? hahaha!). nakakatawa, kasi kahit sa banyo, may mga kung anu-anong nakalagay din na decorative items na hindi ko sigurado kung si Papa Chen pa ba ang nagdala o hindi. matapos maligo, pinatay ang ilaw, at lumabas ng banyo.
inaninag ko muna ng kaunti ang kwarto bago ko napansin na nakadapa na si Papa Chen sa kama. hanggang ngayon, wala akong idea kung anong hitsura nya. pero kailangan ko sya i-service. tuloy tuloy lang ang masahe at mukhang nag-eenjoy naman si Papa Chen ng biglang nasira ang moment...
tumunog ang telepono nya. hindi lang basta text... tawag!
agad nyang kinuha ang telepono nya kaya nagkaroon ako ng chance na makita ang hitsura nya... intsik. tatay. medyo matanda na. isinilent nya lang ang phone nya at itinaob sa table. pero tuloy tuloy ang tawag, at ang maliit na liwanag na nanggagaling sa phone eh nakaka-distract. ampucha si Papa Chen, daig pa ang bampira sa pagkatakot sa liwanag!
halatang iritado na, sinagot ni Papa Chen ang tawag. syempre, hindi ko naintindihan yung conversation kasi intsik. basta ang alam ko lang, tunog galit si Papa Chen. makalipas pa ang ilang segundo, natapos ang call. pero instead na dumapa ulit, umupo lang si Papa Chen at halatang wala na sa mood. lumapit ako sa kanya at umakbay... pero galit na tinanggal ni Papa Chen ang kamay ko!
hindi ko tuloy maintindihan kung anong nangyayari, at kung ano man ang naging usapan ng kung sino man ang kausap nya sa telepono. basta ang alam ko lang, mukhang bad news yata yung conversation kasi badtrip na si Papa Chen. umupo lang ako sa tabi nya. naaninag ko na talagang wala na sa mood si Papa Chen. naniningkit na yung singkit nyang mata (in short, wala na syang mata). nagulat na lang ako ng bigla syang sumigaw... as in sumigaw!
"umalis ka na!"
shocked at walang idea sa kung anong nangyayari, sumunod na lang ako sa sinabi nya. naligo ako at pagkatapos ay nagbihis. pagkaabot nya sa akin ng bayad, sinubukan ko pa syang tanungin kung ano bang nangyari.
"wala na eh. nasira na yung moment. perfect na sana eh."
sa totoo lang, hindi ko magets kung ano ang ibig nya sabihin. there was a phone call, okay... but then, after the phone call, we can continue naman diba? unless sobrang importante yung tawag... at tinanong ko yun.
"sino ba yung tumawag, if you don't mind me asking?"
"wala. kaibigan ko. nangungumusta lang."
"okay. akala ko naman bad news."
"wala. wala namang bad news."
"okay... edi ituloy na lang natin."
"wala na. nawala na ako sa mood."
lalo lang akong naguluhan... dahil lang sa phone call, nawala sya sa mood? parang hindi nga yata ako nagkakamali... nakabatak yata si sir. pero nahalata nya yata ang confusion sa akin (hindi ko alam kung pano, kasi during that time, patay pa rin yung mga ilaw.)
"ayoko kasi ng naiistorbo pag nagha-hire ako. gusto ko, perfect flowing lahat. yung walang aberya. yung tuloy tuloy lang. kaya eto, badtrip na ako."
and then nagets ko na... perfectionist. everything must go his way. asian father syndrome.
hinayaan ko na lang. ang mahalaga, bayad na sya. umalis ako ng hotel at bumili ulit ng donut, pampaganda lang ng mood.
at dahil dun, mas naintindihan ko na kung paano nagkakaroon ng asian father syndrome... kapag nabibitin ka sa sex!
* * * * *
so i guess, gets nyo na kung bakit sumpungin ako lately... hahahaha!
11 February 2012
Statement 3
nakakadalawang session na ako ng psychoanalysis sa kaibigan kong psychologist na si Kuya Danny. nope, wala naman akong problema sa utak, at wala naman akong depression or any disturbing behavioral issues. gusto lang ako gawan ni Kuya Danny ng profile and a possible way of "living a better life" by getting to know myself. madalas nya kasi nababasa ang blog ko, kasama na rin ang mga paminsan-minsang rants and raves ko sa fb. kaya ayun, nag-offer sya na "pag-aralan" ako. ayoko sana, eh since libre naman daw, pumayag na ako. sinong hindi papayag sa libre, diba? ang mahal mahal pa naman ng psychoanalysis. (if you're interested to avail Kuya Danny's consultation, message me.)
excited ako nung unang araw ng session. first time kong magpapa-session sa psychologist, and i don't know what to expect. may mga napapanood at nababasa ako na madalas, kung hindi ka pagdodrowingin at pasasagutin ng kung anu-ano ay hahayaan ka lang ng psychologist na magsalita ng magsalita hanggang sa umiyak ka at mag-telenovela. basta ang sabi lang sa akin ni Kuya Danny, dapat daw eh busog ako dahil the first session may last up to 6 hours. potah! mukhang paduguan nga ito! pero, go lang!
dumating ako sa office ni Kuya Danny sa napag-usapang oras. kaunting kumustahan, pagkatapos ay ipinaliwanag na nya sa akin ang mga gagawin. first stop, iq test. ilang sets ng questions ang pinasagutan sa akin para daw ma-check kung anong iq ko dahil malaking factor daw yun sa analysis na gagawin ko sa sarili ko. hindi ko pa nakukuha yung exact results, pero "impressive" daw ang iq ko. effective pala ang pagpapak ko ng enfagrow!
sinundan ito ng logic reasoning. may mga cubes na may colors and patterns, and i have to copy bigger patterns using the smaller cubes. ang saya! mahilig ako sa mga ganung klaseng bagay, yung tipong kinukulot ang utak mo. sinundan pa ito ng deductive reasoning tests, yung mga kung anu-anong combination ng tuldok, guhit, ekis, check, at iba't ibang pattern, then huhulaan mo yung kasunod? oo, parang exam lang sa high school.
pagkatapos nun, pinagdrowing ako ng kung anu-ano. yung ilan, kailangan ko kopyahin. yung ilan naman, free form. pinasulat din ako ng ilang essay. then interview portion about my past and present life. at sinundan ito ng kaunting on-the-spot analysis. nagulat ako na sa pamamagitan ng mga drawings and statements ko, may na-pinpoint si Kuya Danny na tatlong importanteng bagay.
statement 1: i have unresolved childhood issues that still affect me up to the present
statement 2: sometimes, without me realizing it, lumalabas ang pagiging obsessive-compulsive ko
at ito yung sobrang sapul talaga...
statement 3: i rely on sex, paid or not, sober or drugged, because of my utmost desire to feel that i belong and that i am appreciated.
pagkasabi ni Kuya Danny nun, napaisip ako. totoo ang sinabi nya. mayroon akong hindi maipaliwanag at hindi mapigilang pagnanais na magustuhan o ma-appreciate ng isang tao. at dahil dito, ang nagiging paraan ko ay sex at ang trabaho ko bilang masahista. sa tulong ng mga taong nakakapanaig ko, nararamdaman ko na kahit papaano ay appreciated pa rin ako. may natutuwa pa rin sa akin na iba sa paraan na natutuwa sa akin ang aking pamilya at mga kaibigan. nabu-boost pa rin ang self-esteem ko. pakiramdam ko, marketable at bankable pa rin ako. at masarap sa pakiramdam yun. masakit kasi tanggapin na sa sex na lang ako nakakakuha ng self confidence.
nung bata-bata pa ako, hindi ko kailangang maghubad at mag-acrobatics sa kama kasama ang isang tao para masabi nyang "shit, ang hot mo naman!" dati, postura pa lang at hitsura, nakakamagnet na. dumating ako noon sa time na kapag naglalakad ako sa kalye ng malate o cubao ay marami-raming pares ng mata ang sumusunod ng tingin sa akin... tingin na may kasamang pagnanasa o inggit. positive man o negative, maganda pa rin sa pakiramdam.
nung isang araw, nagpunta ako sa malate. normal saturday night out with some friends. pero hindi rin ako nagtagal dun. kaunting inom lang at umalis na ako. habang naglalakad ako sa malate, marami akong nakakasalubong, pero walang ni isa sa kanila ang tumitingin sa akin. may isang napatingin, medyo lumapit ng kaunti, pero lumayo din agad. obviously, hindi nya ako trip.
kailan lang din, meron akong naging client. si David. matapos ng serbisyo, nagkwentuhan at nag-inuman pa kami, kasama na ang usapan tungkol sa kung anu-anong bagay. mula sa mga simpleng hilig sa pagkain, hanggang sa mga seryosong bagay sa buhay... maganda ang naging flow ng usapan namin. masasabi kong may spark, at kita naman sa mga mata namin na may connection talaga. matapos ang nasabing serbisyo, tuloy tuloy pa rin kami sa pagtetext at sa kumustahan. paminsan-minsan, tumatawag ako sa kanya at kwentuhan lang kami ng mga walang kwentang bagay. lumalalim ang attachment, mukhang nagpoprogress. magandang senyales ito sa sinasabi ko sa sarili kong pagtalikod sa pagiging masahista.
isang araw, nagkasundo kami na magkita pagkatapos ng isang appointment nya para sabay kaming umuwi (same direction kasi ang house nya sa house ko). excited ako. maraming tumakbong idea sa utak ko. dinner, donuts, then siguro a few drinks before going home. sex? kung papalarin! kung wala naman, ayus lang din. i just wanna spend more time with him.
lumalapit ang oras ng pagkikita namin when he texted me that he will be a little late dahil nag-aya daw ng dinner ang mga kasama nya. okay lang sa akin yun. in fact, okay na okay. kasi makakatipid ako, di ko na kailangan gumastos for dinner.
hintay lang ako ng hintay, hanggang sa mga 3 oras na ako naghihintay. masyado na yatang matagal yun for dinner. so tinext ko ulit sya para itanong kung ano nang update. and he replied and told me to just go home dahil matatagalan pa daw sya.
apparently... he's not out on dinner with a group of friends. he's on a date with someone. someone i know.
at di ko maiwasang maiyak at malungkot. nakabili na pa naman ako ng donuts.
alam kong kakambal na yata ng trabaho ko ang kamalasan ko sa pag-ibig. kasama rin nito, as ironic as it may sound, ang pagbaba ng value ko sa baklaan market. pero ngayon na handa ko nang unti-unting talikuran ang trabaho ko, hanggang kailan ko papasanin ang sumpa ng pagiging pokpok? bawal na ba talaga kami magmahal? bawal na ba kami ma-appreciate? bawal na ba kami makaramdam ng mabuti sa sarili namin knowing that someone we like likes us too?
i need another psychoanalysis session... mukhang nagsisimula na nga yung depression.
10 February 2012
Rogue
bagama't malayu-layo ang bahay nya, pinuntahan ko pa rin si Sir Piolo. matagal-tagal na daw sya nagbabasa ng blog ko at sobrang interesado sa akin, hindi lang sa masahe at sa extra, kundi sa pagiging makuwento at makulit ko. at makalipas nga ang ilang dekada ay umabot ako sa liblib na lugar ni Sir Piolo kung saan hindi na yata nakakaintindi ng tagalog ang mga tao, at wala nang signal ang globe (hehehehe...)
"pasok ka!" bati ni Sir Piolo pagbukas nya ng pinto.
okay naman ang hitsura ni Sir Piolo. hindi naman sobrang gwapo, pero pwede na. medyo maliit, pero may katawan naman. at halatang malinis... bagong ligo eh! amoy baby powder!
pumasok ako sa loob ng bahay ni Sir Piolo. mukha malinis na malinis... yung tipong halatang nilines pero hindi naman ginagamit. ganun. kwentu-kwentuhan lang kami ni Sir Piolo nang may mapansin akong nakalagay sa side table.
family picture. si Sir Piolo, isang babae, at isang baby.
"ah. family ko." sagot ni Sir Piolo ng mapansin nyang nakatingin ako sa litrato. at sinimulan nga ni Sir Piolo na ikwento ang tungkol sa pamilya nya.
bago-bago pa lang kasal si Sir Piolo kay Ma'am KC... mga 4 years pa lang. pero masaya naman daw. simula ng magkaanak sila, lumipat sila sa bulacan. bale yung bahay nila sa antipolo, dati nilang bahay. naghahanap sila ng pwedeng bumili o umupa nito. pero hangga't wala pang gumagamit, ginagawa ni Sir Piolo na "tambayan" ang bahay nila sa antipolo kapag feel n'yang tumambay, kagaya nga ng session namin ngayon.
ilang kwentuhan pa at sinimulan na namin ang masahe. makinis nga si Sir Piolo... makinis ang buong katawan. minasahe ko ang buong katawan ni Sir Piolo at pagkatapos ay sinimulan ko na ang pangroromansa. masarap dila-dilaan ang katawan nya... mabango at makinis.
"pwede mo ba akong i-suck?' prangkang tanong sa akin ni Sir Piolo.
at walang kaabog-abog ay agad kong isinubo ang junjun ni sir. hindi maikakaila na sobrang nasarapan sya sa ginawa kong pagsubo sa kanya. napapahalinghing pa sya sa sarap. hanggang sa maya-maya nga ay nilabasan na sya. hapong-hapo, humiga kami ni Sir Piolo ng magkayakap sa kama.
"grabe... ang galing mo... walang-wala ang boyfriend ko!"
napakunot ako ng noo... tama ba yung narinig ko?
"oo, may boyfriend ako." pagkumpirma ni Sir Piolo ng tinanong ko sya.
kung apat na taon na silang kasal ni Ma'am KC, anim na taon nang mag-boyfriend si Sir Piolo at si Sir Sam. so, ibig sabihin, nauna pang naging mag-on sina Sir Piolo at Sir Sam bago pa sya maikasal kay Ma'am KC.
"pero nauna kami ni KC. college pa lang, mag-on na kami."
lalo lang akong naguguluhan. at malugod namang nagkwento ang kliyente.
college pa lang daw ay sila na ni Ma'am KC ng nakilala n'ya si Sir Sam sa trabaho sa ibang bansa. dala na siguro ng pagka-homesick, nagkaroon ng magandang samahan si Sir Piolo at Sir Sam. at hanggang sa ang samahan ngang iyon ay nauwi sa isang relasyon. nung mga panahong yun, may girlfriend din si Sir Sam, kaya kinailangan nilang itago ang kanilang ugnayan.
umuwi sila ng sabay sa pilipinas at patuloy na namuhay ng normal, hanggang sa sila ay maikasal sa kani-kanilang mga asawa. pero bagama't kasal na sila, tuloy pa rin ang relasyon nila. at ang pinakanakakagulat sa lahat, naging ninong pa si Sir Sam sa anak ni Sir Piolo, at ganun din si Sir Piolo sa anak ni Sir Sam. at naging close ang mga pamilya nila!
wow! hindi ko maiwasang ma-amaze sa kwento. langya, talo pa ang teleserye sa pagka-komplikado ng sitwasyon! pero may tanong pa rin ako kay Sir Piolo.
"mahal mo pareho?"
"oo naman."
"pantay?"
natahimik muna si Sir Piolo bago sumagot... "mas mahal ko si Sam."
hindi na ako nagulat sa sagot nya. nagulat lang ako sa tanong ko. "kung ganun, bakit hindi mo na lang hiniwalayan si Ma'am KC?"
at sa sagot ni Sir Piolo, na-enlighten ako sa isang katotohanan ng buhay na mahirap tanggapin, pero kailangan.
"hindi naman kasi basta basta natatalikuran ang itinakda ng society. hindi pa rin tanggap ng tao ang man to man relationship, at para sa isang propesyonal na katulad ko, para bang obliged akong magpakasal at magkaroon ng pamilya. para sa sarili kong dangal. para irespeto ako ng tao. para igalang ako ng pamilya ko."
"pero paano naman si Ma'am KC?"
"hindi ko alam. sa ngayon, masaya naman kami sa estado namin sa buhay. kung gaano ito katagal, hindi ko masasabi."
at natahimik na lang ako. hindi ko na kasi alam kung ano ang pwede kong sabihin. yumakap na lang ako kay Sir Piolo.
"hahaha! masyadong seryoso!" natawa si Sir Piolo matapos ang ilang segundo. "grabe ka BoyShiatsu! da best!"
at dahil naging light na rin naman ang mood, naitanong ko kung bakit nasabi nyang walang-wala ang boyfriend nya sa talento ko sa pagtsupa."
"si misis, hindi nag-sa-suck yun. si Sam naman, tsumutsupa, pero hindi magaling. in fact, hindi marunong. boring nga ng sex life namin eh."
natawa ako sa sagot ni Sir Piolo, at bumanat na rin.
"well, yun ang trabaho ko! haha!"
"so i guess i can say that i get my social stability with my wife, my emotional stability with Sam, and my sexual stability with you!"
napangiti ako sa sinabi ni Sir Piolo, though hindi ko alam kung kailangan ko ba ikatuwa yun. kailangan ba ikatuwa na, somewhat, eh parang lumalabas na niloloko ni Sir Piolo si Ma'am KC dahil sa relasyon nya kay Sir Sam, and at the same time eh niloloko n'ya si Sir Sam dahil sa sexual encounter namin? or isang tao lang si Sir Piolo na gusto lang maging maligaya sa buhay, hoping that everything goes his way? ah, ewan ko. hindi ko alam. basta ang alam ko, nung gabi yun, ako ang Mark Bautista ng buhay nya!
05 February 2012
Twitter-bugged! (Updated!)
quickie entry...
someone sent me a message at twitter. kilala ko naman yung sender so i opened the link na nakalagay dun sa tweet nya (according to him, someone is bad-mouthing me daw in a different site). after many attempts, i wasn't able to successfully open the said link.
and now... I CANNOT ACCESS MY TWITTER!!!
pucha naman!! help help help!!!
* * * * *
update after a few hours...
after trying some troubleshooting steps suggested by twitter website, i was able to gain access to my account again.
to all my twitter followers na nakatanggap ng DM from me... sobrang pasensya na talaga. hindi po ako ang nag-send nun, and apparently, isa yun sa mga "special powers" ng spam na na-access ko (thru a DM in my twitter as well) and a virus. pasensya na po talaga.
02 February 2012
Ella Ella E E
ang post na ito ay tribute kay Rihanna at sa kanyang maaga at kagulat-gulat na pagkamatay. cheers to one of my idols!
we found love in a hopeless place
we found love in a hopeless place
paulit-ulit ang kantang yan sa ipod ko habang palakad-lakad ako sa isang cheap na mall sa pasay rotonda. (natawa ako, i have to google the lyrics to the song pa, pero yung chorus part lang naman yung kailangan ko. stupid! haha!) paikot-ikot habang pinapatay ang oras. sa paglalakad, hindi maiwasang makakita ng mga couples na sweet-sweetan sa kahit saang bahagi ng mall... nakakainit ng ulo! hoy! umpisa pa lang ng pebrero! wag kayong excited!
at sa paglalakad-lakad ko nga ay may nakilala ako. nung una ko sila (yup! sila!) nakita, naisip ko agad na mag-ki-click kami. at hindi nga ako nagkamali. yung isa, medyo familiar sa akin. madalas ko na syang nakikita. yun namang isa, i have no idea. though marami nang nakapagsabi sa akin tungkol sa kanya. without any adieu, nilakasan ko ang loob ko at naglakad palapit sa kanila. paglapit ko pa lang, may spark na agad. ang problema nga lang, dalawa sila. pero wala akong pakialam. ang mahalaga... naramdaman ko yung kakaibang pakiramdam na attached na agad kaming tatlo sa isa't isa't isa.
my friends, i introduce to you... Ella and E! (yup, babae't lalake!)
bukod sa pagiging good-looking, masasabi kong pareho silang matalino. Ella may look like the typical kikay girl (Anne Curtis ang peg) but she is one hell of a story-teller... pag nagsalita na sya, makikinig ka talaga. E, on the other hand, seems a little reserved at first... pero alam mong may itinatagong kulit sa loob. at hindi ako nagkamali. ilang minuto pa lang, lumabas na agad ang pagiging "jologs" ni E.
na-meet ko sila sa national bookstore... si Ella, 130 pesos. si E naman, mas mahal. 220 pesos.
kung di mo pa rin gets... eto na nga. si Ella at si E ay mga bloggers na ngayon ay may libro na... compilation ng mga blog entries nila.
simula ng magkaroon ng marami-raming readers ang blog ko, may ilan ilan nang nag-i-email sa akin comparing me to Ella Number 88. and i was like... who the fuck is Ella and bakit sya may number? at nakakaloko pa dito, kahit yung bestfriend ko nung bata ako (na bihirang mag-internet) eh kilala si Ella Number 88! nakakaintriga, sobra. pero hindi ko alam bakit hindi ko man lang naisip i-google ang nasabing babae nung mga panahong yun.
at nung pumapatay nga ako ng tao, ah este, ng oras sa national bookstore ay nakita ko ang libro nya. Ako si Ella: Confessions of a Masahista. all this time, i thought original yung idea ko na masahistang nagkukwento ng mga karanasan nya. hindi pala. binasag ng babaeng ito ang trip ko... kailangan ko syang mabasa!
binili ko ang libro at sinimulan agad itong basahin. potah! first few stories, and i cannot see myself letting go of the book na. this bitch is effin smart! and her stories... sobrang naka-relate ako.
isa syang blogger na nakilala dahil sa mga witty, funny, at scandalous na blog entries nya tungkol sa kung paano sya naging masahista, at kung sa paanong paraan na mula sa pagiging inosenteng babae sa barrio ay naging hustler sya sa kanyang napiling trade. at eto nga't gumawa ng libro featuring her blog entries and her stories.
matapos ko basahin... hindi ko maiwasang mamangha kay Ella. nakakatuwang isipin na hindi sya nalamon ng demonyo ng industriya ng pagmamasahe at nanatili pa rin ang kanyang pangarap na maayos ang buhay nya. at maswerte sya at nagawa nyang ayusin ang buhay nyang akala nya ay hindi na mabibigyan ng liwanag. nakakaaliw at sobrang raw ang pagkukwento nya mula sa kung paano syang napasok sa isang massage parlor (dahil sa hirap ng buhay), at kung paano sya nai-train ng mga kasama nya, hanggang sa mga kwento ng makukulit nyang clients (may artista din!), at kung paanong isang swerteng client ang naging turning point nya to pursue her dream of graduating. nakakabuhay ng loob.
let's talk about E naman... and how i wish maging love of my life ko talaga sya! hahahaha!
ito namang isang to, inglishero. title pa lang ng libro... The Chronicles of E! lupet! sa Narnia ko lang narinig na ginamit yung word na chronicles! hehehehe... pero hindi naman sya yung tipong archaic yung words. very conversational, pero he has a very smart way of playing with words. and i love how bitchy he can be! hahaha! hindi sya masahista (well, may isang chapter sa buhay nya that he became a boy-for-hire), and his book focuses more on his adventures in using recreational drugs... all of them. ilang beses ko nang nakikita yung libro nya noon, pero hindi ako nagkainteres na bilhin at basahin yun... ngayon lang!
pero kung kay Ella, kinilig agad ako sa tuwa nung nabasa ko yung mga unang stories. dito kay E, unang entry pa lang... nagtatatalon na ako sa inis at sa tuwa! the first entry is about how he got involved with drugs and what tactics he actually do in order to get it for free. kasama na rin sa first few entries yung encounter nya with someone he calls Mom and Dad... two hot gay guys! pucha!!! INGGIT AKO!!!
right at that moment... parang gusto ko na agad-agad bitawan yung libro at bumili ng ecstasy. pero naalala ko... wala akong pera. kaya minabuti ko na lang na ituloy ang pagbabasa sa mga kwento ni E... little did i know that i will be reading a series of emotional-rollercoaster entries that will definitely drag me in a world na kilala ko na pero hindi ko pa kilala.
grabe ang mga experiences nya. well, hindi naman talaga grabe. medyo normal for a drug addict. pero the way he wrote it, plus the underlying emotions in it... ang galing. mahirap isipin that someone who people may think is "just a junkie" can actually engage people in his world just thru his blog entries. ito yung tipo na kapag binasa mo, whether heavy user ka, tried it a few times, or super clean... you can still relate to what this person is saying, and you will sympathize with him... while laughing with him. as in habang binabasa mo, feeling mo sabog ka rin!
with a serious of life-challenging events sa buhay ni E (based on his book), nakakaiyak (sa tuwa) na isipin that he was actually able to turn things 180 degrees and change for the better. though he has some limitations na this time, buhay na buhay pa rin ang fighting spirit nya to live life and to be a better person. inspiring.
masasabi kong may pagkaka-pare-pareho kaming tatlo nina Ella at E. sa palagay ko, we were young, adventurous, and daring. masyado kaming nadala ng mga sitwasyon na nangyayari sa paligid namin and made decisions na nung una eh hindi namin alam kung maganda ba o hindi. kumbaga, may biglaang pangangailangan na kailangang masolusyonan (maging pera man o pangangati ng katawan). lahat kami inenjoy namin ang daan na pinili naming daanan. live life to the fullest, whatever life we have. we all found love in a hopeless place. we felt that we belong in a world that most people think is not safe to live in (yung underground world, that is). at lahat kami ay nagkaroon ng desire na ikwento ang mga pangyayaring ito sa mga taong hindi naman namin kilala through our blogs. para magpasikat? para mag-inspire? o dahil wala lang kaming magawa sa mga spare time namin? ewan ko.
pero kung may similarities, may differences din. si Ella, nagawa nyang gamitin sa magandang bagay ang mga kinita nya sa pagiging masahista nya. nagawa nyang makapagtapos ng pag-aaral at eventually ay natakasan nya ang masalimuot na mundo ng mga masahista. si E naman, after an OD (overdose) experience, nagawang i-motivate ang sarili at talikuran ang mundong inakala nya ay magiging buhay nya hanggang sa mamatay sya. pero ako, bagama't nasimulan ko na ang unang hakbang (to get a decent job), hindi ko masasabing magtutuloy-tuloy na ako sa pagtalikod sa mundo ng pagmamasahe, sa mundo ng droga, at sa mundo ng sex. i'm trying, God knows it... pero hindi ko alam kung kakayanin ko. sa ngayon, hindi ko masasabing kasingtapang ako ni Ella at ni E para talikuran ang mundong nakasanayan ko na.
pero, kung iisipin ko... dumaan din naman silang dalawa sa panahon na akala nila ay hindi nila kayang talikuran ang mundo nila... pero nagawa pa rin nila. pare-pareho kaming bloggers, pare-pareho kaming mag-isip... so i guess, darating rin yung panahon na mapagtatagumpayan ko rin ang dilemma ko na talikuran ang mundong sa tingin ng karamihan ay marumi. at darating din yung panahon na matatawa na lang ako sa lahat ng mga pinagdaanan ko habang binabasa ko ang mga blog entries ko... na naka-compile na sa isang libro sa national bookstore!
Ella... E... at, er, Enneth (?)... a virtual troika made in blogoheaven! (pero, seriously, i so want to meet E in person!!! at ma-hug sya!! at ma-kiss sya!!! wheeee!!! lande...). dahil may mga tao yatang pinanganak talaga para magsumbulat ng buhay nila online...
oh... btw... hindi totoong patay si Rihanna... joke ko lang yun! hehehe...
Subscribe to:
Posts (Atom)