11 January 2012

Un-Understandable

isa sa mga challenges na kinakaharap naming mga masahista is ang paghahanap ng client... lalo na pag kailangang-kailangan namin ng pera.

kagaya sa pagkakataong ito... na bente pesos na lang ang laman ng wallet ko. and with this, what i do is mangulit ng mga clients, hoping na may matisod akong appointment. well, hindi naman totally nangungulit, nangungumusta lang naman.

syempre, hindi nawawala ang mga regular clients. pero hindi naman sila available anytime. may mga buhay din silang inaasikaso.

unlike other masseurs na kilala ko, i keep a list of people na nag-i-inquire sa akin pero hindi nagpapaschedule (though they will text me daw kung kailan sila magpapamassage). baka sakaling dumating yung araw na maitext ko sila at bigla nilang maisip na "oo nga, kawawa naman itong batang ito. sige na nga, papatusin ko na yung service nya."

nandyan din naman yung mga tipong nag-i-inquire, tapos ang dami-daming itinatanong, then biglang hindi naman pala interested. i still keep their number... baka dumating ang araw na maging interesado na sila.

at nandyan yung mga nag-i-inquire, magpapa-schedule, and yet on the day itself, ikacancel.

may kanya-kanyang reasons na naiintindihan ko naman, like biglaang work commitments, biglaang family commitments, biglaang partner commitments, biglaang friends commitments, biglaang pet commitments, at biglaang commitments that involve national security. it's okay. syempre, uunahin ang mga importanteng bagay kaysa sa luho. understandable.

meron naman na magkacancel dahil biglang hindi available ang place dahil may dumating na parents, kapatid, pinsan, officemate, neighbor, enemy, or zombie. eto yung mga tipo ng tao na hindi preferred ang motels dahil baka ma-video sila. understandable.

meron namang mga nag-ka-cancel dahil sa biglaang gastos. yung tipong kinailangan agad agad na magbayad ng bill, or bumili ng pagkain, or magpaload, or mag-donate sa charity. understandable.

at nandyan yung mga tipong nag-ka-cancel dahil lang tinamad... or natakot... or kinabahan! napaka-unprofessional. not understandable.

kailan lang eh may nagtext sa akin to inquire about my service, si Sir Juan. so syempre, send ang template. and then he will text me na lang daw kung kailan sya magpapaservice. so i did not expect na. then one time, nagtext na lang sya at nagsabi na he would like to avail my services daw. ayus! alas-syete ang usapan namin, that night. saktong-sakto... i need to settle some bills.

bandang tanghali, nagtext ang isa sa mga regular ko ang nag-request na i-service ko sya that night. kahit na alam kong minsan lang mag-text itong regular kong ito at sure shot na malaki ang ibibigay nya sa akin (kung mag-tip kasi, mas malaki pa kaysa sa basic charge!), more than enough sa bills ko, i still decided not to accept it dahil may naka-schedule na sa akin for that night. professionalism kumbaga.

six o'clock came, one hour before the service. naka-prepare na ako at halos paalis na ng bahay when i texted Sir Juan. then he replied na i-cancel na lang daw nya yung appointment. when i asked why, ang ganda naman ng naging sagot ni Sir Juan.

"wala lang. tinamad lang ako."

wow ha! ang ganda naman ng timing nya na tamarin! pero i still tried to kept my cool and found out another reason kung bakit nya kinancel.

"natatakot kasi ako eh, tsaka kinakabahan."

eto yung hindi ko ma-gets. mukha ba akong halimaw sa banga para katakutan? or zombie kaya? or holdaper? bakit natatakot sila sa akin, or kinakabahan sila sa akin? bakit nung nagpa-book sila eh siguradong-sigurado na sila, pagkatapos eh kung hindi ko pa tinext eh hindi pa sasabihin na ika-cancel na lang dahil lang sa tinatamad or natatakot?

naiintindihan ko naman na wala akong karapatan mag-demand or magpumilit na ituloy yung appointment dahil kailangan ko yung pera. hindi ko lang maiwasan na mainis dahil syempre, planado mo na kung saan gagamitin yung pera eh. expected na. naka-budget na. bagama't hindi mo pa hawak, sinigurado na sayo na mahahawakan mo yung pera, therefore may pinaglaanan ka nang pagkakagastusan (kahit mali ang ganung mindset). pero, ayun... dahil lang tinamad si Sir Juan, ako ang kawawa.

un-understandable.

i tries texting the other client na nag-inquire... hindi na daw sya available for that night. which means one thing... kailangan ko na naman mangulit ng ibang clients para lang may pambayad ako ng bills for that night!

nakakatamad... pero hindi ako pwedeng tamarin. una, dahil kailangan ko. and pangalawa, dahil professional ako!

8 comments:

  1. bad trip nga ang ganung kausap BS.

    ReplyDelete
  2. hi BS. i would like to avail your services kaya lang i do not want to post my number here. can you send your number and FB to ltsearcher@yahoo.com?

    ReplyDelete
  3. look for a more decent job.. atleast di ka mababadtrip ng ganyan.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  5. ano ba kasi contact no. mo......sana publish mo lagi para lahat nakakaalam....

    ReplyDelete
  6. "biglaang commitments that involve national security"

    You're real funny talaga! And I salute your good work ethic! *thumbs up*

    ReplyDelete