26 January 2012

Strike 2

dahil sa nangyari sa akin nung isang araw, talagang tumatakbo na sa isip ko na tuluyan nang itigil ang pagiging pokpok. strike 1 na yun. and 3 strikes, i'm out. yun ang sabi ko sa sarili ko. naghahanap ako ng signs kung titigil na ba ako o hindi pa. at eto nga...

* * * * *

matagal nang nagtetext sa akin si Sir Ryan. pero laging hindi natutuloy ang appointment namin. ewan ko ba, hindi ako kampante. parang everytime magtetext sya, may mali. isang beses, sabi nya taga-pasay daw sya. then sumunod, taga-manda daw. umabot na sa point na ayoko na syang replyan.

and ngayong umaga nga, nagtext ulit sya. nagtatanong kung available daw ba ako. dahil kailangang-kailangan ko ng pera para makabawi sa nangyari sa akin nung isang araw lang, pumayag ako. this time, nasa makati daw sya. maayos ang naging usapan. alam nya ang rates at limitations ko, at alam ko kung ano ang gusto nya. sex lang daw.

pupungas-pungas pa, bumangon ako at nagprepare papunta ng makati. partidang kapus na kapos ang pera ko eh sumugod pa rin ako. source of income. pantawid gutom sa ilang araw.

habang nasa byahe ako, tuloy tuloy ang pagtetext namin ni Sir Ryan. he texted me his room number, at sinabihan akong dumiretso na lang paakyat. panay pa ang check nya sa akin kung nasaan na ako. parang sinisigurado nya talaga na pupunta ako.

maya-maya nga ay dumating ako sa nasabing condominium... makati executive towers 1. dumiretso ako sa front desk dahil sinita nila ako ng sinubukan kong dumiretso sa elevator.

"sa unit 2215 po."
"kanino?"
"Ryan Bernal po."
"sige, login ka muna. pengeng id."

and so i followed. i texted Sir Ryan na paakyat na ako bago sumakay ng elevator.

ding... ding... ding.. ding... ding... maraming stop-overs ang elevator, parang mga bus lang sa edsa. at dumating nga ako sa 22nd floor. hinanap ang 2215 at kumatok. bumukas ang pinto at pinapasok naman ako ng lalaking nagbukas nito. medyo balingkinitan, pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha... sobrang dilim kasi ng sala area. maliit na liwanag lang mula sa bedroom ang nagsisilbing lighting ng lugar, na may kaagapay na malakas na David Guetta music.

"sino ka?" tanong sa akin ni Sir Ryan.
"ha?" naisagot ko. ang weird na kanina pa kami magkatext at pagkatapos ay tatanungin nya ako kung sino ako.
"i mean, sino ba yung kausap mo bago ka pumunta dito?"
"er... kayo po. magkatext tayo diba?"
"ako?"
"opo. eto pa yung text mo o." at ipinabasa ko sa kanya ang message.
"ahh... hindi ako si Ryan."

nagulat ako sa sinabi nung lalaki? paanong hindi sya si Sir Ryan? eh magkatext kami kanina pa! at kung hindi nga sya yun, bakit nya ako pinatuloy?

"huh? ang gulo? bale sino yung katext ko?"
"si Ryan."
"ikaw yun diba? bahay mo to?"
"hindi nga ako si Ryan. sa planetromeo nya ba nakuha number mo?"
"hinde. kung hindi ikaw si Ryan, asan sya? kilala mo ba sya?"

ngumiti lang si mamang balingkinitan. and then there was awkward silence.

"so, paano to, aalis na lang ako?"
"um..."
"anong um?" medyo napipikon na ako.
"oo. sige. alis ka na."

and ganun ganun na lang, lumabas ako ng unit at ng nasabing condo. sinubukan kong tawagan ang number ni Sir Ryan. nag-ri-ring... pero kina-cancel nya yung call. ilang beses pa, pero paulit-ulit ang nangyayari. hanggang sa sumuko na lang ako at tinanggap ang katotohanan na nagago na naman ako ng isang kliyente.

eto na naman. sinusubukan kong maging mabuti at wag magtanim ng pagkainis at galit sa mga tarantadong trippers na ganito... pero talagang hindi ko maiwasan. ano ba ang nakukuha mo kapag na-jo-joke time mo ang isang tao? anong satisfaction ba ang dulot nito? bakit may mga taong walang magawa sa buhay at ang gustong gawin ay manira ng araw ng mga taong wala namang ginagawa sa kanila? ganun ba talaga kahirap maging mabait kaya pinipili na lang nilang maging salbahe? ayoko nang mag-isip. ganitong-ganito din ang takbo ng utak ko nung isang araw, at wala rin naman akong nakuhang sagot sa mga tanong ko.

kamalas-malasan... strike 2 in one week... ano ang strike 3? kailan? paano?

* * * * *

and ilang minuto pa nga lang, may tumawag sa akin na galit na galit at pinagmumura ako sa telepono. ramdam na ramdam ko ang galit ng caller at tagos hanggang buto ang malulutong na pu-tang-i-na-mong-ha-yop ka na lumalabas sa bibig nyang ang sarap buhusan ng hand sanitizer (baka sakaling luminis). kabit daw ako ng asawa nya at ako daw ang dahilan kung bakit nakakanda-leche-leche ang relasyon nila.

pero may bloopers...

una... babae ang caller! hindi ko alam na kerida na pala ako ng isang straight guy!

and pangalawa...

caller: putanginamo hayop ka! kabit ka ng asawa ko! gago ka!
me: ha? hindi ko po kayo kilala. baka po wrong number kayo.
caller: tangina mo! nagma-maang-maangan ka pang gago ka! ikaw si Mike diba?
me: um... hindi po Mike ang pangalan ko.
caller: ...

and the call ended.

whew! akala ko strike 3 na.

10 comments:

  1. well, what can i say? medyo di maganda ang week mo.....but everything will turn out fne believe me...tini-test ka lang ng tadhana

    be strong and keep your focus

    pray a lot.....

    ember

    ReplyDelete
  2. try to light a candle nga, Kenn. I think someone is jinxing you... kakalurkey nung tumawag.

    ReplyDelete
  3. mag-sorry ka daw sa universe baka may natisod kang engkanto. hehe. things will turn out fine. you'll see. gulong naman ang buhay e.

    ReplyDelete
  4. As one of your followers said, "everything happens for a reason"... GOD has better plans for you.

    Baka it's the time for you to quit your job as an entertainer/ masseur. Find a decent job instead.

    I don't want to say this but still, hindi natin alam ang takbo ng pagiisip ng mga tao sa paligid sa panahon ngayon. Ngayon, nagago ka "NILA", nanakawan at napagtripan. Pera at oras lang yun, what if makatagpo ka ng taong kakaiba ang trip. Worst thing, eh saktan ka o patayin ka.

    Ingat na lang po...

    _JD_

    ReplyDelete
  5. Ingat-ingat na lang next time, Ken. I'm rooting for you! :)

    ReplyDelete
  6. I'm willing to give you your strike 3 if it means you'll choose the better path...

    ReplyDelete
  7. STOP KA NALANG SA PAGIGING MASSEUR HABANG MAY TIME PA MR. BOYSHIATSU


    _JB

    ReplyDelete
  8. Sabi ko nga earlier may reason ang bawat pangyayari iyan ang hiwaga ng buhay. You just need to be strong and firm. Sayang hihinto ka na pala i would happy to try your service kaso i can only do it once a year de lalo di ko nakuha ang service mo sa ngayon. But masaya ako for your decision at least for good start, so good luck to your new window or door sana i can still have your service pag bakasyon ko.

    ReplyDelete
  9. i guess its a clear sign na ITIGIL mo na ang pagmama massuer.. beside may job ka na now dun ka na lng mag focus.. lahat ng nagyari sau charged it to experienced and MOVE ON and be happy...

    ReplyDelete
  10. Building ko yun ah

    reslience

    ReplyDelete