07 January 2012

Farewell BoyShiatsu

limang araw akong stranded sa rizal. hindi ako makaalis hindi dahil sa ayoko, kundi dahil wala akong pera. okay lang sana mag-stay sa bahay kung may pagkakalibangan... kaso wala!

at sa tagal ko nga dito, at dahil new year na rin, hindi ko naiwasan ang sarili ko na gumawa ng plano at new year's resolutions... mga bagay na gusto kong baguhin para sa taong ito.

palaging kasama sa new year's resolution ko ang pag-aayos ng physical looks ko... pero palagi akong failed. this year, seseryosohin ko na talaga (sinabi ko na rin last year yun, pero palpak pa rin!). pero, pramis, this year, eeffort na talaga ako.

maraming beses ko na rin sinabi sa sarili ko na kailangan ko na talagang mag-invest sa mga material things na gusto ko like gadgets, sariling condo unit, and a car (whew! ang bigat!). and with this, kailangan ko na talagang magkaroon ng bank account and maintain it.

ayusin ko na rin ang passport ko, para naman ma-experience ko nang lumipad palabas ng bansa. hehehe...

lagpas na ako sa first quarter ng buhay ko... panahon na rin siguro na magkaroon ng mas matinong tatahakin sa buhay. enough of being idealistic and time to face the reality. masakit, pero kailangan tanggapin ang katotohanan na madalas, ang bagay na nagpapasaya sayo ay hindi ang bagay na mag-aayos ng buhay mo.

panahon na para maghanap ng trabaho at mag-stay sa trabahong ito. enough of the hundreds of bullshit reasons in quitting like boredom, hindi masaya, or small issues. matanda na ako, hindi na ako bata para maging apektado sa mga maliliit na bagay.

at sa taon ngang ito, malamang sa first quarter pa, ay parang naiisip ko nang itigil na ang pagiging pokpok at mag-focus na lang sa ika nga nila eh mas matinong klase ng buhay... hindi madali, pero kakayanin, alang-alang na rin sa itinakdang standards ng sambayanan. at nakakapagod na ring ma-stress sa kakaisip kung saan ka kukuha ng pera.

sa totoo lang, mahal ko na ang ginagawa ko. bukod sa pagiging comfortable ko sa ganitong kalakaran, hindi ko itinatanggi na medyo madali magkapera sa ganitong paraan kaysa buryuhin ko ang sarili ko sa opisina. pero, hindi ako pwedeng maging ganito habang buhay. at hangga't maaga pa, kailangan ko na itong itigil, para mas madali.

pero naisip ko... may mali nga ba talaga sa trabaho ko? o naiisip ko lang na mali dahil sa idinidikta ng paligid?

paano naman ang mga taong nangangailangan ng masahe? paano ang mga taong nangangailangan ng sex? paano ang mga taong nangangailangan ng makakausap o makakasama?

i guess... it's not farewell boyshiatsu na lang muna...

8 comments:

  1. as i've said before, you can stop the boy shiatsu masseur side mo but ipagpatuloy mo ang boy shiatsu blogger side mo.....

    more in my email....

    ember

    ReplyDelete
  2. We may post our sentiments and even pour our hearts on our views but the decision is still on you, Kenn. I will ask you one favor though, don't abandon writing. It's one of your strengths, hone it. Wishing you the best in all your endeavors ☺

    ReplyDelete
  3. if you're still comfortable with it, then gow lang. get out of it pag ayaw mo na.

    what i'm seeing here is the plans to have a more disciplined life.kudos!

    some people can't focus on their day jobs because they know they have a fallback. it's the attitude na "eh mas malaki pa pwede kong kitain dito eh".

    unsolicited advice: keep the money that you're earning with the services somewhere you can't withdraw it easily.

    one friend opened a savings account and then ginupit nya ung ATM para di nya magalaw. deposit lang xa ng deposit ng income nya from a part time.
    ung night deposit gamit nya. ung may sobre tapos ipapasok mo lang sa ATM...

    though just to set your expectations, marami kang isasakripisyo.

    ReplyDelete
  4. hahaha ang funny n2ng post mo lalo na yung huli XD

    ReplyDelete
  5. Some unsolicited advice from an anonymous (but avid) reader:

    Maybe there isn't anything wrong about your current job, contrary to what society is forcing you to believe. But I have to agree that perhaps it is time you find another job. You can't deny that being a call boy is not a job you can keep forever. Tama ka nga na di talaga yun pang-habang buhay na trabaho. Kailan mo pa yan ititigil, kapag may edad ka na? God knows how hard it is to find a job in the Philippines when you're already of age, regardless whether your educated or not. If I were, I'd find another job, keep it this time and still accept clients whenever you can. That way you'll have a steady flow of income, plus you'll get some extra money when you get clients. :)

    ReplyDelete
  6. Siguro pag 30 ka na, magretire ka na sa ganito, pero dapat ay mag save ka talaga. Mahirap pag wala kang savings, maging kawawa ka.

    ReplyDelete
  7. life's a bitch. Just be ready:)
    Sana before ka magretire e I would get a chance to personally know you.

    ReplyDelete