24 January 2012

Man Of Steal

bakit ang tagal bago mag-post ulit ng blog si BoyShiatsu? eto ang dahilan...

dahil chinese new year, nagpa-feng shui ako. ang sabi sa akin, para daw maswerte ang buhay ko ngayong 2012, kailangan daw eh tuwing martes at biyernes lang ako nag-o-online. kaya ayun!

then, nalaman ko... lasing pala yung nag-feng shui sa akin. barkada ko. bulaang propeta!

hehehe... sobrang busy lang kasi this past few days. at tsaka nagtitipid na rin. hindi ko maintindihan kung bakit sobrang matumal ang clients ngayon. kahit yung mga kilala kong in the same line of business (naks! ang professional pakinggan!) eh hirap din sa paghanap ng client. kaya bawat sentimong kinikita ko ngayon eh inilalaan ko muna sa mga mas importanteng bagay kagaya ng pambayad sa kuryente, upa sa bahay, pampaload, at pambili ng isang slice ng pinya for dessert every lunch time.

ang nakakainis... kung kailan naman nagtitipid ako at kapos na kapos sa pera, tsaka ka pa aatakihin ng masasamang loob.

binabasa daw lagi ni Sir Clark ang blog ko kaya naisipan nyang mag-email sa akin at i-avail ang service ko. syempre, laking tuwa ko naman! dahil sa tumal ng clients ngayon, heto't may isang potential client na sobrang interested ako i-hire. source of income. finally. ikatlo ko pa lang sya ngayong 2012. and maswerte pa ako kasi i-e-extend daw ni Sir Clark ang pag-hire sa akin, so dagdag bayad yun. dagdag income.

nagkasundo kami na sa cubao na mag-check-in. tinatawagan nya pa ako from time to time to check kung nasaan na ako. and since nauna ako sa cubao, binilinan nya na ako na mag-check-in ng good for 12 hours na kwarto. babayaran nya na lang ako pagdating nya. and so i did.

naligo at nagprepare na ako. at makalipas nga ang almost 1 hour ay dumating na si Sir Clark. mukhang maayos naman. mukhang matino kausap. kwentuhan saglit at pagkatapos ay sinimulan na ang unang yugto ng aksyon. mas mahaba sa normal ang masahe na gusto ni Sir Clark, and i committed naman. then pagkatapos, isang maatikabong extra ang ipinaranas ko sa kanya. halata namang nasarapan si Sir Clark. and masaya ko, kasi i have another satisfied client (and, to think na round 1 pa lang yun!), which means a possible regular client... maganda sa business yun!

nagpaalam ako kay Sir Clark na magsa-shower lang ako saglit para naman fresh ako habang nakahiga kami sa kama para sa kwentuhan. inofferan ko pa siya na sumabay sa akin, pero pinauna nya na ako at manonood lang daw muna sya ng tv.

ligo ligo ligo. pa-fresh pa-fresh pa-fresh. hanggang sa mukhang tao na ulit ako.

lumabas ako ng kwarto... and was surprised to see na wala na sa kwarto si Sir Clark! ni hindi ko man lang namalayan na lumabas na pala sya ng kwarto habang naliligo ako. kaya pala malakas yung sound ng tv. anak ng pucha! unang beses akong takbuhan ng client... at ang pangit ng pakiramdam, lalo na't alam mong wala ka namang ginawang masama at ginawa mo ng maayos ang trabaho mo. inis at iritado, i grabbed my phone and tried calling him nang may mapansin pa akong weird.

katabi ng phone ko ay yung wallet ko... nakabulatlat.

agad kong chineck yung wallet ko... to find out na wala na yung tatlong libong laman nito. tatlong libo na kinailangan ko pang utangin sa mga kaibigan ko para pambayad sa kuryente at sa utang ko sa bombay sa amin dahil nga wala akong kapera-pera. tatlong libo... nawala sa isang pitik.

lalong nadagdagan yung pagkainis ko. agad kong tinawagan si Sir Clark. may sumagot naman... babae...

"the number you have dialled is currently unattended or out of coverage area.'

tangina!!! nagtrabaho ka ng matino at nakisama ka ng maayos, tapos ganito pa ang gagawin sayo?

naiiyak na ako sa motel dahil sa nangyari. though thankful na rin ako na hindi nya kinuha ang mga phones ko o ang ipod touch ko, nalulungkot pa rin ako na ninakawan nya ako ng pera. matatanggap ko na pa hindi nya binayaran yung service ko at yung ipinang-abono ko sa motel. pero yung kunin pa yung kakaunting perang nasa wallet ko na gagamitin ko sa importanteng mga bayarin... sobra sobra na naman yata yun! at ang hindi ko pa maintindihan... bakit kailangan nyang gawin sa akin yun?

at dahil nga wala na akong pera natira (meron, tatlong pisong barya na nasa coin pouch ko!), hindi ko alam kung paano ako kakain (since nagugutom na ako that time) at kung paano ako uuwi! kahit papaano, mabuti na't bayad for 12 hours yung kwarto, so pwedeng dun lang muna ako mag-stay habang nag-iisip ng paraan.

ayoko nang mangutang. utang yung perang ninakaw sa akin, ayokong madagdagan ang utang ko para pambayad-utang. paikot-ikot lang yun. sinubukan kong itext isa-isa ang ilan sa mga clients at ang mga nag-inquire kung interesado silang magpaservice at hindi na nila kailangang gumastos ng pang-check-in since may kwarto na. nag-offer pa nga ako ng mas mababang presyo para lang kagatin na nila at magpaservice sila. pero, sa kung ewan na paraang nagbibiro ang tadhana, kung kailan kailangan mo ng pera, tsaka walang available na client.

mukhang wala nang choice... i resulted to pangungutang.

itinext ko ang ilang mga kaibigan na pwede kong mahiraman ng kahit maliit na halaga, para lang may pamasahe ako pauwi at kaunting panggastos. pero, mukhang hyper mode si tadhana sa pagtitrip ngayon... walang available, or walang gustong magpahiram.

medyo lumalalim na ang gabi... lumalalim na rin ang gutom ko at ang frustration ko. i'm stuck in this motel until 5am and then i don't know what's next. sinubukan ko ulit tawagan si Sir Clark, baka sakaling this time eh makontak ko na sya... pero yung babae pa rin ang sumagot.

nakatulog na lang ako sa kama kakaisip ng kung anong pwedeng gawin. laking pasalamat ko ng biglang nag-ring ang cellphone ko. si Kulot, yung best friend ko. ayun at susunduin nya na lang daw ako dun sa motel para makauwi na ako.

at least na-solve yung problema ko na makauwi. at, kahit ayoko, pinahiram nya na rin ako ng pera para nga may panggastos ako.

sinubukan kong kontakin si Sir Clark sa email nya... pero nag-fail. email address unreachable. and so, it's official... biktima ako!

bakit kung sino pa yung walang ginagawang masama, sya pa ang napagtitripan ng masasamang loob? hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ginawa sa akin yun ni Sir Clark. ano bang kasalanan ko sa kanya? bakit wala syang konsiderasyon? nagtrabaho ako ng matino, tapos ganito pa ang igaganti sa akin? ang hirap na nga ng current status ko ngayon, pinahirapan nya pa ako lalo.

malamang sa malamang eh mababasa ni Sir Clark ito. gusto ko sanang maghabol pero mukhang wala na akong magagawa. sana lang eh maisip nya na wala akong ginawang masama sa kanya. i don't really believe in karma, but i would like to have faith in it this time. or kung ano man ang rason kung bakit kailangan nya akong takbuhan kasama ang pera ko, i hope it's for something good at hindi lang kademonyohan. and i hope eh hindi nya na gawin sa iba yung ginawa nya sa akin.

parang lalo na tuloy nagiging concrete yung idea ko to quit this job...

14 comments:

  1. nakakabad trip naman, sayang ang effort to please the client tapos me run away pang naganap.Pero everything happen for a reason malay mo iyong Clark na iyon ay mas ang pangangailagan and believe me totoo si boy george

    ReplyDelete
  2. Kano po talent fee mo? Never pa akong nakaranas ma-massage eh :(

    ReplyDelete
  3. dapat kang maniwala sa karma...totoo yan...tingnan mo,mas matindi pa ang mangyayari sa kanya....

    ember

    ReplyDelete
  4. grabeh napaka walang puso yung taong yun! tsk tsk! huwag kang mag-alala kenneth, digital na ngayon ang karma, basta ang mahalaga malinis ang konsensya mo wala kang ginawang masama.

    ingat lagi wag masyadong magtitiwala.

    -PurpleIronChic

    ReplyDelete
  5. that CLARK guy is cheap and loser!

    ReplyDelete
  6. nakakalungkot naman...
    >rainheart

    ReplyDelete
  7. Sa panahon ngayon kasi dapat gago na talaga tayong lahat. Ako ng di mayaman pero dami ko nang pinautang dahil walang makain etc. etc. mga dahilan, ending ako pa hinaharass at binubungangaan mabanggit ko lang yung utang.

    Ilang beses ko na rin ginawa na ako literally wala nang makain dahil pinantulong ko sa kaibigan o kamaganak na nangangailangan ending sa mga kuwento ako pa may utang o ako pa naging pabigat.

    Hindi totoong the meek shall inherit the earth, ang mga gago at walanghiya ang matitira.

    Kaya wag na magpakabait. Mang-walanghiya na tayong lahat!!!

    ReplyDelete
  8. may mga ganoon pala. nakakalungkot naman. ingat ka na lang next time ;)

    ReplyDelete
  9. Karma's a bitch and so is that Clark guy.

    ReplyDelete
  10. sobrang sama naman ng tao na yun. parang walang konsensya. *yakap*

    ReplyDelete
  11. Wow! Sympathetic ako sa iyo! Lesson learned na dapat huwag iiwanan ang ano mang valuables with a stranger, kahit ano pa man ang hugis ng client. Be more assertive in asking the client to pay after service, maybe you can have that as part of the deal, then dalhin lahat ng valuables sa banyo kung kailangang maligo. One bad apple can ruin the whole bunch, there is no excuse for him to do that! Huwag siyang magtataka kung aabutin siya ng sunud-sunod na kamalasan ng buhay sa panlolokong ginawa niya sa iyo o sa sino mang biktima pa niya.

    ReplyDelete
  12. bad trip 'yan, pucha. Anyway, kung ayaw mong maniwala sa karma, kaming mga readers mo na lang. one way or another, Clark will definitely get what he deserves.


    P.S. "hindi ko maintindihan kung bakit sobrang matumal ang clients ngayon."

    Haller Ken, kakatapos lang naman kasi ng sunud-sunod na holiday gastusins (i.e., Christmas, New Year, AND Chinese New Year) noh! Taghirap uli ang mga utaw! LOL!

    ReplyDelete
  13. haaaay, Ken! walang makakasagot sa tanong mo kung bakit ka ginago ng client na yun kundi sya rin.
    you tried calling him pero cannot be reached na yung phone nya. possible reasons:
    1. sumakay sya ng elevator but when the door was about to close, nasa pagitan pala sya ng elevator door and he was crushed!
    2. nakalabas sya ng maayos from the motel pero nahagip sya ng sasakyan so durog-durog sya pati ang phone.
    3. habang pauwi sya, nahold-up. sinaksak. patay! tinangay ang pera mo, wallet nya, cellfone nya.
    4. na-lobat sya. nakauwi ng maluwalhati. nung matulog, binangungot. patay!
    5. nakatulog sya ng maayos that night, nung magising sya, he charged his phone. nakalimutan. nag-over charge. nasunog ang phone. pati bahay nya. nangyari lahat yon while he was taking a bath. nakulong sya sa banyo na napuno ng usok. he choked to death!

    there are so many things that could happen to him. wag mo na isipin kasi baka ma-konsensya ka pa kasi yung karma na dumapo sa kanya is because of the pang-gagago na ginawa nya sa yo.

    hindi pa tayo nagmi-meet. super busy ako pero gusto ko talaga i-try yung service mo. if you are in trouble and i have a way to help, text me. i believe you have my number kasi ka-text kita before you left for north luzon and when you got back.

    ReplyDelete
  14. dapat pala hindi bigay ang buong tiwala sa customer

    ReplyDelete