nagkakilala kami sa isang party ng common friend namin. Darrel ang pangalan nya. kwentuhan, kulitan, at usap-usap lang habang umiinom, masasabi kong normal lang ang naging bonding namin. nothing special. though i find him really hot, wala akong naramdamang response from him sa mga subtle ways ko ng pagpapacute. and this means one thing... isa lang s'yang kausap ng gabing iyon.
paalis na ako ng nasabing party ng nakita ko si Darrel na nakaupo sa isang sulok. nakatingin sya sa akin kaya sumenyas ako ng babay. tumayo sya at lumapit.
"ang aga mo namang uuwi?"
"yup, sobrang antok na ako eh."
"it was nice talking to you kanina."
"thanks! same goes for you. sige, i'll go na. enjoy the party, and nice meeting you."
"wait, ano number mo?"
and since he casually popped the question, i casually gave my number, walang kahit anong expectation kung magtetext sya or what.
"i'll call you."
"sige. ingat. una na ako."
* * * * *
nag-ring ang phone habang nasa kalagitnaan ako ng paghihilik. dahil nakalimutan ko na namang i-silent, napabigwas pa ako sa biglaang pagtunog nito. sino naman ang tatawag ng ganitong kaaga? alas-singko ng umaga? cmon!
"hello?" pupungas-pungas na bati ko pa.
"hey, kumusta? si Darrel to!"
"uy, eto, natutulog. ang aga mo naman tumawag."
"ay, okay, sorry. tawag ako ulit mamaya. babay!"
unang phone conversation namin. four sentences. makalipas ang ilang oras ay muli nga syang tumawag at, this time, four hours na ang inabot ng usapan. kung anu-anong random stuff lang ang napag-usapan namin, may kaunting kantahan pa, at naglaro pa kami ng hulaan ng commercial since parehong tv station ang pinapanood namin that time. the conversation concluded with one important fact.
date that evening. sm megamall. his treat.
* * * * *
nagkita kami sa megamall as agreed upon. ngiting-ngiti agad si Darrel nung nakita nya ako. i must say... kung hot sya nung nagkakilala kami sa party, he is a lot hotter now. bumbayin ang mata, maganda ang hubog ng katawan, malambing ang ngiti.
kumain ng pizza at pasta habang nagkukwentuhan tungkol sa buhay buhay. siguro, dahil magkaharap kami, mas may sense yung kwentuhan namin kaysa dun sa phone convo. dito ko nalaman na call center agent pala si Darrel sa pasay at halos walang syang ibang pinagkakaabalahan kundi trabaho, bahay, at gym. ikot ikot sa mall pagkatapos kumain, masasabi ko namang naging masaya ang date namin... ang una naming date.
naulit ang dates...isa, dalawa, tatlong beses. sm megamall, robinsons galleria, glorietta, gateway, starmall. mas dumami ang naging kwentuhan... buhay elementary, paboritong pagkain, sleeping habits, at mga ipapasang panukalang batas sakaling maging senador kami. habang tumatagal, mas nagiging malapit sa akin si Darrel. hindi ko nga lang alam kung bakit nga ba. ayokong mag-assume na gusto nya ako (dahil gusto ko na sya)... pero, ano pa ba ang rason kung bakit ide-date ka ng isang guy ng paulit ulit?
"i like you!" kaswal na sagot nya ng magkaroon ako ng lakas ng loob (after two weeks!) na tanungin kung bakit nga ba panay ang aya nya sa akin na lumabas.
"oh! okay! akala ko ngayon ka lang kasi naka-meet ng clown kaya natutuwa kang kasama ako."
"loko-loko ka talaga. you're a really nice guy."
"yeah, right! maldito kaya ako! ahahahah!"
"by the way, are you single?"
"yes."
"okay. nice."
"ikaw ba?"
"will i date you if i'm taken?"
tama nga naman.
* * * * *
"hey, a friend of mine knows you pala. he saw your pic in my phone. kilala mo ba si August?" tanong nya.
"oh! yup."
"okay."
tuloy lang kami sa kinakain naming potato chips habang nakaupo sa isa sa mga bench ng sm megamall ng itinuloy nya ang conversation.
"you partee daw, sabi nya."
"um... yup."
"nice! magkakasundo tayo!"
"cool. when ba last mo?"
"a month ago. kaw ba?"
"kinda recent lang, hehehe..."
at umikot ang usapan namin sa mga karanasang partee namin habang inuubos ang potato chips. at dahil nga sa flow ng conversation, napagkasunduan namin na papartee kami sa weekend.
* * * * *
weekend. nagkita kami ni Darrel sa cubao. bitbit na ang mga stuff na kakailanganin para sa aming partee and play escapade. nag-check-in, nag-setup ng lights and sounds, nagtimpla ng capsule, nag-drop, at sabay naligo. hindi pa nagsisimulang tumaas ang amats namin ni Darrel pero ramdam na ramdam na agad ang connection namin. magandang simula ng love chem ito.
tuluyan na kaming tumaas ni Darrel, at nagsimula na ang play. unlike my usual partee plays, mas may chemistry yung sa amin ni Darrel. wild pero sweet. malibog pero may lambing. halik dito, yakap doon, halos patambling-tambling kami ni Darrel sa buong kwarto. may kasamang tawanan, harutan, lambingan, at minsan naman eh nakahiga lang kami habang magkahawak ng kamay. sa dinami-dami ng partee plays na napuntahan ko, may kakaiba dito sa play namin ni Darrel.
tuloy tuloy lang ang paglipad, hanggang sa inatake kami ni Darrel ng mood para magkwentuhan. at dito sa kwentuhang ito ay may inamin sya sa akin...
"i'm actually dating someone, pero we're so not in good terms now."
* * * * *
nagulat ako sa sinabi ni Darrel. kaya naman pala pakiramdam ko, things are too good to be true, kasi it's not true naman pala.
Darrel is not single. he is in a 3-month relationship with a guy na friend din nila ni August. masakit for me to hear it, akala ko kasi may something going on between us na. pero, since nasa kalagitnaan kami ng amats at ayoko namang mambasag, kaswal lang ang naging sagot ko.
"oh! okay. not in good terms? why?"
at nagkwento ng nagkwento si Darrel. sa loob daw ng tatlong buwan na pagsasama nila eh maraming beses na silang nag-away dahil sa kung anu-anong maliliit na dahilan. madalas daw ay siya ang kailangang manuyo kahit ang partner nya ang nagsimula ng away. at inamin nya sa akin na sa totoo lang ay pagod na pagod na sya sa nangyayari sa kanilang dalawa. parang gusto na nyang sumuko pero naguguluhan sya.
"and i guess this is where i come in? hahahaha! kidding." binasag ko ang pag-i-emo ni Darrel. natawa naman sya sa sinabi ko.
"you're a really really nice guy. how i wish i have met you before him."
"naku, naku! gumaganun o! halika nga dito!" at hinila ko sya at hinalikan.
"pero what if i met you nga before him no?" tanong nya matapos ang aming mabilisang lampungan.
"hmmm... i don't know. siguro pareho tayong happy?"
"sigurado yun!"
at itinuloy na namin ulit ang lampungan namin. at kasabay ng dahan-dahang pagtaas ng lipad namin, dahan-dahan na din akong nahuhulog sa taong ito. chemical love? siguro. pero ramdam ko, hindi magiging mahirap para sa akin ang mahalin ang taong ito.
at makalipas ang ilang oras ay naramdaman na naming pababa na ang lipad namin. parehong may ngiti sa mga labi, mahigpit akong niyakap ni Darrel habang nilalaro ko ang buhok nya sa banda doon (alam nyo na yun!). matahimik lang kaming magkayakap ng binasag nya ang katahimikan.
"i had so much fun."
"lalo naman ako."
"mauulit to ha!"
"sure! gusto mo ngayon na eh!"
"hahaha! wag ka magbiro ng ganyan! papayag talaga ako!"
at mula sa biruan, nakita ko na lang ang sarili ko na tinetext ang source ko ng capsule para umorder ng isa.
* * * * *
"baba lang ako, nandyan na yung source. tsaka bili na rin ako ng mga kailangan."
"sige."
at bumaba nga ako ng motel para i-meet ang source ko, bumili ng mga kailangang inumin, at magbayad ng room extension.
pagpanhik ko sa kwarto, nasa banyo si Darrel. may kausap sa telepono. hinayaan ko lang. tinimpla ko na ang cap at inayos ang mga pinamiling inumin. humiga sa kama habang hinihintay na lumabas si Darrel. makalipas ang ilang minuto, ayun at lumabas na rin ang pogi. umupo sya sa tabi ko.
"okay, tara, drop na tayo." sabi ko sa kanya habang sinisimulan ko nang magsalin ng solution sa maliit na baso.
"..."
"okay ka lang? huy!"
"i have to leave na."
"ha? bakit naman?"
"partner ko yung tumawag. he wants us to talk. or else..." at pagkatapos ay ipinakita sa akin ni Darrel ang text ng partner nya.
kapag hindi ka nakipagkita sa akin tonight, hindi mo na ako makikita forever. i'll commit suicide
ibinalik ko kay Darrel ang telepono nya, isinalin pabalik ang solution sa bote at inilagay ito sa lamesa... at bigla akong naiyak. naiyak ako dahil i was looking forward to spend the night with him. naiyak ako kasi gusto ko pa syang makasama. naiyak ako kasi epekto ito ng ecstasy (crashing ang tawag doon, yung bigla kang nagiging masyadong emotional after mo umamats).
"wag ka naman umiyak." paglalambing ni Darrel habang mahigpit na hinahawakan ang braso ko.
"sorry. crashing lang." palusot ko, sabay tawa. "you really think he will do that?" tanong ko sa kanya.
unti-unti nang lumalabas ang pagiging bitch ko. gusto kong mag-stay si Darrel, gusto kong sa akin sya ng gabing iyon. at hindi ako makakapayag na basta basta na lang ako iiwan ni Darrel para sa isang taong karelasyon nya nga pero hindi naman sya pinapahalagahan.
"pwede namang bukas na kayo mag-usap ah."
"pero he will commit suicide daw. natatakot ako sa threat nya."
"akala ko ba sya yung may kasalanan? tapos sya pa ang may gana na mag-threat sayo ng ganyan? man! it's not healthy. ikaw ang agrabyado, ikaw ang dapat magdecide kung kailan mo sya gugustuhing kausapin." dire-diretsong bumulwak ang mga salita sa bibig ko. "alam mo kung anong mangyayari dyan? he will be confident na everytime na gumawa sya ng kasalanan, isang sorry at isang threat lang eh bibigay ka na agad. you're a puppet in his strings.
tahimik lang si Darrel, maluha-luha na rin... epekto rin siguro ng crashing.
"hindi ko alam ang gagawin ko. i'm so confused." sabi nya makalipas ang ilang segundo.
"stay." i answered firmly.
"pano yung partner ko?"
"you can talk to him tomorrow. but tonight, stay with me... please."
hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko nakukuha ang mga sinasabi ko. i'm the third party... or not even. wala naman kaming relasyon ni Darrel, and yet eto ako't inuutusan syang mag-stay at wag magpadala sa kapricho ng partner nya. at sunod sunod na nga ang attempts ko for him to stay.
"tell him to give you this night to think about the situation. magpalamig muna kayong dalawa and then talk about it tomorrow."
"sya may kasalanan diba? maghintay sya."
"the threat? man, libong tao na ang kilala kong nag-text ng ganyan sa mga taong may kasalanan sila... pero wala pa akong kilala ni isa na tinupad yung threat nya. he will not do it. if he's concerned with the relationship, one night will not end everything."
"wake up! pinaglalaruan ka na nya, kasi alam nyang hawak ka nya sa leeg."
"ipaubaya mo na sa akin itong gabing to. prepared na lahat eh. may capsule na, bayad na yung motel. ayus na lahat. ngayon ka pa ba aalis?"
"please, i beg Darrel... please stay with me tonight."
pero walang naging successful sa mga attempts.
"i'm sorry, i have to go. i need to see him."
at dala na rin ng emosyon, lalong napalakas ang iyak ko.
"iiwan mo ako after all? akala ko ba okay tayo? akala ko ba we like each other? tapos, ganito na lang? is there something wrong with me?"
"hindi ko sinasadya, i'm really sorry. natatakot ako sa pwedeng gawin ng partner ko. natatakot akong hindi ko na sya makita."
"nandito naman ako ah."
"pero... basta... i'm sorry."
tuloy tuloy lang ang pag-iyak ko.
"so, ganito na lang yun? sa bagay, after all, i'm just the party guy. i wasn't someone."
"ano ka ba! magkikita pa tayo, okay?"
"don't give me false hopes na Darrel. frankly, does this end here?"
"no."
"does this end here?"
"hindi nga."
"does this end here?"
at niyakap ako ng mahigpit ni Darrel habang paulit-ulit syang nagsosorry. hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak. pinipilit kong intindihin ang sitwasyon nya, pero hindi ko maisawang isipin ang sarili ko.
"i want to be selfish tonight. just tonight Darrel. give me this night and i won't bug you for the rest of your life na. you can delete my number and remove me from your facebook friends after this night. just don't leave me, please."
"i'm sorry."
kumawala si Darrel sa pagyakap sa akin at nagsimulang magbihis. ako naman ay napayukupkop sa gilid ng kama hawak ang unan, iyak ng iyak.
"stop crying na please."
"i can't help it. kasalanan ko to eh. ganun ba kasama ang ugali ko for me to experience this?"
"you're a really really nice guy, okay?"
"no. i'm not. i've been begging you not to meet your boyfriend for me. what's nice about that?"
"tama na please, stop crying na."
"i hate myself. i'm sorry for being an asshole Darrel."
"you're not, okay? hindi ko talaga sinasadya to. i'm really sorry. i have to go."
"wait!"
at napatigil lang si Darrel sa bandang pinto. sinensyasan ko syang lumapit sa akin. sumunod naman sya. paglapit na paglapit nya, agad ko syang hinalikan habang unti-unti kong tinatanggal ang damit nya.
"please, just this night Darrel... please."
"tama na, please."
at niyakap ulit ako ni Darrel ng mahigpit, hindi ko na makontrol ang pag-iyak ko. matagal at mahigpit ang yakap nya sa akin.
"you're a very wonderful guy. there's nothing wrong with you. please don't feel bad about this. i promise you na magkikita ulit tayo, okay? everything about you is amazing. your wit. your smile. your sense of humor. your philosopies. kahit yung pagiging childish mo... everything is amazing. so please don't cry. i will still be here, okay? mali na kung mali, pero hindi kita iiwan."
"then stay."
"i really want to, but i can't. please understand."
"eh hindi ko nga maintindihan eh."
"please do."
at hanggang sa bumigay na nga ako. hinalikan ko si Darrel sa pisngi.
"i'll wait for the time that we'll see each other again."
"very soon."
at lumabas na nga ng pinto si Darrel, habang ako naman ay patuloy na nakatulala at nakayakap sa unan sa buong magdamag, naghuhumiling na sana ay si Darrel ang kayakap ko ng gabing iyon.
* * * * *
ilang araw na simula ng mangyari ang partee namin ni Darrel, pero hanggang ngayon ay wala pa rin syang paramdam. madalas pa rin akong dumadaan sa mga malls na pinuntahan namin, kumain ng potato chips, at maupo sa mga bench, umaasa na makikita ko syang muli.
siguro, matagal-tagal pa bago ko matanggap sa sarili ko na i was just the guy that he met in a party. that i wasn't really someone special. pero kahit anong pilit ko ay kailangan ko pa ring tanggapin yun. at kagaya ng tama ng ecstasy, kahit gaano kasarap ang naging lipad nyo, darating at darating ang oras na kailangan nang bumaba ng tama at bumalik sa totoong mundo...