isa sa mga tanong na madalas itinatanong sa akin ay kung paano at bakit ako napasok sa ganitong trabaho. halos template na ang sagot ko sa tanong na yun, na para bang kapag tinanong ako ng ganun eh huhugot na lang ako ng placard sa utak ko at, word for word, eh irerecite ko ang sagot sa tanong. pero para sa kaaalaman ng lahat, eto ang sinasabi kong placard, pero syempre dadagdagan ko na ng mas maraming cheche-bureche!
bago ako naging masahista, marami na akong naging trabaho. hindi ko na lang sasabihin kung anu-ano, pero basta, marami na ako naging trabaho. maayos ang buhay ko, kumikita ako ng sapat, nabibili ko ang mga gusto ko, at natutulungan ko ang pamilya ko. kung ganun, bakit pinili ko maging masahista?
bakit hindi?
una, bading ako. pero hindi ako yung bading na damit babae, o kilos babae, o pusong babae. discreet, sabi nga ng iba. bisexual naman sa tingin ng iba. basta ang alam ko, masaya ako sa lalaki. advantage agad sa akin yun.
pangalawa, mahilig ako magmasahe. ewan ko ba, pero isa yata sa mga hidden passion ko ang massage, kaya naisip ko na kung pwede ko naman pagkakitaan ang talent ko sa pagmamasahe, bakit hindi?
pangatlo, malibog ako! kailangan pa ba i-explain?
may mga kilala akong masseur na kaya pinasok ang ganitong trabaho eh dahil wala silang alam na ibang trabaho, wala silang natapos, o wala silang oras para maghanap ng matinong trabaho dahil kailangan nila suportahan ang pamilya nila, ang anak nila, ang sarili nila, ang aso nila, ang jowa nila, o ang luho nila. hindi ako isa sa mga yun.
maayos ang trabaho ko dati. nasusuportahan ko ang pamilya at sarili ko. nabibili ko ang gusto ko. may natitira pa para makaipon ako. pinili ko maging masahista dahil exciting to. ayoko kasi ng may boss, ng overtime, ng late breaks, ng meetings, ng statistics, ng passing grade, ng may oras. ayoko maging robot. mas gusto ko yung ako nagdidikta ng kikitain ko, yung hawak ko ang oras ko, at yung hindi lang nakaupo ako sa isang bangko sa maghapon o magdamag. gusto ko adventurous, gusto ko may thrill, gusto ko may kakaiba... at lahat yung nakukuha ko sa trabaho ko ngayon.
hindi ko ba naisip na marumi ang trabaho ko? na nakakahiya? na sayang ang talino at talento ko? na masisira ang reputasyon ng pamilya ko at ng mga paaralang pinanggalingan ko? ang sagot ko... uso pa ba yung mga yun? uso pa ba ang dignidad? ang hiya? ang reputasyon? ang tinatawag na "image?" sa tingin ko, hindi. kaya hindi ako nagsisisi sa desisyon ko.
magiging masahista ba ako habambuhay? syempre hinde. may mga pangarap pa naman ako. pero sa ngayon, masaya ako sa ginagawa ko, at ang mahalaga ay wala akong inaapakan o sinasagasaang tao. hindi kagaya ng iba... at hindi na ako magsasalita.
No comments:
Post a Comment