sa trabaho ko bilang masahista, normal lang syempre na makatanggap ako ng mga kakaibang tanong mula sa mga kaibigan ko.
mahirap ba?
bakit ka nagdecide na mag-ganyan?
alam ba ng family mo?
ano plano mo sa buhay after a few years?
ano best (or worst) experience mo?
pano kung ligawan ka ng client mo?
pano kung crush mo yung client mo?
pano pumunta ng cainta kung galing ako ng makati? (eventually, ang tingin na rin nila sa akin ay isang poging wikimapia)
pero kung mga kakaibang tanong lang, walang tatalo sa tanong ng mga kliyente! may iba na normal lang naman, may ibang nakakatawa, may ibang halatang manyak, may ibang estupido, may mga pang-miss universe, at may iba na akala mo ay nanggaling sa ibang planeta. eto ang ilan sa mga tanong na iyon.
pogi ka ba? = sa totoo lang, napakaraming beses na akong natanong nito, at gusto ko nang kapalan ang mukha ko at sabihing "oo, pogi ako. poging pogi ako, nuknukan ako ng kaguwapuhan!" pero syempre it takes lots of guts to say that. hindi ko naman sinasabing panget ako, pero mahirap na kasing magsabi ng oo. parang nagbuhat na ako ng sofa nun! tsaka may kanya-kanya tayong perception ng "pogi" diba? pwedeng yung pogi para sa akin eh pangit para sayo, and vice versa. isang beses, sabi ko "oo, pogi daw ako sabi ng marami" pagkatapos, nung nagkita kami ng kliyente, disappointed sya. hindi naman daw ako pogi. ano ang ending? hindi natuloy ang service, at lumabas pa akong sinungaling sa mata ng kliyente. ayoko sa lahat eh madungisan ang image ko, kaya play safe na lang. pag ito ang tanong, hindi na lang ako nagrereply o kaya eh inililiko ko na lang ang usapan.
maganda ba katawan mo? = tinatamad na ako magpaliwanag, pero may pagkakahawig sa naunang item yung paliwanag ko dito. same example din, pero this time natuloy naman. naiinis lang ako ng bahagya dahil habang nagmamasahe ako eh hindi ko matanggal sa utak ko yung sinabi nya sa akin nung unang makita nya ako... "chubby ka pala!" puta! ikaw ang magmasahe habang degraded ang self-confidence mo... mahirap yun!
bakit hindi ka nagpapatira? = well, normal lang to. ang isasagot lang eh "kasi top ako." so, yung follow up question dito ang nagpatumbling talaga sa akin... eto yun.
bakit ka top? = pakiulit? bakit ako top? puta! preference yun! period! hindi na kailangan ng explanation! para mo na ring tinanong ang isang tao kung bakit sya tao, or ang cactus kung bakit sya isang cactus (yun eh, kung sakaling may sapak ka sa ulo at kumakausap ka ng cactus). labo!
ano sa palagay mo ang naitutulong mo sa bayan bilang masseur? = seryoso, may nagtanong na sa akin nito! at limang oras yata akong tawa ng tawa kakaisip kung bakit nya naisipan itanong sa akin to. hindi ko nireplyan, sinabi ko na lang na umattend sya sa miting de avance ko sa susunod na buwan.
pwede mo ba i-discuss sa akin per detail kung ano gagawin mo sa akin pag hinire kita? = hindi po ako si xerex xaviera. bobo ako sa kwentuhang ganun, hindi ako magaling magpalibog sa pamamagitan ng pagkukwento. tsaka ayoko magkwento kasi baka magjakol ka lang habang binabasa yung text ko tapos pag nakaraos ka na eh hindi mo na ako iha-hire.
may naka-sex ka na bang artista? or other masseurs? sino? = nakow, invasion of privacy! aaminin ko... oo! may naka-sex na akong artista at ibang masahista. pero kung sino at kung paano ang performance nila, hindi ko sasabihin. marumi ang trabaho ko, pero naniniwala pa rin ako sa rule of confidentiality and privacy. whatever happens in bed stays in bed... and in this blog! pero syempre, no name dropping.
at ang pinaka-winning moment na tanong...
wala bang discount? = at yung tanong na ito eh maraming supporting statements, at ibe-breakdown natin sila isa-isa.
a. estudyante pa lang kasi ako = ano tingin mo sa akin, pampasaherong jeepney na bibigyan ka ng 20% discount?
b. first time ko kasi eh = nakow, ser, hindi po ako promodizer na nagbibigay ng discount sa first timers
c. hindi ka naman lugi sa akin eh, pogi ako at maganda katawan = eh ano ngayon? sabihin mo kaya sa airport yan one time no, na bigyan ka ng discount kasi pogi ka at maganda katawan mo... palagay mo, anong mangyayari?
d. wala pang sweldo eh = um, okay! then sa sweldo mo na lang ako i-hire.
e. mahal kasi eh, may kilala ako mas mura yung price = oh, okay! edi sya na lang i-hire mo!
it all boils down to this... and as rude as it may sound, pero kung wala kang pera or kung hindi kasya ang pera mo, then wala kang makukuhang serbisyo sa akin. nagtrabaho ako to earn money at hindi ako charitable institution na nagbibigay ng service ng libre, or divisoria na pwedeng tawaran. siguro kung regular na kita, pwede pa ako magbigay ng discount. kumbaga eh, frequency promo!
diba? talo pa ang periodical exam sa hirap ng mga tanong na na-e-encounter ko sa pang-araw-araw na buhay ko. so, sinong nagsabi na pang-bobong trabaho ang masahista?!
ngayon ko lang nabisita ang blog at naaliw ako sa mga kuento mo nakakatuwa ka and admit it may talent ka sa pagsusulat anyways gudlak syo at sana makita mo na nga ung taong nararapat syo and take care sa work mo
ReplyDeleteso ganito.
ReplyDeleteano ang facebook mo??? ahahaha
oo nga... may fb account ka ba?
ReplyDeleteyesterday ko lang nalaman at abasa ang ibang post message mo dito sa blog mo, yun ay thru fabcast ni mgg, and i gotta say that yoou sound like a macho to me non-like what your customers says that you are "chubby".... i can't help myself (kahapon pa) to make a comment on fabcast but i'd rather typed it in here, yes true nabastos ka (by some of them), by their so-called "OPINIONS" daw, on my viewpoint we are driven by our "destiny" to something that will make us HUMAN though some of it are hard to take and some are for easy luxury, but whatever life brings us it always lead us to one thing "are we being HUMAN to others?" ika nga makakapasok ka lang sa HEAVEN not for this "I gave all my best for my life" but by this "I gave all my best for others".... (kaya kapag may nanghingi ng discount sayo pagbigyan mo..... hahahahaha....... biro lang!) un lang muna for now.... as for mgg and his friends next time na lang... gudluck...
ReplyDelete"ano sa palagay mo ang naitutulong mo sa bayan bilang masseur?"
ReplyDeleteI have been reading your blog for the past couple of hours and I would have been content in merely lurking silently and not post anything whatsoever. BUT reading this post about the amazing questions you get, I can't help write these words, "Naknamputa, panalo sa mga tanong! Hahaha..." Yeah, sumakit ang tyan ko sa katatawa.
I've also patiently waded through some of the commentaries here and some of them are bordering on ignorance and lunacy. Again, lalo akong napapahalakhak nang mag-isa dito. Sapat na para tumulo ang sipon ko sa ilong.
----
Nalaman ko pala itong blog mo mula sa podcast na pinost ni Mcvie sa site niya. I posted a rather long comment there regarding your profession and my general experience with individuals who do the same thing you do.
We all have a reason why we do what we do. Some out of need. Some out of a plain and simple desire. And some are simply coerced into it. Regardless of the reasons, as long as one carries himself with respect, confidence in what he does because of the knowledge and expertise he bears in his job, he will earn what he has sown.
I like how you write your thoughts and life. It's very honest and frank.
Cheers.
nakakatawa to....
ReplyDeleteparang ako nag tanong nyan ah= "wala bang discount", hahahahahah
ReplyDeleteMickey -- hindi lang ikaw... napakarami nang nagtanong nyan! ang question is, what is the follow up question? ehehehehehe...
ReplyDelete