maruming trabaho ang pulitika. dayaan dito, sulutan doon, kanya-kanyang taktika para lang manalo sa eleksyon.
maruming trabaho ang pagpuputa. kung kani-kanino ka nakikipagkantutan, kung kani-kaninong titi ang isinusubo mo, kung kani-kaninong piwet ang tinitira mo para lang mapasaya mo ang kliyente mo.
mas maruming trabaho ang pagmamasahe... kasi pinagsama mo ang dumi ng isang politiko at isang puta.
hindi na naman siguro lingid sa kaalaman natin na maraming mga nagkalat na katulad ko sa industriya. masahistang bading pero hindi halata, masahistang lalaki rin ang hanap, masahistang malibog, masahistang handang magbigay ng aliw sa kapwa lalake.
may isang client na matagal nang nagtetext sa akin (pero hindi nya pa ako naha-hire) ang kinumusta ko. okay lang naman daw sya. nung tinanong ko kung kailan sya magpapamasahe, sinabi nyang hindi na daw sya interesado i-hire ako dahil marami raw syang narinig na pangit na bagay-bagay tungkol sa akin. na malamya daw ako. na makwento daw ako. na wala daw kwenta na i-hire ako at sayang lang daw sa pera. masakit, pero tinanggap ko ang katotohanan na na-brainwash na sya.
matapos ang ilang araw, nangyari na ulit ang insidente. ikatlo, ikaapat, hanggang sa umabot na sa halos sampu ang tumanggi sa akin dahil sa mga pangit na naririnig nila tungkol sa akin. ang nakakataka... pare-pareho ang sinasabi nila.
sinubukan kong mag-imbestiga. kung papaano, wag nyo na alamin dahil hindi ko rin naman sasabihin. nalaman ko na ang naninira pala sa akin ay isang kliyente na may hininging pabor sa akin na hindi ko pinagbigyan. naaalala ko sya... alalang-alala ko sya... nag-usap kami kung ano ang serbisyo ko at pumayag sya sa presyo. matapos ang masahe at serbis, gusto nyang mag-sex ulit kami. isang round pa. tig-isang putok pa. sabi ko, hindi na kasama sa charge ko yun, at kung gusto nyang mag-sex ulit kami ay kailangan ko sya singilin ulit. pangit pakinggan, pero ganun talaga. yun ang trabaho ko, bawat kilos, bawat putok, may katapat na pera. hindi ganun ang nasa isip ng kliyente. at nagalit sya.
at napatunayan ko nga na sa kanya nanggagaling ang maling paratang. hindi ko na sya kinausap at kinompronta... baka mapaaway lang ako, at baka lalo nya lang akong siraan. pero may mas masakit pa akong nalaman...
na ang ilan sa mga taong itinuturing kong kaibigan ay ilan rin sa mga taong nagkakalat ng mga balitang ito tungkol sa akin.
masakit isipin na ginagawa ko ng matino at maayos ang trabaho ko pero sa likod nito ay may mga taong hinihila ka pababa, lalo na kung alam mong wala ka namang ginagawang mali o masama. sadya bang kailangan mabuhay sa crab mentality? mahirap ba isapuso ang isang kasabihan na madalas natin naririnig sa school... na "if you will not say something positive, just shut your mouth."? bakit kailangan natin siraan ang isang tao? bakit kailangan magkalat ng hindi magandang balita tungkol sa isang bagay? nakakadagdag ba ito ng pogi points? nakakadagdag ba ito nag ganda points? o nakakadagdag lang ito ng rason na ikasasama ng loob ng isang tao?
marumi na nga kami, dinudumihan pa lalo. redundant!
hayyy yaan mo na.
ReplyDeleteganyan talaga ang buhay. hindi lahat ng makakasama mo makakasundo mo.
tsaka negosyo na rin yan kaya ka sinisiraan ng mga kagaya mo. para hindi ka makadagdag sa kalaban nila.