isang araw, habang ako ay nanonood ng the hawaiian chair sa home tv shopping, nag-toot-toot ang cellphone ko...
pwede ka ngayon?
ok lang po
how much? anu-ano services mo?
*sends template*
okay. sa cubao na lang tayo
okay. anong oras po
ngayon na. gano kabilis ka makakarating?
in 1 hour po
sige, magkita na lang tayo sa gateway
ligo, bihis, at agad akong nagtungo sa gateway at pumunta sa naitakdang lugar. pagdating doon, tinext ko na si ser, sinabi ko kung nasaan ako, at kung anong suot ko. matapos ang ilang minuto, nagreply sya.
ako yung naka-black na long sleeves sa tapat mo. sundan mo lang ako, baka kasi may makakita sa akin na kakilala ko.
sinunod ko ang utos ni ser. nakita ko syang naglakad, at agad akong sumunod, pero syempre dapat hindi halata na susunod ako. okay na sana ang setup, kung hindi ba naman tripper ang mokong na mamang ito. pumasok sya sa bench at nag-ikot-ikot na para bang naghahanap ng bibilhing damit. napabili tuloy ako. maya-maya pa ay lakad ulit si bossing, na nakita ko naman na pasulyap-sulyap sa direksyon ko, naniniguro siguro na sumusunod pa ako. ako naman, kahit medyo napipikon na, eh sunod pa rin. nakita kong papunta si ser sa eurotel... ng bigla pa syang pumasok ng chowking! aba, napikon na talaga ako.
ser, trip trip lang po ba tayo?
teka lang, nagutom lang, bibili lang ako ng food natin. hintay ka lang dyan sa labas.
ok.
tumayo ako sa labas at nakita kong umorder ang mang-aasar na kliyente. umupo, at ng dumating ang order... DINE IN!!!
sa pagkapikon, pumasok ako sa loob at nilapitan si ser.
o, bakit ka pumasok? baka may makakita sa akin!
wala po ako pakialam ser. seryoso po ba kayo o hindi?
sandali lang, kakain lang ako.
okay. magtext na lang po kayo kapag may room number na kayo, tsaka ako pupunta.
inis, umalis ako ng chowking. makalipas ang 20 minutes, habang busy ako sa pag-iikot sa cubao, nagtext ulit sya.
sige, room *** ako.
naisip ko... demonyohin ko kaya to? wag kaya ako pumunta? pero naisip ko, nandun na rin naman ako. pumunta ako sa nasabing motel at room number.
pagpasok, ngiting demonyo si ser... natuwa yata na napikon ako sa ginawa nya. nung tinanong ko kung bakit, wala lang daw. trip lang. sa totoo lang, gusto ko bunutin isa isa ang pilikmata nya dahil nakakabadtrip kaya yung ginawa nya. pero bilang masahista, or bilang service provider, wala kaming karapatan magalit. so kumbaga, once na hi-nire kami ng isanmg kilyente, ang nasa isip nila eh nag-hire sila ng laruan kung saan pwede nilang gawin kung ano gusto nila ipagawa sa amin. pwede nila kami pakantahin, paiyakin, pagtripan, pasunurin kung saan saan, pagtamblingin, pag-splitin, at kung ano pang pumasok na kakaiba sa kukote nila, tapos kapag nagreklamo kami eh magagalit sa amin pagkatapos ay ipagkakalat sa lahat na wala kaming kwentang masahista.
sana maisip lang ng mga clients namin na tao lang din kami, na may karapatan din kaming magalit, at may karapatan din kaming mapikon. mukha man kaming laruan sa paningin, kahit papaano ay na-o-offend pa rin kami kapag may mga pinapagawa sa amin na hindi naman talaga parte ng serbisyo namin. madali naman intindihin yun diba?
wow ha. grabe naman yang mama na yan. kawindang. kung ako yun naku naku naku!
ReplyDeletenatiis mo yun?? wow... Hi btw.. saw your blog link sa blog ni Lex.. I'm liking this blog!! mapupuyat ako kakabasa :D
ReplyDeleteinis na inis na ako. hmp! nu ba yan!!!! ang weird nga ng mundo! ahihihihi haayzzzz
ReplyDeletehaha. natawa ako sa post na 'to. oo nga naman ur not a client's toy!
ReplyDelete(i've reading ur posts for two hrs now, and i must say that u r entertaining!)