28 September 2014

Llordie, Patawad

Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy... maraming salamat sa pagpapaalala sa akin kung bakit noon ay pinili kong tumigil sa pagdalo sa lingguhang misa, kahit pa sabihin ng ibang tao na kinakalimutan ko ang relasyon ko sa Panginoon.

hindi ako sagrado katoliko, alam ng lahat yan. isa nga ako dun sa madalas na binabansagang "selective religion" kung saan ay tinitignan ko kung ano ang komportable o pasok sa paniniwala ko sa pagpili ng simbahan o relihiyon na papanigan ko. pero isa ang sigurado ako, alam ko kung ano ang relasyon ko sa tinatawag nating Diyos, si Llordie. best friends kami. di madalas mag-usap, pero pag nag-usap, may kurot. nagkakatampuhan, pero nagkakaayos din naman. minsan eh di namin nasusunod ang gusto ng isa't isa, pero sa huli ay nagkakapatawaran. and most specially, we respect each other. oo. ganyan kami ka-close. di nga lang kami fb friends, wala daw syang internet access sa lugar kung nasaan sya eh. heart to heart access lang, which is actually mas hi-tech!

sa pagkakakilala ko kay Llordie, hindi s'ya mapanghusga. anybody can be his friend as long as they want to. walang pinipiling hitsura, estado sa buhay, pananamit, propesyon, o ano pa mang pamantayan. basta nasa puso mo na maging friends kayo, then magiging friends kayo. kaya ang saklap na mismong ang mga taong binansagang "alagad ni Llordie" ang siya pang pasimuno ng panghuhusga at diskriminasyon.

simula pa lang ng misa sa Archdio... arhcdoi... archbio... ay, ewan, basta yung nabanggit kong simbahan kanina (tinatamad akong mag-copy-paste!), pagkatapos ng panibagong bersyon ng rosaryo (for the sake of the sorrowful passion... kailan pa nauso tong version na to?), sinimulan na ng commentator ang mga paalala. at isa sa mga nabanggit nya ang talagang napa-"say wha?!" ako pagkarinig ko.

para po sa mga hindi nakasuot ng tamang church attire kagaya ng sleeveless, short pants, see-through, strapless, (at tuloy-tuloy sa pagbanggit ng mga damit na nauuso sa forever 21), binibilinan po na huwag nang pumila para tumanggap ng komunyon at katawan ng panginoon.

EXXXXXCCCCCUUUUSSSSEEEE MMMEEEEE?!?!?! anong pangalan mo at anong final rating mo nung high school ka para pagsabihan akong bawal tumanggap ng komunyon!?!?!

oo, sinasabi ng karamihan na mas mainam kung nasa "presentable" na kasuotan tayo pag umaattend ng misa. pero bakit kailangang maging basehan ang pananamit kung sino ang pwedeng pagpalain ng banal na komunyon at sinong hindi? sa pagkakakilala ko kasi kay Llordie, lahat ng taong bukas ang puso para tanggapin sya ay welcome sa kanyang pagpapapala. paano kung talagang sleeveless lang ang mga damit ni ate? paano kung wala talagang pantalon si kuya? pero taos-puso nilang gustong matanggap si Llordie. so ano, kailangang bumili muna o manghiram? and paano na lang yung mga pulubi, manlilimos, taong grasa, and the likes? wala nang pag-asang makabonding si Llordie dahil lang sa damit nila? aysuskupo! parang may mali.

bagama't medyo mainit na ang ulo ko, tinuloy ko pa rin ang misa. hanggang sa dumating na ang Gospel. Matthew 21:28-32. di ko na isusulat ang buong gospel, pero etong linyang ito...

"In truth I tell you, tax collectors and prostitutes are making their way into the kingdom of God before you. For John came to you, showing the way of uprightness, but you did not believe him, and yet the tax collectors and prostitutes did. Even after seeing that, you refused to think better of it and believe in him."

interesante ang Gospel, gusto kong malaman kung ano ang magiging atake ni father sa sermon nya. at mukhang di nga ako nagkamali. sa kalagitnaan ng sermon, tinanong ni father kung sino daw sa mga tao ang natutuwa sa mga tax collectors. walang nagtaas ng kamay. sabay banat si father ng "oo naman, eh ako inis na inis sa kanila eh. kung makasingil ng buwis, akala mo kung sinong dakila."

haaayyy... father... baka nakakalimutan mong trabaho nila yun. they are just doing their job. at tsaka sa totoo lang, mas dakila pa para sa akin ang taong ginagawa ang trabaho nila bagama't alam nila na hindi lahat ay pabor sa kanila, kaysa naman sa mga taong gumagawa ng mga maling proseso at under-the-table transactions para lang magmukhang mabango sa paningin ng karamihan.

at hindi pa tapos ang pampainit ng ulo... final blow na!

nagtanong si father, "sino dito ang prostitute? itaas ang kamay."

natural walang magtataas ng kamay (kahit sa totoo lang ay kating-kati akong itaas ang kamay ko, tignan ko lang kung anong magiging reaksyon ni father). pero ang hindi natural ay ang malakas na tawanan ng mga tao. hindi lang ng mga umaattend ng misa. maging ang mga "alagad ni Llordie." at ultimo si father! tawang nangungutya, tila sinasabing "ang kapal naman ng mukha ng mga pokpok na yan kung papasok sila dito sa simbahan." at that point in time, talagang gusto ko nang tumayo at umalis, pero pinilit ko pa ring tapusin ang sermon ni father. (turo kasi sa akin nung bata ako, para daw ma-consider na "valid" ang simba mo, kailangan matapos at least yung sermon ng pari). pero sana pala di ko na lang tinapos. kasi talagang patuloy sa pagkutya si father sa mga tax collectors at sa mga prostitutes sa kahabaan ng sermon nya. parang gusto kong batukan si father at sabihin na paki-review yung gospel na binasa nya. sa pagkakaintindi ko kasi sa gospel, una, hindi kinutya o minaliit ang mga tax collectors at prostitutes sa gospel. pangalawa, pinuri pa nga sila kasi bagama't masama sila sa paningin ng tao, sila pa ang naniwala sa tuwid na daan at sumunod patungo sa daan na yun.

nakakasama ng loob na yung mga taong sumumpa na ipapakalat sa buong mundo ang mabuting balita ang siya pang promotor ng pagsira nito. minabuti ko na lang na lisanin ang misa kaysa ipagpatuloy ang isang kalokohang ritwal na punong-puno ng pagpapanggap at pagmamalinis. at mabuti na rin na umalis na agad ako dahil madadagdagan lang lalo ang kasalanan ko if i stayed longer... ang dami kasing mali-maling pronunciations ng commentator at ng lector. ang lakas ng loob mag-english mass! hahaha!

Llordie, patawad, pagka't ako'y makasalanang nilalang. pero Llordie, ako na rin po ang humihingi ng tawad para sa mga alagad mong nabubulag sa maling pamamalakad at hindi nila nalalaman na sila mismo ay sumusuway sa mga pamantayan mo.

5 comments:

  1. Nakakabwiset! Kailan ba darating ang panahon na hindi na makapangyarihan sa Pilipinas ang simbahang Katoliko? *sigh*

    There is no perfect religion as there are no perfect humans.

    ReplyDelete
  2. Ang isa pang nakakatawa sa mga taong simbahan ay madalas (most likely, conveniently) kinakalimutang banggitin na hindi sila binubuwisan ng pamahalaan - pero kung makapagsalita tungkol sa secular government, akala mo ay kung sino. May-bayad muna kayo ng buwis! Puro kayo satsat.

    ReplyDelete
  3. Bala gusto mo I try yung metropolitan christian church. Balita ko, gay friendly sila.

    ReplyDelete
  4. been reading your blogs on my idle times at work. Keep em coming! *Fructoseboi*

    ReplyDelete