oo nga. para makapagsimula na tayo. anong oras na rin o.
sige sige, check in na.
okay... game!
*silence*
ano?
*silence*
sige na nga, ako na una...
isa sa mga tradisyon ng improv group namin during rehearsals (yup, kahit impromptu ang mga acts namin, we still rehearse!) ang check-in, at nakakatawa pang isipin na saktong ang isa sa miyembro namin ay nagtatrabaho sa isang posh motel. but, hey, we're not talking about paying for a room and spend a night or two there ha. pag sinabing check-in, isa-isa kaming magkukwento ng kahit anong nangyari sa amin for the week. tungkol man sa trabaho, sa pamilya, sa gala, sa mga naisip na ideas, sa emotions... anything under the sun. kwento mo lang. yung parang nagkukwento ka sa pagong, pero this time sa tao talaga. yung iba, ang role lang nila is makinig.makinig lang. walang butting-in, walang questioning, walang commentaries. just listen. ito yung paraan on how we can get in touch with every member's lives kahit papaano after a long week.and after a check-in session, even before the rehearsal proper, ang sarap ng pakiramdam. ang sarap magkwento ng alam mong walang mambabara o kukwestiyon sa kwento mo, at ang sarap makinig ng hindi ka naghahanap ng butas o ng kaduda-dudang detalye, mas nalalasap mo yung kabuuan ng istorya. at ang mahalaga, alam mo ang nangyayari sa buhay nila, alam nila ang nangyayari sa buhay mo, at nalalaman nyo kung ano ba ang pagkakapareho, pagkakaiba, at pagkaka-ugnay-ugnay ng mga buhay nyo. oo, check-in pa lang yan. bigat no?
kumusta na nga ba ako at ano nga bang nangyari sa akin? bakit bigla na lang nawalan ng ingay ang blog ko? tapos, sumunod pa ang twitter ko? pati email ko, nanahimik din! at hindi lang panandaliang noiseless barrage ito ha... limang buwan! medyo matagal-tagal-tagal-tagal-tagal na hiatus yun. nakulong na ang mga magnanakaw sa gobyerno, nauso at nalaos na ang loombands, nagkagulo na ang mga tao sa paghahanap ng pangalan nila sa bote ng Coke, nanalo na ang UP sa basketball, at nag-propose na si Dingdong kay Marian, pero si BoyShiatsu, missing in action pa rin! bakit nga ba?
Check-In
bandang abril ng nagsimulang maging "maayos at naaayon sa plano" ang buhay ko. gumaganda ang pagsasama namin ni Jack Frost. nagsisimula na ring magkaroon ng mas maraming gigs ang grupo namin. at kahit sa umpisa ay kinakatakutan ko, nakakagulat at nakakatuwa na sobrang nag-e-excel ako sa trabaho kahit ang alam ko sa computer hardware troubleshooting ay kasing-dami ng alam ko tungkol sa totoong dahilan ng pagkawala ng Malaysian Airlines.
at dahil medyo nagkakaedad na tayo, ika nga nila ay panahon nang pagtuunan ng pansin ang mga importanteng aspeto ng buhay. don't get me wrong, hindi ko sinasabing hindi importante sa akin ang pagiging BoyShiatsu! isa ito sa mga sobrang ipagmamalaki ko dahil hindi ako magiging kung ano man ako ngayon kung hindi ko pinagdaanan ang mga pangyayari sa buhay ko bilang isang masahista at bilang isang pokpok. pero, tanggap ko na rin ang katotohanan eh... wala na ako sa limelight. tapos na ang panahon ko. marami nang bagong putahe sa merkado na ultimo mga suki ko ang siya nang umaayaw sa akin at mas pinipili ang mga mas bata, mas sariwa, mas bago sa panlasa. kaya kasabay ng pagka-abala sa mga aspeto ng buhay na itinakda ng lipunan bilang mahalaga, at kasabay ng pananamlay ng negosyong matagal ko na rin namang napagyabong, medyo nawalan na rin ako ng ganang magsulat. naisip ko, tutal madalang na ang kliyente, panahon na sigurong magpaalam sa tauhang ito ng buhay ko. yun ang akala ko...
Courtesy Call
at parang umaayon nga sa plano, nagtuloy-tuloy ang magandang paglipad ng mga bagay bagay. just like a courtesy call sa hotel, may mga nangyayaring para bang chine-check kung masaya ka ba sa mga nangyayari pero alam mong may mas masaya pang mangyayari, and you just can't stop yourself from being excited.
dahil sa magandang performance ko sa trabaho, dumating na ang isa sa pinakahihintay ko na never kong nakuha sa lahat ng kompanyang pinasukan ko... promotion! well, technically, pseudo-promotion pa lang. verbal pa lang. wala pang pirmahan. kumbaga ay titignan kung kakayanin ko ba at pagkatapos ay tsaka pag-uusapan. pero kahit ano pa yun, sobrang ikinatuwa ko yun. kasi isang patunay na yun na may ibubuga ako sa trabaho at nakikita ng management ang pagsisikap ko, kasama na ang talento at dedikasyon.
bilang pseudo-promotion ko, naatasan akong maghawak ng isang team na may anim na agents. at hindi lang basta random agents ang ibinigay sa akin, but the bottom performers. at bilang challenge daw sa akin, kailangan daw kami ang mag-number-one na team.natakot ako, pero alam ko at nararamdaman ko na kaya ko to, kaya malugod kong tinanggap ang hamon. pero dahil nga pseudo-promotion ito, as a management officer in training, kailangan ko ring gumawa ng mga weekly performance reports, mag-handle ng mga admin tasks, maging floor support and workforce officer, and conduct uptraining if needed... plus the fact that i still need to take calls.
challenge. but it did not stop me. this is the right time, and my time is now. naks!
Wake-Up Call
so dahil nga sa pagkakataon na ibinigay sa akin, talagang ibinuhos ko ang lahat ng meron ako. halos labindalawang oras ako sa opisina araw-araw, at pag-uwi pa sa bahay ay trabaho pa rin ang iniisip ko. kapag weekends, nag-iisip ako ng gameplan para masigurado kong madadala ko sa tuktok ang team ko. kahit si Jack Frost pa nga, madalas ay hindi ko na nabibigyan ng oras. kaya laking pasalamat ko ng lumabas ang performance statistics ng buong site...
at kami nga ang number one!
hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw sa tuwa. pero ito ay hindi dahil sa na-achieve ko ang top team rank. mas masaya ako dahil napatunayan ko sa sarili ko at sa ibang tao na ang mga bottom performers na halos hindi na pinapansin ng kompanya ay maaaring mag-excel at mag-perform ng maganda basta nasa tamang pamumuno sila. napatunayan ko na, oo nga, may leadership skills ako, at ito ang isang bagay na hindi lahat ng tao ay mayroon. at ito rin ang isang bagay na hinahanap ng management to be an officer.
kagaya ng napagkasunduan, kinausap ako ng upper management pagkatapos ng announcement. hindi ko maitago ang pagka-excite ko na finally, this is it, may "totoong" trabaho na ako at hindi na ako "ahente lang."
pero mali ang akala ko...
"we are aware that you are able to drive the bottom performers to the top and you even ended up as the top team. but upon checking your individual performance, we can't help but notice that your numbers went down. as a good leader, you should be able to drive your team without losing your own numbers. we think that being a team leader is going to be a huge challenge for you as your performance shows. we have decided that we'll put you back to phones until further notice."
SHIT!!! ISANG MALAKING SHIT!!!
naiintindihan ko yung point nila tungkol sa individual performance ko. pero ang nakakasama ng loob is yung parang hindi man lang nila nakita o na-appreciate kung gaano kalaki ang impact ko sa anim na bottom performers na ipinahawak nila sa akin instead na sila ang trumabaho. nakakapanlumo ng loob na matapos ng extended office hours (na unpaid!), samu't saring suggestions to improve the operations, at lahat ng efforts at sacrifices ko para sa opisina, it went down to the drain just like that. pero, kung ganun talaga ang sistema ng palakad nila, wala naman akong magagawa eh. trabahador lang ako. hindi ako boss. wala akong karapatang umangal sa anumang desisyon nila at ang tanging responsibilidad ko lang ay sundin ang ipinag-uutos nila, maluwag man o labag ito sa kalooban ko.
Room Check
kapag binabalikan ko yung mga oras na ginugol ko para magpakabayani sa opisina, napapaisip ako... paano kaya kung nag-date na lang kami ni Jack Frost? or kung nag-text brigade ako sa mga clients? paano kaya kung nagsulat ako ng blog entry? o kaya ay namasyal, nagrelax, nagpasarap? well, hindi ko na masasagot ang mga tanong ns yan dahil lumipas na naman yung mga oras na yun. pero dahil sa nangyaring ito, naisip ko lang... ang bullshit ng buhay, no?
sa pag-aakalang eto na yung hinihintay kong "launchpad to my life," agad kong binitawan, tinalikuran, at inisang-tabi ang mga bagay na nasa akin na. wala akong pakialam kung may magtampo o may mainis sa akin, basta ang alam ko is that i am claiming what is rightfully mine. what if the things that i have now are actually the things that is rightfully mine, pero di ko lang naa-appreciate dahil masyado akong nagpapadala sa idinidikta ng lipunan tungkol sa "magandang buhay."
at isa pang lesson na natutunan ko...never be too busy to check-in. anuman ang mangyari, kainin man ng trabaho o ng kung ano mang elemento ng buhay mo ang oras mo, never forget to stop for a while, chill, and check-in with people that matter to you. dahil mahalaga na alam mo ang nangyayari sa buhay nila, at alam nila ang nangyayari sa buhay mo. at mahalaga na napagtatanto mo ang pagkakapareho, pagkakaiba, at pagkaka-ugnay-ugnay ng buhay mo sa buhay ng mga taong importante sayo.
ayan... ayan ang check-in ko. ikaw naman ang magkuwento. tagal na rin nating di nakapagkwentuhan eh. nakakamiss.
Hindi ako agree dun sa ginawang assessment sa iyo. For one, as an SME/OIC dapat ibang metric ang ginamit sa iyo. Kasi, as someone who is going the extra mile to motivate other people, of course you would have less focus on your personal KPI as an agent? Bullshit lang. Pinakinabangan ka lang nila after what you've done.
ReplyDeleteI found your blog only a month ago and I have been constantly waiting if you'll ever come back. And now you're back! Happy that you and Jack Frost have gone better - sabi na nga ba e, gumaganda na ang buhay mo kaya di ka na nakakapagsulat. With regards to your career, sana e matauhan yang shit mong manager. Being the top team is no ordinary accomplishment. Escalate mo yung manager mo sa boss nya.
ReplyDelete-Toothless
Sarili muna bago ang kompanya. Too bad nga lang na na-realize mo yan in a rather hard way. Ako din eh. Pero I think mas okay na yun, para mas lalong tumatak sa isipan. *sigh*
ReplyDeleteWow, napaka-unfair naman ang ginawa nila as yo. The manager was using you to do his job to improve the performance of the low-performer employees and then punished you for falling behind with your own individual performance. They expected you to be superman? Well, at least now we get to hear from you again. I hope good things will come your way soon.
ReplyDelete