"Thesis Interview"
yan ang subject line na bumungad sa akin isang beses ng buksan ko ang email ko. walangya! madalang na nga ako makatanggap ng email (yes, yun po ang totoo! bihira na ako makatanggap ng email), iisa na nga lang ang new message ko, spam pa! at may bagong style na ng spam ngayon ha! thesis kunyari! nagsawa na siguro sila sa mga pa-raffle diumano ng coke, or isang mayamang businessman na walang pagpapamanahan ng pera nya, or mga business proposals at loan offers mula sa mga taong hindi mo maipronounce ang pangalan.
dahil sa trabaho ko dati, mabilis ang mata ko sa mga spam emails. naalala ko pa nga yun, may checklist kaming sinusunod to consider if an email is a spam or not. kapag may kahit isang item na nag-fail sa list, the email is to be considered as spam.
1. is the email "pleasing to the eye"? does it look neat and presentable, or is it cluttery and disorganized?
2. is the letter written formally, following the standards and rules in basic letter-writing? does it look like a generic letter or a personalized one?
3. are there misspelled words and grammatical errors? are the sentences easy to understand? is the thought clear and concise?
4. check the sender of the letter. does the email look like a valid email address of a person?
5. are there links that you are "required" to click, or files that you must download, that looks suspicious?
6. is it asking you for very personal information?
pero dahil siguro sa excitement na nakatanggap ako ng email (kahit na alam kong spam), binuksan ko pa rin ito. aba! looks legit! hindi magulo tignan ang email, at kumpleto ang parts of the letter! may greeting (Dear Mr. BoyShiatsu), may opening line (Good day!), may body of the letter (na hindi ko na isusulat dito), may confirmation courtesy (I appreciate your time and I am looking forward to your quick response.), may closing line (Thank you!), at may signature (na hindi ko na rin isusulat dito). so naipasa ng letter ang items number 1 and 2 sa checklist. binasa ko ang email... item number 3, pass! tinignan ang email address ng sender... hindi naman sya mukhang kaduda-duda, so item number 4, pass! walang kahit anong links or walang kailangang idownload... item number 5, pass! and lastly, it's not asking for any personal information AT ALL. ni hindi man lang nga tinanong kung ano ang totoo kong pangalan or kung ano ang contact number ko. so item number 6, pass!
nasasaad sa email na ang sender (itago na lang natin sa pangalang Boom) ay estudyante ng psychology sa ateneo de manila university at kasalukuyang nasa ikaapat na taon na. kasama ang groupmates nyang si Pik at si Pak, mayroon silang thesis at iniimbitahan nila ako na maging bahagi ng nasabing pag-aaral na ito. gusto nila akong interbyuhin para sa mga inputs ko sa thesis nila.
binasa ko ulit ang email at siniguradong hindi ako namamalikmata. thesis. inputs. graduating. interview. psychology. teka... ang bigat nito! totoo ba ito? bakit ako? nakakataba ng puso at nakakalaki ng ulo na isang grupo ng mga arneyans ang lalapit sa akin para kunin akong respondent sa thesis. wow!
pero tungkol saan ba ang thesis?
"Our study is about Filipino male sex workers, particularly about their experiences in their work."
eh kaya naman pala! pasok na pasok naman pala ako sa topic nila eh. nirefer pala ako ng isang kakilala ko sa kanila to be a respondent kaya nila ako kinontak. sa totoo lang, natuwa talaga ako! kasi hindi talaga pumasok sa hinuhap ko na may mag-iimbita sa akin para maging bahagi ng isang thesis... at arneyans pa! dahil na rin siguro sa pagkakakilala ko sa eskwelahang iyon, naisip ko agad na matapang at malakas ang loob ng tatlong estudyanteng ito... and so i called Boom (may phone number sa signature nya) at pumayag akong mag-schedule ng interview sa kanila.
dumating ang araw ng interview. mabait sina Pik, Pak, at Boom, dahil kahit na sa katipunan ang eskwelahan nila at malalayo ang bahay nila (si Boom, taga-pampanga pa daw!), ako ang pinagdecide nila kung saan kami pwedeng magkita-kita. at dahil sabado ang meeting date namin at tinatamad akong magbyahe, i suggested na sa ayala triangle na lang kami, ala-una. nakakahiya pa ako kasi 15 minutes akong late, naturingang ako yung malapit sa location (eh kasi, may nauna sa akin sa cr eh. ayoko namang makipagkita sa kanila ng hindi naliligo. tsaka dapat maganda ang postura at pananamit, arneyans yun!). habang naglalakad papunta sa amici, pinapatakbo ko na sa utak ko yung mga posibleng itatanong nila at yung mga posibleng isasagot ko. nirerehearse ko na. pero may isang bagay lang na medyo pinagninilay-nilayan ko... kailangan ko bang ibahin ang kwento ko para maging "connected" sa typical na kwento ng mga sex workers (since i think iyon yung perception nila kaya nila ginawang thesis ito), or magpapakatotoo lang ba ako with the risk of posibleng hindi makatulong sa thesis nila yung mga inputs ko. mahaba-haba yung nilakad ko pero hindi pa rin ako nakapagdecide kung anong gagawin ko... bahala na!
dumating ako sa amici at nakaupo na nga dun sina Pik, Pak, at Boom. nagulat ako sa nakita ko. pasintabi po sa mga blue eagles, pero ang perception ko kasi talaga pag sinabing atenean is sosyal ang damit, maraming kaartehan sa katawan, at mukhang hindi namamansin ng mahirap. pero ang tatlong ito, wow! napakasimple! akala mo eh mga bata lang na naggagagala sa mall. walang kaartehan sa katawan. t-shirt at jeans lang ang suot. at halatang walang kaere-ere. mas nagulat pa ako ng binati na nila ako.
"hello po! kumusta po byahe?"
di ko inexpect, nagtatagalog din pala ang mga arneyans. at wala sila nung arneyan accent na kilala natin na kulang kulang ang letters (e.g., yung walang letter T like arneyo, call cener, inernet, origas, at maka-ee!) at labu-labong lenggwahe, dialect, at dictionary pag nagsasalita (hey! like i make punta to the mall kanina, and like i make kita my friend chin hwang po anyeonghansaeyo achtung viva!). itong tatlong to, walang ganun. and that made me feel a lot more comfortable. at least hindi ko kailangang makipagsabayan sa accent! pero hindi ko napigilan ang sarili ko na batiin ang kawalan nila ng arneyan accent.
"ay, sila lang po yun, hindi kami." sagot ni Pik, who is proud na isa syang probinsyana.
"ah, edi mabuti kung ganun. pero, bakit nga ba ganun magsalita ang mga taga-ateneo? itinuturo ba yun?"
"hindi naman po. siguro nakasanayan na lang talaga." sagot naman ni Pak, na proud rin sa pagiging probinsyana.
pero kahit jolly at friendly ang sagot ng mga batang ito, nararamdaman ko na parang may certain wall of separation between me and them. parang nahihiya silang makipag-usap sa akin. kaya inunahan ko na sila.
"wag nyong isipin na thesis itong pinag-uusapan natin ha. kwentu-kwentuhan lang tayo. chika chika. chever chever."
natawa ang tatlo, and it's good. at least nakuha ko na ang loob nila, wala nang ilangan at hiya.
umorder muna sila ng pagkain (ako, hindi na kasi busog ako, pero pinilit nila ako, kaya umorder na rin ako, pero light lang) at hinayaan ko na muna sila na maka-ilang subo bago kami magsimula sa interview. pinapirmahan nila sa akin ang papel na nagsasabing payag ako sa nasabing interview at hindi ako dapat matakot dahil "all information will be treated with utmost confidentiality." maya-maya pa, inilabas na nila ang laptop nila (wala daw silang nahanap na tape recorder, kaya sa laptop kami magrerecord) at sinimulan na ang interview.
and that's when i decided on the thing that is bothering me kanina pa... i will choose neither. hindi ako magsisinungaling, pero hindi rin ako magpapakatotoo. in short, lahat ng pagpaplanong ginawa ko kanina, kakalimutan ko yun, and i will answer this interview as spontaneous and as unrehearsed as i can.pero tama ako dun sa naisip ko na unang tanong nila sa akin after a little background about myself... paano at bakit ako napasok sa ganitong trabaho.
ikinuwento ko sa kanila kung paano ba akong nagsimula sa pagiging pokpok, which is the same reason as everyone else... because of need of immediate money. kung para saan man yung pera, kanya-kanya na yan. basta kailagan ng pera, agad-agad. pero pagkatapos nun, ikinuwento ko kung ano ang pinagkaiba ko sa ibang pokpok. at hindi ito para mag-stand-out lang. ikinuwento ko kasi malamang eh hindi ang kagaya ng kwento ko ang ineexpect nilang marinig. malamang ay ineexpect nila na lubog sa kahirapan, kailangang suportahan ang pamilya, may sakit si nanay, walang ibang maaasahan ang mga mahal sa buhay, or walang ibang alam na trabaho ang isang lalaki kaya nagiging at nananatiling pokpok. i'm not one of them, kaya kailangan kong paulit-ulitin sa kanila na iba ang kwento ko.
mali ang inexpect ko... kasi wala naman pala silang ineexpect! seriously, wala talaga silang idea kung bakit at paano nga ba napapasok sa ganitong trabaho ang isang pokpok.
"kayo nga po ang unang person na nakausap namin na ganito ang trabaho." paglilinaw ni Boom.
nagulat ako... aba! matatapang ang mga batang ito! para pasukin ang mundong hindi tinatangkang pasukin ng karamihan ng walang kahit anong baong kaalaman o experience... bravo! lalong tumaas ang tingin ko sa mga batang ito.
tuloy tuloy ang mga tanong hanggang sa naisipan kong basagin ang monotony... ako ang nagtanong sa kanila!
"bakit ito ang naisipan n'yong topic?"
nagtinginan ang tatlo na para bang nagulat sa tanong ko, pero sinagot din naman nila. dahil daw wala lang. as in wala lang! hahahaha! nagkasundo daw sila na ang gawin nilang topic is tungkol sa prostitution dahil sobrang hindi daw common sa school nila na pag-usapan ang ganung topic. hanggang sa kakadiscuss nila ay pumasok ang ideya na magfocus sa man-to-man prostitution. para daw mas taboo. para mas kakaiba. para mas stand-out. sa sobrang stand-out ng topic nila, ultimo yung thesis adviser nila ay nagdalawang-isip dahil wala pa daw ito experience na mag-advise sa ganitong topic. pero push pa rin sila. at tsaka sa tingin nila, panahon na rin na ungkatin at pag-usapan ang ganitong topic.
magaling! lalo akong naiimpress sa tatlong batang ito. kaya tuloy-tuloy lang ang interview. hindi ko maiwasang mag-roller-coaster ng emotions sa mga tanong nila... mula sa pinakamasayang experience, hanggang sa pinakamalungkot, hanggang sa pinakamemorable. paminsan-minsan, i quote some entries in my blog, and they note it para daw basahin nila. ang sarap ng interview, kasi parang ginawa ko lang na audio version ang BoyShiatsu. hanggang sa may isang tanong na talagang tumatak sa akin...
"ano po sa palagay nyo ang masasabi nyong malaking impact sa inyo ng trabahong ito?"
dun ako napaisip bigla... oo nga naman. tatlong taon mahigit na ako sa ganitong trabaho. ano nga ba ang impact sa akin ng pagiging masahista? at nagsunod-sunod na ang iba pang tanong sa utak ko. bakit hindi ko maiwan ang trabahong ito? bakit kahit na may regular job ako ay sumasideline pa rin ako? pera na lang ba talaga ang dahilan? or may something else pa? iniisip ko ang sagot, kasi wala talaga akong idea kung ano nga ba ang impact ng pagiging pokpok sa buhay ko. hanggang sa sinimulan ng bibig ko ang sagot na hindi maisip ng utak ko.
"impact... hmmm... siguro ang malaking impact ng pagiging pokpok sa akin is yung mga natutunan kong lessons na pwede kong magamit hindi lang sa trabahong ito kundi pati sa totoong buhay."
hindi ko alam kung saan ko kinuha yung sagot na yun. pero, pati ako nagulat sa sinabi ko. life lessons. sakto! at biglang tumakbo sa utak ko, at sa interview na rin, ang ilan sa mga lessons na natutunan ko dahil sa pagiging pokpok ko.
* pag papasok ka sa isang negosyo, makakabuting aralin mo itong mabuti. alamin kung ano ang strong and weak points mo when it comes to the business, and adjust your target market based on it. sa trabaho ko, malaking bagay ang hitsura at katawan. pero maraming lamang sa akin pagdating sa aspetong yun. i focused on my gift of gab, at tinarget ko ang mga kliyente na mas naghahanap ng makakasama at makakausap kaysa sa panandaliang aliw sa kama. work on your assets instead of focusing on your flaws.
* marami kang makakasalamuhang tao, at bawat isa sa mga ito ay may impact sa buhay mo. learn to recognize it. minsan pa nga, sa mga taong hindi mo madalas makasama, o sa mga taong minsan mo lang makakasalamuha sa buhay mo, sa kanila ka pa makakakuha ng mga karanasan na talagang babago sa buhay mo. pangit man o maganda, ang mahalaga ay may nabago, may nag-improve, may movement.
* it's fun to take risks, as long as you know how to take care of yourself in worst-case scenarios. kasi sa mga sugal na tinatahak mo sa buhay, mas makikilala mo ang sarili mo, at minsan magugulat ka na lang sa mga madidiskubre mo.
* may mga taong patuloy na manghahamak sayo. minsan, masyadong masakit ang mga sinasabi at ginagawa nila to the point na iisipin mo na lang na sumuko, pero mali. kasi pag sumuko ka, ikaw ang talo. wag mag-focus sa negative energies nila. instead focus on positive thoughts, and you'll hit two birds with one stone... na-eenjoy mo na ang buhay mo, nagagawa mo bang iritahin ang mga haters mo.
marami pa yan. parang bulkan na bigla na lang sumabog, isa-isang naglabasan ang mga kwento ko tungkol ng buhay masahista ko. kalakip ng bawat kwento ay ang mga bagay na natutunan ko na bumago sa aking pagkatao, pag-iisip, at prinsipyo. at dun ko naisip kung bakit hindi ko magawang iwanan basta basta ang trabahong ito. ang daming bagay ang nadidiskubre ko tungkol sa sarili ko at natututunan ko tungkol sa mundo, mga bagay na hindi ko natutunan sa ibang industriya. ang weird na yung basurang mundo ng prostitusyon pa ang nagsilbing gold mine ko pagdating sa buhay, and it's not just because of the money but because of all the experiences. minsan, nakikita lang natin yung panlabas na anyo ng isang bagay, ng isang tao, ng isang komunidad. at dahil sa impression natin sa panlabas na anyong yun, hindi natin sinusubukang pasukin ang mundo nila. pero magugulat na lang tayo kasi pagdating pala sa loob, it's a different world. parang oasis sa gitna ng desyerto, o kaya eh waterfalls sa gitna ng isang masukal na gubat. it takes courage, and we'll just be surprise with the worth we will get when we took the time to go in.
matapos ang mga dalawang oras na kwentuhan, natapos ang interview. bilang pasasalamat, binigyan ako ni Pik, Pak, at Boom ng cupcakes at empanada mula sa isang bakeshop. kasama ang matatamis na ngiti sa labi nila, nagpasalamat sila sa akin dahil ang dami daw inputs na naibigay ko na talagang magagamit nila sa thesis nila. ang dami daw nilang natutunan sa akin. hindi nila alam, ng dahil sa thesis interview nila, mas marami akong natutunan tungkol sa sarili ko. at kukulangin ang isang kahon ng cupcakes at empanada, o kahit pa ang isang bilao ng pancit, bilang kapalit ng mga bagay na napagtanto ko. nagsimula ang interview with one goal, na maturuan ko ng bagong kaalaman ang tatlong batang ito. and yet, it ended with me learning a lot more because of them.
Pik, Pak, at Boom... maraming salamat sa tapang n'yo para alamin ang buhay naming mga pokpok. sana sa tulong ng mga kwento ko (at kwento ng iba pang nainterview nyo) ay nagkaroon kayo ng mas malinaw na inside view sa "marumi" at "nakakadiring" mundong ginagalawan namin. panahon na para makilala at maintindihan ng lahat ang buhay namin, at thank you for daring to be one of the few people to take the first step. and i hope that this courage will not be spam.
Very insightful. What totally separates you apart from doing this profession is you never lose yourself, your identity, that makes you this unique special individual. You speak with integrity based on your life experiences, you never take advantage of anyone, and you always find humor in the midst of all the challenges life has to give you. Sige ituloy mo ang pagsusulat, as part of your new year's resolution at nandito lang kami para subaybayan ang susunod na kabanata sa buhay ni Boy Shiatsu.
ReplyDeletekausapin mong muli ang tatlong itlog, pik, pak & boom at humiling ka kopya ng thesis kapag tapos na at humingi ka rin ng pahintulot na ipost ito on line. tignan natin kung ano ang sasabihin nila sa man to man prostitution. hindi ito bago, matagal na ito kaya lang walang naglakas ng loob upang suriin ito ng malapitan. sa iyo naman, more power! sangayon ako sa comment sa itaas, ituloy mo ang pagblog, mahahasa ka ng lubos sa pagkikipagtalastasan, sa huli ikaw ang lalabas na nagwagi. vinchero!
ReplyDeleteyour such a nice person when it comes to finding realities in life.i too learned from what you've shared.tama nman talaga na we have to focus on the positive sides of our life.and then wala talagang perfect.what matters most is you have the guts and confidence to become bold to whatever risks you traverse in this life..KUDOS and God speed.Keep blogging.
ReplyDelete