20 January 2013

I Dreamed A Dream

nope, this will not be about Les Miserables... di ko pa rin sya napapanood eh, huhuhuhu..;

sabi nila, sa bawat pagtulog daw ng tao, maraming beses tayo nananaginip, pero hindi lahat ng panaginip natin eh naaalala natin. sabi rin nila, kadalasan daw ay may ibig-sabihin ang mga panaginip.

ngayon, ikukwento ko ang dalawang sobrang weird na panaginip ko kagabi.

* * * * *

unang tagpo.
lokasyon: front yard ng pinsan ko
okasyon: family reunion
tauhan: ako, si mama, at ang tatay ko (may mga extra ring mga pinsan at kamag-anak)

masayang nagdiriwang ng family reunion ang pamilya. kami naman ni mama, nagkukwentuhan sa isang tabi. naisipan ng tatay ko na magpaputok ng kwitis. shoong shoong shoong! isa-isang nagtalsikan ang mga kwitis sa ere. maraming-marami, mga 100 pieces siguro. ewan ko kung anong pumasok sa utak ko pero dinampot ko ang stick kung saan nakatali ang mga kwitis (diba may stick yun? gets nyo na yun!) nakakadalawampung stick na yata ako ng may mapansin akong kakaiba sa mga stick... parang may nakataling papel sa mga ito. binuksan ko ang isang papel na nakatali at nagulat ako... one thousand pesos! lalo akong nagmadali na damputin ang ibang stick. dahil napansin na rin siguro ng mga pinsan ko, nakiagaw na rin sila! pero too late, nakakarami na ako. naka-tatlumpung sticks yata ako at tumakbo ako papunta kay mama para ipakita ang mga sticks. sabay naming tinanggal ang mga nakataling papel at talagang nakakagulat. mga pera ang nakatali. and hindi lang basta pesos, may dollars pa! pinakatumatak sa akin ay ang apat na pirasong 200-dollar bill na magkakasama sa isang stick (i'm not even sure kung may 200-dollar bill ba talaga), at isang 500-dollar bill na may kasamang 500-peso bill. laking tuwa ko sa nakuha kong mga pera. binigyan ko si mama pero she declined, insisting na sa akin daw ang perang yun. at sa isang pitik, nakita ko na lang na may mac store na malapit kaya bumili agad ako ng iphone 5 at ipad.

* * * * *

ikalawang tagpo.
lokasyon: palengke na may tower (yah! weird!)
okasyon: secret
tauhan: ako, isang kilalang political figure, at isang kilalang religious figure

nakita ko ang sarili ko na nakabihis-pormal. coat and tie. nakaupo ako sa isang bangko na nasa tent na di kalayuan sa tower, habang maraming maraming tao ang nakatingala at tinatanaw ang ibabaw ng tower. maya-maya pa, biglang tumunog ang kampana at hudyat na ito para magsimula ako. ako ang host ng event na iyon, at sa kung anong klaseng writer ang nagsulat ng tagpong iyon, ang co-host ko ay si Bong Revilla! sinimulan namin ang program kung saan tinalakay namin ang kasalukuyang estado ng ekonomiya ng pilipinas. dahil hindi ko alam ang gagawin ko, si Bong Revilla ang nag-alalay sa akin. hanggang sa umalis sya saglit dahil kailangan nya daw mag-cr... pero hindi nya na ako binalikan! the show must go on, kaya tuloy lang ako sa pagdaldal tungkol sa pangalawang parte ng programa... ang kung anong nakikitang trend na mag-aangat sa ekonomiya ng pilipinas... online marketing! parang dalubhasa akong nag-discuss tungkol sa pros and cons ng online marketing sa libu-libong taong nandoon. tumunog ulit ang kampana, hudyat na para sa huling bahagi ng programa. iniannounce ko na ang paglabas ng pinaka-inaabangang tao ng mga mamamayan na nandun... si Pope Benedict! lumabas si Pope Benedict mula sa tower, at syang hiyawan ang mga tao. sumenyas sya ng katahimikan at sumunod ang lahat, at sinimulan na n'yang ideliver ang kanyang annual easter message... in latin, kaya hindi ko naintindihan.

* * * * *

kung ano man ang ibig-sabihin ng mga panaginip na ito, aysus, hindi ko alam! epekto yata to ng frustration na hindi ako nakapanood ng Les Miserables kagabi kasi puno ang mga sinehan... parang motel lang! marami na namang Anne Hathaway na umiyak sa mga movie houses at Fantine na umungol sa mga biglang liko! hehehehe...

2 comments:

  1. Ang vivid naman ng panaginip mo na naikwento mo pa talaga ng buong detalye. Umamin ka nga Boyshiatsu....



    ....nagda-drugs ka ba? LOL
    Hahahahaha! Peace!
    - an avid reader

    ReplyDelete
  2. Ako rin hindi ko pa napapanood ang Les Miserables.... watch tayo!

    ReplyDelete