20 January 2013

I Dreamed A Dream

nope, this will not be about Les Miserables... di ko pa rin sya napapanood eh, huhuhuhu..;

sabi nila, sa bawat pagtulog daw ng tao, maraming beses tayo nananaginip, pero hindi lahat ng panaginip natin eh naaalala natin. sabi rin nila, kadalasan daw ay may ibig-sabihin ang mga panaginip.

ngayon, ikukwento ko ang dalawang sobrang weird na panaginip ko kagabi.

* * * * *

unang tagpo.
lokasyon: front yard ng pinsan ko
okasyon: family reunion
tauhan: ako, si mama, at ang tatay ko (may mga extra ring mga pinsan at kamag-anak)

masayang nagdiriwang ng family reunion ang pamilya. kami naman ni mama, nagkukwentuhan sa isang tabi. naisipan ng tatay ko na magpaputok ng kwitis. shoong shoong shoong! isa-isang nagtalsikan ang mga kwitis sa ere. maraming-marami, mga 100 pieces siguro. ewan ko kung anong pumasok sa utak ko pero dinampot ko ang stick kung saan nakatali ang mga kwitis (diba may stick yun? gets nyo na yun!) nakakadalawampung stick na yata ako ng may mapansin akong kakaiba sa mga stick... parang may nakataling papel sa mga ito. binuksan ko ang isang papel na nakatali at nagulat ako... one thousand pesos! lalo akong nagmadali na damputin ang ibang stick. dahil napansin na rin siguro ng mga pinsan ko, nakiagaw na rin sila! pero too late, nakakarami na ako. naka-tatlumpung sticks yata ako at tumakbo ako papunta kay mama para ipakita ang mga sticks. sabay naming tinanggal ang mga nakataling papel at talagang nakakagulat. mga pera ang nakatali. and hindi lang basta pesos, may dollars pa! pinakatumatak sa akin ay ang apat na pirasong 200-dollar bill na magkakasama sa isang stick (i'm not even sure kung may 200-dollar bill ba talaga), at isang 500-dollar bill na may kasamang 500-peso bill. laking tuwa ko sa nakuha kong mga pera. binigyan ko si mama pero she declined, insisting na sa akin daw ang perang yun. at sa isang pitik, nakita ko na lang na may mac store na malapit kaya bumili agad ako ng iphone 5 at ipad.

* * * * *

ikalawang tagpo.
lokasyon: palengke na may tower (yah! weird!)
okasyon: secret
tauhan: ako, isang kilalang political figure, at isang kilalang religious figure

nakita ko ang sarili ko na nakabihis-pormal. coat and tie. nakaupo ako sa isang bangko na nasa tent na di kalayuan sa tower, habang maraming maraming tao ang nakatingala at tinatanaw ang ibabaw ng tower. maya-maya pa, biglang tumunog ang kampana at hudyat na ito para magsimula ako. ako ang host ng event na iyon, at sa kung anong klaseng writer ang nagsulat ng tagpong iyon, ang co-host ko ay si Bong Revilla! sinimulan namin ang program kung saan tinalakay namin ang kasalukuyang estado ng ekonomiya ng pilipinas. dahil hindi ko alam ang gagawin ko, si Bong Revilla ang nag-alalay sa akin. hanggang sa umalis sya saglit dahil kailangan nya daw mag-cr... pero hindi nya na ako binalikan! the show must go on, kaya tuloy lang ako sa pagdaldal tungkol sa pangalawang parte ng programa... ang kung anong nakikitang trend na mag-aangat sa ekonomiya ng pilipinas... online marketing! parang dalubhasa akong nag-discuss tungkol sa pros and cons ng online marketing sa libu-libong taong nandoon. tumunog ulit ang kampana, hudyat na para sa huling bahagi ng programa. iniannounce ko na ang paglabas ng pinaka-inaabangang tao ng mga mamamayan na nandun... si Pope Benedict! lumabas si Pope Benedict mula sa tower, at syang hiyawan ang mga tao. sumenyas sya ng katahimikan at sumunod ang lahat, at sinimulan na n'yang ideliver ang kanyang annual easter message... in latin, kaya hindi ko naintindihan.

* * * * *

kung ano man ang ibig-sabihin ng mga panaginip na ito, aysus, hindi ko alam! epekto yata to ng frustration na hindi ako nakapanood ng Les Miserables kagabi kasi puno ang mga sinehan... parang motel lang! marami na namang Anne Hathaway na umiyak sa mga movie houses at Fantine na umungol sa mga biglang liko! hehehehe...

One-liner Update

bati na kami ni Jack Frost! yay!

16 January 2013

The Guardian

today, i'll share a love story... my love story.

december 5, 2012... naisipan kong manood ng movie kaya nagdecide ako na sa gabing iyon, may kasama man ako o wala, lalabas ako at manonood ng rise of the guardians. sa kalagitnaan ng hapon, may nagtext at nagtatanong kung available daw ba ako for a night out ng gabing yun. sakto. tutal lalabas ako, ayan, may makakasama ako. at sagot nya daw ang tickets! pag sinuswerte nga naman. solved na ang gabi ko.

naaalala ko pa kung paano ko syang sinusungitan sa text that day (kasi nagwowork ako). pero mabuti naman at hindi nya ako sinungitan pabalik. matapos ang ilang oras, nagtext na sya na papunta na sya sa lugar kung saan nya ako susunduin, so binitawan ko ang trabaho ko (hindi na ako nagpaaalam sa mga officemates ko! haha!) at pumunta sa meeting place namin.

tumigil sa harapan ko ang itim na kotse, bumukas ang bintana, at bumungad ang mukha ng "ka-date" ko sa gabing iyon. okay naman sya. hindi sobrang gwapo, hindi rin naman pangit. sumakay ako sa kotse nya at nagkwentuhan kami kaunti habang papunta ng sm moa.

"do you wanna eat muna?" tanong nya.
"okay lang. kaso baka hindi natin abutan yung start ng movie"
"let's eat something light na lang muna, then we can have something else after the movie."
"okay."

dumating kami sa moa at ipinaprint ang tickets (naaastigan ako sa technology na to!). dahil may ilang minuto pa kami bago magsimula ang movie, naisipan naming kumain muna sa foodcourt... tropical hut. kaunting kwentuhan pa, then pumunta na sa movie house.

para akong bata na tuwang-tuwa sa pelikula, samantalang sya, parang wala lang. pero wala akong pakialam that time. ang mahalaga, napanood ko yung movie. what's best is libre pa! ayus na ayus!

natapos ang movie at naisipan naming pumunta ng yakimix for dinner (this is the original plan anyways), kaso sarado na. naghanap ng iba pang makakainan, pero wala. mga sarado na. nagpunta pa kami sa macapagal, pero wala na rin. hanggang sa nauwi kami sa shakeys... sa makati avenue! unsyami ang japanese dream kaya nagtiis sa pizza. madaling-araw na kami nakauwi, and it was sweet of him na ihatid pa ako sa bahay ko.

lumipas ang mga araw, nagkakatext kami. kumustahan. walang plano sa kung anong susunod na mangyayari, hanggang sa naisipan nya na tanungin ako kung anong plans ko for my birthday.

"i have a gig."
"hanggang anong oras?"
"mga hanggang 9 yata, malapit sa moa."
"okay. let's have dinner after, you want?"
"sure!"

sa pangalawang pagkakataon, i'm having dinner with someone i don't know on my birthday (remember Bimby Suplado year 2011?).

sinundo nya ako sa gig ng saktong alas nuwebe at pumunta ulit sa moa... sa yakimix... pero 30 minutes left na lang and the buffet is closed na. useless. so to fulfill the japanese dream, kumain kami sa sumo-san (na anglalaki ng servings!). masarap na japanese dinner and kwentuhan, and i found out na pareho kaming mahilig sa tuna! pagkatapos ng dinner, tinanong nya ako kung ano pang gusto kong gawin. i don't know, basta all i want is not to go home yet. nagkasundo kaming pumunta sa restaurant ng boss ko sa serendra and uminom ng kaunti. masaya ang naging birthday ko dahil sa kanya... and on that night, i called him Jack Frost.

sumunod ang mga araw ng text text, ng kulitan, ng dinners. habang tumatagal, lalo akong natutuwa sa kaya. habang tumatagal, hinahanap ko ang kulitan namin sa text. habang tumatagal, nararamdaman kong special ako dahil sa kanya. he asks me how my work is. he supports ng improv craft. he checks on me everytime. he reads my blog. he makes me feel like somebody... and i haven't felt that way in a long time.

then came one day... i had a bad experience with an outing. sya ang napagbuhusan ko ng bigat na nararamdaman ko. alam kong mali, pero i felt comfortable telling him about it. and he was there... comforting me kahit alam kong nasasaktan sya sa mga kinukwento ko sa kanya.

and that's when i realized how great Jack Frost is...

december 21 was the defining moment, ng mag-aya akong mag star cty at pumayag sya. for someone like him (professional, manly, workaholic), hindi normal na bagay ang star city. and yet he stepped out of his comfort box and decided to be with me. sobrang napasaya nya ako that day... at dun ko sinabi sa sarili ko... i am starting to like this person.

tuloy tuloy ang masasayang araw kahit walang labels. masaya ang naging pasko at bagong taon ko kahit hindi kami magkasama. phone calls, morning and evening greetings, pick-up lines, and cheesy texts became a part of our regular routine.

january 8... dahil sa bigat ng pressure na nararamdaman ko sa work, i asked him if we can go out. he asked me what i wanted. i spontaneously answered videoke. and he committed to it. kung yun daw ang magpapagaan ng loob ko, kahit di sya kumakanta, we'll go out for videoke. and we did! hindi kami nakapag-usap masyado kasi kanta ako ng kanta, but i made sure i make him feel how great he made me feel. and on that night, we had our first kiss.

kaya laking gulat ko na lang when i woke up kinabukasan with a text from him saying goodbye. natatakot daw kasi sya na baka ginagamit ko lang sya at hindi totoo ang feelings ko from him dahil parag imposible daw for someone like me to fall for someone like him. he didn't know, i fell na. matagal na. for him. i assured him of how i feel for him and how i'm willing to take a risk with him. that day, january 9... we became official.

masaya kami ni Jack Frost kahit hindi sya out. maraming challenges, pero nagagawa naming ngumiti at tawanan ito. hanggang sa kanina, i saw his facebook status...

seems like i cannot trust you anymore...

hindi ko maiwasang mag-isip ng mali. wala pa syang text sa akin, so i decided to call him... but he's rejecting my calls. another try, same thing. i texted, no reply. nagsisimula na akong magduda at kabahan. hanggang sa finally, nagtext sya.

"nahihirapan na ako sa mga ginagawa mo eh. kung wala talaga akong pag-asa, tell me. tooth fairy gives hope, not false hope." (he calls me Tooth Fairy)

lalo lang akong naguluhan sa text nya. we are perfectly fine. in fact, masaya pa kaming magkausap kagabi sa telepono. anong nagawa ko sa kanya?

"you keep telling me that i'm your boyfriend, that you love me and you'll never let me go then makikita ko si *insert nickname here* sa planetromeo looking for sexdates and relationship. i just don't know what to believe anymore."

that's it! planetromeo!

not that i am defending myself, but you know how sometimes things are already so routinary in the internet world that you do it not because of it's main purpose but just because? yung tipong nagbubukas ka ng fb dahil nasanay ka na. nagbubukas ka ng twitter dahil nasanay ka na. unfortunately, that's what happened. i logged in to planetromeo dahil nasanay na ako, but does it mean that i am looking for someone? i will say no, but i will respect if people will not believe me. it's a flirting site, and i am a very stupid person to think of even logging in to it (for fucking five minutes!) not to flirt, not to look for a hookup, not to have one night sex, but just because! mahirap iexplain, and i feel so bullshit that i may lose my Jack Frost just because of this stupid mistake.

i've been trying to contact and call him but he's not responding. he left me with a message saying "mahal kita kaya nasasaktan ako. pero mapagkakatiwalaan pa ba kita? it's a different story."

ang sakit. ang sakit na kung kailan heto't sumusugal na ulit ako at nagkakaroon ng lakas ng loob to be in a relationship, letting go of all my fears and prejudices that people will not love me, tsaka pa magkakaroon ng isang malaking kapalpakan na sisira sa isang bagay na nagpapasaya sa akin ngayon.

Jack Frost, i know you can read this, yet i don't know if you can trust me on this. i just want to tell you that i am very sorry and that i hope you'll give me another chance to prove myself. please forgive Tooth Fairy...

14 January 2013

Thesis-it, Pancit!

"Thesis Interview"

yan ang subject line na bumungad sa akin isang beses ng buksan ko ang email ko. walangya! madalang na nga ako makatanggap ng email (yes, yun po ang totoo! bihira na ako makatanggap ng email), iisa na nga lang ang new message ko, spam pa! at may bagong style na ng spam ngayon ha! thesis kunyari! nagsawa na siguro sila sa mga pa-raffle diumano ng coke, or isang mayamang businessman na walang pagpapamanahan ng pera nya, or mga business proposals at loan offers mula sa mga taong hindi mo maipronounce ang pangalan.

dahil sa trabaho ko dati, mabilis ang mata ko sa mga spam emails. naalala ko pa nga yun, may checklist kaming sinusunod to consider if an email is a spam or not. kapag may kahit isang item na nag-fail sa list, the email is to be considered as spam.

1. is the email "pleasing to the eye"? does it look neat and presentable, or is it cluttery and disorganized?
2. is the letter written formally, following the standards and rules in basic letter-writing? does it look like a generic letter or a personalized one?
3. are there misspelled words and grammatical errors? are the sentences easy to understand? is the thought clear and concise?
4. check the sender of the letter. does the email look like a valid email address of a person?
5. are there links that you are "required" to click, or files that you must download, that looks suspicious?
6. is it asking you for very personal information?

pero dahil siguro sa excitement na nakatanggap ako ng email (kahit na alam kong spam), binuksan ko pa rin ito. aba! looks legit! hindi magulo tignan ang email, at kumpleto ang parts of the letter! may greeting (Dear Mr. BoyShiatsu), may opening line (Good day!), may body of the letter (na hindi ko na isusulat dito), may confirmation courtesy (I appreciate your time and I am looking forward to your quick response.), may closing line (Thank you!), at may signature (na hindi ko na rin isusulat dito). so naipasa ng letter ang items number 1 and 2 sa checklist. binasa ko ang email... item number 3, pass! tinignan ang email address ng sender... hindi naman sya mukhang kaduda-duda, so item number 4, pass! walang kahit anong links or walang kailangang idownload... item number 5, pass! and lastly, it's not asking for any personal information AT ALL. ni hindi man lang nga tinanong kung ano ang totoo kong pangalan or kung ano ang contact number ko. so item number 6, pass!

nasasaad sa email na ang sender (itago na lang natin sa pangalang Boom) ay estudyante ng psychology sa ateneo de manila university at kasalukuyang nasa ikaapat na taon na. kasama ang groupmates nyang si Pik at si Pak, mayroon silang thesis at iniimbitahan nila ako na maging bahagi ng nasabing pag-aaral na ito. gusto nila akong interbyuhin para sa mga inputs ko sa thesis nila.

binasa ko ulit ang email at siniguradong hindi ako namamalikmata. thesis. inputs. graduating. interview. psychology. teka... ang bigat nito! totoo ba ito? bakit ako? nakakataba ng puso at nakakalaki ng ulo na isang grupo ng mga arneyans ang lalapit sa akin para kunin akong respondent sa thesis. wow!

pero tungkol saan ba ang thesis?

"Our study is about Filipino male sex workers, particularly about their experiences in their work."

eh kaya naman pala! pasok na pasok naman pala ako sa topic nila eh. nirefer pala ako ng isang kakilala ko sa kanila to be a respondent kaya nila ako kinontak. sa totoo lang, natuwa talaga ako! kasi hindi talaga pumasok sa hinuhap ko na may mag-iimbita sa akin para maging bahagi ng isang thesis... at arneyans pa! dahil na rin siguro sa pagkakakilala ko sa eskwelahang iyon, naisip ko agad na matapang at malakas ang loob ng tatlong estudyanteng ito... and so i called Boom (may phone number sa signature nya) at pumayag akong mag-schedule ng interview sa kanila.

dumating ang araw ng interview. mabait sina Pik, Pak, at Boom, dahil kahit na sa katipunan ang eskwelahan nila at malalayo ang bahay nila (si Boom, taga-pampanga pa daw!), ako ang pinagdecide nila kung saan kami pwedeng magkita-kita. at dahil sabado ang meeting date namin at tinatamad akong magbyahe, i suggested na sa ayala triangle na lang kami, ala-una. nakakahiya pa ako kasi 15 minutes akong late, naturingang ako yung malapit sa location (eh kasi, may nauna sa akin sa cr eh. ayoko namang makipagkita sa kanila ng hindi naliligo. tsaka dapat maganda ang postura at pananamit, arneyans yun!). habang naglalakad papunta sa amici, pinapatakbo ko na sa utak ko yung mga posibleng itatanong nila at yung mga posibleng isasagot ko. nirerehearse ko na.  pero may isang bagay lang na medyo pinagninilay-nilayan ko... kailangan ko bang ibahin ang kwento ko para maging "connected" sa typical na kwento ng mga sex workers (since i think iyon yung perception nila kaya nila ginawang thesis ito), or magpapakatotoo lang ba ako with the risk of posibleng hindi makatulong sa thesis nila yung mga inputs ko. mahaba-haba yung nilakad ko pero hindi pa rin ako nakapagdecide kung anong gagawin ko... bahala na!

dumating ako sa amici at nakaupo na nga dun sina Pik, Pak, at Boom. nagulat ako sa nakita ko. pasintabi po sa mga blue eagles, pero ang perception ko kasi talaga pag sinabing atenean is sosyal ang damit, maraming kaartehan sa katawan, at mukhang hindi namamansin ng mahirap. pero ang tatlong ito, wow! napakasimple! akala mo eh mga bata lang na naggagagala sa mall. walang kaartehan sa katawan. t-shirt at jeans lang ang suot. at halatang walang kaere-ere. mas nagulat pa ako ng binati na nila ako.

"hello po! kumusta po byahe?"

di ko inexpect, nagtatagalog din pala ang mga arneyans. at wala sila nung arneyan accent na kilala natin na kulang kulang ang letters (e.g., yung walang letter T like arneyo, call cener, inernet, origas, at maka-ee!) at labu-labong lenggwahe, dialect, at dictionary pag nagsasalita (hey! like i make punta to the mall kanina, and like i make kita my friend chin hwang po anyeonghansaeyo achtung viva!). itong tatlong to, walang ganun. and that made me feel a lot more comfortable. at least hindi ko kailangang makipagsabayan sa accent! pero hindi ko napigilan ang sarili ko na batiin ang kawalan nila ng arneyan accent.

"ay, sila lang po yun, hindi kami." sagot ni Pik, who is proud na isa syang probinsyana.
"ah, edi mabuti kung ganun. pero, bakit nga ba ganun magsalita ang mga taga-ateneo? itinuturo ba yun?"
"hindi naman po. siguro nakasanayan na lang talaga." sagot naman ni Pak, na proud rin sa pagiging probinsyana.

pero kahit jolly at friendly ang sagot ng mga batang ito, nararamdaman ko na parang may certain wall of separation between me and them. parang nahihiya silang makipag-usap sa akin. kaya inunahan ko na sila.

"wag nyong isipin na thesis itong pinag-uusapan natin ha. kwentu-kwentuhan lang tayo. chika chika. chever chever."

natawa ang tatlo, and it's good. at least nakuha ko na ang loob nila, wala nang ilangan at hiya.

umorder muna sila ng pagkain (ako, hindi na kasi busog ako, pero pinilit nila ako, kaya umorder na rin ako, pero light lang) at hinayaan ko na muna sila na maka-ilang subo bago kami magsimula sa interview. pinapirmahan nila sa akin ang papel na nagsasabing payag ako sa nasabing interview at hindi ako dapat matakot dahil "all information will be treated with utmost confidentiality." maya-maya pa, inilabas na nila ang laptop nila (wala daw silang nahanap na tape recorder, kaya sa laptop kami magrerecord) at sinimulan na ang interview.

and that's when i decided on the thing that is bothering me kanina pa... i will choose neither. hindi ako magsisinungaling, pero hindi rin ako magpapakatotoo. in short, lahat ng pagpaplanong ginawa ko kanina, kakalimutan ko yun, and i will answer this interview as spontaneous and as unrehearsed as i can.pero tama ako dun sa naisip ko na unang tanong nila sa akin after a little background about myself... paano at bakit ako napasok sa ganitong trabaho.

ikinuwento ko sa kanila kung paano ba akong nagsimula sa pagiging pokpok, which is the same reason as everyone else... because of need of immediate money. kung para saan man yung pera, kanya-kanya na yan. basta kailagan ng pera, agad-agad. pero pagkatapos nun, ikinuwento ko kung ano ang pinagkaiba ko sa ibang pokpok. at hindi ito para mag-stand-out lang. ikinuwento ko kasi malamang eh hindi ang kagaya ng kwento ko ang ineexpect nilang marinig. malamang ay ineexpect nila na lubog sa kahirapan, kailangang suportahan ang pamilya, may sakit si nanay, walang ibang maaasahan ang mga mahal sa buhay, or walang ibang alam na trabaho ang isang lalaki kaya nagiging at nananatiling pokpok. i'm not one of them, kaya kailangan kong paulit-ulitin sa kanila na iba ang kwento ko.

mali ang inexpect ko... kasi wala naman pala silang ineexpect! seriously, wala talaga silang idea kung bakit at paano nga ba napapasok sa ganitong trabaho ang isang pokpok.

"kayo nga po ang unang person na nakausap namin na ganito ang trabaho." paglilinaw ni Boom.

nagulat ako... aba! matatapang ang mga batang ito! para pasukin ang mundong hindi tinatangkang pasukin ng karamihan ng walang kahit anong baong kaalaman o experience... bravo! lalong tumaas ang tingin ko sa mga batang ito.

tuloy tuloy ang mga tanong hanggang sa naisipan kong basagin ang monotony... ako ang nagtanong sa kanila!

"bakit ito ang naisipan n'yong topic?"

nagtinginan ang tatlo na para bang nagulat sa tanong ko, pero sinagot din naman nila. dahil daw wala lang. as in wala lang! hahahaha! nagkasundo daw sila na ang gawin nilang topic is tungkol sa prostitution dahil sobrang hindi daw common sa school nila na pag-usapan ang ganung topic. hanggang sa kakadiscuss nila ay pumasok ang ideya na magfocus sa man-to-man prostitution. para daw mas taboo. para mas kakaiba. para mas stand-out. sa sobrang stand-out ng topic nila, ultimo yung thesis adviser nila ay nagdalawang-isip dahil wala pa daw ito experience na mag-advise sa ganitong topic. pero push pa rin sila. at tsaka sa tingin nila, panahon na rin na ungkatin at pag-usapan ang ganitong topic.

magaling! lalo akong naiimpress sa tatlong batang ito. kaya tuloy-tuloy lang ang interview. hindi ko maiwasang mag-roller-coaster ng emotions sa mga tanong nila... mula sa pinakamasayang experience, hanggang sa pinakamalungkot, hanggang sa pinakamemorable. paminsan-minsan, i quote some entries in my blog, and they note it para daw basahin nila. ang sarap ng interview, kasi parang ginawa ko lang na audio version ang BoyShiatsu. hanggang sa may isang tanong na talagang tumatak sa akin...

"ano po sa palagay nyo ang masasabi nyong malaking impact sa inyo ng trabahong ito?"

dun ako napaisip bigla... oo nga naman. tatlong taon mahigit na ako sa ganitong trabaho. ano nga ba ang impact sa akin ng pagiging masahista? at nagsunod-sunod na ang iba pang tanong sa utak ko. bakit hindi ko maiwan ang trabahong ito? bakit kahit na may regular job ako ay sumasideline pa rin ako? pera na lang ba talaga ang dahilan? or may something else pa? iniisip ko ang sagot, kasi wala talaga akong idea kung ano nga ba ang impact ng pagiging pokpok sa buhay ko. hanggang sa sinimulan ng bibig ko ang sagot na hindi maisip ng utak ko.

"impact... hmmm... siguro ang malaking impact ng pagiging pokpok sa akin is yung mga natutunan kong lessons na pwede kong magamit hindi lang sa trabahong ito kundi pati sa totoong buhay."

hindi ko alam kung saan ko kinuha yung sagot na yun. pero, pati ako nagulat sa sinabi ko. life lessons. sakto! at biglang tumakbo sa utak ko, at sa interview na rin, ang ilan sa mga lessons na natutunan ko dahil sa pagiging pokpok ko.

* pag papasok ka sa isang negosyo, makakabuting aralin mo itong mabuti. alamin kung ano ang strong and weak points mo when it comes to the business, and adjust your target market based on it. sa trabaho ko, malaking bagay ang hitsura at katawan. pero maraming lamang sa akin pagdating sa aspetong yun. i focused on my gift of gab, at tinarget ko ang mga kliyente na mas naghahanap ng makakasama at makakausap kaysa sa panandaliang aliw sa kama. work on your assets instead of focusing on your flaws.

* marami kang makakasalamuhang tao, at bawat isa sa mga ito ay may impact sa buhay mo. learn to recognize it. minsan pa nga, sa mga taong hindi mo madalas makasama, o sa mga taong minsan mo lang makakasalamuha sa buhay mo, sa kanila ka pa makakakuha ng mga karanasan na talagang babago sa buhay mo. pangit man o maganda, ang mahalaga ay may nabago, may nag-improve, may movement.

* it's fun to take risks, as long as you know how to take care of yourself in worst-case scenarios. kasi sa mga sugal na tinatahak mo sa buhay, mas makikilala mo ang sarili mo, at minsan magugulat ka na lang sa mga madidiskubre mo.

* may mga taong patuloy na manghahamak sayo. minsan, masyadong masakit ang mga sinasabi at ginagawa nila to the point na iisipin mo na lang na sumuko, pero mali. kasi pag sumuko ka, ikaw ang talo. wag mag-focus sa negative energies nila. instead focus on positive thoughts, and you'll hit two birds with one stone... na-eenjoy mo na ang buhay mo, nagagawa mo bang iritahin ang mga haters mo.

marami pa yan. parang bulkan na bigla na lang sumabog, isa-isang naglabasan ang mga kwento ko tungkol ng buhay masahista ko. kalakip ng bawat kwento ay ang mga bagay na natutunan ko na bumago sa aking pagkatao, pag-iisip, at prinsipyo. at dun ko naisip kung bakit hindi ko magawang iwanan basta basta ang trabahong ito. ang daming bagay ang nadidiskubre ko tungkol sa sarili ko at natututunan ko tungkol sa mundo, mga bagay na hindi ko natutunan sa ibang industriya. ang weird na yung basurang mundo ng prostitusyon pa ang nagsilbing gold mine ko pagdating sa buhay, and it's not just because of the money but because of all the experiences. minsan, nakikita lang natin yung panlabas na anyo ng isang bagay, ng isang tao, ng isang komunidad. at dahil sa impression natin sa panlabas na anyong yun, hindi natin sinusubukang pasukin ang mundo nila. pero magugulat na lang tayo kasi pagdating pala sa loob, it's a different world. parang oasis sa gitna ng desyerto, o kaya eh waterfalls sa gitna ng isang masukal na gubat. it takes courage, and we'll just be surprise with the worth we will get when we took the time to go in.

matapos ang mga dalawang oras na kwentuhan, natapos ang interview. bilang pasasalamat, binigyan ako ni Pik, Pak, at Boom ng cupcakes at empanada mula sa isang bakeshop. kasama ang matatamis na ngiti sa labi nila, nagpasalamat sila sa akin dahil ang dami daw inputs na naibigay ko na talagang magagamit nila sa thesis nila. ang dami daw nilang natutunan sa akin. hindi nila alam, ng dahil sa thesis interview nila, mas marami akong natutunan tungkol sa sarili ko. at kukulangin ang isang kahon ng cupcakes at empanada, o kahit pa ang isang bilao ng pancit, bilang kapalit ng mga bagay na napagtanto ko. nagsimula ang interview with one goal, na maturuan ko ng bagong kaalaman ang tatlong batang ito. and yet, it ended with me learning a lot more because of them.

Pik, Pak, at Boom... maraming salamat sa tapang n'yo para alamin ang buhay naming mga pokpok. sana sa tulong ng mga kwento ko (at kwento ng iba pang nainterview nyo) ay nagkaroon kayo ng mas malinaw na inside view sa "marumi" at "nakakadiring" mundong ginagalawan namin. panahon na para makilala at maintindihan ng lahat ang buhay namin, at thank you for daring to be one of the few people to take the first step. and i hope that this courage will not be spam.

08 January 2013

Weirdo

maligayang 2013 sa ating lahat. nawa ay kumpleto pa rin ang parte ng katawan nyo. kasi may ilan na akong na-encounter na tila kulang yata.

* * * * *

isang araw, habang abala ako sa paggawa ng powerpoint presentation para sa training na ipinapahandle sa akin ng boss ko (ayan! bagong taon, bagong workload, pero walang bagong basic pay... amf!), may nagtext.

texter: magkano service?
BS: *sends template*
texter: malapit lang ako pre. ikaw, saan ka ba?
BS: makati
texter: ayus! tol, anong extra mo?
BS: *sends template*
texter: sarap nyan pare!

medyo nagsisimula nang kumunot ang noo ko... nagloloko kasi yung computer ko, hindi maalis-alis yung rotating beach ball of death. kaya nagfocus na lang ako sa katext ko, na itago natin sa pangalang Sir Tong.

BS: hehehehe...
Sir Tong: diretsahang tanong pre... malaki ba yang kargada mo?

wow! kargada! ang lakas maka-90s!

BS: *send kargada template*
Sir Tong: putangina tol! ang sarap nyan!
BS: hehehehe...
Sir Tong: sa akin, otso pulgada haba, malaki at mataba
BS: *habang kumakanta ng "... mahirap mahuli sapagkat nangangagat!" after reading the last text* ah, okay po.

sa totoo lang naman kasi... okay, sige, bakla ako, pero bilang isang masahista, wala akong pakialam kung parang alimango sa dagat ang putotoy ng kliyente ko. kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang sabihin sa akin ni Sir Tong.

Sir Tong: wild ka ba sa kama?
BS: opo.
Sir Tong: tangina! ang sarap nyan! laplapan tayo sa kama! tapos talagang tsupaan tayo, yung sagad sa lalamunan! putangina! ang sarap nun!
BS: hahahaha!

nagsisimula na akong mawirduhan kay Sir Tong... parang masyado syang pa-hard. pakiramdam ko eh lalaking libog na libog sa babae at bumibili ng dyaryong Remate araw-araw para magbasa ng Xerex Xaviera ang katext ko ngayon. kaya hindi na ako makareply ng maayos. pero sumagot pa rin si Sir Tong.

Sir Tong: pare, masarap siguro kung kantutan tayo. yung talagang kantot na kantot, baon na baon pare. pero magcocondom naman tayo. bayuhin mo muna ako, tapos ikaw naman ang babarurutin ko.

waaaahhh!!! rated spg na yung mga text nya!!! pero kailangang kalmado pa rin ako...

BS: hindi ako nagpapatira eh.
Sir Tong: ah ganun ba? sayang naman. pero sige, pare, ako na lang ang buntisin mo ng buntisin. babuyin mo wetpaks ko! masikip pa to dre! masarap bayuhin ang butas ko!
BS: hahaha! ayus!
Sir Tong: talagang mag-eenjoy ka sa akin pare, siguradong-sigurado yun! titirik ang mata mo sa sarap!

okay... sobrang weird na talaga, hindi ko na ma-gets. so i dropped the million peso question to end it all.

BS: kailan ka ba magpapaservice?
Sir Tong: itetext kita kung kailan. pero pramis, dre, di ka magsisisi sa akin. masasarapan ka talaga.

that's it! bumalik na lang ulit ako sa laptop ko at ipinagpatuloy ang powerpoint presentation bago pa ako masiraan ng bait.


* * * * *

isang eksena sa isang fastfood store na malapit sa office namin. dahil large ang softdrinks ko, hindi ko naubos so binitbit ko na lang palabas. habang naglalakad, may batang pulubi na lumapit sa akin, hinihingi yung softdrinks ko. di ko pinansin yung bata (medyo bad mood ako eh). nagpilit pa rin yung bata, pero dire-diretso lang ako paglalakad. hanggang sa ikinagulat ko ang susunod na eksena... biglang sumigaw ang bata... *this is in verbatim ha*

bata: putanginamo! parang kaunting softdrinks lang, ipagdadamot pa. masagasaan ka sana pagtawid mo! tangina mo! gago!

ABA ABA ABA!!! uma-attitude ang mokong na batang to ah! hindi lang napagbigyan, matatamis na salita na agad ang binitawan? weirdo!! at siguro, dala na rin ng init ng ulo ko, pinatulan ko yung bata. tumigil ako sa paglalakad at humarap sa batang mabantot.

BS: gusto mo to? *sabay turo sa baso ng softdrinks*

papalapit na yung batang gusgusin sa akin. pero bago pa sya tuluyang makalapit... itinapon ko sa basurahan yung basong may softdrinks at dumiretso paglalakad.

yan! yan ang attitude! hahaha!