una sa lahat, super sorry na ngayon lang ako nakapag-blog ulet. masyado kasing busy sa bagong work, naaaliw yata sa akin masyado ang boss ko! ang daming ipinapagawa. pero ayus lang naman, kasi marami rin namang perks. bukod sa libreng foods at mga gala (pag tinotopak si boss, hehe), may mga libreng makeover pa!
last week, isinama ako ng boss ko sa dentist nya para maipaayos ko na ang pasta ng ngipin ko, at may libre na ring cleaning. nakakamangha yung dentista na masyadong perky. habang kasalukuyang nakasulasok sa bibig ko ang dalawang kamay nya na may hawak na kung anong aparato, tsaka ba naman naisipan na tanungin ako ng kung anu anong bagay!
dentista: kailan ba nasira itong pasta?
bs: ah-eh-ung-uh-ahs-ah-oh
dentista: bakit nasira?
bs: ih-ih-oh-oh-a-ahm-eh
ang ikinakagulat ko... kahit puro vowels lang ang binabanggit ko, naiintindihan nya ang sinasabi ko! aba'y ayos na skill to ah! kapaki-pakinabang! naalala ko tuloy yung nangyari sa amin ni Sir Leo.
mukha namang matalino si Sir Leo sa text. in fact, makwento sya sa text. anghahaba lagi ng mga reply nya sa mga kapirasong texts ko. when i asked him to call na lang kasi ako yung napapagod sa pagbabasa ng mahahaba nyang messages, he declined, he cannot make a call daw. so sige, nagtodo kwentuhan kami sa text. normal na nagtanong sya tungkol sa service ko at sa rates, at hanggang sa nagkasundo nga kami na magpapaservice sya ng weekend.
dumating ang weekend at nagkita nga kami ni Sir Leo. nauna na sya sa motel. itinext nya sa akin kung saan ang motel at sumunod naman ako. magkatext pa rin kami habang naglalakad ako papunta sa motel. mukhang madaldal yata talaga itong si Sir Leo... masaya to!
kumatok ako sa kwarto kung saan naka-check-in si Sir Leo, bumukas ang pinto at bumati sa akin ang malambing na ngiti ni Sir Leo. agad akong pumasok sa kwarto at bumati.
bs: kumusta po Sir Leo?
leo: oh-ey-ang-a-oh. eh-ih-aw-uh-uh-ah-ah-eh?
WHOAH!!! teka lang!!! ngongo pala si Sir Leo! well, wala naman akong problema sa ngongo. nagulat lang ako, di ko inexpect. pero, iisang tabi na yun, tutal naintindihan ko naman yung tanong nya.
bs: okay naman po. medyo matraffic.
leo: a-yah-nga-eh. a-ah-yo-ah-ng-ya-eh-oh. oh-ee-ah!
bs: okay lang yun, ano ka ba! ligo lang ako ha.
nag-shower na ako at narinig kong nagsasalita pa rin si Sir Leo. ako yata ang kinakausap. pero dahil nasa loob ako ng banyo, at malakas ang shower, hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. (yes, yun yung dahilan, hindi sa dahil ngongo sya). sumagot na lang ako na mamaya na kami mag-usap pagkatapos ko maligo. sumigaw sya ng OA. putcha! di maiwasang uminit ng ulo ko! eh sa hindi ko sya marinig eh. kasalanan ko ba yun?! tawagin pa akong OA? then pumasok sa utak ko... ahhhh... "okay" pala yung isinagot nya. whew!
nakadapa na sa kama si Sir Leo ng lumabas ako ng banyo. ready na para sa masahe nya. umayos na ako at sinimulan ang masahe.
leo: wa-ah-ya-oh-ah-eeh-in!
bs: ah, sige po.
leo: eng-yoo!
tuloy tuloy lang masahe, at tahimik naman si Sir Leo. maya-maya pa ay nagsimula na ang extra service namin. mukhang nag-eenjoy naman si Sir Leo sa ginagawa ko sa kanya. panay ang ungol nya eh. palakas ng palakas!
ahhh-eh-ahhhh-ee-i-eeh-ang-ah-oh!!!
tuloy tuloy lang ako sa pagpapaligaya sa kanya, ungol lang sya ng ungol eh. yun ang akala ko.
itinulak ako ng bahagya ni Sir Leo... naiihi na pala sya!
pinaihi ko muna ang kliyente. balik-aksyon paglabas na paglabas nya ng banyo... langya, parang guina pig sa kalibugan itong si Sir Leo ah! hanggang sa matapos ang maraming legit na ungol (or, i'm not really sure, baka may sinasabi na pala syang propesiya sa kung anong mangyayari sa susunod na taon, hindi ko lang naintindihan), nakaraos din kami.
nakahiga kami sa kama ng ng nagsimula na ang sunod-sunod na vowel sounds kay Sir Leo. giliw na giliw na nagkukwento si sir, at ako naman ay oo lang ng oo... kahit wala ako ni isang naintindihan sa mga sinabi nya.
sa kalagitnaan ng pagkukwento ay tumigil si Sir Leo at tumingin sa akin, kaya sumagot na lang ako.
"ahehehehe... oo nga eh."
tamihik pa ring nakatingin sa akin si Sir Leo, para bang may hinihintay na sagot. ngumiti lang ako.
leo: ah-eeh-o, eh-an-ah-ag-art-ah-ah-gee-gee-ah-su!
bs: ha?
leo: eh-an-ah-ag-art-ah-ah-gee-gee-ah-su!
bs: ...
leo: eeh-art, ah-ur.
ahhh! tinatanong nya pala ako kung kailan ako nag-start sa pagiging masseur! wakanang! ang hirap intindihin! sana may pwede akong pindutin para may lumabas na subtitles habang nag-uusap kami.
sinagot ko ang tanong nya. at tila hindi pa nakuntento, tuloy tuloy pa sa pagkukwento si Sir Leo. dumudugo na ang tenga ko sa inis. pero hindi ako naiinis kay Sir Leo ha (except sa fact na masyado syang madaldal!). naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maintindihan si Sir Leo. natutuwa nga ako sa kanya kasi hindi nya ginagawang hadlang ang kapansanan nya para mabuhay ng normal. ako, eto, wala man lang akong magawang paraan para intindihin sya.
sa kung paanong paraan, natapos ang kwentuhan namin. umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay at naisipan kong magtext kay Sir Leo. humingi ako ng sorry kasi hindi ko naintindihan ang karamihan ng mga sinabi nya. okay lang daw yun, at natuwa pa sya na naisipan kong mag-sorry sa isang bagay na kung tutuusin naman daw ay hindi ko kasalanan.
sana pala kasi nag-dentistry na lang ako nung college ako. para nakakaintindi ako ng salitang puro vowels lang ang ginagamit. or, sana, nag-aral na lang ako sa Poveda, para may kasama na ring sosyal na accent!
Sinusubaybayan ko itong blog mo. Love this particular entry.
ReplyDeleteHindi mo yata nabanggit in your previous blog na meron kang bagong work?
Ano ang bagong work mo?
Thank you.
ew
ReplyDeleteYour blog basically just ate up my whole day. Is there any way I could contact you for your services, Sobrang aliw ako sa stories mo. ;)
ReplyDeleteThank you for sharing and it is so good to see you back. You are so crafty when it comes to weaving such an amusing story based from your personal experience. Nakakaaliw talaga kaya naman namimiss ka namin kapag matagal kang hindi nakakapagsulat. Good luck on your new job and give us a hint kung ano itong bago mong pinagkakaabalahan. Ingat.
ReplyDeleteSobrang sarap talaga basahin ng blogposts mo. Nakakaaliw!
ReplyDelete