31 December 2012

BoyShiatsu Year-End Special

huling araw na ngayon ng 2012, at bukas at 2013 na, although pinaniwala tayo na ang huling araw ng mundo ay nung 21st. ang astig na sana kung yun nga ang totoong last day ng mundo... yun din kasi yung araw ng company outing namin sa enchanted kingdom! imagine kung anong klaseng takot (at lafftrip!) ang naramdaman namin ng sumakay kami sa space shuttle ("shit, may matatanggal na turnilyo sa riles ng shuttle, tapos sasabit yung tren dun, then tatalsik tayo at mamamatay!"), anchors away ("masosobrahan sa lakas ng swing yung barko, magiging 360 degrees turn, so malalaglag lahat tayo!"), flying fiesta ("makakalas yung mga kadena ng mga swing, tapos sa sahig, may mga zombies nang nag-aabang sa atin!"), jungle log jam ("diba may namatay na dito? may mamamatay daw ulit... tayo!"), ekstreme (dire-diretso na daw na aangat yung cabin papuntang heaven. at least sa heaven ka mapupunta!"), at rio grande rapids (imagine kung kumukulong tubig yung ginamit nila dito... o kaya dugo!"). yan, yan ang kalokohan ng mga ka-opisina ko! tapos, yung fireworks display daw sa gabi, instead na explosives, mga asteroids daw! pero natapos ang araw na walang nasirang sasakyan, walang nabalitang namatay, at walang asteroid na nagpakita. so tama nga ang hinala namin... amalayer ang mga mayans! hindi totoong end of the world nung 21st. at mali din yung una naming assumption na baka filipino time lang ang "sundo" kaya medyo na-delay. ibig sabihin, tuloy ang buhay. at eto na nga, bukas, tatawid na naman tayo sa panibagong taon. pero bago ako tuluyang mag "i love you, goodbye" sa taong 2012, pagbigyan nyo po akong balikan ang ilan sa mga highlights ng taong 2012 ko.

malupit sa akin ang taong 2012... malupit sa magandang paraan. malupit hindi dahil gusto nya lang mag-powertrip. malupit kasi may gusto syang magandang resulta na makamit. at masaya ako kasi karamihan naman sa magandang resulta ay nakamit ko sa taong ito. maraming bago sa akin sa taong ito, at malaking-malaki ang epekto sa akin ng mga pagbabagong ito.

isa sa pinakamalaking highlight ng 2012 ko ay ang pag-usbong ng artistic side ko. performing arts is one of my biggest passions, and napakaraming binigay na opportunities ng taong ito para mas palawigin (naks! ang lalim ng word! palawigin!) ko pa ang talento ko sa larangan ng performing arts. unang-una sa listahan ang Sipat Lawin family na gumawa ng Battalia Royale. mula sa pagiging nobody  at totally-unrelated-person (ni wala nga akong napanood sa first run ng show sa ccp eh!), naging fan ako ng palabas, hanggang sa naging super fan, then naging part ng "official" fan group, then naging volunteer, hanggang sa naging official part ng production team... at nabigyan pa ako ng pagkakataon na maging part ng cast! (for the mini-show, aka fragment). nandyan din ang SPIT Manila, and pareho din yung story cycle ko. from someone who has no idea what the show is, i became a one-time audience, hanggang sa naging regular audience, hanggang sa naging feeling close (and, luckily, naging close nga!) na fan sa mga performers. for their september rookie month, i was given a chance to perform with them. at ito ngang buwan na ito, kinuha nila ulit ako to join two shows in bonifacio global city! amazingly unbelievable! ngayong taon ding ito nagsimula ang hosting stint ko para sa rockeoke showdown sa restaurant ng boss ko. this year din, naging active na member ako ng dance troupe ng call center company where i stayed for a few months. at nagkalat din sa buong taon ang mga panaka-nakang hosting gigs, turo ng sayaw, brainstorming for storylines, at naging cast pa ako sa isang infomercial video, with matching flyers and online campaigns! sa taong ito, naranasan ko kung paano maging artista... at sana ay tuloy tuloy na!

roller coaster ride din ang yuppie life ko ngayong taong ito. sa simula ng taon, nagkaroon ako ng mga problemang financial, kasama na ang sunod-sunod na kamalasan pagdating sa pera at kalusugan. kaya nagdesisyon ako na talikuran ang pagiging full-time pokpok at muling harapin ang mundo ng isang empleyado. bumalik ako sa call center makalipas ang halos isang taon... baka sakaling namimiss na sya ng katawan ko. kaso, talagang isinusuka na sya ng sistema ko eh. at bagamat generally ay masaya ako sa unang call center ko sa taong 2012, napilitan akong mag-resign dahil na naman sa isang maliit na bagay... unharmonious working relationship between me and my team leader. (actually, hindi pala sya maliit na bagay!). dahil wala naman akong ibang trabahong pwedeng pasukan, pumasok na naman ako sa isa pang call center (kahit alam kong ayaw na ayaw na ayaw na ayaw ko na!). pero ilang buwan lang, at sumuko na naman ako. para bang kahit anong mindsetting ang gawin ko, talagang nirereject na ng buong pagkatao ko (mula ulo hanggang ingrown) ang pagiging call center agent. kaya laking pasalamat ko na nabigyan ako ng pagkakataon na magpalit ng career path. isang kaibigan kong businessman ang nag-offer sa akin na maging personal assistant nya. kaya mula sa pagiging kaibigan, boss ko na sya. mula sa pagiging customer service representative, naging dakilang alalay ako. mula sa fixed 9-hour workday 5-day workweek, naging super irregular ang working hours ko, depende sa schedule ni boss. mula sa halos 5-digit salary per cutoff, ngayon eh halos kalahati lang ang nakukuha ko kada sweldo. parang ang pangit pakinggan, pero sa totoo lang, masayang-masaya ako sa trabaho ko. kasi dito, hindi ako nakakahon, at hindi ko kailangang magpanggap na ibang tao. nagiging totoo ako sa sarili ko. hindi de-minuto ang kilos ko. hindi limitado ang pwede kong gawin. sa halip, ine-encourage (at minsan, nire-require!) akong mag-isip outside the box, under time pressure, with a lot of factors to consider. talagang nababatak hanggang sa kahuli-hulihang hibla ang utak ko. paminsan-minsan, may mga bagay akong kailangang matutunan sa maikling panahon. to adapt to this fast-paced and challenging working environment, kinakailangan kong mag-isip ng mga paraan at taktika para mapadali ang trabaho, makapagproduce ng resulta, at mag-cause ng malaking impact sa business. dito, ramdam na ramdam kong malaking bahagi ako ng kompanya kahit na "alalay" lang ako. nandyan na rin ang mga pagkakataon na kailangan kong humarap at mag-sales pitch sa mga nakatataas sa mga kompanyang kliyente namin, o kaya ay makipag-chika-chika sa mga kilalang personalities, at sa isang pitik ay kailangang kaya mong makipag-negotiate sa mga "masa"... define flexibility! not to mention na meron na rin akong sariling desk at sariling work laptop computer (kesehodang ubod ng bagal at walang battery, kaya kailangang palaging nakakabit ang power cord)... astig! sa taong ito, naranasan kong maging TOTOONG working yuppie... at sana ay tuloy tuloy na!

naging marka rin ng taong ito para sa akin ang travel. unang buwan pa lang ng taon, nagkaroon na agad ako ng pagkakataon na pumunta sa cagayan valley! (seryoso, before i went there, i have no idea where it is!). nakadalaw ulit ako sa puerto galera nung holy week ngayong taong ito, at kasama rin sa listahan ng mga lugar na napuntahan ko ang boracay, clark, spiral buffet, world trade center, batangas, cultural center of the philippines, star city, bistro filipino, enchanted kingdom, dumaguete, resorts world, sm moa director's club cinema, cash and carry, makati medical center, the newly-renovated bed bar, museo pambata, xavierville subdivision, pansol, sycip park, luneta, nbc tent, at isang karinderya na ang pangalan ay "motolite"! kahit na minalas na hindi makakuha ng passport ngayong taon (dahil sa mga lintek na id's!), masaya pa rin at marami-rami akong bagong lugar na napuntahan, at ibang lugar na nabalikan. sa taong ito, naranasan kong maging manlalakbay... at sana ay tuloy tuloy na!

kung usapang kalusugan at pera naman, medyo challenging pa rin sya this year. pero pagkalipas ng samu't saring money shortage, ilang paper bills na nawala, dalawang cases ng vertigo na nangailangan ng bed rest, mahigit tatlumpung piraso ng gauze pads para sa pitong ulit na pagdalaw ni Peggy, a chipped front tooth, ilang beses na ubo, sipon, at lagnat, at maraming beses na overspending, heto't natawid ko naman ang 2012 na kumpleto pa ang katawan at may wallet na may laman. hindi pa rin ako nakapagbukas ng savings account, at hindi pa rin ako nakapag-invest sa ilang mga long-term properties, pero sa taong ito, natutunan at nalaman ko ang tunay na halaga ng pera at kalusugan... at sana ay tuloy tuloy na!

malaki rin ang improvement ng social life ko ngayong taon. dahil na rin sa mga bagong ventures and activities ko, nagkaroon ako ng mga bagong circles of acquaintances and friends. na-rekindle din ang friendship ko with some high school friends, salamat sa aming 10th anniversary. isa pang naatanging kwento na may kinalaman sa social life ko this year ay ang aking controversial lovelife, at ayoko nang maglagay ng iba pang detalye. pero siguro ang pinaka-importanteng pagbabago sa social life ko this year ay ang pagkakaroon kong lakas ng loob na, finally, dalawin at kausapin ang tatay ko. naramdaman ko na lang na hindi na healthy para sa akin at sa amin ang sama ng loob na nararamdaman ko, at oras na para wakasan yun. nagkita at nagkausap ulit kami matapos ang maraming taon. nagkaayos? i'm not sure. may awkwardness pa rin pag magkatabi kami, lalo na nung pasko. pero, pasasaan ba't darating din yun. proud ako sa sarili ko sa pagkakaroon ng tapang na bitawan na ang mabigat na pasaning ito. sa taong ito, naranasan kong muli ang maging kabilang ng isang pamilya, isang barkadahan, isang samahan... at sana ay tuloy tuloy na!

sa dami ng mga blessings na natanggap ko ngayong taong ito, isang aspeto ng buhay ko naman ang may malaking pagkukulang... ang pagiging BoyShiatsu ko. ngayong taon, higit na kaunti ang naging kliyente ko kumpara ng mga nagdaang taon. ibig sabihin, mas kaunti ang kita. mas malaki ang porsyento ng mga one-time customers kaysa sa regular clients, at aaminin ko na marami ring hindi 100% satisfaction services. kaunti na lang din ang nag-i-inquire thru text at email (may mga araw pa nga na wala akong natatanggap na inquiries!). at ultimo dito sa blog, tumamlay ako. from 90 entries last year, ngayon eh naka-57 lang ako (kasama na itong entry na ito). honestly, nalulungkot ako. kasi kahit anong pagtatambling-tambling pa ang gawin ko, bahagi na talaga ng buhay ko ang pagiging BoyShiatsu ko eh. it's something na minahal ko na at parte na ng kabuuan ko. kaya kapag tumamlay o humina ito, nababawasan ang kabuuan ko. pero, okay lang... siguro talagang destined lang ang taon na ito na maging weak year for BoyShiatsu. and, looking at a positive angle, mas maraming opportunities to improve this aspect of my life next year! nakaka-excite!

ang sarap balikan ng tatlong daan at animnapu't anim na araw na nakalipas, kasama na ang mga tawa, iyak, takot, galit, libog, gutom, at kung anu-ano pang emosyon... at ang mga leksyon na kalakip nito. ngayon na nakita ko kung gaano ka-fruitful ang 2012 ko, sangkatutak na energy at excitement ang makakasama ko mamaya sa pagsasayaw sa kalsada ng ayala kasama ang mga kaibigan, na susundan ng sabay-sabay na pagbilang ng huling sampung segundo ng taong 2012, at isang magalak na pagsalubong sa taong 2013, lalo pa't sabi sa feng shui ay swerte daw ang year of the ox ngayong year of the water snake.

ikaw, kumusta ang 2012 mo? alam kong marami ka ring hindi makakalimutang mga pangyayari sa buhay mo, maganda man o pangit, ngayong taon na ito. naway wag mong kalimutang bitbitin ang mga masasayang ngiti, maiingay na halakhak, makabuluhang learnings, bagong discoveries, at ang newly-improved version of you sa pagtawid natin sa panibagong taon.

ako po si BoyShiatsu, bumabati sa inyo ng isang ligtas at masaganang bagong taon!

11 December 2012

Bentesyete Weekend Special

WARNING: mahaba ang entry, pasensya na.




at dumaan na naman ang pinakahihintay kong araw... december 9. nadagdagan na naman ako ng isang taon. at dahil nagkataon na sunday ang special day ko, naging weekend-long ang celebration ko. actually, normal na sa akin ang maraming araw kung mag-celebrate ng birthday, at hindi ko alam kung bakit ako ganun! maraming maraming salamat sa lahat ng mga bumati sa facebook, twitter, bbm, sa text, at sa tawag. (ay, teka... wala palang tumawag! haha!). sa mga hindi bumati, magkakatotoo ang mayan prediction sa inyo... magtatapos na ang mundo nyo sa december 21! bwahahaha! joke lang.

pagbigyan ang bata, let me share how my weekend went. sige na, bertdey ko naman eh! and pasensya na kung medyo mahaba.

* * * * *

nagsimula ang lahat ng december 7, biyernes. naisipan kong bilhan agad ang sarili ko ng isang kyut na notebook sa dunkin donuts. and of course, orange yung pinili ko. favorite color.


nung gabi na, inaya ako ng isang kaibigan na gumala. sa totoo lang, wala akong plano talaga. pero since wala naman akong gagawin, sige, sumama na ako. naligo, nagbihis, nagpabango, at nagpapogi. pupunta daw kasi kami sa tides. malay mo makaabot pa ako sa deadline ko sa sarili ko na magkaroon ng special someone bago sumapit ang bertdey ko, hehehehe... at habang naglalakad na ako papunta sa sakayan, nagtext na ang kaibigan ko... hindi na daw tuloy ang gala! anak ng puting penguin! contodo bihis at porma pa ako tapos cancelled? kainis! para hindi masayang ang porma, pumunta na lang ako sa isa sa mga restaurants ng boss ko na walking distance lang. mabuti na lang may gift certificates ako, may budget pambili ng pizza at alcoholic drink. loner kung loner, pero wapakels.


naalala ng manager ng restaurant (na kaibigan ko) na bertdey ko na in a few days, kaya bilang gift nya daw sa akin... tequila train, aka the throat-torture train! anim na shotglasses with tequila and a mix: (from mildest to strongest) orange juice, pineapple juice, amaretto, grenadine, blue curacao, coffee liquor.


at pati si chef, hindi nagpahuli. masarap daw na kapartner ng tequila train... a platter of papadum crisps! tsalap!


umuwi ako ng medyo tipsy pero sobrang happy... looks like the weekend is going to be a really exciting one!

* * * * *

saturday, december 8, immaculate conception. (wala lang, maikonek lang, hehehehe...) maaga akong nagising dahil i'm supposed to meet my boss's partner, may ipinapaabot lang sa akin. pero dahil sa katamaran (at sa hangover), hindi na ako tumuloy. instead, naisipan kong i-declare ang araw na ito bilang "Me Day Before My Bday!" may hashtag pa nga yan eh. sumugod ako sa reyes haircutters para magpagupit at magpa-footspa. pero ang lintek na salon, isa lang ang available na barbero, so pangpito pa daw ako sa pila para sa gupit. sa footspa naman, pangatlo pa daw ako! KALOKOHAN!!! kaya change route ako at pumunta sa waltermart, kahit hindi ako sigurado kung anong salon ang nandon. nakita ko ang freshaire... parang tatak lang ng kendi. tinignan ang list of services. haircut... 130php. check! foot spa... 260php. check! pasok sa loob, nagpalista, at agad akong hinila ni ate papunta sa foot spa corner. pili daw ako ng scent. i chose green tea... para amoy tsaa ang paa ko! ayun. ibinuhos ni ate ang green tea syrup sa lukewarm water na nakalagay sa footspa machine. pinaandar. ibinabad ang paa ko at sinimulang pakuluan hanggang sa lumambot at pwede nang isigang. pagkatapos ay kinudkod ng kinudkod ni ate gamit ang papel de lihang nakadikit sa kahoy. nakakakiliti, pero ayoko namang tumawa ng "hihihi"... baka mapagkamalan akong bakla! (ah ewan!). pagkatapos ng pakuluan at kudkuran, pinahiran ng kung anu-anong lotion ang paa ko, pagkatapos ay hinugasan, at pinunasan. voila! nagmukha nang paa ang paa ko, hindi na mukhang excerpt sa tulay na lupa.

isinunod ang haircut. dahil nagsasawa na ako sa gupit kong mohawk (na according kay ateng manggugupit, hindi daw mohawk yung gupit ko, ducktail daw), nakipagdiskusyunan ako kay ate kung anon magandang gawin sa buhok ko. and nagkasundo kami sa isang magandang resulta... mohawk! this time, yung totoong mohawk. yung pudpod yung gilid, mahaba yung gitna, at manipis yung likod (yung ducktail kasi, pati yung sa likod mahaba, nagmumukha akong moriones!) gupit gupit gupit, ahit ahit ahit, daldal daldal daldal, at natapos na ang obra ni ateng manggugupit! natuwa ako sa gupit ko. and, kagaya nga ng sabi ni Kris Aquino, ayrabet!!!

pagkatapos ng mini-pampering time, oras na para lamanan ang tiyan... go kitaro!!!


starter pa lang yan. may kasunod pa yan na chicken teriyaki bento. gutom kung gutom.

pasado alas-dos na ng hapon ng umalis ako sa waltermart. mabuti na lang at hindi pa nagsisimula ang pride march (ala-una dapat ang start time nya, pero alas-tres na sya nagsimula) kaya nagawa ko pang umuwi, mag-freshen-up, at tumakbo papuntang makati city hall to join the love yourself float. saktong-sakto na bagong gupit ako... pogi... pwede pang mahabol ang deadline! to think na for sure, maraming bakla dun (malamang!), siguro naman (at sana naman!) eh makakabingwit ako ng kahit isa lang (kung more than one, why not! hee hee). and i'm really excited kasi first time kong sasali sa pride march.

sakto ang dating ko sa makati city hall, bago pa lang lumalabas ang float ng love yourself. it's so fun to see old faces and new faces sa sasakyan ng love yourself. matagal-tagal akong hindi naging aktibo sa grupo, kaya sobrang namiss ko sila! more than love yourself, maraming mga lgbt-oriented organizations ang sumali sa parada. iba't ibang sakop, iba't ibang eksena, iba't ibang pasabog, iba't ibang paandar, pero lahat bongga, lahat masaya. may mga naka-bodypaint na gold, may mga naka-9gag-inspired masks, may mga nakaputok na putok na sando at tshirt, at may mga machong naka-heels. ang pakulo ng love yourself, lahat kami eh naka-sash ala-miss-universe. pero hindi bansa ang nakalagay sa sash kundi mga gay attitudes and personalities. at kung suswertehin nga naman, eto ang na-assign sa akin.


saktong-sakto diba? hahahaha! well, proud to be one.

sa kalagitnaan ng parada, naisipan naming bumaba sa float at maglakad na lang... aka, rampah! masayang maglakad, at ang saya na yung mga taong nanonood ng parade na hindi miyembro ng lgbt community ay hindi nangungutya, bagkus ay natutuwa sila sa nakikita nila. may isang grupo pa ng mga nanay na sumigaw na "grabe, ang popogi nyo!" ang swerte ng mga kasama ko, ako lang yung dapat sasabihang pogi, pati sila nadamay! (kapal!). pero may agaw-eksena sa parada. may ilang kabataan (feeling ko mga high school or college students pa lang sila) na may hawak na malalaking flash cards na sumasalungat sa tema ng parada. biruin mo, isa sa mga nakasulat ay "being gay is not good for it is a sin"! tapos meron pang "ang sex bago ang kasal ay isang kasalanan."! pero ang pinakanakakainit ng ulo is yung "god created men and women. the devil created gays and lesbians."! aba aba aba! eksena pala ha! hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla na lang akong lumapit sa isa sa kanila at niyakap ko siya! maya-maya pa, buong love yourself na ang nagkumpulan at yumakap sa mga batang ito. haaayyy... ang sarap sa pakiramdam!

more more lakad, more more picture, at more more kulitan, hanggang sa nakabalik na kami sa city hall. ang daming familiar faces at mga kaibigan na nandun, pero hindi ko na nagawang mag-stay sa open ground para sa program. kailangan ko pang umuwi, magpahinga, at mag-prepare para sa pinakahihintay kong ganap sa araw na ito.

maswerte ako at napili ako ng SPIT Manila na maging bahagi ng palabas nila sa bgc for all weekends of december! wow, as in wow! ang tagal kong pinangarap to, and finally, eto na nga! pagkadating sa bahay, nagpahinga muna ako saglit at nagprepare na para sa show. dumating ako sa bgc at mi-neet ang cast ng SPIT Manila. kasama ko lang sila nung huwebes (regular show nila sa quantum cafe) and yet heto't magkakasama na naman kami. this time, though, hindi na ako audience... kasama na ako sa kanila! yehey!! kumain muna kami at nagkwentuhan, pagkatapos ay nag-briefing sa kung anong mangyayari sa show. until, tick-tock, quarter to 8 na! nag-warm-up games kami backstage at pagtungtong ng alas-otso ay pumunta na kami sa stage at nakipagsayaw kay Santa using bgc's augmented reality screen (aka, kalokohan!) kaunting kulit kulit and then show proper na. ang taas ng energy ko! hindi talaga ako makapaniwalang nandun ako with SPIT cast, performing with them, entertaining the audience. at bagama't maikli lang ang show namin (one hour lang instead of the usual two-hour two-set show), sobrang sarap sa pakiramdam na nakikijamming ako sa mga taong dati eh pinapanood ko lang, at sabay-sabay naming pinapasaya ang mga manonood.

pagkatapos ng show ay pumunta kami sa ortigas kung saan nandoon ang ilan pang members ng SPIT. (dalawa yung show that night, kaya hinati ang grupo). we had dinner at shakeys at pinag-usapan ang naging experience for both shows, lalo na ako at ng isa pang newbie. nakakatuwa ang SPIT Manila people. walang kaere-ere sa katawan. during our kwentuhan, talagang nakikinig sila sa kung sino man ang nagsasalita, kahit ako na saling pusa lang sa grupo. totoo ang mga tawa, bull's eye ang asaran, benta ang mga punchline, at talaga namang clash of the titans kapag debatehan. umabot ng dalawang oras ang dinner at kwentuhan, at nakakatuwa na isa-isa nila akong binati (umabot na kasi ng alas-dose) for my birthday. wow, naalala nila. astig! nakisabay sa isa sa mga miyembro pauwi sa makati, at natulog akong may ngiti sa labi, excited na gumising in a few hours.

* * * * *

december 9... ang bertdey, bow! maaga akong gumising dahil uuwi ako sa rizal to celebrate my birthday with my family (well, the first half of the day at least). ngayon lang ulit ako magbebertdey na kasama sila, kaya sobrang excited ako. although nakakainis kasi ang lakas mang-troll ng telepono ko. saktong ngayong araw pang ito nagloko! pucha lang! but, bagama't importante ang gumaganang telepono sa akin sa araw na ito, i did not let it ruin my day. ngiti pa rin! excited akong nagbyahe papunta sa sta lucia mall kung saan kami gagala ng family ko. ang sarap ng byahe, walang ka-traffic-traffic, laban kasi ni Pacquiao (sidenote: magalit na kayo kung magagalit, pero i'm actually happy na natalo s'ya! hehehe...) pagbaba ko pa lang ng jeep, nakita ko nang nakatayo si mama, si ate, at ang dalawa kong pamangkin sa may entrance ng mall. nakita rin agad nila ako, at agad-agad na tumakbo ang nephew ko papunta sa akin, at yumakap! kasunod naman ang ate nya na agad ring lumingkis sa akin. "happy birthday tito!" bati pa nila sa akin. ang sarap pakinggan... at talagang sobrang na-miss ko sila. dahil hindi pa nag-aalmusal, naghanap na agad kami ng makakainan. and, for a change, hindi kami nag-jollibee! dinala ko sila sa shakeys... excited ang lahat kasi first time nilang kakain dun. pizza, pasta, mojos, and garlic bread... eto ang naging handa ko para sa bertdey ko.


nakakatuwa kasi ang daming pagkain. and nakakatawa yung sa pizza. wala sa kanilang kumakain ng gulay sa pizza, kaya everytime kukuha sila ng isang slice, tinatanggal nila yung gulay... at inilalagay sa plate ko! after ng kainan, pakiramdam ko talaga sobrang healthy ko na! at dahil naibulong pala ng ate ko sa waitress na birthday ko, may libre akong sundae! ayun, ipinakain ko sa dalawang chikiting.

matapos kumain ay umakyat kami sa uppermost level ng mall ng masa (hehehe...) kung saan nandun ang world of fun! pagpasok pa lang, nagtatakbo na agad ang mga pamangkin ko! kanya-kanya nang pili ng rides at games. kaya no choice na ako kundi magpapalit ng tokens. ayun, halos lahat ng game eh nilaro nila. nagkakatuwaan kami ng mga bata ng napansin naming hindi na namin kasunod ang mama ko. aba, ang dalaga (yup, dalaga daw sya! haha!), ayun at nakaupo sa piso games at ang dami na nyang napanalunang tickets! nakakatuwa si mama panoorin pag naglalaro ng piso games. feel na feel nya talaga yung laro to the point na talagang sumisigaw at tumatalon pa sya kapag maraming nalalaglag. i guess may pinagmanahan nga ako when it comes to arcade games.

matapos makakolekta ng maraming ticket ay nag-ikot pa kami sa world of fun to try the rides. sumakay ng carousel yung mga pamangkin ko. nainggit ako, kaso di ako kasya sa kabayo dun sa carousel. kaya sumakay na lang ao dun sa mga de-motor na animal rides. may picture ako, kaso kita yung mukha ko, so hindi ko ipopost! hahaha eto na lang, video ng pagsakay namin ng niece ko sa pambatang coaster train ride.


sorry naman kung medyo nahilo kayo sa walang kwentang video.

pagkatapos mag-hoarding ng tickets, magpakapagod sa rides, at mag-claim ng prizes, pumunta kami sa department store at ibinili ko ng early christmas gifts ang dalawang bata... sandals at laruan. and dahil gusto ko rin ng laruan, inaya ko silang kumain muna sa mcdo bago umuwi... para makapag-happy meal!

jack frost, mr sandman, santa's north globe, santa's elf, tooth fairy, easter bunny... collectively known as the guardians! i'm now a very happy boy!

tinapos namin ang family bonding by having a family photo taken sa may christmas booth ng mall sa halagang 75 pesos! ayoko pa sanang umalis, gusto ko pang makasama ang pamilya ko. kaso i still have a long day, at tsaka nade-deplete na rin ang wallet ko. nagpaalam na ako sa pamilya ko at pumunta ng robinsons galleria para i-meet yung partner ng boss ko (yung utos nya sa akin nung sabado, ngayon ko lang ginawa!). mabilisan lang. ni hindi nga sya bumaba ng kotse. binuksan nya lang yung window, iniabot ko yung dapat kong iabot, and boom! mission accomplished. naglakad na ako at tumawid papunta sa kabilang side ng edsa... and maling lane pala yung napuntahan ko. kailangan ko kasi pumunta ng moa. so umakyat na naman ako sa overpass para lumipat sa kabilang lane.

habang umaakyat ako sa overpass, may nakasabay akong manong in his 50s na may dala-dalang malaking kahon na parang ang bigat bigat. that's it! something new na gagawin ko sa birthday ko... a random act of kindness! nagpresenta ako kay manong na ako na lang ang bubuhat ng kahon. maliwanag naman ang ngiti ni manong sa inoffer kong tulong. kinuha ko ang kahon... and OMG! sobrang bigat na! pero, nandun na rin naman ako, go na! tinanong ko si manong kung saan ba sya pupunta. kailangan nya daw pumunta ng fairview. ibig sabihin, tatawirin ulit namin ang kahabaan ng overpass! so hindi lang pala random act of kindness itong pinasok ko... ambush workout na rin! haha! nilakad namin ang overpass sa ilalim ng galit na araw hanggang sa makaabot kami sa kabilang side (whew!) matamis ang ngiti ni manong at malugod syang nagpasalamat sa akin. hindi ko sya kilala, oero the fact na napangiti ko sya, masaya na ako dun. tumawid pabalik sa kabilang side habang hinihimas ang kanang balikat (nangalay sa bigat ng binuhat ko!) at sumakay na ako ng bus papuntang moa.

nagbyahe ako papuntang one esplanade para sa isa pang bagong bagay na first time kong gagawin sa birthday ko... rumaket! and, nope, hindi naman sya masahe. ibang raket. year-end party ng Aegis (yung call center, hindi yung banda!) and i have a friend who works for the events team who organized it. she asked me kung pwede daw ba akong mag-tao sa registration booth and malugod naman akong pumayag for 2 reasons: (1) something new to do during my birthday, and (2) kailangang ma-refill ang naubos na pera kaninang umaga! madali lang naman ang gagawin. tatayo lang (or uupo, kung may bakanteng upuan) sa registration area, check the ticket and id of the attendees, get the raffle stub, and boom! and 3 hours lang. ayus. it went on like a breeze. nagulat na lang ako na nakaka-tatlong oras na ako! that's it! job well done! iniabot na sa akin ang talent fee (ang bigat pakinggan... talent fee!) ko and i'm good to go. saktong dating na rin ng sundo ko for that night.

isa sa mga blog readers ko, si Jack, ang nag-offer na i-treat ako for dinner on my special day. tatanggi pa ba ako? libreng hapunan? go! and ako pa ang may privilege na mamili kung saan kami kakain. and only one restaurant crossed my mind... yakimix!! mula sa one esplanade, sugod kami sa yakimix... only to find out that the buffet will close in 30 minutes. buffet... 30 minutes... augmented reality (kalokohan!). and dahil nga nag-crave na ako for japanese food, sa katabing restaurant na lang kami pumunta... sumo san!

dahil gutom na gutom, medyo marami akong inorder: kani sashimi, assorted sushi, grilled chicken combo meal, at bottomless green tea (yup, lalasahan ko yung paa ko!). si Jack naman, salad at maki lang ang inorder. first time kong kakain sa sumo san, at natuwa ako sa bilis ng service nila. wala pa yatang five minutes, halos kumpleto na yung order namin. ang mali ko lang, i should have taken a hint from the restaurant's name regarding the serving sizes... sumo san...pang-sumo! HUMONGOUS SERVINGS!!! yung meal na for one, good for three or four!!


and that's just a portion of the meal!

at dahil nga sobrang laki ng servings... hindi na kinaya ng tiyan ko na kainin ang grilled chicken, japanese rice, at ebi tempura (both included in the combo meal). pina-take-out ko na lang, pwedeng midnight snack yun, or breakfast. botchog na botchog, bumalik na kami ni Jack sa sasakyan nya at nagplano kung saan susunod na pupunta. and from moa, napadpad kami sa serendra! dinala ko si Jack sa isa pang restaurant ng boss ko for a few booze and some kwentuhan. what a nice way to end my day. and si kuyang waiter (since kilala ko rin), may gift pa sa akin na isang mixed drink in a shotglass. pinaghalo nya lang on the spot, so may karapatan akong tawagin yun na BoyShiatsu Spirit! ahehehehe.... pero my favorite drink for the night is one of our restaurant's signature drinks... flaming hot g!


yes, people of the philippines, apoy yung nakikita nyong kulay blue sa cocktail glass at sa shot glass!

ibubuhos yung laman ng shotglass sa cocktail glass, thus creating a trail of flame. pagkabuhos, iinumin ang laman ng cocktail glass using a straw. a 10-second routine, pero sobrang astig!

after a few more drinks, madaling araw na. tapos na ang bertdey. inihatid ako ni Jack sa bahay. pagod, stressed, at hapong-hapo, pero sobrang saya. i can't believe that i did a lot of things during the weekend. panalo ang 27th ko! although medyo nalungkot lang ako... hindi ko nabeat ang deadline ko na magkaroon ng special someone on or before my birthday (and, nope, wag nyo kami gawan ng issue ni Jack! hahahaha!). okay lang. extend ko na lang yung deadline to christmas.

* * * * *

december 10, the 27th aftermath. i was suprised when i saw these sa table sa office namin.



two dozens of colorful j.co donuts from my officemates!

isang beses pa lang ako nakakain ng j.co donuts, at di sya pumasa sa akin. yet i gave it another chance (tutal libre naman) and nagbago ang isip ko... these donuts are uber good! and i even got gifts from them... company notepad cube! ahahaha! and the day just went on in a very light and good mood. sobrang saya!

masasabi kong isa ito sa mga pinakamemorable na birthday celebration at weekend ko. in 3 days, ang daming naganap, lahat masaya. i can't wait to face the 27th year with open arms and wide grin. nakikita ko nang this is going to be one exceptional year!

happee birthdae to me!

* * * * *

winning moment: nagtext si boss ko on the day of my birthday.

boss: birthday mo pala, di mo sinabi sa akin.
bs: nyek! ilang beses ko kaya sinabi sayo.
boss: happy birthday my dear gertrude (sya si ma'a kemmy, gets?). what do you want for your birthday?
bs: ipad! ahehehehe...
boss: ah... sige... happy birthday na lang!

tambling!

06 December 2012

Ey Wah?!

una sa lahat, super sorry na ngayon lang ako nakapag-blog ulet. masyado kasing busy sa bagong work, naaaliw yata sa akin masyado ang boss ko! ang daming ipinapagawa. pero ayus lang naman, kasi marami rin namang perks. bukod sa libreng foods at mga gala (pag tinotopak si boss, hehe), may mga libreng makeover pa!

last week, isinama ako ng boss ko sa dentist nya para maipaayos ko na ang pasta ng ngipin ko, at may libre na ring cleaning. nakakamangha yung dentista na masyadong perky. habang kasalukuyang nakasulasok sa bibig ko ang dalawang kamay nya na may hawak na kung anong aparato, tsaka ba naman naisipan na tanungin ako ng kung anu anong bagay!

dentista: kailan ba nasira itong pasta?
bs: ah-eh-ung-uh-ahs-ah-oh
dentista: bakit nasira?
bs: ih-ih-oh-oh-a-ahm-eh

ang ikinakagulat ko...  kahit puro vowels lang ang binabanggit ko, naiintindihan nya ang sinasabi ko! aba'y ayos na skill to ah! kapaki-pakinabang! naalala ko tuloy yung nangyari sa amin ni Sir Leo.

mukha namang matalino si Sir Leo sa text. in fact, makwento sya sa text. anghahaba lagi ng mga reply nya sa mga kapirasong texts ko. when i asked him to call na lang kasi ako yung napapagod sa pagbabasa ng mahahaba nyang messages, he declined, he cannot make a call daw. so sige, nagtodo kwentuhan kami sa text. normal na nagtanong sya tungkol sa service ko at sa rates, at hanggang sa nagkasundo nga kami na magpapaservice sya ng weekend.

dumating ang weekend at nagkita nga kami ni Sir Leo. nauna na sya sa motel. itinext nya sa akin kung saan ang motel at sumunod naman ako. magkatext pa rin kami habang naglalakad ako papunta sa motel. mukhang madaldal yata talaga itong si Sir Leo... masaya to!

kumatok ako sa kwarto kung saan naka-check-in si Sir Leo, bumukas ang pinto at bumati sa akin ang malambing na ngiti ni Sir Leo. agad akong pumasok sa kwarto at bumati.

bs: kumusta po Sir Leo?
leo: oh-ey-ang-a-oh. eh-ih-aw-uh-uh-ah-ah-eh?

WHOAH!!! teka lang!!! ngongo pala si Sir Leo! well, wala naman akong problema sa ngongo. nagulat lang ako, di ko inexpect. pero, iisang tabi na yun, tutal naintindihan ko naman yung tanong nya.

bs: okay naman po. medyo matraffic.
leo: a-yah-nga-eh. a-ah-yo-ah-ng-ya-eh-oh. oh-ee-ah!
bs: okay lang yun, ano ka ba! ligo lang ako ha.

nag-shower na ako at narinig kong nagsasalita pa rin si Sir Leo. ako yata ang kinakausap. pero dahil nasa loob ako ng banyo, at malakas ang shower, hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. (yes, yun yung dahilan, hindi sa dahil ngongo sya). sumagot na lang ako na mamaya na kami mag-usap pagkatapos ko maligo. sumigaw sya ng OA. putcha! di maiwasang uminit ng ulo ko! eh sa hindi ko sya marinig eh. kasalanan ko ba yun?! tawagin pa akong OA? then pumasok sa utak ko... ahhhh... "okay" pala yung isinagot nya. whew!

nakadapa na sa kama si Sir Leo ng lumabas ako ng banyo. ready na para sa masahe nya. umayos na ako at sinimulan ang masahe.

leo: wa-ah-ya-oh-ah-eeh-in!
bs: ah, sige po.
leo: eng-yoo!

tuloy tuloy lang masahe, at tahimik naman si Sir Leo. maya-maya pa ay nagsimula na ang extra service namin. mukhang nag-eenjoy naman si Sir Leo sa ginagawa ko sa kanya. panay ang ungol nya eh. palakas ng palakas!

ahhh-eh-ahhhh-ee-i-eeh-ang-ah-oh!!!

tuloy tuloy lang ako sa pagpapaligaya sa kanya, ungol lang sya ng ungol eh. yun ang akala ko.

itinulak ako ng bahagya ni Sir Leo... naiihi na pala sya!

pinaihi ko muna ang kliyente. balik-aksyon paglabas na paglabas nya ng banyo... langya, parang guina pig sa kalibugan itong si Sir Leo ah! hanggang sa matapos ang maraming legit na ungol (or, i'm not really sure, baka may sinasabi na pala syang propesiya sa kung anong mangyayari sa susunod na taon, hindi ko lang naintindihan), nakaraos din kami.

nakahiga kami sa kama ng ng nagsimula na ang sunod-sunod na vowel sounds kay Sir Leo. giliw na giliw na nagkukwento si sir, at ako naman ay oo lang ng oo... kahit wala ako ni isang naintindihan sa mga sinabi nya.

sa kalagitnaan ng pagkukwento ay tumigil si Sir Leo at tumingin sa akin, kaya sumagot na lang ako.

"ahehehehe... oo nga eh."

tamihik pa ring nakatingin sa akin si Sir Leo, para bang may hinihintay na sagot. ngumiti lang ako.

leo: ah-eeh-o, eh-an-ah-ag-art-ah-ah-gee-gee-ah-su!
bs: ha?
leo: eh-an-ah-ag-art-ah-ah-gee-gee-ah-su!
bs: ...
leo: eeh-art, ah-ur.

ahhh! tinatanong nya pala ako kung kailan ako nag-start sa pagiging masseur! wakanang! ang hirap intindihin! sana may pwede akong pindutin para may lumabas na subtitles habang nag-uusap kami.

sinagot ko ang tanong nya. at tila hindi pa nakuntento, tuloy tuloy pa sa pagkukwento si Sir Leo. dumudugo na ang tenga ko sa inis. pero hindi ako naiinis kay Sir Leo ha (except sa fact na masyado syang madaldal!). naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maintindihan si Sir Leo. natutuwa nga ako sa kanya kasi hindi nya ginagawang hadlang ang kapansanan nya para mabuhay ng normal. ako, eto, wala man lang akong magawang paraan para intindihin sya.

sa kung paanong paraan, natapos ang kwentuhan namin. umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay at naisipan kong magtext kay Sir Leo. humingi ako ng sorry kasi hindi ko naintindihan ang karamihan ng mga sinabi nya. okay lang daw yun, at natuwa pa sya na naisipan kong mag-sorry sa isang bagay na kung tutuusin naman daw ay hindi ko kasalanan.

sana pala kasi nag-dentistry na lang ako nung college ako. para nakakaintindi ako ng salitang puro vowels lang ang ginagamit. or, sana, nag-aral na lang ako sa Poveda, para may kasama na ring sosyal na accent!