11 May 2012

Just Like A Kid

alam mo, okay ka na sana eh... kaso lang, para kang bata.

i always get this. sa mga nagiging clients. sa mga nagiging kaibigan. sa mga nagiging ka-something something. okay na sana ako. mabait. matalino. gwapo. (sa kanila nanggaling yun ha!). malaki ang *bleep bleep*. almost perfect na. kaso parang bata.

may mali ba sa pagiging bata?

madalas kong sinasabi that i am childish and i am proud of it. i can list a million reasons para mapatunayan ang pagiging bata ko. minsan, sinasabi nila... pangit daw yung maging isip bata. pero... pangit nga ba talaga?

* colors amaze me.
* i can sing and dance in public while wearing my headset at wala akong pakialam.
* maikli ang attention span ko, unless i am really interested sa isang bagay.
* ultimate dream at bucket list items ko ang manood ng live na circus, makapunta sa ocean park, spend a day sa museo pambata at planetarium, makapagpapicture kasama ang mga mascot ng disneyland.
* kung ako ang tatanungin, i'd rather spend one whole day sa star city or sa enchanted kingdom kaysa sa mall.
* timezone is my second home.
* mahilig ako sa video games. pwede tayong magkwentuhan tungkol sa family computer at playstation, at di ako mauubusan ng bala!
* i have a huge collection of board games and card games (kahit na wala akong kalaro. sad.)
* kakayanin kong manood ng nickelodeon at disney channel sa maghapon, lalo na kung Phineas and Ferb.
* pag nakakakita ako ng fireworks, napapanganga at napapapalakpak pa rin ako
* i can have fun and make toys out of almost anything (yung lata ng softdrinks, nagiging instant polly pocket pa sa akin minsan)
* i talk to myself... aloud!
* pag stressed ako, pagkain ang pinakamabisang quick fix.
* may mga bagay akong na-a-achieve sa pamamagitan ng pagpapacute.
* pag nagkwento ako, dire-diretso.
* i can go random most of the time, and sa ganung paraan, hindi ako bored.
* and when i get bored, i automatically do something to unbore myself. hindi ko hinahayaan ang sarili ko na bored.
* marami akong energy. mas marami pa sa pinaghalu-halong cobra, sting, gatorade, at robust.
* i still love picking flowers and leaves (mas madalas yung leaves), at pag may nakita akong santan, dinidilaan ko pa rin yung katas nya. matagal na akong hindi nakakakita ng gumamela, pero sa malamang, pag nakakita ako, gagawin ko syang palobo.
* if given the chance, i would love to sing and dance in the rain. kung pwedeng naked, or in briefs, much better.
* hindi ako takot magmukhang tanga, madumihan, mapahiya, mabalahura, or masaktan... kung ang kapalit naman nun ay bliss.
* i tell truths, but i'm also good in telling lies, if lying is the way to save a friend's ass from his mother's alpombra.
* mahilig akong maglambing... sa sobrang lambing, para na akong naglalandi.
* mabilis ako magtampo, pero mabilis din mawala yung tampo ko. this minute, i may be very mad at someone. pero after a few minutes, we're like the best of friends na ulit.
* makulit ako. makulit. makulit. makulit. makulit. makulit.
* kapag sobrang bigat na ng pakiramdam ko (physically or emotionally), i will still end up running to my mum.
* hindi man halata, pero gustong-gusto kong ipinaparamdam sa mga taong mahalaga sa akin kung gaano sila kahalaga.
* hindi ako natatakot i-voice out ang nararamdaman at opinyon ko, pero laging open ang utak at tenga ko sa mga kontrabando
* pag sinabihan akong mali ang isang bagay na ginagawa ko, inuunahan ako ng curiosity ko at itinatanong kung bakit sya mali. hindi lang ako basta sumusunod. pasaway akong bata eh.
* pag sinabi kong gusto ko ang isang bagay... gusto ko sya. pag ayoko na, ayoko na.
* kapag malungkot ang taong gusto ko, gagawin ko lahat lahat at hindi ako titigil hangga't hindi ko sya napapangiti.
* i take things lightly, kasi kapag light lang, mas magaan ang utak ko at ang damdamin ko to make decisions kapag kailangan na.
* pero pag nagsimula na akong magdamdam at magsenti, seryoso na yun. pero ok lang... a few minutes after, okay na ulit ako.
* resilience is one of my best weapons.
* hindi ako nawawalan ng pag-asa. naniniwala kasi ako sa itinuturo nung bata pa. habang may buhay, may pag-asa.
* higit sa lahat... i look at all things in a positive way. minsan, hindi halata, pero i always see the beauty in everything. and i make it a point that i show how much i appreciate it.

napapaisip tuloy ako... matapos kong ilista ang ilan sa mga pruweba ng pagiging isip-bata ko... pangit ba talaga maging isip bata?

9 comments:

  1. dont worry ako din parang bata hehehe...

    I still watch animes (Naruto, Bleach, Fairy Tail, LBX, Final Fantasy Series, etc., minsan nga kahit yung Ogie and the cockroaches pinapanood ko. I Only know channels sa TV, Hero Zone, Cartoon Network, Animax, tsaka Disney Channel), collect action figures (will you believe that I have 2 life size action figure in my room? One is Optimus Prime and the other is the Green Guy Incredible Hulk plus I have a room filled with toys hehehe pero di lahat un binili ko mostly gift sakin. Kahit nga sa office dami ko toys), and my favorite activity ang mag cosplay.

    Everyone has a kid's heart, eto kz ung nagiging outlet natin whenever we are sad or not in the good mood specially when your stressed.

    see there is nothing wrong with it to think that i'm already at my late 20's gingawa ko pa rin ung mga bagay na minention mo sa post mo. It makes me feel young again who cares what others will say basta masaya ako at I dont hurt anyone I will enjoy and do it.

    Sabi nga nila why be sad when life is fully of colors, smile and be happy..... no matter what or who you are now does not mean that you can no longer enjoy what Life has to offer...

    Hope to meet you BS hehehe and I wish we could be good friends.

    Take care dude and keep on writing

    ReplyDelete
  2. Go ahead, be a kid. That 9 year old Peter Pan inside us doesn't really grow old. Phineas and Ferb are my favorites, too.---12th Curator

    ReplyDelete
  3. I think you are not childish at all but child like,someone who has retained his innocence and sense of humor in the midst of inconsiderate and irresponsible adults. Being a kid at heart will keep your balance and sanity as you face the many challenges this life has to offer. So go ahead and let your inner child come out and play.

    ReplyDelete
  4. "ultimate dream at bucket list items ko ang manood ng live na circus, makapunta sa ocean park, spend a day sa museo pambata at planetarium, makapagpapicture kasama ang mga mascot ng disneyland."

    isama mo ako minsan.. hehe..
    -johny (weiwei_242000@yahoo.com)

    ReplyDelete
  5. Second blog post mo to na nabasa ko. I'll try to backread a lot. Pero don't let go of your child-like ways, as long as child-like does not devolve to childish. You go, dude. ^^

    ReplyDelete
  6. It is your power to be child-like, not childish.
    They say we always have the option not to grow up. Karol Wojtyla once said, I am an 83 year old youth.

    Cheers.

    ReplyDelete
  7. After I read all of your blog entries, heto yung blog entry wherein mas naka-relate ako. In fact, eto yung last entry na kakabasa ko lang. I don't care kung ano pa man yun mga naging work at kung ano-ano pa yung mga pinagdaanan mo. After all, what matter most to me are personality and attitude. Believe it or not, kitang kita ko ang sarili ko sa iyo. And seriously, naiyak ako after kong mabasa itong blog entry mo. Dahil marami rin akong pinagdaanan emotionally. But I guess, being childish in some silly ways will always be a part of me. So KUDOS to you! Parabéns pra sua dignidade! Abraços e beijos!

    ReplyDelete
  8. Hey, those traits are cute. :) I think magja-jive tayo real well were we real life friends.

    ReplyDelete